top of page

Mundo ng Hamog (One Shot Story)


MUNDO NG HAMOG ni Darrenz Arellano

"Manong, malapit na ba tayo?" tanong ni Anna—katabi ng driver. "Medyo malayo pa ho tayo ma'am," anang driver. Mahigit apat na oras na kaming nasa biyahe, pero hindi pa rin kami nakakarating sa bahay nila Kevin—ka batch namin noong high school. Lima kaming magkakatropa noon; Si Jhon, Macky, Anna, Kavin at ako. Naisipan naming apat na magkaroon ng reunion. Magkatabi kami ni Jhon sa sasakyan. Si Macky naman ay nasa likod at natutulog. First time namin pupuntahan si Kevin sa bahay nila, kaya naman ni isa sa amin ay walang may alam kung nasaang lugar na kami. Buti na lamang, naka-arkila kami ng van na alam ang address na binigay sa amin ni Kevin. Mayamaya, huminto ang van na sinasakyan namin. "Oh, bakit tayo tumigil?" kunot-noong tanong ni Anna sa katabing driver. Kilala ko ang ugali ni Anna. Medyo harsh magsalita minsan, lalo na kapag sinumpong ng topak. Napakamot lang ang driver habang pinipihit ang susi ng van. Kahit anong subok niya, hindi pa rin nag-start ang makina. Hay, 'pag minalas ka nga naman. Bumaba kami sa sasakyan. Napansin namin na napakatahimik ng lugar na ito. Halos wala kaming nakikitang sasakyan na dumaan sa kalsada. Napaliligiran din ang daan ng nagtataasang mga puno. Medyo creepy tingnan. "Nasa'n na tayo, dude?" tanong ni Macky sa akin. Sa totoo lang wala rin akong edeya kung nasaan na kami. "Ahm, 'di ko rin alam, eh," sambit ko. Tiningnan ko ang relo ko. Pasadong 5:45pm na. Medyo madilim na ang paligid dahil natatakpan ng malalaking sanga ng puno ang sikat ng araw. "Ano na? Manong, anong petsa na? 'Di pa rin ba naaayos 'yan!?" sunod-sunod na tanong ni Anna kay manong. Sa tono pa lang ng pananalita niya, mukhang naiinis na siya sa matanda. Si manong naman ay pawisan na habang abala sa pag-aayos ng van. "Ahm, Anna may pang-call ka?" tanong ko. Balak kong tawagan muna ang girlfriend ko habang naghihintay kami sa lugar na iyon. "Meron." Hinitsa niya sa akin ang cellphone. Hays, si Anna talaga. Muntik ko pang hindi masalo! Tatagwag na sana ako nang biglang… "Waaaaaaaaaaaaaaahhh!" Nagulat kami… At napalingon sa kinaroroonan ng sigaw… Teka… Nasaan si Jhon? "Si Jhon 'yon, ah! Tara puntahan natin!" sabi ni Macky. Medyo nag-panic na rin kami at saka tumakbo upang hanapin ang kinaroroonan ni Jhon. "Saan ba s'ya pumunta!?" tanong ko habang tumatakbo kami. "Ewan ko, dude! Ang sabi niya ji-jingle lang s'ya, eh," Naririnig pa rin namin si Jhon. Sigaw nang sigaw. Ilang saglit lang, may nakita kaming gate na kung titingnan ay pangkaraniwan lamang. Ngunit habang papalapit kami roon, may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko mawari pero iba ang pakiramdam ko. 