top of page

ANG BINHI (One Shot Story)


Tuwang-tuwa na tinatahak ni Oretero ang daan tungo sa kanilang bahay. Maaga siyang uuwi ngayon sapagkat mabilis naubos ang kanyang mga tinitindang kakanin. Sa mura niyang edad ay nagagawa niya na ang ganoong gawain dala na rin ng kahirapan. Kahit minsan hindi sumagi sa kanyang isipan na mainggit sa ibang bata na nakakapag-aral, nakakapaglaro at maging sa mga kabataang nakakakain ng mga masasarap na pagkain. Habang naglalakad siya'y naisipan niyang bumili ng pagkain para sa kanyang mga magulang tutal naman ay sobra rin ang kinita niya sa mga nabentang kakanin. "Aling Mora pabili naman po ng dalawang pancit canton", ani Oretero. "O heto hijo, maaga ka ngayon ha",sabay abot ni Aling Mora kay Oretero ng kanyang binili. "Teka heto hijo idagdag mo na rin itong tinapay at nang may makain ka naman habang naglalakad pauwi", pahabol ng tindera. "Naku maraming salamat po Aling Mora." Napangiti si Oretero at nagpaalam na sa kay Aling Mora. Akmang ipagpapatuloy na ni Oretero ang paglalakad pauwi nang bigla na lamang nahagip ang kanyang atensiyon sa isang matandang naglalakad at nang marating nito ang tindahan ni Aling Mora ay humihingi ito ng makakain sa kanya na ikinainis naman ng tindera. "Hoy! Umalis ka nga rito! Isa kang malas, wala ng libre ngayon. Alis!!" Ganun na lamang ang responde nito sa matandang nanghihingi ng pagkain. "Ale parang awa mo na. Ilang araw ng w-walang laman a-ang tiyan ko. K-kumakalam na a-ang aking. . .", bigla na lamang naputol ang sasabihin ng matanda nang buhusan siya ni Aling Mora ng isang baldeng punung-puno ng kaning baboy. "Pinepeste mo ang mga paninda ko. 'Yan ang nababagay sa'yo!!", pabulyaw na sagot ni Aling Mora. Matalim ang tingin ng matanda sa tindera at may kung anong binibigkas siya. "Moro orto sasis vimas nuses las pestes." Matapos bigkasin ng matanda iyon ay may dinukot siyang mga binhi sa kanyang bulsa at inihagis niya ang mga iyon sa tindahan ni Aling Mora, maging ang tindera ay hindi rin nakaligtas , pinatamaan niya rin ito ng mga ilang binhi. "Layas!!! Ang baho mo!", sabay bato ng ilang pirasong patatas ni Aling Mora sa matanda. Tinanggap lamang ng matanda ang pambabato sa kanya ni Aling Mora at sa halip na magalit ay nagbigay ito nakakalokong ngiti sa tindera at humalakhak ng pagkalakas-lakas. Kaawa-awa ang itsura ng matanda, marami ang gustong tumulong pero si Oretero lamang ang naglakas-loob na tulungan ang matanda. "Lola heto po ang tinapay. Pagpasensiyahan mo na po at ito lamang ang maibibigay ko sa inyo sapagkat ito lamang ang maaari niyong makain." Dali-daling kinuha ng matanda ang tinapay. Bakas sa kanyang mukha ang tuwa. "Hijo tanggapin mo itong mga binhi bilang pasasalamat ko sa iyong kabutihan." "Naku 'wag na po lola." "Sige na hijo", mapilit na iniaabot ng matanda ang mga binhi kay Oretero. Wala na siyang nagawa kundi tanggapin na lamang ang mga ito. Matapos tanggapin ni Oretero ang mga binhing iyon ay pahabol na iniabot sa kanya ng matanda ang isang papel na naglalaman ng kapareha ng mga salitang binabanggit niya kanina. "Moro orto sasis vimas nuses las pestes." "Banggitin mo ang mga salitang iyon bago mo ibato ang ilang mga binhi sa iyong paggagamitan pero kapalit 'nun ay...", tugon ng matanda. "Ay ano po lola?", ani Oretero. Dahan-dahang napatumba ang matanda at unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata hanggang sa mawalan na ito ng buhay. "Lola! Gumising ka!!", napahagulgol si Oretero sa sinapit ng matanda. Ilang sandali pa'y dinumog ng napakaraming insekto ang mga paninda ni Aling Mora na ikinagulat naman ng tindera. Walang awang pinagpipiyestahan ng mga insekto ang mga paninda ni Aling Mora. Nakakalungkot ang mga pangyayaring nasaksihan ni Oretero at ang kasunod niyang natunghayan ay parang nawawala sa sarili si Aling Mora. "Andaming uod na nagsisilabasan sa aking mga kamay at sa iba pang bahagi ng katawan ko", sabay kuha ni Aling Mora