top of page

THE DEVIL'S OFFER (One Shot Story)


[Episode 1] Di niya inasahan na dito siya mapupunta dahil naging mabait naman siya nung nabubuhay pa siya. Dapat naniwala na lang siya na kapag nagpakamatay ka eh sa impyerno ang derecho mo. Palibhasa nagbingi bingihan siya sa mga sinabi ng mga mangangaral sa simbahan. Pinalaking may takot sa Dios si Angela bagamat may pagaalinlangan sa mga salita ng Biblia. Hindi naman siya masisisi dahil narin sa dami ng mga relihiyon ngayong panahon na nagsasabing sila ang tama, sila ang maliligtas, SILA! Sila na mga ipokrito! Mga lahi ng taga Smyrna Mahiya kayo! ************************** Revelation 2:8 And to the angel of the church in Smyrna say: These things says the first and the last, who was dead and is living: Revelation 2:9 I have knowledge of your troubles and how poor you are (but you have true wealth), and the evil words of those who say they are Jews, and are not, but are a Synagogue of Satan. ************************** Pinalaking maayos si Angela, at sa edad na 17 ay nakilala siya sa kanilang eskwelahan di lamang dahil sa kanyang magandang asal at mahinhin na pagkatao kundi sa taglay niyang kagandahan. Hmp! Sino ba niloloko ko? Yun naman talaga ang hinahabol ng mga kalalakihan ngayon. O mundo! Tukso tukso! Hahaha... pero bakit ko ba kayo pinapatawa? Hmm, dahil marahil nais kong sumaya kayo sa umpisa bago ko kayo parusahan sa mga kasalanan niyo. Yun ang trabaho ko, yun ang aking tadhana. Ako nga pala si Azrael at eto ang kwento ng bago kong kinahuhumalingan. Hahaha... "Ayoko dito." Hinarap ko siya at tiningnan mabuti. Hindi, hindi ko siya pakakawalan. Hindi ko hahayaan na maisahan ako ng isang sakripisyo o kaya naman technicality. HINDI!!! AKIN TO! NAGPAKAMATAY SIYA kaya akin ang kaluluwa niya! Ibinaling ko ang tingin sa langit, ang mapula pulang ulap ng apoy na bumabalot sa aking mundo. "Haaarr!" Dito ako ang masusunod, dito ako ang batas, dito ako ang dios! "Ayoko dito." Muli ko siyang tinitigan. Bagamat isa na lamang siyang kaluluwa ay napakaganda niya parin. Dinala niya sa kanyang paglisan ang kanyang birheng hubog ng katawan. Mala anghel ang tawag nila sa mga nilalang na tulad ni Angela pero anong alam ng tao sa mga anghel? Dahan dahan akong lumapit sa kanya, dahil sa nakakatakot kong anyo ay napaurong siya. Hmm, senyales na mayroon pa siyang makamundong pakiramdam, mga piraso ng kanyang pagkatao. Subalit nasisigurado kong lilipas rin ito habang tumatagal siya rito. "Parang awa mo na." "Hindi Angela, akin ka!" "Pero--" "Akin ang mga tulad mo na kumitil sa sarili nilang buhay." Sinabi ko ito na tulad sa isang tunay na panginoon, dahil iyon ang nakasulat sa mga ipinangako ni Yaweh. Oo, at kung hindi ninyo alam, aba! Magisip isip kayo! Ihinabilin ng Mesias ang kanyang salita upang maging batayan ng mga banal dahil iyon ang nais ng Dios, na ang lahat ng tao na PINILI niya ay maging banal sa kanyang pagbabalik, pero hindi ako inilagay rito upang mangaral. Inilagay ako rito upang sumundo ng mga napapariwara. Hahaha, natutuwa ako sa mga tao na wala ng pag-asa pang tumalikod sa kasalanan at marami rami narin ang aking nasundo. Ibinuka ko ang malalapad kong pakpak, itim sa pagkasunog nung una kaming bumaba sa lupa, ngunit napanatili ko ang aking kisig at ganda. Isang anghel na isinumpa ng lumikha upang makulong sa mga kadena ng mundo pero ano ba ang alam ninyo tungkol sa akin? Ang aking pangalan? Ang aking tadhana? Ang katotohanan? WALA! Wala kayong alam sa isang misteryo na nagmula sa langit at wag kayo magdunung dunungan kung ayaw niyo na