'Yong tipong bawat hakbang ko'y may dadamping malamig na hangin sa aking mga balat. Halos wala rin kaming matanaw sa loob ng gate dahil napakakapal ng hamog doon. Dahan-dahan kaming humakbang papunta sa gate. Napansin ko rin sa ekspresyon ng mukha ng mga kasama ko na tila may bumabagabag sa kanila. Alam ko na ramdam din nila ang nararamdaman ko. Ilang minuto lang ang lumipas ay huminto na ang sigaw ni Jhon. "Rex, baka nasa loob si Jhon," sabi ni Anna sa akin. Iyon din ang duda ko dahil dinig na dinig ng dalawang tainga namin na nagmumula roon ang sigaw ni Jhon na tila humihingi ng saklolo. Pumasok kami sa gate na may makapal na hamog. Halos hindi namin makita ang isa't isa. Hindi pa man kami nakalalayo ay biglang kumapit sa akin si Anna. "Rex, balik na tayo. Natatakot na 'ko," sabi ni Anna sa akin. Ramdam takot niya. Mahahalata iyon sa makapit at nanginginig niyang mga kamay na nakahawak sa aking braso. "Kaya nga dude! Balik na tayo!" wika ni Macky mula sa kaliwang bahagi ko. Siguro nga tama sila. Lalo na't madilim na rin ang paligid. Tiningnan ko ang relo ko. 6:56pm na. "Tara balik na tayo. Tutal wala rin tayong makitang kahit ano rito kundi puting hamog lang. Pero paano na si Jhon?" sabi ko. "Rex, bukas na natin hanapin si Jhon! Hindi ko na kaya! Mauna na 'ko!" Biglang bumitiw si Anna at tumakbo sa direksyon ng labasan. Ngunit hindi pa man ito nakakalayo ay bigla itong sumigaw! "Anna!" sigaw ni Macky at sinundan niya ang babae. "Teka!" Akmang hahawakan ko sa braso si Macky, subalit bigla itong naglaho. Shit! Buwisit! Tumakbo na rin ako papunta sa kanila. Takbo lang ako nang takbo kahit hindi ko makita ang dinadaanan ko. Sa ilang minutong pagtakbo ko, natigilan ako. Teka, parang may mali. Kanina pa 'ko takbo nang takbo pero hindi ko pa rin nakikita ang gate palabas! Ang pagkakatanda ko, ilang hakbang lang ang layo namin sa gate. Pero paano? Mayamaya, biglang may sumitsit mula sa likod ko. Lumingon ako. Ngunit wala akong makita. "Sino 'yan?" sabi ko. "Pssst…." "May tao ba d'yan?" "Pssst…" "Kung sino ka man magpakita ka sa akin!" Medyo kinakabahan na ako. Ang bilis ng tambol ng dibdib ko. Bigla ako kinilabutan nang may bumulong sa aking tainga… "Rex—" Ni hindi ako makakibo sa kinatatayuan ko. Nangangatog na ang aking tuhod sa takot! "S-sino ba 'yan!?" Ilang saglit lang, may natanaw akong anino mula sa makapal na hamog. Aninong tila palapit sa kinatatayuan ko. Dahan-dahang lumapit siya sa akin. Sino ba siya? Sa sobrang takot ko, ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. "Rex. H'wag kang matakot." Teka, boses ni Anna iyon, ah. Minulat ko ang aking mga mata. Laking gulat ko nang makita ko si Anna! Walang saplot. Hubo't hubad! "Anna? Pero bak—" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan. Ang init at napakalambot ng kanyang labi. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Hindi ko maipaliwanag pero napakasarap habang nakalapat ang kanyang matayog na dibdib sa akin. Teka, mali ito! Bahagyang itinulak ko si Anna at napa-atras ito nang kaunti. "Anna! May girlfriend ako!" sabi ko sa kanya. Ngunit nginitian lang niya ako. Dahan-dahan muli siyang lumapit sa akin at saka dinakma ang aking ari. "Mas gusto mo pa ba ang babaeng 'yon kaysa sa akin? Ang babaeng ni isang beses hindi mo man lang nahahalikan?" sabi niya sa akin at hinalikan niya ako muli. Wala akong magawa kundi sundan ang agos ng kanyang mga labi.

