top of page

The Tunnel (One Shot Story)


THE TUNNEL

by Slap Crowdord

"Uy, Dex ba't ka nakasimangot diyan? hindi ka ba excited sa pupuntahan natin?" tanong ni Mea sa katabi niyang si Dex. Nasa kalagitnaan sila ng byahe at sakay ng inarkilang bus.

Umiling si Dex, at tila 'di nagustuhan ang pangungulit ni Mea sa kaniya.

"Ano ba Mea! Puwede ba tumahimik ka! Naka-ka-istorbo ka kasi!" singhal ni Dex.

Sumimangot na lang ang mukha ng dalaga at tinikom ang bunganga. Hindi alam ni Mea kung bakit galit si Dex sa kaniya. Tila wala sa mood ngayon si Dex na kadalasan ay madaldal at mapagbiro.

"Bad trip!" sabi pa ni Dex.

Maingay sa loob ng bus at lahat ay nagtatawan maliban kay Dex at Mea.

Siyam silang lahat kasama na ang drayber, outing nila itong magkakaibigan. Bukod kay Dex at Mea ay sina Lea at Jon lang ang mga single sa kanila.

Sa likod ng bus ay nandoon sina Mak at Jen na naghahalikan. Kanila pa sila na ganoon ang ginagawa.

"Babe masyado kang harsh nakakahiya sa kanila," sabi ni Jen nang kumawala ang kanilang labi. Ngumiti lang si Mak sa kaniya at pinaghahalikan ang kaniyang leeg.

Sina Ivan at Nico naman ay panay ang biruan sa unang upuan ng bus.

"Bro, ang tindi ng lolo ko, ang lakas ng appeal, biruin mo kahit matanda na 'yung lolo ko 'pag kumausap ng babae 'yun, nakukuha pa niya 'yung number ng babaeng kinausap niya!" pagmamalaki ni Ivan.

"Bro, sa 'yo kinakausap pa? mas matindi appeal ng lolo ko, kasi 'yung lolo ko kikindatan at ngingitian lang nakukuha na 'agad 'yung number ng babae!" pamamalaki naman ni Nico.

Hindi alam ng dalawa ay nakikinig ang nasa likuran nilang si Lea.

"Ang hihina ng mga lolo ninyo! 'yung lolo ko siya na nilalapitan ng mga babae, binibigay pa sa kaniya 'yung mga number!" sabi ni Lea kina Ivan at Nico.

"Siguro napaka lakas ng appeal ng lolo mo! Gwaping siguro ano?" tanong ni Ivan.

"Hindi naman'" sabay taas ng isang kilay na sabi ni Lea.

"Eh, bakit nilalapitan siya at binibigyan siya ng number ng mga babae?" usisa ni Nico.

"Gusto n'yo ba malaman?"

Sabay tango nina Ivan at Nico.

"Eh, nagloload lolo ko eh!" dugtong ni Lea.

Nagtawanan ang tatlo dahil sa banat ni Lea sa kanila.

Lumipas ang ilang oras ay papalapit na sa isang tunnel ang sinasakyan nilang bus.

Daanan ang tunnel na ito ng mga sasakyan patungo sa bayan. Ang dulo nito ay papunta rin sa isang bayan, doon balak pumunta ng grupo nila Mea. Malawak ang loob ng tunnel kung saan kasya ang dalawak sasakyan.

Ilaw lang mula sa headlight ng bus na kanilang sinasakyan ang tanging gabay ng drayber sa kanilang dinadaanan.

Nakakapagtaka lang kung bakit walang ilaw at malamig ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa bukana ng tunnel. Ramdam ang kakaibang pakiramdam 'pag nasa loob ka. Tila mayrong nagmamasid. Nakatingin. Nakabantay at handang sumalakay.

Sa pag-usad ng bus ay bigla itong tumigil. Kinagulat nang lahat nang mamatay ang makina at isang kalabog mula sa taas ng bus ang gumulat sa kanila. Lahat nang nasa loob ay kaniya-kaniyang tayo. Mayroong lumapit sa drayber at mayroong tumingin sa kisame. Hindi pangkaraniwan ang kalabog na iyon tila malaking bagay anh nahulog.

Napatingala ang lahat sa kisame ng bus nang biglang kumurap ang ilaw at 'di nagtagal ay tuluyang napundi.

