ANONYMOUS (One Shot Story)
PAALALA: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang eksena na maaaring hindi kayanin ng iba habang kanilang binabasa at may mga eksena dito na hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ang kailangan at lawakin ang kaisipan. CHAPTER ONE: The Red Lady NAPAPANSIN ni Yuna na nagiging matamlay na ang pakikitungo sa kanya ng nobyong si Jake. Hindi na ito gaanong nakikipagkita sa kanya at hindi na humahaba ang usapan nila sa mga texts. Napupuna nitong tila tinatamad na ang lalaki sa pakikipag-usap sa kanya. Dahil sa nangyayari ay parang gusto na niyang maniwala sa sinabi sa kanya ng mga kaibigan na may iba nang babae ang nobyo niya. Para makatiyak kung ito’y may katotohanan, isang gabi ay lihim niyang ipinagtanong sa mga kabarkada ni Jake kung nasaan ito ngayon. Nang makakuha na siya ng impormasyon kung saan ito makikita ay agad siyang umalis gamit ang kanyang kotse. Natunton niya ito sa bahay ng isa pa nitong kabarkada. Nakita niya kung paano makipagharutan si Jake sa isang babaeng higit na maganda at sexy sa kanya. Kasama rin nila ang iba pang mga barkada ni Jake at lahat sila ay nag-iinuman. Ang iba’y nagkakantahan pa sa videoke. Bahagya niyang binuksan ang bintana ng kotse para marinig ang usapan ng mga ito. Nasaktan siya sa kanyang narinig. “Happy birthday, babe!” Sabay halik ni Jake sa babaeng katabi. Humawak naman ang babae sa dibdib ng lalaki at kumalong ito. Tigas na tigas si Jake habang nakakalong sa kanya ang babae. Nararamdaman naman ng babae ang ‘bagay’ na tumitigas kay Jake pero gustong-gusto pa nitong daganan iyon. Kulang na lang ay iyugyog na ng babae ang sarili sa katawan ng lalaki. Agad na isinara ni Yuna ang bintana ng kotse at agad umalis. Dahil sa labis na sama ng loob niya ay napahinto siya ng pagmamaneho sa gitna ng kalsada. Lumabas siya at humagulgol ng iyak. Hinubad niya ang suot na kuwintas at bracelet na iniregalo sa kanya ni Jake noong nakaraang birthday niya. Inihagis niya ito sa malayong-malayo saka siya napaluhod at napasandal sa pintuan ng kotse niya. Parang biniyak ang puso niya sa nakita kanina. Gusto niyang gantihan si Jake. Gusto niyang masaktan ito sa isang paraan na hindi nito kakayanin, subalit hindi niya alam kung papaano sisimulan. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at hindi na alintana sa kanya na may paparating na sasakyan pero tila napansin din yata siya ng driver ng kotseng iyon. Huminto ito sa harapan niya at mula sa pulang kotse ay bumaba ang isang matangkad na babae. Kulot ang mahaba nitong buhok, nakasuot ng makintab na pulang damit at maiksing short na kulay itim. Pula rin ang kulay ng doll shoes nito at makapal ang pulang lipstick. Namumula ang magkabilang pisngi nito sa kapal ng makeup. “Pasensiya na sa abala, Miss. Pero bakit ka umiiyak dito sa gitna ng daan?” malumanay na tanong ng babae. Agad na tumigil at pinigil ni Yuna ang pag-iyak at mabilis na sumagot sa babae kahit na medyo nauutal pa ito sa kakaiyak. “Ni-niloko niya a-ako…” Hindi napigilan ni Yuna ang sarili na umiyak muli. Labis siyang nasaktan sa pagtataksil ng nobyo. Nakatitig ng malalim at makahulugan ang babae kay Yuna. Tila nababasa nito ang nasa isip ng dalaga. Ramdam nito ang hapdi at kirot na nararamdaman ng isang sawi sa pag-ibig. “Gusto mo bang makaganti?” Natigilan si Yuna sa narinig. Pinigil niya ang pag-iyak at siningot ang tumutulong sipon sa kanyang ilong. “P-paano? Sino ka ba?” Napabuntunghininga ang nakapulang babae. “Tawagin mo na lang ako sa pangalang Red Lady. Kung tama nga ang iniisip ko na baka tungkol sa lalaki o sa pag-ibig ang problema mo, matutulungan kitang makaganti, kung gusto mo lang.” Tumayo si Yuna at tumitig sa babae. Tila nakatagpo siya ng kakampi. “Gusto ko siyang pahirapan! Gusto ko siyang masaktan sa isang paraan na hindi niya matitiis. Pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon dahil babae lang ako, lalaki siya.” Ngumiti na parang demonyo si Red Lady. “Kung talagang desidido kang gumanti sa kanya, matutulungan kita. Gaganti tayo sa nanloko sa ‘yo. Pahihirapan natin siya hanggang sa kanyang huling hininga.” “Pero sino ka ba talaga? Bakit mo ako gustong tulungan? Kilala mo ba ako? Nagkita na ba tayo?” kunot noong tanong ni Yuna. “Ngayon pa lang tayo nagkita. Saka ko na