top of page

Biag ni Pedro (One Shot Story)


BIAG NI PEDRO

by Slap Crowdord

Nakapikit ang mata ko dahil sa antok. Mabigat ang mga talukap nito na tila nakadagan sa eyeball ko. Nakadapa akong natutulog sa katre ng aking kuwarto. Nilalasap ko ang napakasarap na pakiramdam.

Tok! Tok! Sabay na dumilat ang mata ko dahil sa naulinigang katok.

Kaagad ako bumangon para buksan ang pinto. Patungo na ako roon nang namataan ko ang nakahigang katawan sa 'king katre. Nakadapa ito na suot din ang damit na katulad sa 'kin.

Nilapitan ko iyon para kalabitin. Ngunit nang mahawakan ko ang kaniyang balikat ay isang malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa 'king katawan. Sa mga sandaling 'yon nanginig ang buo kong kalamnan at ako'y natumba. Hangang sandali pa'y nawalan ako nang malay at binalot nang kadiliman ang aking paligid.

Tok! Tok! Namamanhid na dinilat ko ang mga mata nang ginising ng sunod-sunod na katok. Inalala ko ang nangyari kanina. Ngunit na blangko lang ang utak ko. Wala ako mahagilap na sagot kung ano ang mga nakita kong 'yon.

Lumangingit na bumukas ang pinto. Iniluwal nito ang aking Ama.

"Pedro, gumising ka na riyan! Masama ang natutulog na palubog ang araw, baka humiwalay ang kaluluwa mo sa iyong katawan," anito.

Sa boses pa lang ng ama ko'y halata kong 'di ito nagsisinungaling.

Nakatitig ako sa kaniya na bumangon.

"Tay, ano na ho ba ang oras ngayon?" usisa ko rito.

"Ano ka ba Pedro, alas-singko y media na." sabay nanlaki ang mata ko, "Mag-igib ka na nga ng tubig doon sa balon nang maka-saing na ako ng kanin," singal ng ama ko. Wala ako nagawa sa utos na 'yon kundi sumunod. Agad umalis sa aking silid ang aking ama matapos akong gisingin. Tinungo ko ang kusina para kunin ang baldeng gagamitin ko sa pag-iigib.

Naglalakad ako na bitbit sa magkabilang kamay ang dalang balde. Ilang metro na rin ang layo ko mula sa 'ming bahay. Napangiwi ako nang humambalang sa 'king harapan ang tae ng kalabaw. Nalalanghap ng ilong ko ang masangsang na amoy nito. 'Di ko manlang matakpan ng aking palad dahi sa hawak ng mga balde. Pinigilan ko ang paghinga at binilisin ang paglalakad papalayo sa lugar na 'yon. Nang nakalampas na ako'y isang malalim na paghinga ang aking ginawa. Dinama ko ang sariwang hangin.

Hinakbang ko muli ang paa at pinagpatuloy ko ang paglalakad.

"Mahirap talaga ang mabuhay sa probinsya," sa isipan ko.

Hindi kalayuan sa pagiigiban kong balon ay nadatnan ko ang isang babae. Kumikinang ang suot nitong makintab na puting damit. Sumasayad sa lupa ang tela nito. Nakadungaw ang babaeng iyon sa loob ng balon na tila mayroong tinitignan. Balisa ang mukha nito na humarap sa 'kin. Sa kaniyang mga titig ay binalot ng pangamba ang aking dibdib.

Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway. 'Di ko alam kung mamangha ako o kung matatakot sa nakita kong matulis ang dulo ng kaniyang tengga.

"Teka! Teka lang 'wag ka tumakbo." 'yon ang nasambit ko sa babaeng lumayo sa 'kin.

