![](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_b3e03e32796f42e5a262ea228e6f4d7f~mv2_d_2560_1440_s_2.jpg/v1/fill/w_1920,h_1080,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/cb2b58_b3e03e32796f42e5a262ea228e6f4d7f~mv2_d_2560_1440_s_2.jpg)
![](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_781e4eabf3aa4421856ccbcf4f4b18e4~mv2.jpg/v1/fill/w_130,h_137,al_c,q_80,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/cb2b58_781e4eabf3aa4421856ccbcf4f4b18e4~mv2.jpg)
-BIGGEST HORROR SITE IN THE PHILIPPINES-
UNIVERSITY OF HORROR STORIES
![](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_3c670724825d45f38eb5cb29f80877ed~mv2.jpg/v1/fill/w_427,h_422,al_c,q_80,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/cb2b58_3c670724825d45f38eb5cb29f80877ed~mv2.jpg)
THE ANTHEM OF UHS
HAUNTERS NEVER STOP
Written by Jherry Regidor Dominguez
​
H-orror group online na nangunguna sa buong bansa—
A-ng humigit tatlumpung libong miyembro'y patuloy pa sa pagdagsa!
U-maani ng samu't saring pagkilala't parangal;
N-atatanging grupo'y sa maayos na pamamahala'y sadyang bukal!
T-unay ngang mababasa mo rito'y sadyang iba-iba ang timpla:
E-lemento't multo, aswang, kapre't iba pang nilalang ay pinagsama-sama!
R-espeto ng matatalinong mambabasa ay pinapanatili,
S-apagkat sa manunulat, ang dulot nito'y kagalingan at sa ikabubuti.
N-agkakaroon dito ng libreng workshop na ang layunin ay tungo sa pagkakatuto
E-hemplo ito ng isang mabuting lider na ang nais ay magbahagi't makapagturo!
V-iva! Happy Anniversary, University of Horror Stories!
E-mblematiko ng kasiyahan, kagalingan, kaayusang walang kaparis—
R-umaragasa tulad ng tubig sa batis—patuloy lamang ito sa paghagibis!
S-ama-sama, magkapit-bisig tayo mga Haunters sa pag-usbong at paglago!
T-uloy lamang sa pagbabahagi ng kaalaman at kuwento, pakulo't palaro.
O-ras ay tumatakbo, halina't maglakbay, magsikhay...
P-atnubayan nawa tayo ng Poong Maykapal sa lalong ikatatagumpay!
​
This is the official poem/anthem of UHS.