lang ipapaliwanag ang lahat sa iyo. Ang gusto ko munang malaman ay kung talagang gusto mong gumanti.” “Hindi ako tatanggi sa ‘yo. Sabihin mo nga sa akin, paano mo ‘ko matutulungan?” Tumingin sa malayo si Red Lady at muling ngumiti na parang demonyo. Nang mga oras ding iyon ay sinabi nito ang kanilang plano na gagawin… KINABUKASAN ay binuksan ni Yuna ang desktop niya at tinignan ang nakasulat na instruction sa isang papel kung paano pasukin ang deep web na naglalaman ng mga hidden websites na hindi makikita sa google o kahit saang mga search engine. Nang matapos na niya ang lahat ng proseso para makapag-access sa deep web ay hinanap niya ang isang website na nakasulat sa papel. Ang The Anonymous Killers website. Ang website na iyon ay sumbungan ng mga taong merong gustong ipapatay na kapwa tao. Nagpadala siya ng mensahe sa mga ito at ikinuwento niya ang pinagsamahan nila ni Jake noon at ang pagtataksil na ginawa nito sa kanya. Matapos maipadala ang mensahe ay agad na lumitaw ang response message na, “your message has been sent.” Naghari sa katauhan ni Yuna ang pagkauhaw sa paghihiganti kaya hindi na niya inisip ang mga panganib na maaaring maidulot nito sa nobyo niyang si Jake. Balewala na rin naman ito sa kanya dahil siya rin naman ang may gusto nito. Gusto niyang makaganti kay Jake kaya wala na siyang pakialam kahit ano pa ang mangyari sa lalaki. Magiging masaya lang muli siya at mapapanatag ang loob kapag nakita niyang naghihirap na si Jake. Ngumiti na parang demonyo si Yuna at napatitig sa picture frame nila ni Jake na naka-display sa tabi ng desktop niya. Kinuha niya ang picture frame at inihagis sa pader. Nabasag ito. GABI. Pagkatapos maligo ni Jake ay nagpatuyo na siya ng katawan at nagtapis ng tuwalya pagkatapos ay nagsipilyo siya sa harap ng salamin sa banyo. Mula sa labas ng kanyang bahay ay merong isang kulay hellish na van na huminto sa harapan ng gate. Lumabas mula roon ang mga kalalakihang nakasuot ng hooded black jacket at natatakpan ang mukha ng mga ito ng pang anonymous na maskara. Madali silang nakapasok sa loob ng bahay dahil hindi pa ito nakakandado. Pagkatapos kasi maligo ni Jake ay pupuntahan pa niya ang girlfriend niya dahil may date sila nito kaya naghahanda pa lang siya ng mga sandaling iyon para magbihis. Nang makapasok na ang grupo ng mga anonymous sa loob ay naghiwa-hiwalay ang mga ito para hanapin ang lalaki. Ang dalawa ay nagpunta sa kuwarto, ang tatlo ay nagpunta sa kusina, ang dalawa ay nagpunta sa likod ng bahay. At ang natitirang tatlong katao ang nakatagpo kung nasaan si Jake. Narinig nila ang kilos nito sa loob ng banyo. Laking gulat ni Jake nang biglang sipain at pasukin ng mga ito ang banyo at tinutukan siya ng baril at patalim. Nabitawan ni Jake ang hawak na sipilyo sa pagkagulat. Binigyan muna ng mga anonymous ng pagkakataon para makapagmumog ng bibig si Jake pagkatapos ay agad nila itong nilapitan at pinagtulungang hawakan ng mahigpit. Pilit na nagpupumiglas si Jake pero hindi niya kaya ang lakas ng mga ito. Nagsisigaw siya at humingi ng saklolo pero tinutukan siya ng baril sa ulo ng isa. Natahimik na lamang siya, hilakbot na hilakbot. Parang gusto niyang umiyak pero walang luhang lumabas sa kanyang mga mata. Takot at gimbal ang naghari sa kanyang puso’t isipan. Sumenyas ang isang anonymous sa iba pa nilang mga kasama na kailangan na nilang umalis kaagad. Sabay-sabay na nagsilabasan ang mga ito at bahagyang tinakpan pa nila si Jake habang hawak-hawak nila ito. Nang makalabas na ay isinara ng isa ang gate at agad ipinasok si Jake sa loob ng van saka pinosasan ang mga kamay upang hindi ito makapaglaban. Nang makaalis na ang van ay saka pa lang hinayaan ng mga ito na makapagsalita si Jake. “Parang awa n’yo na. Ibalik n’yo na ako. Huwag n’yo akong sasaktan!” halos sigawan ni Jake ang mga ito. “Mga putang ina n’yo sino ba kayo?! Bakit n’yo ‘ko dinakip?!” halos tumalsik pa ang laway ni Jake sa kakasigaw. Humarap sa kanya ang lalaking nagmamaneho at nag “fuck you” hand sign ito sa kanya. Lalong nainsulto si Jake. Tila wala ni isa man sa mga ito ang balak na magsalita. Kahit hagikgik o kaunting boses ay wala siyang marinig sa mga ito. Pero pakiramdam niya’y tila pinagtatawanan siya ng mga ito. Silent laugh. Hiyang-hiya tuloy si Jake dahil hindi man lang siya