Gusto ko na sana itong habulin subalit nag-alab ang aking kuryusidad, kung ano ang kanyang tinitignan sa loob ng balon. Binababa ko ang bitbit na mga balde at humawak sa labi ng balon. Sa aking pangdungaw ay sinakluban ako ng takot at kilabot. Mayroong nakalutang sa loob ng balon na tao. Hindi ko mamukhaan dahil nakadapa iyon at kalahati ng katawan ay nakababad sa tubig. Marahan lang ang paggalaw nito na sumasabay sa mahinang agos. Napansin ko ring punit-punit ang damit na suot ng taong iyon. Duda ko'y lalaki dahil maikli ang gupit ng buhok nito at malaki ang katawan. Nasindak ako sa nakita. Wala ako idea kung ano ang gagawin ko sa ganitong pagkakataon.

"Tali! Oo, tali, kailangan ko ng tali para makababa roon."

Naisip kong bumalik sa aming bahay para kumuha ng lubid.

"Oo, nga pla si itay. Dapat malaman ni itay na mayroong bangkay ng tao sa balon."

Nagkukumahog akong tumakbo. Mahaba ang hakbang nang salit-salitan kong mga paa. Medyo matagal din bago ako nakarating sa tarangkahan ng aming bahay. Hingal ako naglakad papunta sa pituan. Subalit gulat akong makitang wala ng pinto ang aming tahanan. Gawa lamang sa pawid at kawayan ang aming bahay pero imposibleng masira ng ganoon lang iyon. Matibay ito kahit matagal na panahon nang nakatayo, pagkaalala ko'y 'di pa ako ipinapanganak noon ay narito sa maliit na lupa ng aking yumaong lola ang aming bahay..

Habang nakatayo ako sa pintuan ay namataan ko ang isang kakaibang nilalang.

Mayroon itong buntot at malalaki ang mabalahibong paa na tulad sa hayop. Kawangis nito ang isang kabayo. Subalit iba ito at ngayon ko lang nakita. Kalahating tao at kabayo. Ito kaya ang tikbalang sa kuwento ng yumaong lola ko noon?

Nanlilisik ang pula nitong mata na humarap sa akin.

Gumawa ito ng kakaibang tunog. Kinahig nito ang isang paa.

Nanluwa ang mata ko na sinusulyapang susungaban na nito ako. Mabuti na lang ay naigalaw ko ang isang binti paatras. Wala na ako pagpipilian pa kundi tumakbo. 'Yon na nga ang ginawa ko, tumakbo ako papalayo sa tikbalang. Nilingon-lingon ko ito kung sumusunod subalit 'di ko nakitang hinabol nito ako. Hanggang sa, "Aray ko!" napaupo ako sa damuhan. Mayroon ako na bangga na kung anong bagay. Hinarap ko kung ano 'yon. Laking gulat ko nang makita ang mapupulang mata. Nanlilisik na nakatitig 'yon sa 'kin mismo.

Sa mga sandaling 'yon ay wala ako nagawa kundi gumapang paatras. Galit na galit ang tikbalang, nakikita ko 'yon sa kanyang mabalasik na mukha.

Hindi ko na nagawang sumigaw sa takot. Sandali pa'y napaungol nang malakas ang tikbalang. Tinakpan niya ang kanang mata ng kanyang kamay.

"Pedro! Bilisin mo at lumayo ka na riyan. Baka matapakan ka pa niyang kaharap mo."

Agad ko nilingon ang nagsalitang yon. Namataan ko ang kaibigang si Imboy kasama ang kanyang amang si Nestor. Hawak ni Imboy ang isang tirador habang mayroon naman dalang matalas na gulok si mang Nestor.

"Hoy tikbalang, ako ang harapin mo, 'wag mo idamay ang musmos na batang iyan. Matapang na hamon ni mang Nestor. Habang abala ang tikbalang sa pagkusot ng kanyang mata ay bumangon ako at pumunta sa kanilang kinarooonan. Nang sandaling 'yon ay pinagmasdan namin ang kakaibang nilalang na umaatungal.

Sa pagkababa nito ng kanyang braso ay nakita ko na nakapikit na ang kanyang isang mata. May kulay berdeng dugo pa ang tumutulo roon.