pagsisihan ang mga mali ninyong paniniwala tungkol sa mga "anak ng apoy". Ipinagaspas ko ang aking mga pakpak na maihahalintulad sa mga pakpak ng isang buitre, bilang tanda ng aking pagiging anghel. Ang hanging nagmula rito ay tumaboy at humawi sa namumuong alikabok sa lupang kinatatayuan namin. Lupang bitak at tigang, lupang uhaw sa ulan na di kailan man darating sa impyerno. O, Yaweh! Kay tindi ng iyong parusa upang magdusa ako sa aking pighati... At tulad ko, ang pag-asa para sa kaluluwa ng dalagang naligaw sa aking impyerno ay nilamon na ng itim na apoy na sanhi ng unang sumpa na ipinataw sa aking pagka anghel. Isang nilalang na kumakatawan sa kasamaan! Yun ang tingin ninyo sa akin dahil ang totoo, walang kahabagan sa puso ng tao. Walang kahabagan para sa tulad ko. Pero kahabagan ang naramdaman ko para sa kaluluwa ni Angela. Hindi siya dapat na maligaw rito sa impyerno. Subalit ang mga salita ni Yaweh ay tulad sa isang hari, di nababali, di nagbabago at di nagmamaliw. Napariwara lamang siya at tulad ng ibang dumaan at naligaw rito, wala syang naaalala sa mga pangyayari na humatid sa kanya. "Halika Angelica, lumapit ka." Ang mahinahon kong pagsamo. Lumapit naman sya bagamat bakas sa kanyang mukha ang pagaalinlangan. Nang abot kamay na ang kanyang layo sa akin, hinawakan ko ang kanyang pisngi upang madama ang kanyang kalungkutan at, "Naaalala mo bah?" [Episode 2] "Sige Daniel." Ang sabi ng grand master, pumayag na ito na maging myembro siya sa frat at inanyayahan siya sa annual reunion ng Tau Alpha. "Isama mo nga pala yung pinsan mo.." Dagdag ng grand master. "..open naman sa lahat yung party eh." Si Rosela ang kanyang tinutukoy, ang magandang pinsan ni Daniel pero hindi ganun ka tanga ang binata. Alam niyang may gusto ang grand master kay Rosela at siguradong ginagawa niya ito para mapalapit siya sa dalaga pero syempre ayaw rin ni Daniel na pahiyain ang grand sa pabor na binigay nito kaya ginawa niya ang lahat upang makumbinsi si Rosela. "Sige na naman insan. Isang gabi lang. Saka madami naman ang bisita sa event." Paninigurado ni Daniel kay Rosela na hanggang ngayon eh di parin maintindihan ang katuturan ng pinsan sa pagsali ng frat. Ngunit dahil malapit sila sa isat isa ay pumayag rin ito. "Ikaw talaga! Hmp! Kung hindi ka lang si Dani..." Sa kabilang mundo* "Sandali, wag!" Tinanggal niya ang kamay ko sa kanyang pisngi. Bakit, ayaw ba niyang tulungan ko siya na maalala ang lahat at nang maniwala siyang nagkamali siya sa kanyang pag-suicide? Hmm, nakakamangha dahil magdadalawang taon na siya rito, katumbas iyon ng oras sa mundo pero wala namang halaga ang buwan at taon dito sa impyerno. Tumalikod ako upang pagmasdan ang isang lambak ng aking nasasakupan, tuyong lupa sa ibaba na ginagapangan ng asupre at apoy, nagsisigawan ang mga kaluluwa na habang buhay na pinaparusahan ng init at uhaw at napagtanto kong kakaiba nga talaga ang kapangyarihan ni Yaweh. Kahit kailan ay di ko Siya mapapantayan. Tumayo si Angela sa tabi ko at pinagmasdan ang lambak ng apoy. "Noong gabing iyon.." ang sabi ko. "..pinatay nila ang kaluluwa mo." Tumingin siya sa akin na medyo naguguluhan kaya muli kong inialok na tulungan siyang makaalala at sa pagkakataong ito ay pumayag siya. Sa isang iglap ay naglaho ang mundong kintatayuan naming dalawa at umusbong ang isang subdivision mula sa lupa, nawala rin ang mga apoy at ang init ng paligid ay hinipan ng malamig na hanging gabi. Sementong kalsada, mga kahol ng aso, ilaw mula sa isang malaking bahay. "Halika sumama ka sakin." At sumunod ang dalaga sa pagpasok ko