nakapagbihis. Tanging ang puting tuwalya lamang na nakatapis sa kanya ang nagsisilbing pantakip sa hubad niyang katawan. Kitang-kita ang batu-bato niyang katawan. Nilabanan niya ang takot. Walang mangyayari kung magpapadala siya sa takot kaya imbes na magmakaawa sa mga ito ay nagwala siya sa loob ng van. Pinagtatadyak niya ang paa ng mga katabi at siniko-siko niya ang mga ito. “Putang ina n’yo! Kapag nakawala ako rito mata lang ang walang pasa sa inyo! Babalatan ko kayo ng buhay mga gago kayo! Pakawalan n’yo ‘ko!!!” Palaban si Jake. Halos ilabas niya ang lahat ng lakas niya para lang makalag ang posas sa kanyang mga kamay subalit bigo siyang makawala. Pinabayaan lamang siyang magwala ng mga ito dahil alam naman nilang lahat na hindi ito makakatakas. Nauwi sa wala ang pagwawala ni Jake. Hanggang sa makarating na lang sila sa secret house ng mga ito sa isang madilim at abandonadong lugar ay hindi siya tumigil sa pagwawala. Pagkaparada ng sasakyan sa garahe ay bumaba na ang mga anonymous. Dahil ayaw pa rin tumigil ni Jake sa pagwawala at pagmumura ay tinutukan nila ito ng baril. Napahinga ng malalim si Jake. Wala siyang nagawa kundi ang tumigil sa pagwawala at manahimik dahil baka barilin siya ng mga ito. Muling naghari ang takot sa kanyang dibdib. Hinawakan siya ng isa sa braso at hinila palabas ng sasakyan. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas at sumunod sa mga ito dahil idinikit ng lalaking iyon sa kanyang ulo ang ulo ng baril. Pagkapasok sa loob ay binuksan ng isang lalaki ang pintuan pababa sa basement nila sa ilalim ng bahay. Malapit iyon sa pintuan ng kusina. Pagkabukas ng ilaw sa basement ay bumaba silang lahat doon. Napakalawak ng basement. Parang salas din ito na punong-puno ng mga gamit sa paligid. Lalong kinabahan si Jake nang makita ang mga natuyong dugo sa sahig at mga dingding. Punong-puno ng sapot ang mga kisame at dinig na dinig niya ang boses ng mga malalaking mga daga. At mula sa paligid ay makikita ang mga matatalim na gunting, kutsilyo, itak maliliit na mga patalim, baril, lagari, martilyo, flies, at iba’t ibang mga makina at kasangkapan na kanilang ginagamit sa pagpatay. Doon na humina ang loob ni Jake at muli siyang nagmakaawa sa mga ito. “A-ano ‘to? B-bakit maraming dugo sa sahig? P-papatayin n’yo ba a-ako…?” mangiyak-ngiyak niyang tanong. Hindi tumugon ang mga anonymous. Inihiga nila sa isang bakal na higaan si Jake at tinanggal ang posas nito sa mga kamay pagkatapos ay itinali siya roon mula kamay hanggang paa para hindi siya makabangon o makapaglaban pa. Sa mga sandaling iyon, tanikala naman ang ginamit na pangtali sa kanya. Hindi siya makakilos ng maayos dahil mahigpit masyado ang pagkakagapos ng mga tanikala sa kanyang mga kamay at paa. Sunod ay tinanggal ng mga ito ang nakatapis na tuwalya sa kanya. Napasigaw siya sa takot at kahihiyan. Kitang-kita na ngayon ang hubad niyang katawan. “Putang ina n’yo! Ibalik n’yo ang tapis koooo!!!” Nakuha pang magmura ni Jake sa kabila ng takot at kahihiyan na nararamdaman niya ng mga sandaling nakagapos na siya ay hubad pa ang buo niyang katawan. Kitang-kita pati ang mga maseselang bahagi ng kanyang katawan. CHAPTER TWO: Brutalism NANG gabing iyon ay nakahiga si Yuna sa sofa. Habang siya’y nagrerelax ay tinawagan niya si Red Lady para kamustahin ang plano nilang dalawa. “Hello, Red Lady? Nasaan na si Jake?” Agad na tumugon si Red Lady. “Magpakasaya ka na, Yuna. Dahil hawak na siya ng mga kaibigan ko. At malamang sa mga oras na ito ay kasalukuyan na nilang ginagawa ang plano. Baka sa mga sumunod na araw ay ipapadala ko na lang sa email mo ang balita kay Jake.” “Very good! Gusto kong kunan n’yo ng litrato si Jake kung paano siya pahihirapan ng mga kaibigan mo. Gusto kong makita ang mukha niya habang pinapatay siya. Siguraduhin n’yo lang na magtatagumpay kayo, ha? Kilala ko si Jake. Matapang siya at palaban. Baka maisahan kayo n’yan.” “Don’t worry, Yuna. Never pa kaming pumalpak kaya sinisigurado ko na sa impiyerno ang diretso niya.” “I’ll mark your word.” Ibinaba na ni Yuna ang cellphone at napangiti na parang demonyo habang nakatingin sa malayo. Sa oras na magtagumpay siya sa plano na ipapatay sa isang malagim na paraan si Jake, wala nang tao na mas sasaya pa sa kanya. Isang mabait na babae si Yuna, pero sa oras na magalit