

OFFICAL WEBSITE OF
DARYL MORALES
NEWS & EVENTS
Latest news about Daryl Morales this 2015.
01
SUCCESS OF UHS GROUP
Magmula nang mabuwag ang Horror Stories Tagalog group ay gumawa ng panibagong group si Daryl Morales at pinangalanan niya ito bilang University of Horror Stories na meron na ngayong mahigit 11,000 members at followers. Hindi maitatago ang tagumpay sa group na ito bagamat limang buwan pa lamang itong nagagawa, itinayo ito noong Marso 25, 2015.
02
UHS BER MONTH HORROR STORIES SPECIAL
Sa darating na Ber Month ngayong taon ay nagpe-prepare na si Mr. Morales sa mga short novels na kanyang ihahanda para sa UHS group. Ito ang UHS BER MONTH HORROR STORIES SPECIAL kung saan maglalabas siya ng apat na uwento ng kababalaghan para sa buwan ng "Ber." Wala pa siyang anunsyo tungkol dito pero sigurado na ito ay kanyang itutuloy.
03
CREEPYPASTA SERIES, HIT OR FLOP?
Noong Mayo, nag-anunsyo si Mr. Morales sa UHS na meron daw siyang bagong short story series na pinamagatang Creepypasta Series, mga maikling kuwentong katatakutan na mayroong creepypasta na tema. Ito ay inilimbag sa UHS at kumita ito sa total na libu-libong likes at positive reviews mula sa mga netizens. Ang Season One ng Creepypasta Series ay umabot ng walong episodes. Ang Season Two nito na nakatakdang ilabas sa July ay wala pang kasiguraduhan.
04
COLLEGE LIFE OF DARYL MORALES
​
High School Graduate na si Daryl Morales noong Marso 28, 2015. Isa itong maligayang araw para sa kanya pero ang malungkot dito ay hindi siya nakapag-enrol sa college nitong nakaraang first semester dahil sa financial problem at dahil hindi sila magkasundo ng guardian niya sa kursong gusto niyang kuhanin. Sa second semester pa lamang siya makakapag-enrol dahil noong first semester ay lihim siyang kumuha ng entrance test sa UE at FEU.
05
DARYL MORALES IS WRITING NEW NOVEL
​
Limang buwan din ang lumipas matapos mailabas ang kanyang dalawang successful horror novel na "Mateo Leoron Teodoro" noong December 2014 at "The Haunted" noong February 2015. Ngayong July pa lamang siya muling gagawa ng panibagong nobela at wala pa siyang inaanunsyo tungkol dito sa UHS group. Ang bagong istorya na kanyang gagawin ay pinamagatang "Something Inside."