sa bukas na pintuan. Dalawang taon sa nakaraan* "Dalhin niyo yan sa kwarto ko." Ang sabi ng lalaking naka-shades sa mga kasamahang pumasok ng bahay. May dala silang babae na nakapiring at nakagapos. "Teka! Mas mabuti kung doon na lang sa music room." Napangiti ang isang lalaki sa naisip ng kanilang presidente. Mas mainam nga naman na sa loob ng music room nila paglaruan ang babaeng ito, dahil sound proof doon at nasa underground, kahit ano ay pwede nilang gawin. Sinundan ko ang angel na may itim na pakpak, ang anghel na nagngangalang Azazel. Di ko maintindihan kung bakit ganun ang pakiramdam ko sa mga nangyayari, tila nakita ko na ang eksenang ito, hindi, sa tingin ko ay nararamdaman ko ang takot at kaba sa puso ng babae iyon. Parang may kung ano kaming koneksyon. Patuloy akong sumusunod sa likod ni Azazel nang bigla niya akong lingunin, parang sinasabihan niya ako na pumasok sa music room pero bakit? Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, hindi ko kilala ang mga tao nato. Bakit niya ako dinala rito? Nang makapasok na kami... "Tagalan niyo ng piring." Utos ng naka-shades, kinilabutan ako dahil ngayon pamilyar na sa akin ang lalaking nagutos na dalhin ang babae sa music room. Ibinaling ko sa kanya ang aking tingin. "Marcelo! Hayop ka!" ang sigaw ng babae na kumuha ng aking atensyon sapagkat namukhaan ko agad ang kanyang suot na dilaw na Sunday dress. "Angela..." ang sabi ni Marcelo. "...wag kana lumaban dahil wala ka rin namang magagawa." Ang tinig niya ay nilamon ng kanyang mala demonyong ngiti. "Iwan niyo na kami." Ang sabi niya sa dalawa. "Paano naman kami Brad?" Ang tanong ng isa, si Kyle, isa ring myembro ng frat ni Marcelo. Sumingit din ang isa pang lalaki, si Aaron, myembro ng frat at kilalang player ng varsity team. "Oo nga, kami ang naghirap dukutin yan ah!?" Di sumagot si Marcelo, titig na titig siya sa akin nang mga panahong iyon. Hinila niya ako papalapit at dumikit ang katawan ko sa kanya. "Eee! Bitiwan moko!" Na-off balance ako sanhi ng pagtulak niya at bumangga ang ulo ko sa upuan na nasa harapan ng electric organ. Dumilim ang palibot subalit bago paman ako mawalan ng malay ay narinig ko ang kanyang itinugon. "Patitirahin ko kayo pagkatapos ko." Nagising na lang ako sa di maintindihang sakit ng bumabangga sa ulo ko. Nalaman ko na lang na nakatuwad ako at nakapatong sa keyboard ng piano ang aking mukha at habang tumatama ang pisngi ko sa bawat nota na lumilikha ng di mawaring tunog sa buong kwarto ay unti unti akong natauhan sa di mataggap na katotohanang wala na pala akong damit at pinagsasamantalahan ni Marcelo ang aking sitwasyon at posisyon. Namamanhid ang buo kong katawan, sinubukan kong gumalaw ngunit ang tangi kong nagawa ay ang kumapit ng mahigpit sa piano habang ang hayop na Marcelo ay nagpapakasasa sa aking pagkababae. Hayop! Walang awa niya akong binaboy. Walang awa! "Haha! Ipapalapa kita kay Aaron at Kyle pagkatapos ko saayooo!" Tuwang tuwa ang halimaw sa kanyang ginagawa sa akin at nangigigil pa nang bigla siyang napakapit sa aking balikat. "Aaaaargh!!" Lumipas ang ilang saglit* Hiningal ako at nanghina, ang totoo parang panandalian pa ngang dumilim ang palibot at nang magkamalay tao ay nakahiga na ako sa sahig at nakita kong nasa loob na ng music room si Aaron at Kyle habang si Marcelo namay nakabihis na. "Kayo naman." Sabi niya kina Kyle at Aaron. "Mahina na yan kaya di na yan manlalaban." Nang mga sandaling iyon ay tila gumuho na aking mundo at sa sobrang sama ng loob ay hinimatay ako ulit. Ang totoo nyan naaalala kong sinakluban ako ng dilim