top of page

LIHIM NG PAGKATAO (One Shot Story)


PAALALA: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng sexual at mga maseselang eksena na hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ang kailangan at lawakin ang kaisipan. DALAWANG taon na ang nakalilipas mula nang masawi sa isang malagim na insidente si Jordan, ang pang-anim na nobyo ni Shakira sa kanyang buhay pag-ibig. Mula nang mamatay ang kanyang huling nobyo ay hindi na siya nagtangkang umibig pang muli. Tanggap na niya ang kapalaran niya na maging matandang dalaga habang buhay. Mag-isa na lamang siyang namumuhay ngayon. Sanggol pa lang siya ay iniwan na siya ng kanyang mga magulang. Hindi niya batid kung ano ang dahilan at kung nasaan na ang mga magulang niya ngayon, kung buhay pa ba ang mga ito o patay na. Ang nakapulot at umampon sa kanya na si Aling Celidad ay matanda na kung kaya't siya na ang nag-aalaga rito ngayon. Sakitin si Aling Celidad at hindi na rin makalakad at nakakapagsalita dahil sa katandaan kaya nakahiga na lamang ito sa kuwarto. Namasukan si Shakira sa isang karinderya na nasa loob ng palengke para kahit papaano'y may pambili siya ng gamot sa kanyang ina-inahan. Hindi naman gaanong kalakihan ang sahod doon pero ito'y may sapat na halaga naman para sa pambili ng mga gamot at maintenance ni Aling Celidad. At para na rin may mapagkakaabalahan siya araw-araw. Naiinip at nalulumbay kasi siya kapag nakatunganga lamang siya sa bahay. Dahil mabait ang amo niya at masipag din siyang magtrabaho ay agad silang nagkasundo nito, nakasundo rin niya pati ang mga kapwa niyang nagtatrabaho sa karinderyang iyon. Bukod doon ay marami rin siyang nakilala sa mga nagtatrabaho sa konsignasyon na katapat ng karinderyang pinagtatrabahuhan niya. Isa na sa mga nakilala niya doon ay si Kenzo na suki na ng kanilang karinderya kahit noong hindi pa siya nagtatrabaho rito. Sa tuwing kumakain ito sa karinderya ay palagi niya itong nakakakuwentuhan. Kilala na si Kenzo ng mga nagtatrabaho sa karinderyang iyon pero si Shakira ang higit nitong naka-close kahit na baguhan pa lamang ito roon. Masarap kasing kausap si Shakira, palaging tumatawa, palabiro, at palakaibigan. "Alam mo, Shakira, ang sarap mo talagang kausap," sabi pa ni Kenzo dahil sa ganda ng topic na kanilang pinag-uusapan ng mga oras na iyon habang ito'y kumakain. "Ganu’n ba? Anong lasa?" pabirong tanong ni Shakira. “Kasing sarap nitong luto mo!” Tumatawang tugon ni Kenzo sa dalaga. Nagtawanan sila. NANG magtagal na si Shakira sa kanyang trabaho ay lubos niyang nakilala ang magandang kalooban ni Kenzo. Sa tuwing kakain ito sa kanilang karinderya ay palagi silang nag-uusap. Nakakahalata na nga ang mga kasama niya na baka nagkakadevelopan na sila ng binata pero todo tanggi naman si Shakira. Palagi nitong sinasabi na magkaibigan lamang sila. Sa totoo lang ay ayaw na niyang umibig pa dahil meron siyang lihim na itinatago. Isang lihim na hindi puwedeng matuklasan ng kahit na sino. Silang dalawa lamang ni Aling Celidad ang nakakaalam niyon. DAY OFF ni Shakira nang araw na iyon. Magkasama sila ngayon ni Kenzo sa plaza. Habang nakaupo sila sa park ay hinawakan ng binata ang kanang