siya, wala siyang patawad at masama siyang kalaban. SISIMULAN na ng mga anonymous killers ang kanilang gagawin kay Jake. Ipapatikim na nila sa lalaki ang pinakamasakit at pinakamasaklap na kalbaryo na kahit sa bangungot ay tiyak na hindi gugustuhing danasin ng kahit na sinuman. Kumuha ng flies ang isang anonymous at nilapitan siya. Habol ni Jake ang hininga habang sumisigaw siya at nagmamakaawa. “Maawa kayo sa akin… Ayoko pang mamatay!” Ibig na niyang maiyak nang mga sandaling nilapitan siya ng lalaking anonymous at hinawakan ang kanyang mga kamay na nakatali sa uluhan ng higaan. “H-huwag… Huwag… Huwaaaaaag!!!” Parang babae na nagtitili si Jake nang baklasin ng lalaki ang kanyang mga kuko sa pamamagitan ng flies. Sobrang sakit, sobrang hapdi, patong-patong na kirot ang nararamdaman niya. Dahil hindi siya makakilos sa higpit ng pagkakatali sa kanyang mga kamay at mga paa ay sa sigaw na lamang niya ibinuhos ang lahat ng nararamdaman niyang sakit. Nang mabaklas na ang mga kuko niya sa kamay ay ang mga kuko naman niya sa paa ang sunod na binaklas. Walang nagawa si Jake kundi ang sumigaw ng sumigaw. Habang pinapatay siya ay merong tagakuha ng litrato sa kanya. Mas masasaktan si Jake sa susunod na mga eksena. Kumuha ang lalaki ng isang malaking karayom at itinusok ito sa labasan ng ihi ng kanyang ari. Dumugo iyon. Walang tigil na pagdurugo. Ibinaon pa ng lalaki ang karayom sa butas ng kanyang ari hanggang sa tuluyan itong naipasok sa loob. “Hooooooooohhh!!! Aaaaaaaaaahhh!!!!” Nanginig ang buong katawan ni Jake sa labis na kirot na naramdaman. Halos tumirik ang mga mata niya sa sakit. Kulang na lang ay gumuho ang pader sa lakas ng sigaw niya. Doon na siya naiyak. Umiyak na parang sanggol, at tumili na parang babae. Tila nabingi at nainis ang lalaki sa kakasigaw niya kaya kumuha naman ito ng kutsilyo at hinawakan ng mabuti ang bibig niya. Lumapit pa ang isang lalaki at ibinuka ang bibig ni Jake pagkatapos ay tinabas nito ang kanyang dila sa pamamagitan ng matalim na kutsilyong iyon. Putol ang dila niya. Umapaw ang dugo sa kanyang bibig. Tumulo ito hanggang sa leeg niya. Hindi na makakapagsalita ng maayos si Jake dahil wala na siyang dila. Hindi na rin niya malasahan ang dugo na lumabas mula sa bibig niya. Tanging kirot, hapdi, at sakit na lamang ang nalalasahan o nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. May kasama nang hingal ang sigaw ni Jake dahil nanghihina na siya. Pakiramdam niya’y hindi na siya magtatagal pa. Dalangin niya na sana ay malagutan na siya agad ng hininga para hindi na niya maramdaman ang hirap at pasakit na dinadanas niya ngayon. Muli na naman siyang kinunan ng litrato ng malapitan. Iba’t ibang anggulo. Capture dito, capture doon. Nanginginig ang buong katawan ni Jake. Pati kaluluwa yata niya ay nanginig sa sobrang sakit ng mga ginawa sa kanya. Nanuot hanggang buto ang nararamdaman niyang hapdi at kirot. Ang sunod na ginawa ng lalaki sa kanya ay tinahi ang talukap ng kanyang mga mata para manatili itong nakabuka. Bawat tusok ng karayom ay napapatili si Jake. Bawat gapang ng sinulid sa talukap ng kanyang mga mata ay napapahiyaw siya. Halos maubusan na siya ng boses sa lakas at haba ng kanyang pagsigaw. Pagkatapos matahi ang talukap ng kanyang mga mata ay para na siyang si Jeff The Killer na nakadilat at hindi na maisasara ang mga mata. Kahit pagkurap ay hindi na niya magagawa. Pagkatapos ng eksenang iyon ay inilabas ng ibang mga kalalakihan ang isang malaki, mahaba, at matibay nilang sampayan na yari sa bakal. Kinalag na nila si Jake at doon siya sa sampayan itinali. Para siyang baboy na inikot-ikot ng mga kalalakihan sa sampayan. Tumulo ang mga dugo sa kanyang bibig, ari, mata, at mga daliring walang kuko. Nagkalat ang dugo sa sahig. Hindi pa tapos ang kalbaryo niya. Inilabas ng lalaking nagsasagawa ng parusa ang lighter nito at itinapat sa dilat niyang mga mata. Pagkasindi nito sa lighter ay lumabas ang apoy at sentrong tumama sa mga mata niya. Maanghang iyon sa mga mata at mahapdi. Tumatalamsik pa ang dugo sa kanyang mga mata na parang piniprito. Doon na ibinuga lahat ni Jake ang natitirang boses niya para sumigaw dahil sa sakit. Nanginig ang buong katawan niya, hanggang kalamnan. Nagwawala ang puso niya dahil sa lakas ng pintig nito na parang gusto nang sumabog