Akala ko'y sasalakayin na kami ngungit pumalayo ang tikbalang.

"Pedro! Pedro nakita mo ba 'yung nangyari sa tikbalang? Tinamaan ko 'yung mata niya. Pagmamalaki ni Imboy sa akin.

"Mang Nestor marami hong salamat at dumating kayo agad. Utang ko ho sa inyo ni Imboy ang buhay ko," turan ko.

"Walang anuman 'yon Pedro! Saan pala ang iyong ama? Dapat hindi kana gumagala sa ganitong oras.. malapit nang kumagat ang dilim. Mapanganib ang gumala sa ganitong oras," ika ni Mang Nestor.

"Wala ho sa bahay ang aking ama, inutusan niya po akong mag-igib ho do'n sa balon," sagot ko.

"Marahil.."

"Oo nga po pala mang Nestor may namataan ako kaninang bangkay ng tao doon sa loob ng balon."

"Pedro, bilis sumunod kayo sa akin ni Imboy pupunta tayo roon sa balon."

"Mang Nestor may duda po ba kayo kung sino ung bangkay sa balon?"

"Jusko, wag 'naman sana Pedro, sana'y mali ang iniisip ko.." 'Yon ang sinabi ni mang Nestor. Wala ito nabanggit isa mang pangalan. 'Di na ako nagtanong pa. Malalim din ang iniisip ko. Sana'y ligtas ang aking ama sa mga oras na ito.

"Mang Nestor ba't ho pala 'di tayo sinugod no'ng tikbalang at lumayo ito?"

"Palubong na kasi ang araw Pedro kaya sigurdong babagal ang kilos nila. Mabilis lang silang gumalaw kapag nasisinagan sila ng araw."

Nang marating namin ang kinaroroonan ng balon ay nadatnan namin ang limang babaeng nakadungaw roon. Kumikinang ang mga suot nilang puting damit. Lahat sila'y matulis ang dulo ng tainga. Mapuputla rin ang kanilang mukha kasama na roon ang kanilang labi na tila kulay pulbo. Pero napansin kong 'di sumasayad sa lupa ang kanilang paa. Umaangat na tila nakalutang sila sa ere.

Nagtago kami ni Mang Nestor at Imboy sa mga malalapad na dahon ng mga halaman. Doon kami nagkubli habang nakatuon ang atensyon sa aming nakikita.

"Mang Nestor ano po ang mga nilalang na 'yan?" takang tanog ko sa kaniya.

"Pedro, Imboy... Ang tawag sa kanila ay engkantada," pabulong na tugon ni Mang Nestor.

"Engkatada ho tay, tulad no'ng sa mga kuwento-kuwento?" ani Imboy na katabi ko.

"Oo anak, 'yan ang mga engkatada."

Pinagmasdan lang namin ang mga kakaibang nilalang na 'yon. Naghihintay kaming umalis sila.

Sa tagal ng aming paghihintay ay linisan na nga ng mga engkantada ang balon subalit nagdilim na ang paligid nang kumagat ang gabi.

Nag anyong alitaptap sila at lumipad papalayo. Lumiwanag sila at kuminang sa kadiliman.

"Bilis hali kayo sumunod kayo sa akin," ani mang Nestor na naglalakad patungo sa balon. Sumunod naman agad kami dalawa ni imboy.

Kaagad kami tatlong dumungaw sa loob ng balon. Medyo madilim na ang buong paligid sa ilalim ng balon kaya 'di namin makita ang loob nito.

"Pedro siguro ka bang mayroon ka nakitang bangkay ng tao rito?" tanong ni mang Nestor.

"Opo mang Nestor, nakalutang yon kanina.."

"Mabuti pay, bumalik na lang tayo bukas ng umaga..Marami ng nilalang ang gumagala sa ganitong oras, kailangan nating pumirmi sa bahay at magiingat. Pedro iiuuwi na kita sa inyo. Ikaw na rin bahalang magkwento sa iyong ama sa nangyari."