Dahil sa gulat ay napasigaw na lang sa takot ang mga babae. Nagsilaban ng cellphone at mga flashlight para magkaroon lang ng ilaw sa loob ng bus.

Inilabas din ni Mea ang kaniyang flashlight.

"Dex, ano kaya ang nangyayari?" tanong ni Mea sabay inilawan niya ang katabing si Dex. Bigla napadilat nang malaki si Mea. Nagulantang siya nang bumungad sa kaniya ang bakanteng upuan.

"Aaah, si Dex wala na rito!" Tili ni Mea.

Nagkaroon nang kaunting liwanag sa loob ng bus dahil sa ilaw ng mga gadgets nila. Hindi naman nila napansing bumaba si Dex sa bus.

"Guizt, na kita nyo ba siya?" usisa ni Mea.

"Ano ka ba Mea napapapraning ka ba? Malamang andiyan lang 'yun. Baka doon bumaba sa bintana," sabay tawa ni Lea at inilawan ang bintana na kaniyang sinasabi.

Napalingon naman si Mea sa bintana nang masabi iyon ni Lea. Mula sa bukas na bintana ay malamig na hangin ang dumampi sa kaniyang mukha.

Iniisip ni Mea na kung si Dex ba ang bumukas noon. Pero bakit sa bintana pa siya dadaan pa labas ng bus kung mayroon namang pinto. Iyon ang pinagtataka ni Mea.

"Pero, imposible na gagawin ni Dex iyon, na dito dumaan," aniya ni Mea sa mga kasamahang nasa loob ng bus.

"Bakit alalang-alala ka kay Dex, Mea? Malamang kayo na, 'no?" tukso naman ni Jon.

"Teka! Guist bumaba na muna tayo." malakas na pagkasabi ni Lea sa kaniyang mga kasama.

Unang bumaba ang drayber para tignan ang makina ng bus sa likuran. Sumunod namang bumaba sina Lea, Ivan at Nico.

"Oh ano pa hinihintay n'yo?" tanong ni Lea nang makitang walang balak bumaba ang ibang kasama.

"Maiiwan na lang ako rito sa loob," sambit ni Jon.

'Yung iba ay nag-upuan na lang dahil sa takot.

Hinanap ni Ivan at Nico si Dex kung nasa labas ba ito ng bus samatanlang hawak naman ni Lea ang malaking flashlight at tinutulungang ilawan ang likurang bahagi ng bus.

"Manong, ano po nangyari? Nasiraan ba tayo?" tanong ni Lea sa drayber.

"Mukhang kailangan na natin ng mekaniko ma'am, 'di ko na kaya ito ayusin," katwiran ng drayber.

"Ganoon po ba manong! Sa tingin n'yo po puwede kaya namin lakarin na lang papunta sa labas?" tanong ni Lea.

"Hindi ko po tiyak kung malayo pa po, first time ko lang po talaga magmaneho sa lugar na ito," aniya ng drayber.

"Ganoon po ba, sige po manong sasabihan ko na lang ang mga kasamahan ko na ma-de-delay tayo," ani Lea.

"Opo ma'am susubukan ko ulit ito ayusin," sabi ng drayber.

Ilang minuto ang lumipas ay nasa loob na ng bus ang tatlo maliban kina Dex at sa drayber.

"Guizt, mukhang kailangan nating maglakad para makalabas ng tunnel," saad ni Lea.

"Lea nasaan na si Dex?" tanong ni Mea.

"Pasensya na, hindi ko rin alam kung nasaan siya. Wala sa labas si Dex no'ng bumaba kami," sagot nito.

"Guizt mabuti pa mag-stay na lang muna kayo rito, hahanapin lang namin ni Ivan si Dex," sabi naman ni Nico.

"Basta huwag kayong mangamba or mag-isip ng something na ano. Ang lahat ay kumalma lang," sabi naman ni Ivan.

Sila Lea, Ivan at Nico ang matatanda sa kanilang grupo. Kaya silang tatlo rin nagsisilbing guardian ng iba pa na mas bata sa kanila.

Mayroong sumubok na mag-text o tumawag ngunit deadzone ang area kung nasaan sila. Walang signal ang kanilang mga cellphone marahil dahil sa gitna sila ng tunnel.

Nang makaalis sina Ivan at Nico ay na natiling nakaupo ang lima. Nagtataka naman si Lea kung bakit 'di pa rin pumapasok ang drayber sa loob. Kanina pa walang imik ang drayber na iyon. Naglakad si Lea papunta sa dulo ng bus para silipin ang drayber. Papalapit sa dulo ng bus ay nakarinig siya ng isang sigaw.

