top of page

Panibagong Mundo (One Shot Story)


PANIBAGONG MUNDO By: Ain Ignacio Mundong puno nang kasamaan! Pagpatay ang namamayani sa lahat ng bansa. Mga naghihiyawang tao na humihingi ng tulong. Gan'yan ang naging ganap mula ng nagsimulang naglabasan ang mga Dimon'yo mula sa ilalim ng lupa at nagsimulang maghasik ng lagim. Mga Nilalang na 'di mawari sa angking itsura. Nanlilisik ang mga mata, balat na nangingitim, mga ngiping nagtutulisan na tila isang pangil, kukong mga napakatulis, may pakpak na itim sa kanilang likuran at may sungay na maliit na makikita sa kanilang noo. "Tulong! Tulungan n'yo ako!" sigaw ng isang Babae na takot na takot dahil sa nilalang na papalapit sa kaniya. "Hahaha! Wala ka nang magagawa pa! Kami na ang naghahari sa mundong ito. Walang sino man ang makakatulong sa iyo mula sa iyong kinasasadlakan!" anitong sabi na parang nagmula sa ilalim ng lupa ang tinig. Gusto man tumakbo ng babae ay wala na itong nagawa, napako na siya sa kaniyang kina-roroonan. Napa-upo na lang ito dahil sa takot sa nilalang na palapit ng palapit sa kaniya, nanginig rin ang katawan nito habang patuloy ang pagtulas ng likido sa kaniyang mga mata. Bigla namang napatigil sa paglapit ang Dimon'yo, dahil sa bigla na lang binalot nang liwanag ang babaeng kaniyang bibiktimahin. Napaatras ito dahil sa takot sa liwanag na kaniyang nakita, pati ang kaniyang mga kasamahan ay napatingin din sa lugar kung saan naroon ang babae. Isang lalaking may maamong mukha ang bumaba sa kalangitan, may pakpak ito sa kaniyang likuran. " Isang Angel!" sigaw ng isang Dimon'yo. "Ok ka lang ba, binibini?" wika kaagad nito sa babaeng nanginginig pa rin sa takot. Mula sa pagkadukdok ay dahan-dahan nitong ini-angat ang kaniyang ulo upang tingnan ang taong nagtanong sa kaniya. Nang makita niya ang itsura nito at pananamit ay nakaramdam siya ng kapayapaan sa kaniyang pag-iisip. Ang kanina lang na takot na nadarama ay bigla na lang naglaho dahil sa presensya nang lalaking nasa kaniyang harapan. "Tumayo ka na muna at magtago ka sa isang gilid," saad muli ng Angel, sabay tingin sa mga Dimon'yong nakatunghay lang sa kanilang dalawa. Agad namang sumunod ang Babae sa sinabi sa kaniya, nagtago ito sa isang guhong gusali na malapit lang sa lugar na 'yon. Nagkatinginan naman ang napakaraming Dimon'yo na nakapaligid lang sa kaniya. Mga nasa Isang Libo ang mga ito. Ang iba ay napatawa lang, at ang iba naman ay may takot na naramdaman dahil sa Angel. "Nag-iisa ka lang! Marami kami, kaya wala kang laban!" sigaw ng isang Dimon'yo. "Ang Panginoong Diyos ay kasama ko! Magtiwala lang ako sa kaniya, paniguradong magagapi ko kayong lahat," nakangiti namang sagot nito. "Magsama kayo ng Panginoon mo! Mamamatay ka at wala s'yang magagawa!" Ang kanina lang na mga natatakot na ibang Dimon'yo ay napangiti na rin nang marinig nila ang tinuran nang kanilang kasama. Dinaluhong nang napaka-raming Dimon'yo ang nag-iisang Anghel. Madugo ang naging labanan ng mga ito. Halos magpuro dugo ang suot na damit ng Angel, dahil sa dugo ng mga Demon'yong kaniyang napapaslang. Tumagal ng Isang-araw ang paglalaban ng mga ito. Nang matapos ang labanan ay isa lang ang natirang nakatayo, at ito ay ang Angel na sinugo ng Panginoon upang iligtas ang babaeng nasa bingit ng kamatayan. Bigla namang tumumba ang Anghel dahil sa pagod niya. Nagkukumahog naman siyang nilapitan ng babaeng kaniyang tinulungan. Nang makalapit ito ay nakita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng katawan nito sa mga nakalabang Dimon'yo. Napakaraming sugat sa braso nito na pinagmulan ng mga dugong tumutulas rito. Agad namang pinunit ng babae ang kaniyang damit upang talian ang sugat nang Angel na nasa kaniyang harapan. "'Wag ka mamamatay! Marami pang may kailangan ng iyong tulong! 