Lumakad kami nila mang Nestor at imboy papauwi sa bahay.

Pagdating namin doon ay wala manlang ilaw kaming nadatnan. Hinanap ko si itay subalit wala siya roon. Nilibot ko na ang buong bakuran subalit 'di ko mahagilap ang aking ama.

"Pedro mabuti pa ay sumama ka na lang sa amin ni imboy sa bahay. Di kana ligtas dito. Tsaka alam kung di kapa naghahapunan. Wag ka mag aala siguradong nakapag handa na ng hapunan ang aking asawa ngayon."

"Salamat ho mang Nestor.."

Sumama ako pauwi sa bahay nila mang Nestor. Doon sila nakatira sa gitna ng mga parang.

"Mang Nestor, bakit ho pala nagpapakita ang mga nilalang na yon?"

"ewan ko Pedro pero duda ko ay mayroon silang hinahanap."

tahimik ang aming paglakad na tila walang tao sa mga bahay na aming dinadaanan. Gabi nang nakarating kami sa bahay ni mang Nestor.

"Passing! Pasing nasaan ka.. Mayroon tayong bisita.." tawag nito sa kanyang asawa.

"Imboy puntahan mo nga ang inay mo sa kusina at ba ka nandoon." utos ni mang Nestor sa kaibigan ko.

Aga na.. Lumakad si imboy.

"Nay.. Nay nandito na po kami.." Dinig kong tawag nito.

Nagkukumahog na bumalik si imboy.

"T-tay wala roon si inay,"

'Di na nagsalita si mang Nestor at nagmadaling pumunta roon sa kusina.

"imboy tignan mo doon sa kuwarto," aniya habang hinahagilap si Aling Passing.

Tinungo rin ni imboy ang kuwarto ngunit bumalik agad na 'di mapinta ang mukha.

"tay wala rin ho si nanay doon." anito na nangigilid ang mga luha.

"Jusko di kaya'y nahuli na ng mga tikbalang ang nanay mo?" Siguroy dinukot ng mga tikbalang ang mga tao rito sa sitio."

"Mang Nestor ano na ho gagawin natin.."

"Kumain na muna kayo riyan ni imboy dina natin hihintayin pang mag-umaga. Kailangan na nating hanapin ang mga taong dinukot ng mga tikbalang..

Agad ngang kumain kami ni imboy.. Habang kumain ako ay natanong ko si mang Nestor na bakas sa mukha ang pag-alala.

"Mang Nestor satingin po ninyo saan dinala ng mga tikbalang ang mga tao.?"

"Malamang nasa kakahuyaan sila ngayon. Yon lang lugar dito na di madalas puntahan ng mga taga baryo."

"Mang Nestor kakampi rin po ba ng mga tikbalang ang mga engkantadang nakita natin kanina."

"Di ko rin alam Pedro basta ang pag kakaalam ko hindi nanakit ang mga engkatanda kung walang kang kasalanan."

matapos naming mag hapunan ay lumakad kami para hanapin ang mga nawawalang tao. Mayroon akong dalang lampara habang nakasukbit naman sa aking bewang ang gulok na pag mamay ari ni mang imboy. Bawat isa sa amin ay mayroon dalang gulok.

Halos sumabog ang dibdib namin dahil sa kalabog. Pinagmamasdan namin ang mga nagbabantay na tikbalang sa yungib.

"Mang Nestor, maaari kayang doon sa yungib dinala ng mga tikbalang ang mga tao?" balot ako ng takot nang maitanong yon.

"Posible Pedro na nandoon sila." sabay harap nito sa 'kin.

"Imboy dalhin mo sa akin ang batong iyan." napalingon si imboy sa kanyang paanan at Dinampot ang katabing bato. Inabot niya iyon kay mang Nestor.

"Lilitohin ko ang mga tikbalang, dito lang kayong dalawa." bilin ni mang Nestor na agad tumayo kung saan kami nagkukubli.

Hinagis ni mang Nestor ang bato sa marabong na talahib.