at hinayaan ko ito sa pagaakalang kahit papaano ay di ko mararamdaman ang unti unti nilang pagpatay sa kaluluwa ko. Nagkamali ako dahil narinig ko ang mala demonyong tinig na umaalingawngaw sa buong kwarto. "Hahaha!" [Episode 3] Naglaho ang buong kwarto, kasabay ng pagliyab ng sahig, umakyat hanggang kisame ang apoy at sa isang kisapmata ay bumalik kami sa nagbabagang mundo ng itim na anghel. Impyerno, ito ang kinahitnatnan ko matapos kong magpakamatay noong gabi na yun sa pamamagitan ng paglaslas gamit ang basag na bote ng beer na dinala at ininom ni Kyle sa loob ng music room at sa buong pangyayari ay nandoon pala si Azazel, animoy nanonood ng teleserye subalit ang kaibahan lamang nito, ay ang kawalan ng hustisya at maligayang pagtatapos. "Naliligalig ako at nagpakamatay ka." Sabi ng anghel, kung anghel nga siyang maituturing. Ang buong akala ko ay punong puno sila ng pagmamahal at naghahatid ng pag-asa sa panahong kinakailangan ito. "Bhaah! Wala talaga kayong kamuwang-muwang mga anak ng putik." Sabi niya. "Isa akong anghel, oo, pero isang sinumpang anghel." Ngumiti siya sa pagmamayabang. Itinoon niya sa akin ang kanyang pansin at sandaling nanahimik. Tinitigan niya ako na tila sinusukat ang natitirang bakas ng aking pagkatao. "Halika Angela, mayroon akong nais itanong." Lumapit ako hindi dahil wala akong magawa kundi dahil gusto ko. "Gusto mo ba ng hustisya?" Nagulat ako doon. Di ko inasahan na itatanong niya sa akin ang tungkol doon, baka nga mamaya ay tungkol sa kapayapaan at pagkakaisa na ang itanong niya at gaya ngayon hindi ako agad makakasagot dahil naunahan na ako ng takot. "Gusto mo bang maghiganti?" Unti-unting lumiwanag ang aking mga mata nang ipursigi niya ang isang alok. "Tutulungan kita makamtan ang hustisya—" Sabi niya. "Ang maligayang pagtatapos ng iyong kwento." Napaisip ako sa mga sinasabi niya. Narito ang sagot sa di mawaring pagkabalisa na nararamdaman ko, ang pakiramdam na mayroon kang kailangan pang gawain sa iyong naputol na buhay. Narito ang solusyon sa uhaw na dinadanas ng kaluluwa ko. Ngunit papaano ako makakakuha ng hustisya kung narito ako sa impyerno? Tumingin siya sa akin, ang anghel na nagngangalang Azazel, at biglang ngumiti. Tila handa niyang sagutin ang aking mga itatanong. "Mahal, ako'y hindi basta-basta isang sinumpang anghel—" sabi niya. "Ako ang unang anghel na nagkaroon ng lakas ng loob upang suwayin si Yaweh." "Kapangyarihan ng liwanag ang dumadaloy sa sisidlang anyo kong ito." Paliwanag niya na medyo may pagkainip sa aking isasagot. Nahalata ko iyon sa kanyang pag buntong hininga. "Kaya tatanungin kitang muli—" Sabi niya. "Gusto mo bang pagbayarin ang mga lumapastangan sayo?" "O-oo." "Hahaha!" Nakakapangilabot ang tawa na umalingawngaw sa kabuuhan ng talampas na kinatatayuan namin at marahil nga ay umaabot pa ito sa himpapawid ng nagbabagang asupre. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad pababa ng talampas."Sumunod ka sa akin aking mahal—" sabi niya. "Marami tayong dapat gawin." [Episode 4] Mula sa talampas, pumasok kami sa loob ng isang kweba sa bundok. Kahit anong pigil ang gawin ko, sadyang di maiwasan ang pagbuka ng aking mga pakpak sa tuwing pumapasok ako rito sa kweba ng Lamia. Marahil ang natitirang mga piraso ng aking sinaunang buhay ay nakakaramdam ng kilabot sa lugar na ito. Nang makarating kami sa kalooblooban, tumambad sa amin ang isang bukal ng apoy at nagbabagang bato. Hindi na ako nagpaligoyligoy pa at inudyok ko siya na pumasok sa loob ng bukal. "Ano ang mangyayari sakin pagkatapos?" Nagaalinlangang tanong