top of page

C.N.L (One Shot Story)


"Sigurado ka bang dito tayo papasok sa kompanyang ito?" tanong ni Hendrick sa kaibigan habang nagbabasa ng dyaryo. "Walang ibang pagpipilian. Kailangan ko kumita ng pera at may sakit si nanay." mahinang pagwika ni Zane. Sina Zane at Hendrick ay matagal nang matalik na magkaibigan. Simula palang pagkabata nila ay magkasama na sila dahil maagang namatay ang mga magulang ni Hendrick. Inampon siya ng pamilya ni Zane at doon na siya nanirahan. Halos hindi na nga mapaghiwalay ang dalawa dahil magkapatid na ang turingan nila sa isa't-isa. "Siya nga pala Zane, si Daryl daw natanggal sa trabaho?" tanong ni Hendrick. "Ah, oo. Kasi daw malapit na malugi ang kompanyang pinagtratrabahuhan niya. Iyon, nasama siya sa cut off." "Gusto mong isama nalang natin siya sa papasukan natin?" tugon ni Hendrick kay Zane. "Sa tingin mo papayag yun? Malaking kompanya ang pinagtratrabahuhan niya dati. Tapos, lilipat lang sa mas maliit na kompanya?" "Wala namang masama dun ah. Pwede naman siyang magsimula muli. Saka isa pa, mas maganda na yun kaysa ang walang trabaho. Sandali lang, tatawagan ko at nang matanong." sagot ni Hendrick. Tinawagan na ni Hendrick si Daryl at agad naman itong sumagot. Bakas parin ang lungkot sa boses ni Daryl dahil sa pagkakatanggal niya sa trabaho. "Bakit ka napatawag Hendrick?" batid ang pag-aalinlangan sa boses ni Daryl. "Gusto kasi sana namin ni Zane na isama ka bukas sa papasukan naming kompanya. Medyo mas maliit nga lang sa dati mong pinapasukan pero mas maganda na rin siguro yun kaysa wala kang trabaho." "Sige, susubukan ko. Mas mabuti na rin na kumikita ako ngayon kaysa tumutunganga dito sa bahay." Ibinaba na ni Daryl ang linya ng telepono at ang lungkot nito ay napalitan ng pag-asa. Pag-asa na makabangon siya muli at maiahon ang pamilya niya mula sa kahirapan. Kinabukasan ay agad nang nagpunta sina Hendrick, Zane at Daryl sa CNL Corporations, ang kompanyang papasukan nila. Pinatuloy kaagad sila sa loob para mag-apply na at ipasa ang kanilang mga resume. Tila tahimik sa loob at walang masyadong umimik. Parang nakatuon ang pansin ng mga tao sa mga trabaho na kanilang ginagawa. "O, ayos naman pala dito. Tingnan mo, lahat ng nagtratrabaho ay nagsisikap. Ni isa sa kanila ay walang tatamad tamad." ani ni Zane. "Sana nga tama ka." sagot ni Hendrick sa kaibigan. "Wag na kayong mag-usap diyan. Baka mahuli pa tayo ng boss dito at sabihing mga tsismoso tayo." saway ni Daryl sa mga kasama. Lumipas ang tatlumpung minuto at nanatiling nakaupo parin ang tatlo sa waiting area. Hanggang ngayon ay walang paring umiimik sa mga tao sa loob. Tumitindi na ang kaba ng tatlo dahil sa gusto talaga nilang makuha ang trabahong ito. Lumipas pa ang ilang mga minuto at mayroon nang dumating na isang lalaki. Matangkad, maputi at maamo ang mukha. "Kanina pa ba kayo naghihintay diyan?" tanong ng lalaki sa magkakaibigan. "Hindi naman po!" sabay na pagwika ng tatlo. "Ah, tanggap na kayo. Ako nga pala si Karl, ang head dito sa kompanya. Kung may kailangan kayo, ako na lang ang tanungin niyo." nakangiting wika nito. "T-tanggap na po kami?" pagtataka ni Hendrick. "Aba oo. Gusto kasi naman ang mga katulad niyo dito sa kompanya. Saka isa pa, mukha naman kayong mga matatalino. Kayo muna ay magsasanay at nang mapabuti pa ang trabaho niyo." "Ah, salamat po." sagot ni Zane. "Bukas na kayo magsisimula. Ipapatrain ko kayo sa isang empleyado dito. Tiyak naman akong makakasundo niyo yun." ani ni Sir Karl. Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay agad nang nagpaalam si Sir Karl. Napalagay naman ang loob ng tatlong magkakaibigan at nakuha nila ang trabaho. Para bang nabunutan rin sila ng tinik sa dibdib nila sa pagdating ng magiging boss nila. Mabait ito at madaling makagaanan ng loob. "Ang swerte natin! Isipin niyo, may trabaho na, mabait pa ang amo." tugon ni Daryl sa mga kasama. "Sabi ko sa inyo wala kayong dapat ipagalala. Magiging maganda ang pagsisimula natin mula ngayon." nakangiting sambit ni Zane. Umuwi na ang tatlo at bukas na magsisimula ang unang araw nila ng pasok. Sabik na sabik na sila at ganoon lamang kadali na nakakuha ng maayos na pagkakakitaan. Nagpaalam na sila sa isa't isa para makapaghanda na para bukas. "Hay, ang swerte ko talaga. Nawalan ako ng trabaho pero may pumalit kaagad." ani ni Daryl sa sarili. Inisip nilang lahat na labis ang swerte na natatamo nila ngayon. Para bang noong bumuhos ang swerte sa mundo ay nasalop na nila ang lahat sa isang malaking balde. Kinabukasan ay pumasok na sila sa opisina ng CNL Corporation. Mababait ang mga trabahador doon. Binabati sila at nakangiti pa ito kaya lalong gumaan ang loob ng tatlo sa opisina. "Ang ganda talaga dito. Masaya lahat ng mga tao kaya walang bigat sa pakiramdam." wika ni Hendrick sa mga kasama. "Siguro ganito lang talaga dito. Magagalang ang mga tao at may respeto." sagot ni Zane. "Bilisan niyo na. Baka mahuli pa tayo doon sa taas. Sige kayo, pag tayo napagalitan ah." tawag ni Daryl sa mga kaibigan. Pag-akyat nila ay nakakita sila ng isang magandang babaeng nakatayo sa may sulok. Maputi, makinis ang balat, mapula ang mga labi at mapungay ang mga mata. Natulala sila sa ganda ng babaeng ito. Parang isang dyosa na bumaba dito sa lupa. Sa sobrang pagkatulala ay hindi na nila namalayan na papalapit na pala ito. "Magandang umaga sa inyo! Ako nga pala si Doreen, ang magsasanay sa niyong tatlo." tugon nito sa tatlo. "A-ah! Ako nga po pala si Hendrick. Ito naman si Zane at si Daryl, mga kasama ko." "M-magandang umaga rin." sabay na sagot nina Zane at Daryl. Dinala na sila ni Doreen sa kanilang mga lamesa para simulan na ang trabaho. Medyo naiilang parin ang tatlo kay Doreen dahil hindi nila maiwasan na titigan ang ganda nito. Masasabi na ngang na love at first sight sila dito. "Mauna na ako ha. Mayroon pa kasi akong gagawin trabaho dun sa may labas." wika ni Doreen. "Ah sige po. Ayos na kami dito. Salamat po uli." sagot ni Daryl. Umalis na si Doreen at naiwan naman ang tatlo sa kani-kanilang lamesa. Hindi nila mapigilan ang sobrang kasiyahan na kanilang nadarama ngayon. May maayos na trabaho, magandang boss at mababait na katrabaho. Lahat na ata nang hinihiling nila ay nasa kanila