Tinuon naman ng dalawang tikbalang ang paningin nila roon. Nagkatinginan pa sila bago pumunta sa lugar na yon.

Umalis sa aming kinaroonan si mang Nestor. Kami namang dalawa naman ng kaibigan ko'y balot ng takot.

"Imboy tingin mo ano balak ng tatay mo?" paisip kong tanong sa kanya.

"Ewan ko Pedro, duda ko'y sasagupain niya mag-isa ang dalawang tikbalang na 'yon." tugon ni imboy. Bakas sa mukha nito ang takot.

"Hali ka sundan natin ang tatay mo," ani ko sabay tapik sa kanyang gilid.

"P-pero.. ang sabi niya'y dito lang tayo," pagdadahilan nito.

"baka nasa panganib na ngayon si mangNestor di ito oras para maduwag," singal ko, "alam ko ang kabang nararamdaman ni Imboy."

Tulad niya'y takot na takot din ako.

"hali ka na!" pasigaw na anyanya ko sabay lakad.

Nang makarating kami kung nasaan si mang Nestor ay mabilis kami nagtago sa malaking bato. Tanaw namin siyang nakatayo at hawak ang sundang. Sa harap niya'y dalawang tikbalang na handa siyang sungaban.

Tinabig ng tikbalang ang sundang na hawak ni mang Nestor. Nabitawan niya ito at tumilapon sa malayo. Nagkatitigan sila. Kinalmot ng tikbalang si mang Nestor subalit naka yuko ito at pinatid ang tikbalang. Bumagsak ang tikbalang sa lantang mga dahon.

Nang hinarap ni mang Nestor ang isa pang tikbalang ay kinuyom niya ang kanyang mga daliri at palad. Saka hinambalos ng kanyang kamao ang pisngi ng tikbalang. Napangiwi ang mukha ng tikbalang sa suntok na iyon. Gumewang-gewang ang tayo nito.

Pero nagulat ako nang makitang nakatayo na 'yung isa pang tikbalang. Tinadyakan pataligod ng tikbalang ang dibdib ni mang Nestor. Tumilapon naman ito at gumulong sa lantang dahon.. Lumabas ang dugo sa bunganga nito na kaniya pang dinura.

"Tay, tay..!

Nanlaki ang mata ko nang nakita na nagkukumahog si Imboy na lumapit sa kanyang ama. Umiiyak ito habang tawag si mang Nestor.

Gustohin ko man lumabas ay naduwag ako. Hinablot ng isang tikbalang ang damit ni Imboy at inaangat iyon.

"Bitawan mo ang anak ko, halimaw ka.." sabay sugod ni mang Nestor. Dinakma lang ng tikbalang ang kanyang ulo, tsaka piniga.

Dinakma ng tikbalang ang balikat ni mang Nestor. Binuka ang bunganga nito at sinubo ng buo ang ulo niyon. Winawasiwas niya pa ang katawang habang ito'y kanyang kagat-kagat. Napugot ang ulo ni mang Nestor. Lumagapak sa lupa ang katawan nito na walang ulo.

'Yon ang huling gabi na nakita ko silang dalawa. Halos wala akong lakas na loob, hindi ako nakalabas sa pinagtataguan ko. Kaumagahan pasuray-suray akong naglalakad sa balon para uinom. Pero laking gulat ko nang makita kung ano ang sa loob ng balon na iyon. Lumulutang... Naninigas at namumutlang bangkay ng tao. Kung anuman itong nakita ko ay 'di ako makapaniwala. Ako! Ako ang bangkay sa balon. Pero paano yon nangyari? Malamang ito ang tawag nilang natikbalang ka.. Yon daw kasi ang tawag kapag aakalain mong buhay ka pa.

"Pedro!"

Lumingon ako sa boses sa 'king likuran. Naulinigan kong tinawag no'n ang aking pangalan. Si Mang Nestor at si Imboy, matamis ang ngiti nila sa 'kin.

-WAKAS-


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page