"Aaaaahhh... Tulong!"

Pagtingin ni Lea sa labas ay natanaw niya ang drayber na kinakaladkad ng kung sino. Bago tuluyang lamunin ng dilim ang kaniyang nakikita ay naiwan ng drayber ang headlight na suot nito sa ulo. Nagpapadyak pa ang drayber ng kaniyang paa at nagpupumiglas ngunit nilamon na lang ito ng dilim.

Hindi alam ni Lea kung tao o hayop ang kumaladkad sa drayber. Basta't malaki ang kamay nito at kulubot na hinila papalayo ng bus.

"Guizt isarado ninyo ang mga bintana at ang pinto?" sigaw na mando ni Lea.

"Bakit Lea ano ang nangyayari? Kanino ba 'yung sumigaw kanina lang? Ano ba ang nakita mo?" sunod-sunod na tanong ni Jon.

"May tao, o kung ano man iyon sa labas ng bus at tila may masamang balak!" sabi ni Lea.

Nagkukumahog na sinara ng anim ang bintana at pinto sa bus.

"Lea ano ang nangyayari?" tanong ni Mak.

Hindi pa sumasagot si Lea ay umalog ang kanilang sinasakyan dahilan upang mapahawak sila sa mga upuan. Kasunod noon ay nakarinig sila nang pagkalampag at mga kalabog sa tuktok ng bus. Patuloy na umalog ang bus na tila sadyang ginawa iyon.

Dahil sa takot ay umiyak si Jen. Kaagad namang niyakap ni Mak ang kaniyang nobya.

"Babe ayos lang 'yan ako bahala sa iyo," pagmamatapang ni Mak.

Nagsisikan ang anim nang biglang mabasa ang bintana sa pinaka dulo ng bus. Doon ay mayroong isang nilalang na pinipilipit makapasok sa loob.

"A-ano 'yan?" pautal na tanong ni Mea.

Nang tuluyan itong makapasok ay agad silang sinungaban. Hinarang naman ni Mak ang kaniyang katawan para ipagtanggol ang mga kasamahan subalit nasakmal siya ng halimaw.

Nagimbal pa lalo ang anim nang marami pa na ganoong nilalang ang nagpipilit na makapasok sa kanilang sasakyan. Kinakalampag ng mga ito ang bintana sa bus.

Maliliit ang ulo at malalaki ang katawan ng mga ito. Nakausli lang ang ilong nila at tainga. Ang mata nila'y pulang pula. Wala silang balahio sa katawan habang matutulis naman ang kanilang ngipin at malalaki. Parang unggoy sila kung maglakad at gumalaw.

Pinagpiyestahan ng mga nilalang na iyon ang anim sa loob ng bus na tila mga pagkain na kanilang kinasasabikan.

***

Malayo layo na rin ang nilakad ni Ivan at Nico.

Hinahanap nila ang nawawalang si Dex. Hindi alam ng dalawa kung saan ito pumunta. Kung bakit nawala na lang ito bigla.

"Ano yon?" Tanong ni Nico sabay lingon kay Ivan. Kinabahan siya dahil tila mayroong sumusunod sa kanila.

"Ang alin? Mga dalaga lang 'yan, ganyan talaga madalas kapag nasa loob ka ng ganitong tunnel!" sagot ni Ivan.

"Bro, sa tingin mo ano kaya nangyari sa lokong iyon? Kanina pa tayo naghahanap ngunit 'di pa rin natin siya nakikita," sabi ni Ivan kay Nico.

"Hin 'di ko rin alam, kung 'di pa natin nakikita ang lokong 'yon dapat na siguro tayo bumalik sa bus," tugon ni Nico sabay lingon kay Ivan.

"Bro, tignan mo sa harap natin!" gulat na sambit ni Ivan habang tinuturo ang nasa harapan nila.

"B-bakit?" usisa ni Ivan.

Madilim sa loob ng tunnel pero aninag nina Ivan at Nico ang pulang dugo na nagkalat sa daraanan nila.

"Tama ba ang nakikita ko na dugo ang mga iyan," aniyang nagtataka ni Nico.

"Bro ano sa tingin mo?" tanong pa nito kay Ivan.