kamay ni Shakira at dumikit ito sa dalaga. "Shakira, may sasabihin ako." "Ano naman 'yon?" Sabay lingon ng dalaga sa binata. Nagkatagpo ang mga mata nila. Aamin na si Kenzo sa nararamdaman niya para sa dalaga. Siya ang tipo na agad aaminin ang nararamdaman at hindi na magpapaliguy-ligoy pa dahil naniniwala siyang hahantong din sa pag-ibig ang lahat ng iyon. "Puwede bang manligaw?" nakangiti niyang sabi. Tumawa lang si Shakira. "Puwede naman. Basta't huwag lang sa akin," pabirong sagot pa ng dalaga. Sabay silang nagtawanan. Kahit kailan ay palabiro talaga si Shakira. "Ikaw lang ang gusto kong ligawan at wala ng iba." Sabay akbay nito sa dalaga. "Iyan ba ang dahilan kaya mo ako pinapunta rito?" nakangiting tanong ni Shakira na parang wala lang sa kanya ang nararamdamang pag-ibig ni Kenzo. "Oo. Dahil pangarap ko magkaroon ng isang babaeng tulad mo," malumanay na tugon sa kanya ni Kenzo saka ito biglang humalik sa noo niya. Biglang may naramdamang kakaiba si Shakira sa kanyang katawan. Kumalas siya sa pagkakaakbay sa binata at napatayo siya. Pinigilan niya ang nararamdamang iyon sa pamamagitan ng pagtakip ng kanyang bibig. Wala sa loob na umalis siya at iniwan ang binata na nanatiling nakatingin sa kanya. Nagtaka si Kenzo sa ikinilos ng dalaga. Bigla kasing naging seryoso ang mukha nito. Parang may pinipigilan. Parang may itinatago na hindi naman niya mawari kung ano. Ngayon lang niya nakita na maging seryoso ng ganoon ang dalaga. Hindi niya alam kung ibig ba nitong masuka kanina sa pagtakip nito sa bibig o kung meron pa itong ibang dahilan. Hinayaan na lamang niya ito. Inisip niya na baka nabigla lamang ito dahil sa pag-amin niya at paghalik sa noo nito. Nang gabing iyon ay nakatanggap ng isang text message si Shakira kay Kenzo. "Pasensya ka na kanina, Shakira kung nahalikan kita sa noo kanina. Hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko dahil mahal na kita. Sana huwag kang magtampo sa akin. Kung hindi ka pa handa na sagutin ako walang problema. Maghihintay naman ako kahit matagal. Basta't ayoko lang na magtampo ka sa 'kin." Kahit na may load ay hindi na nireplayan ni Shakira ang text na iyon ni Kenzo. Nanghihinayang siya sa nangyari. Mahal na rin niya ang binata subalit hindi niya mapapawalang bisa ang pangako sa sarili na hindi na muling iibig pa dahil sa isang misteryosong dahilan. DINALAW ng isang masamang panaginip si Kenzo. Buhat-buhat daw siya ng mga taong malalabo ang mga mukha at inilalagay siya sa kabaong. Sigaw daw siya ng sigaw at takot na takot. Pilit na nagmamakaawa na huwag siyang sasaktan pero imposibleng may tumulong pa sa kanya dahil nasa loob na siya ng kabaong. Pagkasara ng kabaong ay ipinasok iyon sa loob ng nitso. Pawis na pawis si Kenzo habang siya'y nasa loob ng kabaong. Unti-unti siyang kinakapos ng hininga hanggang sa tuluyang sumikip ang kanyang dibdib at bigla siyang nagising sa realidad. Pagkagising niya ay pawis na pawis siya at habol ang hininga. Akala niya'y totoo na. Nakahinga siya ng maluwag dahil isang panaginip lang pala. Pagkapasok niyang muli sa trabaho sa konsignasyon ay natuon ang isip niya sa kanyang mga ginagawa kung kaya't nawala na sa isip