kasama ng kanyang utak. Nagdilim ang paningin niya, nabulag na siya. Sunog na ang mga mata niya. Nangitim ang mga ito at nalusaw. Tumulo ang tila kulay dilaw ng itlog sa mga mata niyang nalusaw sa init ng apoy na nagmumula sa lighter. Muli na naman siyang kinunan ng litrato. Whole body, side view, at back view. Hinang-hina na si Jake. Ilang sandali lang ay babawian na siya ng buhay. Kinalag siya sa sampayan at dinala sa isang machine room sa dulo. Inihagis siya doon kasama ng mga bangkay na bagong katay lamang. Pagkasara ng bakal na pintuan ng machine room ay merong pinindot na buton ang lalaki sa switch nito na nakadikit malapit sa pintuan pagkatapos ay nagliyab ang loob at buong paligid ng machine room. Nasunog at naluto ng buhay si Jake. Doon na siya binawian ng buhay. Tapos na ang paghihirap niya. Umilaw ng kulay pula ang buton na pinindot ng lalaki kanina, palatandaan iyon na kasalukuyan pang umaapoy ang loob ng machine room. Pagkalipas ng limang minuto ay naging kulay berde na ito. Palatandaan na huminto na ang apoy sa loob. Muling binuksan ng lalaki ang machine room. Lumabas at sumingaw ang amoy ng makakapal na usok na galing sa loob. Napakabaho ng amoy. Parang pinaghalong nabubulok na daga at nabubulok na tae. Hindi na gaanong nabahuan ang mga anonymous killers dahil sa kapal ng maskara na suot nila. Pumasok ang anonymous na photographer at kinuhanan ng litrato ang sunog na bangkay ni Jake. Kalahati ng katawan nito ay nalusaw at halos litaw na ang kalansay, habang ang ibang parte ng balat nito ay naging kulay uling. CHAPTER THREE: Yuna’s Father PAGKALIPAS ng isang linggo ay pinadalhan ng mga anonymous killers ng isang mensahe na may attachment si Yuna. Agad siyang tinext ni Red Lady at sinabi nito na kapapadala lamang sa kanya ngayon ng mga litrato na hinihingi niya kaya agad na binuksan ni Yuna ang computer niya sa kuwarto at binuksan ang Yahoo account niya. Pagka-open niya sa attachment ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Ibig bumaligtad ng kanyang sikmura nang makita ang kalunos-lunos na bangkay ni Jake. Ganoon pala katindi pumatay ang mga anonymous killers na inirekomenda sa kanya ni Red Lady galing sa deep web. Ang akala niya’y mga halimaw lamang ang makakagawa ng mga ganoong klaseng pagpatay. Pero nagkamali siya. Itinurin niyang ‘halimaw’ ang deep web dahil sa nangyari kay Jake. Ang ibang mga larawan ay ipinapakita ang mga nabaklas na kuko ni Jake. Ang ibang mga larawan naman ay ipinapakita ang karayom na nakatusok at nakabaon sa butas ng ari ng lalaki. Ang iba namang mga larawan ay ipinakita ang pagtabas sa kanyang dila, pagtahi sa kanyang mga mata, pagsabit sa kanya sa bakal na sampayan, ang pagsunog sa mga mata nito, pati ang sunog na bangkay nito sa loob ng machine room. Ibig masuka ni Yuna sa nakita. Agad niyang ini-ekis ang tab na iyon para maglaho agad sa paningin niya ang nakasisindak na mga litrato ni Jake. Ngayon ay napatunayan na niya sa sarili kung bakit kinakatakutan ng marami ang deep web. Dahil ang nakikinabang at bumibisita lamang dito ay mga masasamang tao at mga sindikato. Iyon ang website ng kasamaan. Lahat ng mga bagay na hindi maaaring makita ng isang pangkaraniwang tao ay makikita doon. MAKALIPAS lamang ng ilang mga linggo ay muling pinasok ni Yuna ang Deep Web. Muli niyang hinanap ang website ng mga anonymous killers at muli siyang nagpadala ng mensahe sa mga ito. Meron na naman siyang nais na ipapatay. Walang iba kundi ang kanyang ama na nasa Maynila na ngayon kasama ng kabit nito. Malaki ang galit niya sa ama niyang si Joel dahil namatay ang kanyang ina noon sa atake sa puso dahil sa ginawang pag-iwan sa kanila ng taksil niyang ama. At nang pumanaw na ang ina niyang si Fatima ay nagtangka pa siyang halayin ng walang puso niyang ama kaya nang maglayas ito sa kanila ay hindi na niya ito pinigilan pa. Nasanay na ngayon si Yuna na namumuhay ng walang mga magulang. Matagal na niyang gustong gantihan ang ama niya noon pa man at ito na ang tamang pagkakataon niya para gawin iyon. Ibinigay niya ang litrato ng ama niya na nakuha niya sa facebook, pati ang address nito at contact number na nakalagay sa account nito ay kanyang ibinigay pagkatapos ay agad niyang ini-send sa mga anonymous killers. “Your message has been sent.” Muli siyang ngumiti na