Lumapit ang dalawa sa mga nagkalat na dugo. Pansin nilang sariwa pa ito.

"Bro, tignan mo mayroong malaking butas doon," ani Nico.

Inilawan ni Ivan ang loob ng butas na kanilang nakita. Hindi naman makapaniwala ang dalawa nang masaksihan ang mga bangkay ng mga tao sa ilalim nito.

"D-Dex ikaw ba yan?" tanong ni Ivan nang makita ito sa baba ng butas at napapaligiran ng patay na tao.

Madaming galos ang katawan ni Dex at lalo pa sila dalawang nanlumo na makitang putol ang isang paa nito.

"U-umalis na kayo! Mapanganib dito, hayaan ninyo na lang ako!" namimilipit sa sakit na sabi ni Dex sa kanilang dalawa.

"Hindi maaari kailangang mailabas ka namin diyan," tanggi ni Nico.

"Dex, kaya mo ba tumayo? Subukan mong abutin ang kamay ko!" sabi ni Ivan sabay abot ng kamay.

Kahit sugatan ay lakas loob na tumayo si Dex.

Iniabot nito ang kamay sa kamay ni Nico. Papalapit na sana ang kamay nila nang matigilan ang dalawa. Mayroong ingay silang narinig na papalapit sa kanilang kinaroronan.

Hindi alam nina Nico at Ivan kung sino o ano ang papalapit sa kanila. Kinabahan ang bawat isa, lalo na sina Nico at Ivan nang makita ang kalagayan ni Dex.

Kinagulat ni Ivan nang bumitaw si Dex sa pagkakahawak kay Nico.

"Dex, bakit?" tanong ni Nico.

"Umalis na kayo, hayaan n'yo na ako rito. Papalapit na sila," sabi ni Dex.

"S-sinong sila?" tanong ni Ivan.

Akmang sasagutin na ni Dex nang makarinig siyang nang malakas na mga atungal.

Rwarrr...

"Nico tayo na," sabi ni Ivan sabay hila sa damit ni Nico. Tumakbo sila papalayo sa paparatin na kung anuman iyon. Lumingon pa si Nico sa kaniyang likuran at halos magulantang siya nang makita ang namumulang mata sa dilim.

Bawat hakbang nila ay takot ang hinahatid sa kanila. Kanina pa sila tumatakbo ngunit 'di pa rin matanaw ang labasan.

"Teka, Ivan puwede bang huminto muna tayo saglit.. Hindi ko na kaya . Pagod na pagod na ako," pambubuyo ni Nico habang hawak ang mga tuhod.

"Ako nga rin pagod na. Tingin mo sinundan ba tayo ng nilalang na iyon?" tanong Ivan.

"Hindi ko alam bro, sana safe lang 'yung iba," ani Nico.

Pinagpatuloy nina Ivan at Nico ang pagtakas sa nakita nila. Maingat na naglakad ang dalawa. Dahil mainit sa loob ay nagaktak ang kanilang pawis. Basang-basa na rin ang kanilang damit na suot.

"Tignan mo parang may sasakyan doon. Madali ka puntahan natin," sabi ni Ivan.

Mabilis na nagtungo ang dalawa sa nakita nilang sasakyan. Paglapit nila ay nagtaka sila dahil mayroon iyong pagkakahawig.

"Di ba bus natin 'yan?" tanong Ivan.

"Oo, nga papaano ito napunta rito," ani Nico.

"Hindi ba ang dapat itanong ay papaano tayo nakabalik dito? Mukhang umikot lang tayo a," sabi ni Ivan.

"Imposible 'yang sinasabi mo! O, ba ka dito talaga tayo nanggaling kanina," paliwanag ni Nico.

Maingat na pumasok sila sa loob ng bus. Doon ay bumungad sa dalawa ang bangkay ng kanilang mga kasamahan. Putol-putol ang katawan at halos 'di nila makilala ang mga ito.

"Ivan ano ang nangyari? Bakit nagkaganito?" nanlulumong usisa ni Nico.

"Hindi ko rin alam, siguro'y dahil sa tinakbuhan natin!" tugon ni Ivan.

"Anong tinakbuhan?" tanong ni Nico.

"Yung mapupulang mata!" sabi ni Ivan.

"Oo, siguro iyon nga ang dahilan," saad ni Nico.

"Ang ibig kong sabihin nandiyan siya sa likuran mo," nanginginig na sabi ni Ivan.