niya. Na ngayo'y naghahanap ng kasiguraduhan sa aking mukha. Sinubukan kong ngitian ang pagkabagot at dinagdagan ang pasensya. "Simple lang mahal—" ang sabi ko. "Ibabalik ng bukal nato ang katawang lupa mo at higit pa roon." "Higit pa?" "Oo, maibabalik ka ng bukal sa mundong ibabaw at pwede mo na ipaglalaban ang iyong hustisya—" patuksong sabi ko. "Gaya ng gusto mo." Bagamat lantad ang kanyang pag-aalinlangan, dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng bukal at sandaling pinagmasdan ang mga nagbabagang bato. Kakaibang mga bato na tanging dito lamang sa impyerno makikita. "Ulingang-puso." Sabi ko. "Ha?" "Ang mga batong iyan ay Ulingang-puso." Paliwanag ko. "Nagtataglay iyan ng kakaibang kapangyarihan." Matapos kong sabihin iyon ay nagsimula na siyang pumasok sa bukal ng bato at apoy. Nasaktan siya sa unang apak, sa pangalawa at sa pangatlo. Maya-maya pa'y naabutan na niya ang gitna at napangiti ako sa kanya. "Sa wakas! Ngayon akin na ang kaluluwa mo habambuhay!!!" Binalutan siya ng matinding takot, sing init ng bukal ang kanyang kawalan ng pag-asa. Naramdaman ng buhay na bukal ang kaluluwang nagnanais na muling mabuhay at nagalit ito ng sobra, upang lumiyab ang mga asul at dilaw na apoy sa loob nito hanggang sa umabot ng walong talampakan ang taas ng pagliyab, sapat para lamunin ang kaluluwa ni Angela. Ito na ang katapusan ng kanyang kwento. Ito na ang kanyang ikalawang kamatayan. "HAHAHA!" *Sa mundong ibabaw. Unang lumabas ng kotse si Dani at nang makalapit ito sa gate ay sumunod si Rosela. Subalit pareho silang nagtaka sa eksenang inabutan nila. Tinanong ni Rosela kung bakit parang walang tao sa bahay ni Marcelo, bagat na biglang gumulo sa isipan ni Dani. "Baka nasa loob ng music room ang party." Sabi ni Dani. "Sound proof doon eh." Ilang segundo pa ang lumipas, tahimik ang lahat sa labas at ganoon din sa mga kalapit bahay sa subdibisyon. Tila walang bakas ng anumang alumni party ang makikita dito. Ang bahay sa kaliwa bagama't bukas ang ilaw ay di makikitaan ng anumang senyales na may tao sa loob, ang tanging ingay ay ang pagkahol ng kanilang German Sheperd. Masasabi mong middle class family ang doo'y nakatira. Ang bahay sa kanan nama'y magkasing taas sa bahay na kanilang kinatatayuan bagama't agad mong masasabi na walang tao sa bahay dahil iniwanan itong walang nakasinding ilaw. Bigla na lamang nabasag ang katahimikang iyon kasabay ng malakas na tunog ng nabasag na bote. "Aaargh!" Napatulala si Rosela ngunit huli na nang makita niyang bumagsak sa lupa ang pinsang si Dani. Mayroon lalaking lumabas mula sa makapal na cypress na nakatanim sa gilid ng gate. Ngumiti ito sa kanya at bago pa man niya tangkaing sumigaw ay tinabunan ng panyo ang kanyang ilong at bibig ng isa pang lalaki sa kanyang likuran na kanina pa nagaabang ng magandang tyempo mula sa pinagtataguan nito sa gilid ng bahay. "Buti na lang inunahan mo." Sabi ni Aaron kay Kyle. "Antagal mo kasi eh." Inis na wika nito. "Ano? Tapos na ba yan?" Si Rosela ang tinutukoy niya na makikita pang pumipiglas mula sa pagkakahawak ni Aaron. Mas malaki ang binata sa kanya at ang pampatulog na inilagay sa panyo ay lalong di nakatulong. Unti-unti siyang nawalan ng malay bago pa man niya marinig ang sinabi ni Kyle. "Wow! Tiba-tiba naman tayo nito." Pareho nilang dinala ang magpinsan sa loob ng bahay ng walang aberya habang nanumbalik ang katahimikan sa labas at ang tanging saksi sa mga pangyayari ay ang kahol ng aso at ang pira-pirasong basag na bote sa labas. [Episode 5] Inabutan nilang nakaupo sa sala si Marcelo, umiinom at humihithit