niya ang napanaginipan. Kanina kasing magising siya ay takot na takot siya. Kung anu-ano ang mga pumasok sa isip niya na ikinabahala naman niya. Nang muli silang magkita ni Shakira sa karinderya ay muling nanghingi ng tawad si Kenzo tungkol sa nangyari ng linggong iyon. "Pasensya ka na talaga, Shakira." Seryoso na ang mukha ni Kenzo. Tumawa naman ang dalaga na parang nakalimutan na ang nangyari. "Ano ka ba 'wag mo nang isipin 'yon! Kumain ka na lang d'yan at babantayan kita." Dahil maganda ang mood ni Shakira ay pinilit na ring ngumiti ni Kenzo kahit medyo nahihiya pa ito sa dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon si Shakira. Para kasing hindi na normal ang pagiging masayahin nito. Nakakahalata na siya na tila may itinatago talaga ito at idinadaan lamang nito sa tawa ang lahat para lang masabi na wala itong problema. Pero agad ding binawi ni Kenzo ang kanyang paniniwala ukol doon. Inisip niya na masyado lang siyang nag-o-over thinking sa sobrang kabaitan ng dalaga na mapagpasensya at palatawa. PAGSAPIT ng gabi ay muling dinalaw ng masamang panaginip si Kenzo. Ang kanyang panaginip ay kapareho rin ng kagabi. Binubuhat daw siya ng mga nilalang na malalabo ang mga mukha, inilalagay sa kabaong, at inililibing siya ng buhay. At sa tuwing malalagutan na siya ng hininga ay bigla na lamang siyang magigising ng pawis na pawis at hingal ng hingal. Nabahala na si Kenzo dahil dalawang beses na niyang napanaginipan iyon. Isang mala-bangungot na panaginip. At lalo pa siyang kinutuban ng masama dahil sa pagdaan ng isang linggo ay gabi-gabi siyang binabalikan ng panaginip na iyon. Inisip niya na baka may nakaabang na panganib sa kanyang buhay. Mabuti na lamang ay nariyan si Shakira na palaging nagpapasaya sa kanya. Sa tuwing nakakakuwentuhan niya ito habang kumakain siya sa karinderya ay nawawala ang lahat ng mga takot na naghahari sa puso at isip niya. Ang mga oras na kausap niya si Shakira ay napakasaya at napakasigla niya. Pero sa tuwing sasapit ang gabi ay kumakabog na muli ang dibdib niya dahil iyon ang oras ng pagdalaw sa kanya ng masama niyang panaginip na bumabagabag sa kanya. DAY OFF muli ni Shakira. Pagkatapos niyang mag-agahan, maligo at mapakain si Aling Celidad ay nagpunta agad siya sa plaza dahil may usapan sila ni Kenzo na magkikita sila doon mamayang alas nuebe ng umaga. Napaaga ang punta niya kaya halos kalahating oras siyang naghihintay. Pasadong alas nuebe nang makarating na si Kenzo sa kanilang tagpuan. Agad na nawala ang takot na naglalaro sa isip ng binata nang makita niya ang matamis na ngiti at magandang mukha ni Shakira. "May eye bags ka, a?" puna sa kanya ni Shakira. Hindi nawawala ang mga ngiti nito sa kanyang mga labi. Matipid na ngumiti si Kenzo saka ito tumugon. "Pasensya ka na, Shakira. Puyat kasi ako gabi-gabi, eh. Hindi ako gaanong nakakatulog." seryosong paliwanag ni Kenzo. "Bakit naman?" Hindi na lamang sinabi ni Kenzo ang tungkol sa napapanaginipan niya gabi-gabi. Nag-imbento na lamang siya ng ibang dahilan. "Ah. . . Eh. . . K-kasi. . . M-may insomia ako, eh." "Grabe ka naman. Kahit ako may insomia rin naman ako pero wala naman akong eye bags. Baka napupuyat