"Ha, 'wag ka nga magbiro ng ganiyan bro," gulat na saad ni Nico.

"Bro, pagbilang ko ng tatlo tumakbo tayo," utos ni Ivan.

Hindi alam ni Nico ang gagawin dahil rinig niya ang ungol sa likuran niya.

"Isa... Takbo na!"

Pagkabilang ni Ivan ay tumakbo kaagad ito.

"Hoy, hintay lang Ivan," pakiusap ni Nico ngunit biglang may kamay na dumakma sa kaniyang balikat. Pinipigilan siya nitong tumakbo. Ilang saglit lang ay bumaon sa kaniyang balikat ang matutulis na kuko.

Hinarap ni Nico ang gumawa noon at halos umihi siya sa kaniyang pantalon nang makita ang mukha ng halimaw na sinasabi ni Ivan.

"Sino ka? Ba't ganyan ang mukha mo?" sunod-sunod nitong tanong ngunit umungol lang ang halimaw na kaharap niya.

Hindi alam ni Nico kung anong nilalang ang kanyang kaharap. Pulang-pula ang mata nito at walang balahibo ang katawan. Ang lalo pa niya kinatakutan ay ang kakaibang hugis ng ilong at tainga nito. Matutulis din na ngipin ang kanyang nakita nang binuka nito ang bunganga at kinagat ang leeg ni Nico.

Nandilim ang mga paningin ni Nico. Tila 'di na siya makakatakas pa. Marahil ito na ang kaniyang katapusan. Sa huling pagkataon ay inipon ni Nico ang lakas at sinuntok ang halimaw na kaniyang kaharap kasunod noon ay buong lakas na tadyak. Nakawala si Nico sa pagkakagat sa kaniya, ngunit bumagsak naman siya sa sahig ng bus.

Paupong umatras si Nico. Naghahanap siya nang puwede niya damputin. Anumang bagay na matigas at puwede niya ipalo. Ginala niya ang paningin sa magkabilang gilid ngunit wala siya makita na puwede niya pang laban sa halimaw na kaharap. Nang mahawakan niya ang isang putol na braso ay inihagis niya iyon sa halimaw.

Nakaiwas ang halimaw sa paghagis ni Nico. Dumaan sa bintana at tumilapon sa labas ng bus ang putol na brasong itinapon ni Nico. Sinundan naman ito nang tingin ng halimaw. Wala pa isang sigundo ay pinuntahan nito ang putol na braso sa labas ng bus. Lumundag ito sa wasak na bintana.

Nang makita ni Nico na lumayo ang halimaw ay sinubukan nitong tumayo. Napahawak ito sa mga upuan at paika-ika naglakad papunta sa pinto ng bus.

Nang makalabas ng bus ay isang matamis na ngiti ang ginawad ni Nico sa sarili. Nauto niya ang halimaw.

Nakangiti si Nico.

Akala ni Nico ligtas na siya ngunit hindi pa pala. May nakaabang na dalawa pang halimaw sa labas ng bus at handang lumapa sa kaniya.

"Oh, my God!" gulat na sabi ni Nico.

Sa tuktok naman ng bus ay mayroong isa pa at hindi ito napansin ni Nico. Lumundag ito at dinaganan si Nico. Bumagsak ang katawan ni Nico pati na rin ang dala nitong pag-asa na makaligtas. Walang habas na nilapa ng mga halimaw ang katawan ni Nico hanggang sa tuluyan itong mamatay.

Bago nalagutan nang hininga ay iniisip lang ni Nico si Ivan. Ang kaniyang kasama bago siya lapain ng mga halimaw.

Samantala nagpanggap namang patay si Dex sa loob ng butas matapos umalis si Ivan at Nico. Ilang minuto ang lumipas sa kaniyang taas ay mayroong nakadungaw na halimaw. Mayroon itong sakmal na tao na putol ang kalahati ng katawan. Hinulog ng halimaw ang katawan na 'yon at pumatong iyon sa katawan ni Dex. Halos mabaliw si Dex nang kumpermahin kung sino ang taong iyon. Isa sa kaniyang mga kaibigan, si Ivan. Nauna pa itong mamatay sa kaniya.