na. Habang nakatulala ang tatlo ay biglang dumating si Sir Karl sa likuran nila. "Ayos lang ba kayong tatlo?" tanong ni Sir Karl sa magkakaibigan. "Opo sir. Mabait naman po lahat ng tao dito at magaan rin ang loob namin sa kanila." sagot ni Zane. "Mabuti naman kung ganun. Wag kayo masyadong magpakapagod ha. Hindi maganda sa kalusugan niyo yan. Siya,mauna na ako." paalala ni Sir Karl sa tatlo. Lumipas na ang isang linggo ng pagtratrabaho nina Zane, Daryl at Hendrick sa CNL. Wala na silang ibang gusto pa at maganda ang sahod na ibibigay sa kanila at mababait rin ang mga empleyado dito. Noong isang umaga nang Martes ay ipinatawag sila ni Sir Karl sa opisina nito. Kinabahan sila ngunit agad rin naman silang tumungo roon. "Maupo kayo." wika ni Sir Karl sa tatlo. Umupo na ang tatlo at medyo naiilang sila sa loob ng opisina ni Sir Karl. Hindi kasi sila sanay na ipinatatawag ng ganito. "Gusto ko sanang ipaalam sa inyo na naging mga mabuti kayong empleyado kaya bibigyan ko kayo ng isang bakasyon." ani ni Sir Karl. "B-bakasyon po?" bakas ang gulat sa mukha ng tatlo. "Oo, doon sa isang isla. Gusto ko namang makapagpahinga kayo kahit papaano." Natuwa naman ang tatlo sa kanilang narinig. Isang linggo pa lang silang nagtratrabaho sa CNL ay nakatanggap na kaagad sila ng premyo. Buong puso silang pumayag sa ibinagay na bakasyon sa kanila ng kompanya sa darating na Sabado. "Tingnan mo nga naman ang swerte o! Isang linggo pa lang pero may bakasyon kaagad!" ani ni Daryl sa mga kasama. "Buti na lamang at naging tama ang desisyon kong pumasok tayo sa CNL. Nung una, ayaw pa nga ni Hendrick na mag-apply doon eh." nakangiting wika ni Zane. "Aba, hindi ko naman alam na ganoon pala dun. Basta ang mahalaga, swerte tayo ngayon. Walang problema!" sagot ni Hendrick. Mula nang nalaman nila na magkakaroon ng bakasyon ay inihanda na nila lahat ng gamit. Mabilis na nagdaan ang mga araw at dumating na rin ang araw na kanilang pinakahihintay. "Ito na! Magbabakasyon tayo!" sigaw ni Daryl. "Wag kang masyadong maingay. Nakakahiya ka naman eh." ani ni Hendrick. "Hendrick, hayaan mo na yang si Daryl. Minsan lang naman makapagbakasyon yan. Alam mo namang isip bata yan minsan." nakangiting wika ni Zane sa kaibigan Dumiretso na lamang sila sa opisina at doon ay nakakita na sila ng isang puting kotse. Si Sir Karl at Doreen ay naroon na sa may tabi para sila ay kausapin muna bago umalis. "Mag-ingat kayong tatlo. Saka, wag niyo na munang isipin ang trabaho. Mag-enjoy lang kayo doon." paalala ni Sir Karl. Binigyan lamang sila ng isang matamis na ngiti ni Doreen bago sila umalis. Pagsakay sa kotse ay bakas na ang pagkasabik nila sa pupuntahang isla. Habang papunta doon ay nakatulog na sila dahil sa hindi sila nakatulog ng maayos kagabi. Mabilis na lumipas ang oras habang sila ay natutulog sa kotse.Noong nagising sila ay lumubog na ang araw at madilim na ang paligid. "Gising na! Huy, Hendrick! Zane!" bakas pa rin ang antok sa boses ni Daryl. Gumising na sina Hendrick at Zane at inihanda na ang kanilang mga gamit. Pagbaba nila ay tinanong nila ang driver kung saan ang direksyon