ka lang siguro sa kakaisip. Ano ba'ng iniisip mo?" untag sa kanya ni Shakira. Wala nang maisip na maidadahilan si Kenzo kaya iniba na lamang niya ang usapan. Ayaw kasi talaga niyang sabihin ang totoong dahilan dahil baka pagtawanan lamang siya ng dalaga at hindi paniwalaan. "Tara na, Shakira. Pupunta tayo sa kabilang bayan. May bibilhin ako doon." Hinawakan ni Kenzo ang kamay ng dalaga at sabay silang naglakad papunta sa sakayan ng jeep. PAGKATAPOS nilang mamasyal ay wala sa loob na niyaya ni Shakira si Kenzo sa kanilang bahay. "Kenzo, puwede ba kitang isama sa aming bahay?" "Oo naman!" Agad na sumang ayon si Kenzo habang naglalakad sila pauwi. Nakaramdam ng pananabik si Kenzo na makapunta kina Shakira. First time niya makakatapak sa bahay ng kanyang nililigawan. Pagkapasok nila sa bahay ay saglit na pinaupo ni Shakira ang binata sa sofa sa salas at tinungo niya ang kuwarto ng kanyang ina-inahan. Nadatnan niya itong nakahiga at nagpapahinga. Nakita niyang nakalagay sa coffee table ang tray na pinagkainan nito. Nilapitan niya ito saka siya nagmano. "'Nay sandali lang, ha? Hugasan ko lang itong pinagkainan n'yo. Mayamaya lang ay magsasaing na 'ko at magluluto ng tanghalian natin." Hinalikan niya sa noo ang matanda. Ngumiti ito at tumingin sa kanya. Kinuha na ni Shakira ang tray at inilabas ng kuwarto. Itinambak muna niya ito sa lababo at agad niyang tinawag si Kenzo. "Halika. Akyat tayo sa kuwarto ko." Sumunod naman agad ang lalaki at iniwan niya sa sofa ang isang plastic bag na naglalaman ng mga pinamili niya. Hindi maitatago sa mukha nito ang kaligayahan. Pagkapasok nila sa kuwarto ay naupo sila sa kama. Si Shakira na ang nagpanimula nang usapan. "Kenzo, pasensya ka na, ha? Hindi kasi ako makapagpigil, eh," ani Shakira habang makahulugang nakatitig sa binata. "Ano ba'ng nais mong sabihin?" nakangiting untag ni Kenzo. Ang mga ngiti nito ay may halong kiliti dahil tila nape-predict na niya ang nais sabihin ng dalaga. Hindi na tumugon si Shakira. Ang nais niyang sabihin ay idinaan na lamang niya sa gawa. Hinalikan niya sa labi si Kenzo at hinawakan nito ang magkabilang pisngi ng binata. Napakadulas at napakakinis ng pisngi nito na napakasarap haplusin. Hindi na pumalag si Kenzo. Nilasap niya ang bawat matatamis na sandali habang magkadikit ang kanilang mga labi. At iyon ang nais sabihin ng dalaga. Mahal din niya si Kenzo at hindi nito mapigilan ang pagnanasang nararamdaman para sa binata. Si Shakira pa mismo ang nagtanggal ng suot na damit ng binata atsaka siya naghubad. Nang magpatong na ang kanilang mga katawan sa kama ay tumayo ang ari ni Kenzo. Isinubo iyon ni Shakira at dinila-dilaan. Sarap na sarap si Kenzo sa ginagawang iyon ng dalaga. Napapikit na lamang siya habang nilalasap ang bawat maiinit na sandali. Habang nakapikit si Kenzo ay hindi na niya namalayan ang nangyayari kay Shakira. Habang patindi ng patindi ang pagnanasang nararamdaman nito ay unti-unti ring nagbabago ang anyo nito. Ang balat nito sa buong katawan ay nanunuyot at nagkakaroon ng tila kaliskis. Ang mga ngipin nito ay tumatalim at humahaba. Bigla nitong kinagat ang ari ng binata saka niya ito isinubo ng buo at nginuya na