ng isang timbang naglalaman ng tubig at ibinuhos niya iyon sa kanyang buong katawan. "Hindi maaari, nakakadiri ang aking itsura", tarantang-tarantang kinuha ni Aling Mora ang kutsilyo at pinaghihiwa nito ang ilang bahagi ng kanyang katawan. "Aling Mora tama na po", pagmamakaawa ni Oretero. "Hindi mo ba nakikita Oretero? Nararapat lamang patayin ang mga uod na ito na nagsisilabasan sa aking katawan. Mga salot sila hahaha", tuwang-tuwa si Aling Mora na pinaghihiwa ang ilang bahagi ng kanyang katawan. Pinagtataka ni Oretero ang mga uod na pinagsasabi ni Aling Mora, wala siyang nakikita kahit isang uod. Ginawa ni Oretero ang pigilan si Aling Mora sa abot ng kanyang makakaya ngunit hindi siya pinakinggan nito hanggang sa nakita niya na lamang na nakabaon ang kutsilyo sa leeg mismo ni Aling Mora. Katulad ng matanda, si Aling Mora ay wala na ring buhay. Isang Linggo ang lumipas simula nang mamatay ang matanda at si Aling Mora. Nakalathala pa rin sa isipan ni Oretero ang malagim na pagkamatay ng dalawa. Pansamantalang natigil ang pagtitinda niya ng kakanin dulot ng karanasan niyang iyon. Abalang naglilinis ng mga sandaling iyon si Oretero nang nakarinig siya ng putok ng baril. "baaaaaaang!!! baaaaaang!!", nakabibingi ang ingay na iyon. Nakita na lamang ni Oretero na nakahandusay ang kanyang ama, duguan ito at wala ng buhay. "Hayop ka Don Santelmo!! Hindi kita mapapatawad . Walang puso!", galit na galit ang ina ni Oretero. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang asawa. "Napag-utusan lang kami. Nais ipahatid sa inyo ni Don Santelmo ang mensahe", wika ng isa sa mga tauhan ni Don Santelmo. "Sa amin ang lupang ito, mga hayop kayo!!!", pinaghahampas ng ina ni Oretero ang mga tauhan ni Don Santelmo. Sa galit ng isa sa mga tauhan ni Don Santelmo ay binaril nito ang ina ni Oretero. Ibig pa sanang manlaban ng ina ni Oretero ngunit sa pangalawang pagkakataon ay binaril ulit siya dahilan upang mawalan ng buhay ang kanyang ina. "Pare tara na", akmang papasok na ang isa sa mga tauhan ni Don Santelmo nang biglang sinuntok ni Mang Adonis (kapit-bahay nila Oretero) sa mukha nito. Napuruhan ito at tila nahilo sa ginawang pagsuntok ni Mang Adonis. Hindi naman nagpatalo ang dalawa. Nanlaban pa rin si Mang Adonis ngunit bigo siyang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang ni Oretero, huli na nang masaksak sa tagiliran si Mang Adonis na ikinamatay niya. "Moro orto sasis vimas nuses las pestes.", pinagbabato ng mga binhi ni Oretero ang dalawang tauhan ni Don Santelmo. Babarilin na sana ng isa sa mga tauhan ni Don Santelmo si Oretero ngunit pinigilan siya ng kanyang kasamahan. "Demonyo! Pare isa kang demonyo!", nakatutok ang baril nito sa kanyang kasamahan. Nanginginig siyang nakahawak sa kanyang baril. "Pare 'wag kang lalapit,demonyo ka!" "Ano bang sinasabi mo pare?, kitang-kita ng mga mata ng isa sa mga tauhan ni Don Santelmo ang mga sungay na nakakabit sa ulo ng kanyang kasamahan, nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Saksi si Oretero kung paano kasalukuyang nasisiraan ng bait ang isa sa mga tauhan ni Don Santelmo matapos niyang pagbabatuhin ng mga binhi ang mga ito. Wala namang nakikitang demonyo si Oretero. "Pare ano bang nangyayari sa'yo? 'Wag mong ipu . . ." "baaaaaang!!baaaaaaang!!baaaaaaaang!!!", pinaulanan niya ng magkakasunod na bala ng baril ang kanyang kasamahan. Dali-dali itong sumakay sa loob ng sasakyan at umalis. Sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya'y nakarating siya sa intersection. Ipinagtataka niya lang 'nung dumaan sila kanina ng kanyang kasamahan 'dun ay wala ang intersection na iyon. Tarantang-taranta niyang pinili ang kanan na daanan. Nagulat na lamang siya nang makita niyang bangin ang kanyang napili. "blaaaaaaaag! boooooooom!!!", matapos mahulog sa bangin ang kotse ay sumabog ito. At nang mga oras na iyon ay parang bumibigat ang pakiramdam ni Oretero at kasabay noon ay ang pagbagal