UHS UPDATED ORIENTATION (2017)
![The Third and Official Logo of UHS](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_781e4eabf3aa4421856ccbcf4f4b18e4~mv2.jpg/v1/fill/w_594,h_596,al_c,q_80,enc_auto/cb2b58_781e4eabf3aa4421856ccbcf4f4b18e4~mv2.jpg)
The Third and Official Logo of UHS
UNIVERSITY OF HORROR STORIES
Part 1: Introduction and Details About this Group
Ang University of Horror Stories (UHS) ay isang Facebook Horror Group na binubuo ng mga kuwento, nobela, trivia, videos, movies, short films, files, documents, at iba pang mga bagay na related sa Horror.
Sa loob ng dalawang taon mula nang mabuo ang UHS, ito ay nagkaroon ng apat na era.
1st Era: The Birth Era (March 2015 to October 2015) Dito nagsimula ang UHS sa pagkakabuo. Dito rin unti-unting dumami ang mga members at ang mga writers. Sa kalagitnaan ng era na ito ay nagsimulang mag-post ng mga trivia ang ilang mga members na karamihan doon ay naging most talked-about topic sa history ng group kagaya ng Deep Web, Illuminati, Astral, Lucid Dream, Panaginip, Kulam, Gayuma, at marami pang iba. Kaya ito tinawag na Birth Era dahil dito nagsimula ang lahat.
2nd Era: The Light Era (October 2015 to March 2016) Sa era na ito, dito nagsimula ang UHS sa paggawa ng mga palaro at patimpalak kagaya ng writing contest, fansign contest, photo contest, multi-games and activities, t-shirt printing, outreach program, book publishing, at marami pang iba. Bagama't ginagawa na rin nila ang ilan sa mga ito noong kalagitnaan pa lang ng 1st era ay mas naging priority nila ang pagpapalaro at pagbibigay ng load and cash prizes noong sumapit na ang 2nd era. Kaya ito tinawag na Light Era dahil ito ay napupuno ng mga palaro at papremyo.
3rd Era: The Dark Era (April 2016 to December 2016) Ito ang era ng UHS kung saan sila ay nag-focus naman sa pagbabahagi ng mga nakakatakot na trivia, video clips, horror movies, horror files, at iba pang bagay na related sa usaping horror. Bagama't nagawa na nila ito noong 1st era, mas binigyan nila ng focus ang pagbabahagi ng horror facts, videos, and other horror stuffs sa era na ito dahil sa kadahilanang nais nilang imulat ang mga members sa mga misteryo at hiwagang bumabalot sa mundo. Bukod doon, sa era rin na ito nagsimulang magbahagi ang ilang mga members sa paggawa ng sarili nilang short film na nasa video collection ng group. Kaya ito tinawag na Dark Era dahil dito naging dark-serious ang UHS sa pagbigay ng mga horror stuff tungkol sa misteryong bumabalot sa iba't ibang panig ng mundo pati sa history.
4th Era: The Reborn Era (January 2017, Present) Ang era na ito ang present era ngayon ng UHS. Sa era na ito, dito mas palalawakin ng UHS ang kanilang branch sa pamamagitan ng paggawa ng panibago at updated na branch ng UHS sa iba pang social media sites gaya ng YouTube Channel, Twitter, Wattpad, Blogger, Own Website, at Secret Files. Ibig sabihin, magpo-post din sila ng mga horror story, horror trivia at horror stuff sa iba pang social media sites nila para kahit saang social media sites magpunta ang mga members ay makikita pa rin nila ang UHS.
Part 2: Ten Commandments of UHS and Other Rules and Regulations
1. Huwag kang magpo-post o magco-comment ng kahit anong bagay na puwedeng pagmulan ng gulo.
2. Huwag kang basta-basta mag-post sa group ng mga story o trivia na hindi mo pag-aari para hindi ka mapagbintangang plagiarist. Kailangan lagyan mo ng credits kung saan mo ito nakuha para iwas plagiarism.
3. Huwag kang manlalait sa mga kuwentong nabasa mo. Kung mayroon kang nabasang kuwento na hindi pasok sa taste mo, mas makabubuting sabihin mo iyon sa maayos na paraan, 'yong hindi masasaktan ang writer.
4. Huwag kang magnanakaw ng mga kuwento rito na hindi mo pag-aari. Mas makabubuting magpaalam muna sa mga writers dito kung nais mong i-post sa ibang page o site ang stories nila at dapat naka-credits sila para iwas ulit sa plagiarism.
5. Huwag kang maging salbahe, bastos, at pala-away. Dahil dito sa group, tayo ay magkakapatid, magkakapuso, magkakabarkada, at magkakapamilya.
6. Huwag kang maging silent reader. Hangga't maaari sana ay mag-iwan ka ng comment, review o feedback sa mga kuwentong nabasa mo para maging sulit ang pagod ng mga writers sa paggawa ng story para sa inyong mga readers.
7. Huwag kang magpo-post ng mga hindi related sa genre at tema ng group gaya ng porn links, job networking, finding likers, finding chatmates, at selling products.
8. Huwag mo kalilimutan lagyan ng warning message o parental advisory ang iyong story kung ito ay naglalaman ng maseselang tema gaya ng sexual, bad words, drugs, anti-christ religions, at politics.
9. Huwag mo kalilimutan lagyan ng cover photo ang story mo para madali mahanap sa menu ng group.
10. Huwag mo kalilimutan i-include ang hashtag code policy at hashtag date policy ng UHS sa bawat story, trivia, o videos na pino-post mo para mas madaling hanapin kahit ito'y matabunan ng ibang posts.