"Masarap ba, Rex?" Sa kalagitnaan ng malamig na klima, ramdam ko ang nagbabagang katawan naming dalawa ni Anna. Hinubad ko na rin ang aking damit at saka ko hinalikan siya mula leeg hanggang labi. Kinuha niya ang aking kamay at inilapat niya sa kanyang malambot na dibdib. "Anna, bakit? Bakit mo ginagawa ang mga 'to?" "Dahil matagal na kitang mahal, Rex. Mahal na mahal kita noon pa man." Tinanggal ko ang aking pantalon at saka humiga sa damuhan. Dali namang umibabaw si Anna sa akin. Nagmistulang paraiso ang mga sandaling kami'y nagtatalik na parang abot langit ang sarap sa bawat segundong lumilipas. Halos mapapikit ako sa sobrang sarap. Sarap na ni minsan hindi ko natikman sa aking nobya. Mayamaya… May malamig na likido na tumulo sa aking pisngi. Dahilan naman iyon ng aking pagmulat. Ngunit hindi ko inaasahan ang aking nakita. Namilog ang aking mga mata! Shit! Walang mga mata si Anna! Sa sobrang gulat ko, naitulak ko siya palayo sa akin. Kinuha ko agad ang damit at pantalon ko at saka tumakbo. Hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko. Halos masuka-suka ako sa daan habang tumatakbo. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikita sa paligid maliban sa makapal na hamog! Hayop! Nasaan na ako? Sinubukan kong sumigaw nang sumigaw habang tumatakbo. Ngunit ni isa walang sumagot. Napahinto ako bigla nang marinig ko ang boses ni Macky. "Dude, nandito ako. Sa likod mo." Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Shiiit! Umikot ang aking sikmura nang makita ko ang katawan ni Macky na wakwak ang tiyan habang hawak-hawak niya ang kanyang ulo! Napasigaw na lamang ako at tumakbo muli! Hindi! Hindi ito totoo! Panaginip lang ito!!! Gusto ko nang magising!!! "Saklolo! Tulungan niyo ako!" Pagmamakaawa ko sa kawalan. Malayo-layo na rin ang natakbo ko. Ngunit hindi pa rin ako makawala sa bangungot na iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Tila masisiraan na ako ng utak sa mga nangyayari… Nahinto ako saglit dahil pagod na ako. "Rex?" Huh? Sino ang tumawag sakin? "Rex, ikaw ba 'yan?" Lumingon ako sa kaliwa ko… Jhon? Lalapitan ko sana si Jhon pero biglang sumagi si isip ko ang nangyari sa iba ko pang kasama—kina Anna at Macky. "'Wag kang lalapit!" sigaw ko. "Rex, kanina ka pa namin hinahanap nila Anna at Macky. Nag-aalala na kami sayo. Tara na sa van aalis na tayo," sabi ni Jhon. Bigla akong nagtaka. Tama ba ang narinig ko? Hinahanap nila ako? Van? Ayos na ba ang van? "Jhon, totoo bang ikaw 'yan?" tanong ko. "Oo naman, okey ka lang dude?" Lumuwag ang aking pakiramdam na parang nawala ang tinik sa aking lalamunan. Hay, salamat makakabalik na rin ako. "Ah, oo dude. Salamat nakita n'yo ako. Kanina pa kasi ako naliligaw, eh." "Narinig kasi kita, eh." Hindi ko alam ang nangyari. Maging sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ligtas na ako. Siguro nga ilusyon lang ang lahat ng nakita ko kanina. Siguradong marami na naman akong ikukuwento sa kanila pagbalik ko sa sasakyan. Mayamaya, napansin kong kanina pa kami naglalakad ni Jhon. "Dude, malapit na ba tayo?" Tumigil siya bigla at sinabing… "Nandito na tayo, dude." Napalunok na lang ako ng laway at napa-atras. Hindi. Hindi. Hindi ito totoo! Hindi! Hindi puweding mangyari ito! Napatingin ako sa aking relo… 5:45pm. "Buti nakita mo si Rex," boses ni Anna, papalapit sa amin… Si Anna na walang saplot. Si Anna na punong-puno ng dugo sa katawan habang nakalaylay ang mga mata nito. "Welcome back, dude!" boses ni Macky na nasa likod ni Anna. Dahan-dahan namang gumulong ang ulo nito palapit sa akin. Napaluhod na lang ako sa kinatatayuan ko saka ako pumikit. Nakita ko ang sarili ko. Naka-ub-ob sa sinasakyang van; duguan at wala nang buhay! Halos mayupi ang buong sasakyan. Mukhang napakalakas ng pagbangga sa malaking punong-kahoy. Malinaw na sa akin ang lahat. Isa na pala akong ligaw na kaluluwa dito sa mundo ng hamog.

**WAKAS**


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page