ng kanyang kilos.. Pakiramdam niya ay tumatanda siya ngunit nang tignan niya ang kanyang itsura'y wala namang pinagbago, hindi rin naman nangungulubot ang kanyang balat. Ramdam niya rin na mayroong mataas na kaalaman ang nadagdag sa kanyang pagkatao. Makalipas ang ilang oras ay narating ni Oretero ang tirahan ni Don Santelmo. Naroroon siya upang ipaghaganti ang pagkamatay ng kanyang mga magulang at pati na rin ang pagkamatay ni Mang Adonis. Sinalubong siya ni Toto, ang kaisa-isang apo ni Don Santelmo. Punung-puno pa rin ang galit sa puso ni Oretero, ang pakay niya roon ay ang maghiganti lamang. "Kuya Oretero napadalaw ka po rito?, masayang sinalubong ni Toto si Oretero. "Moro orto sasis vimas nuses las pestes.", sabay bato ni Oretero ng ilang binhi sa kay Toto. "Kuya Oretero hindi ko po kayo maintindihan. Namimiss ko na po kayong kalaro, namimiss ko na po ang magpun. . . ", hindi na natapos ni Toto ang kanyang sasabihin nang bigla na lamang nanikip ang dibdib nito. Unti-unting pumikit ang mga mata ni Toto hanggang sa mawalan na ito ng buhay. Biglang natauhan si Oretero ng mga sandaling iyon. Ang kaisa-isa niyang kapatid na itinuring na si Toto ay wala ng buhay. "Hindi!!! Toto gumising ka!! Gumising k-ka!!", natigilan na lamang si Oretero nang makita ang hawak-hawak ni Toto na personalized necklace. Naka-ukit roon ang "Kuya Oretero-best kuya", patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Oretero. Napagtanto niya na mali ang maghiganti. "Anong ingay 'yan?", alam ni Oretero kung kanino ang magaspang na boses na iyon, si Don Santelmo. "Apo ko!!", dali-daling pinuntahan ni Don Santelmo ang kanyang apong wala ng buhay. "P-pinatay mo ang a-apo ko. . .", pautal-utal na sabi ni Don Santelmo. "Paano mo nagawa iyon sa apo ko?", walang tugon si Oretero at patuloy lamang siya sa pag-iyak. Sa sobrang galit ni Don Santelmo ay pinagsasapak nito si Oretero, kahit hinang-hina na si Oretero ay hindi nito inaalis ang pagkakayakap niya kay Toto. "Lumayo ka sa apo ko!!", napansin ni Don Santelmo ang hawak-hawak na papel ni Oretero at binasa ni Don Santelmo ang nakasulat doon. "Moro orto sasis vimas nuses las pestes.", napa-isip si Don Santelmo. "Anong kabaliwan ang pinagsusulat mo Oretero?", napansin rin nito ang binhi na hawak ni Oretero. "Isang binhi?", tanong ni Don Santelmo. "Ibalik mo sa'kin yan.", pagmamakaawa ni Oretero. "Sa tingin mo ba'y kaya mo'kong patayin ng dahil lang sa binhi na ito?", sabay subo ni Don Santelmo ng binhi. "Hindi mo dapat nilunok ang binhi", malungkot na tugon ni Oretero. "At ano ikamamatay ko? Naba. . .", hindi na naipagpatuloy pa ni Don Santelmo ang sasabihin at ilang saglit pa'y sumuka ng napakaraming dugo si Don Santelmo. Unti-unting napupunit ang ang mga lamang-loob niya. Kasabay ng pagsuka niya ng dugo at ilang mga lamang-loob niya ay unti-unting naaalis ang ilan sa mga bahagi ng katawan niya hanggang sa nalusaw ang buong katawan ni Don Santelmo maging ang ilang bahagi ng kanyang katawan na naalis. Hindi na makilala ang kalunus-lunos na sinapit ni Don Santelmo, natira na lamang rito ay ang kanyang eyeballs. Sa paglipas ng panahon ay pa-hina nang pa-hina ang resistensiya ni Oretero. Bata pa naman siya pero pakiramdam niya ay ang tanda-tanda niya na at nararamdaman niya na ang nalalapit niyang pamamaalam. Napag-alaman niyang ang mga salitang, "Moro orto sasis vimas nuses las pestes." ay mga salita na nagmula pa sa mga sinaunang tao na sumasamba sa alagad ng dilim at ang mga salitang iyon ay nangangahulugang, "Parusahan mo siya kapalit ng buhay ko." Ang mga binhing ibinigay kay Oretero ng matanda ay galing din sa mga sinaunang tao na iyon at ang matandang nagbigay sa kanya ng mga binhi ay isa sa mga sinaunang tao na iyon. Namamatay ang matandang iyon pero sa ibang henerasyon ay mabubuhay siyang muli upang maikalat ang mga binhi at makapambiktima. -----WAKAS-----


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page