parang demonyita. Makakatikim na ng parusa ang ama niyang si Joel. Pagkatapos ng limang taon na iniwan siya nito, ngayon ay magwawakas na ang mga natitirang kaligayahan nito. NANG gabing iyon ay kasalukuyang nagdi-date si Joel kasama ng pangalawang asawa nitong si Annabelle. Lahat ng gustuhin ng babae ay naibibigay ni Joel dahil mayaman na ito ngayon. Katunayan, noong pinagtangkaan niyang halayin ang sarili niyang anak na si Yuna ay biglang pumasok sa isip niya ang natitirang pera at kayamanan ng pumanaw na asawa niyang si Fatima. Hindi niya itunuloy ang panghahalay sa kanyang anak na babae. Kinuha niya ang nalalabing pera ng namatay na asawa, pati mga mamahaling alahas nito ay kinuha niya at itinakas. Hindi nagkaroon ng lakas ng loob na magsumbong si Yuna sa mga pulis. Napanghinaan siya ng loob at napangunahan ng takot kung kaya’t hinayaan na lamang niya na makatas ang ama niya. Ang mahalga ay hindi siya nito tuluyang ginahasa. Magmula noon, wala nang balita si Yuna sa ama niya. Wala na itong kaalam-alam na mayaman na si Joel ngayon at nagpapakasarap na lang sa buhay sa Maynila kasama ng kabit nito. At ngayon, si Joel naman ang walang kamalay-malay na magwawakas na ang kaligayahan niya. Dahil nang mabasa ng mga anonymous killers ang bagong mensahe na ipinadala sa kanila ni Yuna ay agad silang kumilos para hanapin at i-trace kung nasaan ngayon si Joel. Dahil sa hasa ng mga ito sa paggamit ng computer at sa pagkalikot ng mga sistema sa internet at programming ay na-trace nila kung nasaan ngayon ang lalaki. Nasa Luneta Park ito ngayon kasama ng kabit nito. Mabilis na nagsilabasan ang mga anonymous killers at sumakay sila sa van nila. Pupuntahan nila ang Luneta Park para isakatuparan ang kanilang misyon na patayin ang dapat na patayin. “Sweetie, gusto ko nang magkaanak tayo,” anang babae sa kanya at umakbay ito sa kanya. Ipinatong naman ni Joel ang kamay niya sa mapuputing hita ni Annabelle at inakbayan din niya ito. “Gusto mo uwi na tayo? Gusto na kitang anakan, eh. Sabik na sabik na ako sa ‘yo.” Lihim na hinalikan ni Joel ang makinis na braso ni Anabelle, sinigurado niyang walang makakapansin sa kanila. Tumawa ang babae at hinipo ang matangos at mabuhok na ilong ni Joel. “Sige tara na!” Pagkatayo nilang dalawa ay tinungo nila ang kanilang kotse at sumakay doon para umuwi. Habang nagmamaneho si Joel sa kalagitnaan ng madilim na daan ay panay naman ang halik, hipo, at romansa sa kanya ni Annabelle. Dahil sa labis na pagkasabik ni Joel ay inihinto na niya ang kotse sa gitna ng kalsada at hindi na niya napigilan ang sarili na romansahin na rin si babae. Naghalikan sila sa loob ng kotse. Ngunit agad din silang natigilan nang may mapansin silang sasakyan na paparating sa likuran nila. Bago pa man mapaandar muli ni Joel ang kotse ay bigla na lang may sumulpot na van sa harapan nila. Bumaba mula roon ang mga anonymous at ang isa sa kanila ay nilapitan ang pintuan ng kotse. “S-sweetie… Natatakot ako!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Annabelle habang nakayakap kay Joel. Inutusan ng lalaki na buksan ang kabilang pintuan ng sasakyan na katabi ni Annabelle sa kinauupuan nito. Pagkabukas niya ay doon lumabas ang dalawa at tumakbo. Hinabol sila ng mga anonymous. Ang isa ay naghitsa ng isang matalim na flying saucer at ang tinamaan dito ay si Annabelle. Napugot ang ulo nito. Pagkabagsak ng ulo nito sa lupa ay sumunod na bumagsak ang katawan nito. Nanginig, nangisay. Napasigaw at napaiyak si Joel sa pagkabigla. Di siya makapaniwalang mangyayari iyon sa babae. “Annabeeeeeeeeeelle!!!” Wala na siyang nagawa kundi ang lumuhod at yumuko sa lupa. Sa labis niyang takot na mapugutan ng ulo ay hindi na niya naisipang maglaban pa kaya hindi na nahirapan ang mga anonymous na dakpin si Joel. Nang maisakay na ito sa kanilang van ay agad nang umalis ang mga ito. Naiwan sa gitna ng kalsada ang kotse ni Joel pati ang headless na bangkay ni Annabelle. Pagkabalik sa basement ay hinubaran ng mga anonymous si Joel. Tinanggal ang lahat ng mga suot niya. Ang kanyang t-shirt, pantalon, brief, pati ang suot nitong kuwintas at relo ay tinanggal din sa kanya pagkatapos ay pinosasan siya mula sa mga kamay hanggang sa mga paa. Parang bata na humahagulgol ng iyak si Joel dahil sa labis na takot niya. Matapang lamang siya