ng SLO-MO, isang uri ng droga na nakakapagbigay ng magaan na pakiramdam, sobrang gaan na mararamdaman mong lumilipad ka sa langit at dagdag pa rito ang pagkamanhid ng pandinig, sa madaling sabi ay sabog na sabog ang pakiramdam ng humihithit nito pero hindi yun naging hadlang kay Marcelo para utusan ang mga ka-brad niya. "Talian niyo si pretty boy—" turo nito sa walang malay na si Dani na siyang kinaladkad ni Kyle papasok. "Si sweetheart dalhin niyo sa kwarto ko sa itaas." Pangiting sabi niya kay Aaron. "Eh paano naman kami?" Tanong ni Kyle. Makikita ang pagkadismaya sa lumulutang ng mga mata ni Marcelo. "Gaya ng dati. Ang master muna bago ang—" Di na niya itinuloy ang sasabihin sa takot na umalma pa at traydorin siya ni Kyle. Nilapitan niya ito at kinwelyuhan sabay paalala, "Sama-sama tayo dito." Walang tinugon si Kyle kundi pagtango na sang-ayon. Dinala niya ang walang malay na si Dan sa loob ng maid's quarters at tinalian. Si Rosela nama'y kinarga ni Aaron sa itaas at ipinasok sa loob ng kwarto habang nagpatuloy si Marcelo sa paghithit ng SLO-MO sa ibaba. Umaayon ang lahat sa kanilang plinano hanggang sa magkaroon ng ideya si Aaron. Pinagmasdan niya ng buong pagnanasa ang magandang dilag na inilapag niya sa kama. "Sayang." Sabi niya sa sarili. Sayang kung hindi siya ang makakauna sa babaeng ito. Napakaganda ni Rosela sa suot na knee-length casual at ang dark brown na tela nito ay lalong nagbigay ng nakakaputing kulay sa kanyang balat na sing kinis ng porselana lalo na sa kanyang hita. Ang ideyang iyon ay lalo lang nagpasidhi sa nararamdamang pagkalibog ng binatang kanina pa takam na takam hanggang sa, "Ah! Bahala na kayo diyan. Mauuna na ako! Hehehe..." Lumapit si Aaron sa walang malay na dalaga at tahasang pinunit ng kaunti ang bandang ibaba ng casual ni Rosela hanggang sa makita na niya ang puting panty nito. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng hita ng dalaga at dahan-dahang pinagapang ito at dinama ang napakakinis na balat sa ilalim ng tela. Subalit nanginig siya sa takot at lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang maramdamang mayroong nagmamasid sa kanilang dalawa kaya sinubukan niyang lumingon sa kanyang likuran pero di niya na maigalaw ang kanyang buong katawan. Tumayo ang mga balahibo sa kanyang batok nang marinig ang isang pamilyar na tinig. "Sige, mauna ka na..." Nagpatuloy si Marcelo sa paghithit habang hinihintay ang pagbaba ni Aaron. Samantala, bumalik na si Kyle sa sala matapos igapos si Dani at nagtanong kung asan ang kasama. "Nandoon sa taas." Tugon ni Marcelo. "Puntahan mo nga at baka—" subalit di na niya natapos ang sasabihin dahil nakarinig sila ng paungol na tili ng isang babae mula sa itaas, tinig iyon ng isang babae subalit may kasabay itong tunog na animo'y isang malaking ulupong ang ngayo'y nakakulong sa kwarto sa itaas. "Ano yun!?" Gulat na tanong ni Kyle na halatang natakot sa kakaibang ungol na tila nasasaktan tulad ng isang tao pag nasusunog. Agad na nagsalita si Marcelo na nagmatapang, "Wag kang tatanga tanga diyan! Tingnan mo!!! Gago!" Bagama't takot ay sinunod niya parin ang grand master at habang paakyat ay naisip niya si Rosela. Paano kung isa itong halimaw o aswang sa totoong buhay, siguradong ito na ang katapusan nila, ang katapusan ng masasama nilang gawain. Umabot rin siya sa pintuan ng kwarto at nang makapasok ay tumahimik ang palibot. Si Marcelo nama'y kumuha ng baril na itinatago niya sa ilalim ng counter-table ng minibar. "Kung ano man ang bagay na iyon ay siguradong patay sa baril nato." Sabi niya sa