Alam ni Dex na hindi na siya makakatakas sa mga halimaw na ito sa loob ng tunnel dahil napakarami nila. Kung tangkain man niyang tumakas ay mamatay lang siya. Napaluha ang mga mata ni Dex, iniisip niya sa mga oras na iyon ang kaniyang pamilya. Nagdarasal ang binata para sa kaniyang buhay. Ayaw niya pa mamatay, sana'y mayroong dumating at maglitas sa kaniya.

Ilang oras ang dumaan ay umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.

Kasabay noon ay ang matinis na tonog nang makina ng sasakyan. Patuloy ang naririnig ni Dex na putok ng baril papalapit sa kaniyang kinaroronan.

Inalis ni Dex ang bangkay ni Ivan na nakapatong sa kaniya. Tumayo siya at sinilip kung ano ang nangyayari sa taas niya. Dalawang truck ang huminto sa harapan niya sakay ang iilang tao na mayroong hawak na baril. Binabaril nila ang mga halimaw sa loob ng tunnel.

"Tulong! Tulongan n'yo ako!" saklolo ni Dex sa mga taong iyon. Paulit-ulit ang kaniyang pagsigaw hanggang sa mayroong bumaba ng truck.

"Lito ito cover mo ako!" mando ni Angel sa kasamahan niyang bumabaril sa mga halimaw. Bumaba sila nang truck matapos marinig ang paghingi ng saklolo ng isang tao.

Hawak ang mahabang baril na mayroong ilaw sa ilalim nito ay tinunton ni Angel ang pinagmulan ng sigaw. Patuloy naman ang pag-cover sa kaniya ni Lito na pinapuputukan ang mga halimaw na sinasagupa nila. Sa isang butas ay dumungaw si Angel doon bumungad sa kaniya ang binata na umiiyak.

"Boy, ayos ka lang ba?" tanong ni Angel sabay sukbit ng baril sa kaniyang balikat.

"Tu-tulongan n'yo po ako," tugon ni Dex.

Inabot ni Angel ang kaniyang kamay kay Dex. Nang mahawakan ito ng binata ay tsaka niya ito hinila pataas. Nang maangat niya na si Dex ay inakay niya ito.

"Lito, tayo na!" mando ni Angel.

"Yes ma'am," sagot ni Lito sabay palit ng magazine sa hawak niyang baril. Pinagpatuloy niyang paulanan ng bala ang mga halimaw na papalapit sa kanila.

"Adios!" litanya ni Lito sa halimaw na kaniyang binabaril.

Nang makaalpas ng truck ay umatras ang kanilang grupo at bumalik sa camp na kanilang pinagtataguan.

Habang sakay sa truck ay ginamot nila si Dex. Nag-usap si naman si Dex at Angel, kung bakit nandoon sa loob ng tunnel ang binata.

"Boy ano ang pangalan mo?" tanong ni Angel.

"Ako po si Dex Marcial, labing walong taong gulang!" sagot ni Dex.

"May mga kasamahan ka pa ba?"

"Sakay kami ng bus at siyam kaming naroon, hindi ko alam pero sa tingin ko patay na silang lahat."

"Ano ba ang mga halimaw na iyon?" tanong ni Dex kay Angel.

"Siguro'y bago palang kayo napadpad sa lugar na ito," sabi ni Angel at nagsimulang magkwento tungkol sa mga halimaw na nasa tunnel.

Isang buwan na ang nakaraan nang sumulpot ang mga halimaw na iyon sa loob ng tunnel. Noong una hindi kami naniniwala na mayroong ganoong mga halimaw, hanggang sa sunod-sunod na nawawala ang mga tao sa lugar namin. Tuwing gabi sila umaatake at bumibiktima. Sa isang buwan na lumipas ay marami na sila pinatay na tao kaya sobrang mapanganib sila. Ang kahinaang lang naman nila ay kung masikatan ng araw subalit nagkubli sila sa loob ng tunnel na iyon. Doon ay 'di abot ng sikat ng araw.

"Ano ba ang tawag sa kanila?" usisa ni Dex.

"Tinawag lang namin silang red eyes dahil sa mapupula ang mata nila. Ayon sa kuwento ng mga matatanda sa amin ay nagmula sila sa lupa at umakyat para humanap ng pagkain. Noong una kaunti lang sila pero ngayon ang bilis nila magparami."

Ilang oras ang lumipas. Sumapit na ang gabi nang makarating sila sa kampo. Ang kampo na iyon ay ginawa ng mga tagaroon upang panangga sa mga halimaw. Lahat ng tao ay nandoon at nagsiksikan. Mga bata, matanda. Ang kampo ay binabakuran ng mga matataas na kawayan para na rin hindi 'agad mapasok ng mga halimaw.