kapag bata o duwag ang kaharap niya. Pero kapag mas matapang sa kanya, siya ang nagiging bata sa pagkaduwag. “Ano’ng gagawin n’yo sa akin? Mga boss pakawalan n’yo na ako parang awa n’yo na… Magkano ba ang gusto n’yo? Lahat ng pera ko ibibigay ko sa inyo pakawalan n’yo lang ako, please!” Iiyak-iyak niyang sabi habang kaliwa’t kanang lingon ng lingon sa mga lalaking nakahawak ng mahigpit sa kanya. Tuloy-tuloy lang sa paglakad ang mga lalaking iyon, tila hindi siya naririnig. Agad nilang binuksan ang machine room at ipinasok siya doon pagkatapos ay agad nila itong isinara. Pagkasara ng metal na pintuan ay dumilim ang paligid. Halos walang makita si Joel sa loob, pero may naaamoy siyang mabaho. Nabubulok. Isang masangsang na amoy. “Tulooooong!!! Tulooooong!!!” Tila sinasakal siya at tinatakpan ang kanyang ilong sa sobrang baho. Halos hindi na siya makahinga o makapagsalita kaya agad siyang nahinto sa pagsigaw at tinakpan ang kanyang ilong. Hindi na niya magawang huminga para lang hindi maamoy ang baho. Walang pinalampas na oras ang mga anonymous. Agad nilang pinindot ang buton na magpapaliyab sa loob ng machine room. Pagkaliyab ng loob nito ay nagsisigaw si Joel sa sobrang init at sakit na nararamdaman niya mula sa init ng apoy. Dahil sa kakaunting liwanag na dulot ng apoy ay medyo naaninag niya ang laman ng kuwartong iyon. Sa nagdidilim niyang diwa ay nakita niya ang mga sunog na bangkay na naroroon. Pati ang kalunos-lunos na bangkay ng isang lalaki na hindi niya kilala na si Jake, ang naging nobyo noong ng anak niyang si Yuna. Sunog na nga, susunugin pang muli. At kasama nang masusunog doon si Joel. CHAPTER FOUR: How The Anonymous Was Created MAYAMAYA ay may dumating na bisita ang mga anonymous sa kanilang basement. Lumapit ito sa kanila. Nilapitan naman ito ng lalaking nagsagawa ng parusa kina Jake at Joel. “Nagawa n’yo ba ang ipinag-uutos ko?” tanong ng bisita. Ang bisitang ito ay walang iba kundi si Yuna. Tumango ang lalaki sa kanya, nangangahulugan na matagumpay nilang naisagawa ang kanilang mga plano. “Very good! Ito na nga pala ‘yung pinangako ko sa inyo na kabayaran sa mga ipinag-utos ko. Bilangin n’yo para makasigurado kayong hindi kulang iyan.” Iniabot ni Yuna ang isang envelope na naglalaman ng pera na ipambabayad nito sa pag-utos nito na ipapatay sina Jake at Joel. Binilang iyon ng lalaki. Kumpleto. Walang kulang. Ito ay nagkakahalaga ng fifteen thousand pesos. Ang sampung libo ay para sa ginawang pagpatay kay Jake dahil brutal ang ginawa nilang pagpaslang dito. Samantalang kay Joel naman ay limang libo lang dahil hindi naman ito gaanong pinahirapan. Direct to the point na ang pagpaslang dito. Pagkatapos mabilang ang pera ay ipinatong ng lalaki ang envelope sa mesa at hinubad nito ang suot na maskara. Tumambad sa harapan ni Yuna ang napakagandang mukha ni Red Lady. Sunod na hinubad ng iba pang mga anonymous ang kani-kanilang mga maskara. Puro babae ang mga ito. Mga matatapang na mga babae. Babae pala ang lahat ng mga bumubuo sa deep web site na “The Anonymous Killers” pero hindi na bago iyon kay Yuna. Isa kasi sa mga mahigpit na bilin sa kanya ni Red Lady noong una silang magkita ay huwag na huwag ipagsasabi ang tunay nilang pagkatao sa likod ng soot nilang mga maskara. “Yuna, nagtataka lang ako. Bakit pala hindi mo ipinapatay sa malagim na paraan ang taksil mong ama? Kung pinagtangkaan ka niyang halayin dati, sana hinayaan mo na lang kaming gawin sa kanya ‘yung ginawa namin sa taksil mong boyfriend na si Jake. Mas deserve siguro ni Papa Joel mo iyon.” Tataas-taas pa ang kilay ni Redy Lady. Ngumiti naman si Yuna na parang demonyita saka ito tumugon, “ayoko naman kasing pahirapan pang masyado ang aking ama. Tatay ko pa rin naman siya kahit papaano kaya okay na ‘yung sinunog n’yo siya ng buhay. Ang mahalaga ay nakaganti na ako,” paliwanag ni Yuna. “Well if you say so.” Sambit ni Red Lady sabay halik sa labi ni Yuna. Bahagyang nabigla doon ang dalaga. Hindi niya in-expect na hahalikan siya ng kapwa niyang babae. Napaatras siya at napatitig ng husto kay Red Lady. Hindi maitatago sa mga mata ng dalaga ang pagtataka kung bakit siya hinalikan ni Red Lady sa labi. “Oops!” pagpipigil ni Red Lady kay Yuna na makapagsalita. Hinawakan niya ang mga labi nito sa pamamagitan ng hintuturo niyang