top of page

Anita (One Shot Story)


ANITA

by Slap Crowdord

Matamis ang aking ngiti habang naglalakad patungo sa condo unit namin ni Anita. Masaya ako dahil ngayong araw ay aming monthsary. Malamang bored na naman ang gf ko dahil siya lang mag-isa roon.

Unit 69. Hindi ko namalayang nandito na pala ako sa unit naming dalawa. Pinihit ko ang hawakan at binuksan ang pinto. Maingat ang aking pagkilos dahil baka malaglag ang pizza na dala ko. Amin itong pagsasaluhan.

"Babe! Tawag ko kay Anita sabay sara ng pinto.

Kakaiba ang simoy ng hangin na nanunuyo sa mga buto ko.

Nang nasa loob na ako'y naulinigan ko ang kakaibang unggol. Dahil sa kuryusidad ay agad ko tinungo ang pinagmulan noon. Hindi ako mapakali dahil tila mayroong ibang tao sa unit namin.

Naglakad ako patungo sa bukas na pinto. Sa isang silid ay naroon si Anita kasama ang isang estranghero. Nakahiga sila sa kama habang walang saplot sa katawan. Naglalampungan ang dalawa sa harap ko. Sa sobrang bc nilang dalawa ay di manlang nila ako napansin. Mabilis kong linisan ang lugar kung saan ako naroon. Limang beses ko na nakita ito subalit magkahalintulad lang ang aking reaksyon. Tila wala ako nakita o narinig. Parang walang nangyaring kababuyan.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako nagparaya at nagpatawad. Sa tuwing alam kong mayroon naman siyang iba ay 'di ko magawang magalit. Siya ang aking kaligayahan habang ako'y nabubuhay. Sobrang mahal ko si Anita, subalit noon 'yon.

Nang malaman kong dalawa pala kami sa buhay niya'y sumang-ayon lang ako noon. Nguniit iba na nang malaman kong mayroong pangatlo at pang-apat o kaya'y may panglima pa.

Para sa kaniya kaming mga lalaki ay kaniyang collection. Kung saan pagnagsawa na siya'y maghahanap naman ng iba. Hindi ko lubos maisip kong gaano siya kakati.

Sa aming condo unit na dalawa ay madalas mamalagi ang kaniyang mga lalaki na kaulayaw. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito sa akin ng aking pinakamamahal, ang alam ko napakamanhid ko sa nagdaang taon.

Tuwing may sandaling mag-usap kami ay 'di ko magawang magpakalalaki. Takot ako na pag-usapan namin ang kaniyang ginagawa.

Dahil sa depresyon ay hindi ako nakapag-isip ng tama. Habang mahimbing ang pagkakatulog ni Anita ay isinagawa ko ang aking plano. Ang plano na tapusin na ang lahat.

Marahan ang aking paglalakad papunta sa aming kama. Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ang patalim na dinampot ko sa kusina. Dalawang tanong ang pinagpipilaan ko sa aking isipan. Gagawin ko ba o hindi? Ilang sandali pay nasa harap ko na ang babaeng aking pinakamamahal.

Umupo ako sa tabi niya. Hinagod ko ng kabilang kamay ang nakalugay niyang buhok. Sa pagtulo ng mga luha koy ang pagsaksak ko sa kaniya. Tatlong beses ko binaon ang hawak kong patalim sa kaniyang ulo. Habang umaagos ang dugo sa butas niyang noo ay napatayo ako nang makitang duguan ang kaniyang mukha.

Gustohin ko man maawa ay huli na rin. Naisagawa ko na ang pagkitil sa kaniyang buhay. 'Yan ang nararapat sa mga babaeng katulad niya! Kung pagsisihan ko man ito sa huli ay tatangapin ko iyon ng bukal sa aking kalooban. Nararapat lang iyon sa makating katulad ni Anita.

Wakas


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page