sarili. Subalit kasama ng naglalahong sigaw ni Kyle mula sa itaas ay ang unti-unting pagkaubos ng kanyang natitirang tapang na parang nauupos na kandila. Katahimikan. Nakaramdam siya ng matinding takot na dala ng katahimkan ng sandali. Naisip niyang lumabas ng bahay pero pilit niya paring pinapaalab ang kanyang nalulusaw na tapang at tinipon ang anumang natitirang katigasan ng kanyang ulo. Aakyat na sana siya sa second floor upang tingnan ang nangyari sa mga kasama ngunit ang matinding takot na kanyang nadama ay lalong lumala sa punto na sasabog na ang kanyang puso dahil sa narinig na pagbukas pinto ng music room. *Creeek Wala siyang maaninag sa loob ng kadiliman, wala siyang naisip na paraan upang malaman kung sino o ano ang nagtatago sa loob ng music room. *Bang *Bang Pinaputukan niya ang music room pero ang inasahan na sigaw ay hindi niya narinig. Wala siyang nagawa sa nararamdaman niyang takot. Ang ideya na mayroong halimaw sa loob ng kwartong iyon at naghahandang lumundag palabas ay sapat na para pigilan siyang lumapit sa pintuan. Nakalimutan na niya si Kyle, si Aaron o ang nakagapos na si Dani at lalo na si Rosela, ang matinding pagnanasa sa magandang dalaga na naging dahilan upang umabot siya sa ganitong sitwasyon. Natuon ang kanyang pansin sa narinig na boses ng isang babae na nagmumula sa music room. "Ipapalapa kita sa kanila pagkatapos ko sayooo!" Ang sabi ng boses at bagama't wala siyang maaninag ay sapat na ang kanyang narinig para mapaatras siya sa kanyang kinatatayuan. Sabog na sabog siya sa SLO-MO ngunit natitiyak niyang kilala niya ang boses na iyon. Ilang sandali pa't mula sa kadiliman ay mayroon siyang naaninag na hugis ng isang tao na dahan-dahang lumalakad palabas ng music room. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan at kahit pilit niyang utusan ang kanyang sarili na tumakbo, na mapanganib ang manatili rito at may malaking chansa na ito na ang huling gabi na masisilayan niya ay tila naging mas mabigat pa sa bato ang dalawa niyang paa dahil hindi niya matanggap ang katotohanan na ang lumabas sa music room ay ang mismong babae na ginahasa at pinatay nila, 2 taon na ang nakalipas. "Angela?" Namukhaan niya ito dahil halos walang nagbago sa kanya itsura. Napakaganda parin nito at nanatili ang kanyang hubog ng katawan. Katawan na minsa'y pinagsawaan ni Marcelo. Muntik na niyang maigalaw ang isang paa nang makitang papalapit ang dalagang si Angela sa kanya. Hindi niya matanggap na buhay na buhay ito sapagkat pinanood niya sina Kyle habang binubuhusan ng gasolina ang nanghihinang katawan ni Angela. Isinakay nila ito sa kotse at dinala malapit sa isang bangin. Sinindihan at tinadyakan hanggang sa mahulog ito sa ibaba at yun ang naging huling ala-ala ni Marcelo sa dalaga kaya labis siyang kinabahan sa naisip niya na sa katotohanan, ang ngayo'y naglalakad palapit sa kanya ay isang multo. Sinubukan niyang gumalaw muli ngunit tila nakadikit ang kanyang mga paa sa sahig at di niya ito mailakad. "Hindi ka totoo!" Sigaw ni Marcelo. "Isa ka lang multo at wala ka ng pwedeng gawin sakin!" Tahimik na lumapit si Angela, tahimik ngunit lumalapit parin at sa kawalan ng pag-asang makatakas ay galit na nagsisisigaw si Marcelo. "Aaaaah! Hindi ka totoo! Isa ka na lang kaluluwa na naliligaw at hindi mo ako kayang saktan!" Nag-iba ang emosyon sa mukha ni Angela, mula sa pagiging mahinahon ay napalitan ito ng galit at pagkamuhi kay Marcelo. "Kaluluwa?" Pangungtyang tanong ng dalaga na panandaliang ngumiti. Nanlaki ang mga mata ni Marcelo nang bigla siyang sakalin ni Angela sa