daliri. “Huwag mo nang bigyan ng malisya iyon. Dito sa amin wala na iyong malisya.” Paglingon ni Red Lady sa mga kapwa anonymous ay napalingon din si Yuna. Nakita niya ang iba pang mga babaeng naghahalikan ng harap-harapan. Ang iba ay naghihipuan at nagsisipsipan pa ng mga dibdib. Minabuti ni Yuna na manahimik na lamang saka ngumiti. Dedma na lamang siya doon. Ang mahalaga ay panatag na ang loob niya. Nakaganti na siya kay Jake at sa taksil niyang ama na si Joel. LIMANG taon na ang nakalilipas, nagtipon-tipon ang lahat ng mga kababaihang Pilipino na pawang mga sawi sa pag-ibig at bumuo sila ng isang grupo na gagamitin nila para gantihan ang lahat ng mga manlolokong lalaki sa buong bansa. Ang kanilang website sa deep web na pinamagatang “The Anonymous Killers” ay isang grupo ng mga kababaihang niloko, pinaasa, at pinagtangkaang halayin o gahasain ng ilang mga kalalakihan. Ang misyon nila sa bansa ay patayin ang mga manlolokong mga lalaki sa isang malagim at masakit na paraan para maramdaman ng mga ito kung gaano katindi ang sakit na nararamdaman ng isang babae kapag ito ay iniiwan o niloloko ng kanilang mga kasintahan o asawa. Bago nila mabuo ang grupong “Anonymous Killers” sa deep web ay gumawa sila ng isang protesta at nagparada sila sa iba’t ibang panig ng pilipinas habang nakasuot ng anonymous mask upang maprotektahan ang tunay nilang mga pagkatao at pagmumukha. “Ipaglalaban namin ang karapatan ng mga kababaihan!” “Dahil hindi kaya ng mga nanunungkulan na sugpuin ang lahat ng mga kalalakihang mahahaba ang sungay ay kami na mismo ang susugpo sa mga ito! Hindi kami makapapayag na palaging mga lalaki ang nananakit sa amin!” “Matitikman ninyo kung gaano kalupit ang mga kababaihan kapag sila ay gumanti! Kaya kayong mga manloloko diyan, magbago na kayo kung ayaw ninyong mapabilang sa mga magiging biktima ng gagawin naming organisasyon!” “Kami ang mga anonymous killers! At nandito kami para sugpuin ang lahat ng mga manlolokong mga kalalakihan at ipagtatanggol namin ang lahat ng mga babaeng ginagahasa at sinasaktaaaaan!!!” Isa lang ang sumbungan ng mga babaeng sawi sa pag-ibig dahil sa panloloko o pananakit ng kanilang mga lalaking kasintahan o asawa. At ang sumbungan nila ay ang The Anonymous Killers website, na makikita lamang sa Deep Web. THREE MONTHS LATER. Naglalakad si Yuna pauwi sa kanyang bahay. Masyadong mainit ang araw kaya nakapayong siya habang dala-dala ang mga gulay na pinamili niya sa palengke. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay bigla na lamang umagaw sa kanyang atensyon ang isang musmos na dalagitang umiiyak sa gilid ng daan. Madungis ito at sa tantiya niya’y nasa edad 15 pataas. Lumalambot ang puso ni Yuna kapag nakakakita siya ng mga pulubing umiiyak sa daan. Naawa siya kaya nilapitan niya ito. “Ineng, ano’ng problema bakit ka umiiyak?” Hinagod-hagod ni Yuna ang gulu-gulong buhok ng dalagita. “N-naglayas po k-kasi a-ako sa am-min… ‘Yung tatay ko kasi… G-gusto akong halayin… N-nakatakas lang po ako kaya nakaligtas ako… Hindi ko na po alam kung… Kung s-saan ako p-pupunta. B-b-baka… M-masundan niya ako…” Napahagulgol ng iyak ang dalagita habang naglalaro sa isip niya ang ama niyang muntik na siyang halayin dahil sa kalabisan nito sa droga. Muling kumulo ang dugo ni Yuna nang marinig ang tungkol doon. Merong isang alaalang nagbalik sa kanya. “Makinig ka sa ‘kin, ineng. Tutulungan kitang makaganti sa tatay mo. Basta’t magtiwala ka lang sa akin at dapat handa ka sa kung ano man ang mangyayari sa kanya. Gusto mo ba?” “M-matagal ko na po gusto maglayas sa amin magmula nang mamatay ang nanay ko… Palagi na lang kasi naglalasing ang tatay ko at palagi niya ako hinihipo-hipo at minamaltrato… Gusto ko na po siya m-m-ma-mamatay…!” Napahagulgol muli ng iyak ang dalagita. Hindi niya maiwasang umiyak ng ganoon katindi sa tuwing naaalala niya ang mga panahong pinagtangkaan siyang halayin at gahasain ng sarili niyang ama na lulon sa iba’t ibang uri ng bisyo. “Huwag kang mag-alala, ineng. May mga kakilala ako. Matutulungan ka nilang makaganti sa ama mo. Sila mismo ang papatay sa ama mo. Mararanasan niya ang sakit at hirap na iyong nararamdaman ngayon…” Unti-unting namuo ang mala-demonyong ngiti sa mga labi ni Yuna… ANONYMOUS Written by Daryl Morales All Rights Reserved 2015 ***WAKAS***