Kahit mga bata na sa murang edad pa lang ay may roon ng hawak na baril. Marahil natuto na sila lumaban para sa kanilang buhay.

Maya-maya pagkatapos kumain ng hapunan ay kinausap ni Dex si Angel.

"Bakit marami kayong bomba?" tanong ni Dex dito.

"Ano ang plinaplano n'yo?" dugtong nito.

"Balak naming pasabugin bukas ang tunnel, para mahinto na ang lahat ng ito," sagot ni Angel.

"Puwede ba ako sumama bukas," pakiusap ni Dex.

"Mapanganib ang gagawin namin." "Gusto ko sumama sa inyo. Gusto ko ipaghiganti ang mga kasamahan kong nawala," untag ni Dex.

"Kung iyan ang gusto wala na ako magagawa basta susundin mo kung anuman ang iuutos ko," marahang sabi ni Angel.

"Oo, pangako hindi ako magiging pabigat sa inyo," pagsang-ayon ni Dex.

Kaumagahan ay nag-impake na ang lahat. Sakay sila ng tatlong sasakyan.

Si Angel ang namuno sa misyon nila. Si Dex naman ay kinakabahan sa kanilang gagawin. Mapanganib iyon at posibleng doon na sila ilibing.

Hindi mawari si Dex habang tinitignan ang binti niyang nakabenta. Dinamdam niya ang pagkawala ng isa niyang paa. Akala niya'y mamatay na siya ng mga oras na iyon, ngunit binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.

"Maghanda kayo malapit na tayo sa bukana ng tunnel," mando ni Angel.

Sakay siya ng pangalawang truck at kasama niya si Dex.

"Dex handa ka na ba?" tanong niya sa binata. Biglang pagsang-ayon ay tumango lang si Dex.

Ang unang truck na pumasok ay naghagis ng flashbomb sa loob ng tunnel. Ilang sandali pa'y umalingawngaw na ang putok ng baril.

Nilaglag nila ang unang bomba. Patuloy lang ang pag-usad ng tatlong truck. Halos 'di naman makapaniwala si Dex sa nakikita niya ang mga red eyes ay gumagapang sa kisame.

"Dex asintahin mo lang ang kanilang ulo," sabi ni Angel.

"Oo," sambit ni Dex sabay kabit sa gatilyo ng baril na hawak.

Ang mga halimaw sa kisame ng tunnel na gumagapang ay lumundag sa kanila. Ang ikatlong truck ay tumirik dahil sa napakaraming halimaw ang pumatong doon.

"Tang Ina, mura ni Angel nang makitang tumaob ang huling truck. Bilis buksan n'yo ang mga takip ng gallon," mando ni Angel.

Naglalaman ng gas ang galloon na iyon at plano nilang sunugin ang daraanan ng mga halimaw papalapit sa truck nila.

Tumilapon ang isang halimaw na gumagapang sa taas ng binaril ito ni Dex.

"Good Shot," sabi ni Angel.

"Salamat." sabay ngiti ni Dex.

Pinagpatuloy ni Dex at Angel ang pagbaril sa mga halimaw hanggang mailaglag nila ang ikalawang bomba.

Pagkarating sa gitna ng tunnel ay nanlumo si Dex nang makita ang sinakyan niyang bus na yupi at nakataob. Doon nakumpirma niya patay na ang kaniyang mga kasamahan. Nangilid ang kaniyang luha. Nilakasan niya loob at hindi nagpahalata.

Huling bomba na lang ang natitira at malapit na sila makalabas.

"Ate Angel, mukhang naubusan na ako ng bala," sabi ni Dex.

"Sige, dumikit ka lang sa akin," sabi ni Angel.

"Teka ba't tayo tumigil?" tanong ni Angel.

"Yung unang truck ay nakubkob na ng mga halimaw," sabi ni Lito.

"Mukhang hindi na tayo maaaring makadaan ngayon," dagdag nito.

"Ma'am Angel may plano ka ba?" tanong ni Lito.

"Kailangan na nating bumaba. Kailangan nating makalabas. Ilapag n'yo na ang huling bomba rito," mando ni Angel.

Matapos maayos ang huling bomba ay naglakad ang kanilang grupo. Lima na lang sila ngayon natitira kasama si Dex.