parang hotdog. Napamulagat ang binata at nagsisigaw at nanginig ang buong katawan dahil sa labis na sakit na naramdaman. Nang mapasulyap siya kay Shakira ay ibang nilalang na ang kaharap niya. Isang mabangis at gutom na halimaw. Hindi na nakapalag si Kenzo nang ibaon ng dalaga ang matutulis nitong mga kuko sa tiyan niya. Nang mabutas na ng dalaga ang tiyan ng binata ay pinunit niya ito na parang papel hanggang sa bumulwak ang mga dugo at laman. Napakalakas ni Shakira. Katumbas ng sampung halimaw ang lakas niya. Halos ilublob pa niya ang mukha sa wakwak na tiyan ng binata at kinain nito ang mga laman at bituka ng lalaki sa pamamagitan ng bibig nito. Higit na nasarapan doon si Shakira. Halos mapunit na ang boses ni Kenzo sa kasisigaw dahil sa labis na sakit at takot na nararamdaman. Napaiyak na siya at namula ang mukha niya hanggang leeg. Lumapit pang lalo sa kanya ang halimaw na dalaga saka nito ibinuka ang bibig ng binata at ipinasok nito ang kamay sa loob ng bunganga ni Kenzo saka nito dinukot mula roon ang spinal cord ng binata. Dumanak ang sariwang dugo. Nadurog ang mga ngipin at gilagid ng binata. Nabasag ang panga nito. Nang ilabas na ni Shakira ang kanyang kamay sa bunganga nito ay hawak na niya ang duguang spinal cord ng binata. Dilat ang mga mata at nakabuka ang bunganga ni Kenzo. Wala na itong buhay. Binutas at biniyak ni Shakira ang ulo ng binata gamit ang kanyang mga kamay at taglay na lakas pagkatapos ay kinain nito pati ang utak ng lalaki. Ang sinapit ni Kenzo ngayon ay ang sinapit din noon ng mga naunang nobyo ni Shakira. At ang masamang panaginip na palaging dumadalaw kay Kenzo ay walang pinagkaiba sa mga panaginip noon ng mga naunang nobyo ng dalaga. Dahil sa oras na umibig sila rito ay malalagay sa panganib ang kanilang buhay, at ang masama nilang panaginip ang magsisilbing babala sa darating na panganib sa kanilang buhay. Dahil ang dalaga ay may taglay na sumpa sa kanyang katauhan. Hindi siya puwedeng magmahal dahil sa oras na makaramdam siya ng pagnanasa at pag-ibig sa isang lalaki ay mabubuhay ang dugong halimaw sa kanyang katauhan. Iyon ang dahilan kung bakit siya iniwan ng kanyang mga magulang na pawang mga may lahing halimaw. Dahil sa lahat ng kanilang angkan ay siya lamang ang bukod tanging sanggol na hindi nag anyong halimaw nang siya'y ipinanganak kung kaya't iniwan siya ng mga ito sa tabi ng isang puno upang hindi nito maranasan ang kalupitan ng mga tao sa kanilang mga halimaw. At ang nakapulot sa kanya ay ang taong may magandang kalooban, walang iba kundi si Aling Celidad. Ito ang umampon at nagpalaki sa kanya, at ito lang din ang nakatuklas at nakakaalam ng lihim ng kanyang pagkatao. ISA lang ang alam ni Shakira. Bawal siyang umibig o makaramdam ng pagnanasa upang hindi mabuhay ang dugong halimaw sa kanyang pagkatao. Subalit mapipigilan ba niya ang pagnanasang karaniwan nang nararamdaman ng isang tao tuwing sila'y magmamahal? Malamang ay hindi. Kaya kung gaano pa karami ang mga lalaking mabibiktima ni Shakira ay walang nakakaalam. LIHIM NG PAGKATAO Written by Daryl Morales All Rights Reserved 2015 ***WAKAS***

Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page