The Three Policy of UHS
1. Writers Code Policy - Ito 'yong shortcut title ng story ninyo na may hashtag para madaling mahanap ng mga readers. Dapat palaging nasa unahan ng hashtag ang #UHS bago ang shortcut title ng story. #UHSHauntedHouse
2. Hashtag Date Policy - Ito 'yong pinagsamang Month at Year ng story na may hashtag para kapag ni-click iyon ng members, mas madali nila makikita 'yong mga story na naka-post sa month/year na iyon.
Dapat palaging nasa unahan ng hashtag ang #UHS bago ang month at year ng story. #UHSJanuary2017
3. Reply Button Policy - Ito naman 'yong policy para sa mga readers kung saan dapat sa reply button nila ilalagay 'yong comment nila para hindi matambakan ng maraming comments 'yong bawat update/chapter ng story na nasa comment box.
Mga Puwedeng I-Post Sa Group:
1. Fictional Horror Stories and True to Life Experiences 2. Horror Trivia and Paranormal Activities 3. Dark, Creepy, Brutal and Gore Video Clips 4. Full Horror Movies and Short Films 5. Horror Files, Documents, and Other Scary Stuffs.
Mga Bawal I-Post Sa Group:
1. Porn, Virus, and Scam Links 2. Job Networking/Hiring 3. Finding Likers 4. Finding Chat mates 5. Selling Products
Part 3: Programs, Culture, and Tradition of UHS
1. UHS Monthly Trivia - Every month ay naglalabas kami ng mga nakakatakot at mind blowing trivia na kapupulutan ninyo ng bagong kaalaman.
2. UHS Movie Mega - Nag-a-upload at nagbabahagi rin kami ng mga full horror movies mapa-international man o galing sa Pinas.
3. UHS Shout Out Lobby - Every month ay naglalabas kami ng shout out post kung saan doon lang puwede i-comment ng mga members ang kanilang concerns, suggestions, problems, mga stories na hinahanap, at mga katanungan na nais mabigyan ng sagot.
4. UHS Writing Workshop - Mayroon din kaming mga files dito na naglalaman ng mga writing tips at writing advice para sa mga aspiring writers na gustong magkaroon ng published book someday at sa mga baguhang writer na nais ma-improve ang kanilang talento sa pagsulat. Ang ilan sa mga iyon ay galing sa ibang writing workshop group, ang iba naman ay galing sa research namin, at ang iba ay sariling tips mismo ng mga admins at writers natin.
5. The Hauntersian Script - Kung ang mga Tagalog ay may Alibata o Baybayin Script, at kung ang mga Kapampangan ay may Kulitan Script, ang mga Haunters ay mayroon na ring sarili nilang writing system at iyon ang Hauntersian Script, ang writing system ng mga haunters.
6. The Hauntersian Language - Bukod sa Hauntersian Script na writing system ng mga haunters, sila ay mayroon na ring sariling dialekto o lenguwahe, at iyon ang Hauntersian Language na kadalasang ginagamit nila sa mga announcement posts at greetings post.
Part 4: The National Poem/Anthem of UHS
HAUNTERS NEVER STOP by Jherry Regidor Dominguez
H-orror group online na nangunguna sa buong bansa— A-ng humigit tatlumpung libong miyembro'y patuloy pa sa pagdagsa! U-maani ng samu't saring pagkilala't parangal; N-atatanging grupo'y sa maayos na pamamahala'y sadyang bukal! T-unay ngang mababasa mo rito'y sadyang iba-iba ang timpla: E-lemento't multo, aswang, kapre't iba pang nilalang ay pinagsama-sama! R-espeto ng matatalinong mambabasa ay pinapanatili, S-apagkat sa manunulat, ang dulot nito'y kagalingan at sa ikabubuti.
N-agkakaroon dito ng libreng workshop na ang layunin ay tungo sa pagkakatuto E-hemplo ito ng isang mabuting lider na ang nais ay magbahagi't makapagturo! V-iva! Happy Anniversary, University of Horror Stories! E-mblematiko ng kasiyahan, kagalingan, kaayusang walang kaparis— R-umaragasa tulad ng tubig sa batis—patuloy lamang ito sa paghagibis!
S-ama-sama, magkapit-bisig tayo mga Haunters sa pag-usbong at paglago! T-uloy lamang sa pagbabahagi ng kaalaman at kuwento, pakulo't palaro. O-ras ay tumatakbo, halina't maglakbay, magsikhay... P-atnubayan nawa tayo ng Poong Maykapal sa lalong ikatatagumpay!
This is the Updated Version of the Orientation of UHS as of 2017.
Never stop haunting...mysteries are everywhere!
UPDATED BRANCH OF UHS IN THE WORLD WIDE WEB
Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/ratedstghorrorstories/
Facebook Page: https://www.facebook.com/uhspublishing/
Wattpad Account: https://www.wattpad.com/user/UHSHaunters
YouTube Channel: https://www.youtube.com/channel/UC7Tf2NKSgtNRaBUzluK00XQ
Twitter Account: https://twitter.com/UHS_Haunters Official Website: http://djmorales3.wixsite.com/uhsofficial
Official Blogsite: http://uhslostfiles666.blogspot.com/
![The Official Flag of UHS](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_bed854fcd6764661b9c2539fa1a74630~mv2.jpg/v1/fill/w_960,h_460,al_c,q_85,enc_auto/cb2b58_bed854fcd6764661b9c2539fa1a74630~mv2.jpg)
The Official Flag of UHS