"Dex tayo na!" utos ni Angel.

"Hindi ko kayang maglakad, magging pabigat lang ako sa inyo. Mauna na kayo. Handa na ako mamatay," matapang na sabi ni Dex.

"Pero Dex..."

Hindi natapos ni Angel ang sasabihin nang magsalita si Dex.

"Ayos lang ate, ako na bahala sa mga halimaw na hahabol sa inyo. Pipigilan ko sila!" sabi ni Angel.

Inihagis ni Lito ang natitirang granada sa daraanan nila. Tumalsik naman ang mga halimaw na malapit sa granda ng sumabog ito.

"Angel, open na ang dinadaanan natin. Kailangan na nating makalabas," saad ni Lito.

"S-sige!" sambit ni Angel bago lisanin si Dex.

Naiwan si Dex na nag-iisa. Habang nakaupo sa likod ng truck ay ngumisi ito. Pinapalibutan na kasi siya ng mga red eyes.

Dinampot ni Dex ang naiwang baril at pinaulanan ng bala ang mga halimaw na nakikita niya. Sumisigaw pa ito habang patuloy sa pagbaril.

"Putang ina n'yo, aaahh. Mamatay kayo ngayon." sigaw nito.

Sa taas ni Dex ay mayroong nakaantabay na halimaw. Hindi niya ito napansin. Nang lumundag ang red eyes na iyon sa kaniyang kinaroronan ay sinakmal ng buo ang kaniyang ulo. Di na nakalagaw si Dex. Ang mga kamay nito na may hawak ng baril ay nakalas.

"Angel mukhang malapit na tayo sa labasan," sabi ni Lito na kasamang tumatakbo si Angel at dalawa pa nilang kasama.

"Mauna na kayo!" mando ni Angel sabay tigil sa pagtakbo.

"Papalapit na sila ulit, at wala nang bumabaril sa atin, maabutan na nila tayo," dugtong nito.

"Bakit?" tanong ni Lito.

"Hanggang kaya n'yo makalayo bilisan n'yo dahil papasabugin ko ang mga bombang nilapag natin. Pipigilan ko sila hanggat kaya ko," sabi ni Angel.

Pinagpatuloy nila Lito ang pagtakbo habang si Angel naman ay natiling nakatayo at nakakuyom ang mga daliri.

Nang makalapit ang mga red eyes sa kaniya ay pinagsisipa niya ang mga ito. Lumundag siya at sinipa ang mga ito sa ulo.

"Hai ya!" sigaw ni Angel.

Tumilapon ang mga red eyes na unang lumapit sa kaniya. Pero hindi na niya kinaya ang sumunod na paglusob ng mga red eyes. Sinakmal na ang kaniyang mga braso at binti.

Bago bawian ng buhay ay pinindot ni Angel ang hawak niyang button. Ngumiti pa siya at hinihintay ang pagsabog na magaganap.

Bumagsak ang katawan ni Angel habang sakmal ng mga red eyes ang kaniya katawan. Nagsimula namang gumapang ang apoy sa loob ng tunnel. Tila alon ang apoy na iyon na mula sa tinanim nilang bomba. Bawat red eyes na mahagip ng apoy na iyon ay natupok. Ang ilang parte ng tunnel ay gumuho at nabagsakan ang halimaw. Sunod-sunod ang mga pagsabog na umalingawngaw nang makalabas si Lito at dalawa niya pang kasama.

"Lito natapos na rin ang lahat," sabi ni Ton na hingal sa pagtakbo.

"Hindi pa!" sambit ni Lito.

"Tignan mo gumuho na ang tunnel," aniya ng isa pa sa kanila na si Samuel.

"Muli silang babalik at sigurado ako roon. Sa ngayon ay napigilan natin sila pero sa susunod hindi na..."

Kinagulat ng dalawang kasama ni Lito nang biglang lumabas sa lupa na kinatatayuan nila ang isang kamay ng halimaw ngunit bigla itong naging abo nang masikatan ng araw.

"Ibig mo sabihin hindi pa sila nauubos?" tanong muli ni Samuel.

Hindi na umimik si Lito sa halip ay pinanuod na lang ang malaking usok mula sa pagsabog sa loob ng tunnel.

Hindi niya lubos maisip ang pagkawala ng kaniyang mga kasamahan, lalo na si Angel.

-WAKAS-


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
bottom of page