'Di lang ako ang dapat mong tulungan!" humahagulgol na wika ng babae. Dinilat naman nang Anghel ang kaniyang mga mata. Napangiti pa ito ng makita niya ang babaeng nagsusumamo sa kaniya na siya ay mabuhay. "Binibini...'wag kang mag-alala, may plano ang panginoon para sa mundo, 'di n'ya hahayaang masakop nang Dimon'yo ang kaniyang nilikhang mundong ito. Magtiwala lang kayo sa kan'ya at sumampalataya, sigurado 'di niya kayo pababayaan," wika ng Angel. "Lagi akong sumasampalataya sa kaniya. Ni minsan sa buhay ko, 'di ko s'ya kinalimutan," umiiyak na turan ng babae. "Lisa, kaya ako naparito dahil sa iyong pananampalataya sa Panginoon. Alam nang panginoon na pinupuri mo s'ya at sinasamba, sinabi n'ya sa 'king puntahan ka rito at iligtas," saad ng Angel. Halos matigagal naman si Lisa sa kaniyang narinig. 'Di siya makapaniwalang tinawag siya nito sa kaniyang pangalan kahit 'di pa niya sinasabi ito rito. "'Wag ka nang magtaka, Lisa. Alam kong marami pang katanungan sa isip mo. Sigi lang, magtanong ka upang ika'y maliwanagan," paanyaya nito kay Lisa. "Pa-paano po ang hindi sumasampalataya sa kaniya? A-ano po ang mangyayari sa mga taong 'yon?" tanong nito. "Lahat nang tao ay makasalanan. Kahit ikaw, makasalanan ka rin, pero may paraan para mawala ito. Tulad nang ginawa mo, nagpasakop ka sa kaniya, kaya ang iyong kasalanan ay napalitan na nang kaluwalhatian," sagot nito. "Pa'no naman po ang 'di nagpasakop sa kaniya?" muling tanong ni Lisa. "Ang 'di magpasakop sa Panginoong Diyos ay pahihirapan sa nagliliyab na apoy, 'di sila masusunog pero ramdam nila ang init na dulot nito. Maghihihiyaw sila sa sakit na dulot ng hirap," tugon ng Angel. Halos magtayuan ang balahibo ni Lisa sa kaniyang narinig. Nakaramdam din siya nang awa sa mga taong daranas ng hirap na 'yon, dahil na rin sa kababaang loob niya. Ilang sandali pa ay nagbabaan na rin mula sa kalangitan ang iba pang Angel na kasamahan nang lalaki. Ang kalangitang nagdidilim ay napalitan ng liwanag, dahil sa mga liwanag na dulot ng Angel. "Nariyan na sila, tumingin ka sa kalangitan," wika muli nang Angel na nasa kaniyang harapan. Napanganga na lang si Lisa dahil sa pagkamangha sa mga ito. Pati ang lahat ng taong nabubuhay na nakakasaksi ay 'di makapaniwala sa kanilang nakikita. Nagsituluan na lang bigla ang kanilang mga luha dahil sa kanilang nasasaksihan na pagbaba nang napaka-raming Angel mula sa kalangitan. Ang mga makasalanan ay nakuha rin umiyak, magsisi sa lahat ng nagawang kasalanan at ipagsigawan ang pangalan ng Panginoon. "PAnginoon! Patawarin mo po kami sa lahat nang aming nagawang kasalanan!" sigaw nang mga ito habang humahagulgol ng iyak. Ang mga Demon'yo naman ay labis ang naging pangamba sa kanilang buhay, imbis na makipaglaban ang mga ito ay nakuha na lamang nilang bumalik muli sa ilalim ng Lupa, nang maramdaman nila ang pagbabago ng kapaligiran. Naramdaman nilang ang panginoon na ang sinasamba ng lahat ng tao, kaya wala na silang nagawa pa kung'di ang balikan ang madilim nilang lungga na kanilang pinamumugaran. Makalipas ang pangyayaring 'yon ay nagkaisa ang lahat ng bansa, nawala ang gulo sa buong mundo. Wala ng patayang naganap sa'n mang dako nito, puro pagpapapuri sa panginoon ang tanging namutawi. Naging masaya ang lahat sa pang-araw-araw na kanilang buhay. Si lisa naman ay naging taga-pagturo ng salita nang Panginoong Diyos. Habang naglalakad si Lisa ay isang tinig ang kaniyang naulinigan. "Ang Panginoon ay labis na nagagalak dahil sa Panibagong mundong kaniyang nasasaksihan," wika nito. Binaling naman ni Lisa ang kaniyang paningin sa lugar kung nasaan ang Taong nagsalita. Isang lalaking may pakpak ang bumungad sa kaniya, nakangiti ito habang kumakaway-kaway mula sa kina-roroonan nito. Napangiti na lang rin si Lisa habang walang pagsidlan ang kasiyahan sa kaniyang puso. Salamat sa panginoong Diyos at binago niya ang mundong dati'y puno ng kasamaan. Wakas


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page