pamamagitan ng kanang kamay nito. Malamig pero ramdam na ramdam ng lalaki ang katotohanang nakatayo sa kanyang harapan. "Ugh!" Namuo ang takot sa kanyang lalamunan at pakiramdam niya'y mabibilaukan siya habang nauubusan ng hininga at dahan-dahang mamamatay. Napansin niyang naiangat na siya ng dalaga nang hindi na niya maramdaman ang sahig. "Kaluluwa?" Muli niyang tinanong si Marcelo sa painosenteng paraan. "Pinatay ninyo ang pagkatao ko." Sabi ni Angela."Ninakaw ninyo ang kaluluwa ko." Inilapit niya ang mukha ni Marcelo sa kanya habang nakaalsa ang lalaki limang pulgada mula sa sahig. Lalong natakot si Marcelo nang makita niyang mag-iba ng anyo si Angela. Namutla ang mga balat nito at nanuyo, namayat ang kanyang mukha at nawalan ng laman ang kanyang buong katawan, ang kanyang itim na buhok ay naging puti na simbolo ng katandaan at unti-unting lumutang ang mga hibla na animo'y lumalangoy siya sa ilalim ng tubig ngunit ang totoong takot na sumipsip sa dugo ni Marcelo ay ang pagbago ng mga mata ni Angela mula sa itim at puno ng buhay ay naging malabo ito at animo'y mayroong puting usok na nakakulong rito. Paikot-ikot ang usok sa loob ng mga mata ng dalaga hanggang sa muli itong magsalita sa nakakapangilabot na tinig. Isang tinig na animo'y hinuhugot mula sa kabilang mundo at sinasalita ng tatlong nilalang, isang bata, isang lalaki at isang babae. "Ngayon—" sabi ng nilalang. "Kukunin ko ang ninakaw ninyo sa akin." Ibinuka niya ang kanyang bibig at sa isang iglap ay naramdaman ni Marcelo na unti-unting hinihigop ng nilalang ang kanyang lakas, ang kanyang espirito. "Aaah!!!" Makalipas ang ilang saglit at niluwagan ng nilalang ang kanyang pagkakasakal kay Marcelo hanggang sa mahulog ang katawan nito sa sahig. Sing lamig ng gabi at wala nang buhay, namimilipit ang mukha at halatang pinahirapan bago mamatay. *Makalipas ang ilang linggo. Humingi ng tawad si Dani sa kanyang pinsan, bagama't mukhang hindi ito galit ay madalas itong tulala at tahimik sa isang tabi kaya nararamdaman parin ni Dani ang bigat ng kasalanan niya kay Rosela. Muntik na sila mapahamak at mamatay. Kaya sa lahat ng nangyari ay nangako si Dani sa pinsan na kailanma'y di na ito sasali sa frat at pipiliin na niyang mabuti ang kanyang mga kinakaibigan. "Rose, maraming nagmamahal sayo rito—"sabi ni Dani. "Bumalik ka na sa amin please." Hindi nila napag-uusapan ang mga nangyari nang gabing iyon. Para kay Dani, isang masamang bangungot lamang ang lahat, isang bahagi ng kanilang nakaraan na kailanma'y di nila malilimutan. Pinagmamasdan ng binata si Rosela na nakaupo sa kama at dumudungaw sa bintana. Pinapanood niya ang napakagandang paglubog ng araw at nakaramdam si Dani ng lungkot at kawalan sa katahimikan ng kwarto. Sa sobrang depresyon ay isinarado ni Rosela ang kanyang isipan sa mga problema ng mundo. Ngunit ngayong gabi ay napag-isipan niya na panahon na nga upang bumalik sa mundong kinagisnan kaya binasag na niya ang pananahimik. "Hindi naman ako nawala Dani—"sabi niya sa pinsan niyang kanina pa nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto. "Nagbalik na ako." Namangha si Dani sa nangyaring ito matapos ang ilang linggong pananahimik ni Rosela ay muling narinig ni Dani ang malambing at, tila nagbagong tinig ng pinsan subalit di na niya ito masyadong pinansin dahil sa tuwa. "Salamat sa Dios at nagbalik ka na sa dati Rose." Binigyan ng dalaga si Dani ng isabg makabuluhang ngiti. "Pwede bang Angie nalang ang itawag mo sa akin? —WAKAS__


Featured Posts
Recent Posts
!
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page