papunta sa may isla. "Manong, saan po yung daanan dito?" tanong ni Zane sa matandang lalaki. "Basta, dumiretso lang kayo diyan. Doon sa may pakurbang daan." sagot nito. Nagpasalamat na ang tatlo at tuluyang nang umalis ang matanda. Dumiretso naman sila sa direksyong itinuro ng matandang lalaki. Ngunit, halos mag dadalawang oras na silang naglalakad pero wala parin silang nakikitang mga taong sasalubong sa kanila. "Huy, pagod na ako!" pawis na pawis na si Daryl sa kakalakad kanina pa."Doon muna tayo sa tabi o." "Pagod na rin ako!" tugon ni Hendrick kay Daryl at Zane. Umupo sila malapit sa isang malaking puno na tila ilang taon nang nakatanim roon. Sumandal sila at dahil sa sobrang pagod sa paglalakad ay unti-unti na silang pumikit at nakatulog. ---- Makalipas ang ilang oras ay nagising na si Hendrick. Ngunit, hindi siya makagalaw dahil sa pagkakatali sa kanilang tatlo. "A-ano ito?! B-bakit tayo nakatali?!" gulat na pagwika ni Hendrick sa mga kasama."Daryl! Zane! Gising!" Nagising na sina Daryl at Zane at nagulat sila noong nakita nilang nakagapos ang mga kamay at paa nila. "Ano nanamang trip to?!" bakas na ang pangamba sa boses ni Daryl. "S-sino namang g-gagawa nito ha?" pabulong na sambit ni Zane. Habang sinusubukang alisin ng tatlong magkakaibigan ang tali ay bigla silang nakarinig ng isang boses ng matandang lalaki. "Wala kayong magagawa! Wag niyo ng subukan pang tumakas!" sigaw nito. Isang matandang lalaki ang lumabas mula sa madilim na kagubatan. Kulubot ang mukha nito, walang suot na pang-itaas at nanlilisik ang mga mata. "Sino ka ba?! Tigilan mo na kami! Parang awa mo na." pagmamakaawa ni Zane. "A-ano bang g-gagawin niyo samin?! Pakawalan niyo na kami! " sigaw ni Daryl. "Ano pa ba?! Tingnan niyo ang nasa likuran niyo!" sigaw ng matanda. Pagtalikod nila ay nakita nila ang isang malaking kaldero. Maitim ang kulay nito, gawa sa lumang bakal at may mga nakahandang sangkap na panluto sa gilid. "A-ano yan?! Para saan n-niyo ba gagamitin yan!" pag-usisa ni Zane sa matanda. "Alam niyo kasi, gutom kami ngayon! Kaya ayan, kayo ang magiging hapunan ng tribo namin! Pero wag kayong mag-aalala at sasarapan ko naman ang PAGLUTO ko sa inyo!" sabay tawa ng matandang lalaki. Labis na ang takot na nararamdaman ng tatlo. Hindi na nila alam kung ano pa ang gagawin nila at mayroong nais na pumatay sa kanila. At ang malala pa ay hindi normal ang gagawin nito sa kanilang lahat. Hindi lang sila basta bastang papatayin kundi gagawin rin silang HAPUNAN ng mga halimaw na ito. Sinilaban na ng matandang lalaki ang kaldero na nasa kanilang likuran. Kabadong-kabado na ang tatlo dahil sa sigurado silang hindi nagbibiro ang matanda. Naglagay na ng tubig ang matanda sa loob ng malaking kaldero at inilagay ang ilang mga sangkap sa loob. "Ayan, handa na ang paglulutuan ko sa inyo!" nakangising wika ng matanda. Samantala, bigla namang silang nakarinig ng mga mabibigat na yapak. Makalipas ang ilang sandali ay biglang nagdatingan ang iba pang nasa tribo. Naglalaway ang mga tao, nanlilisik ang mga mata, matutulis ang kuko at tila ba takam na takam sa laman ng tao. "Hindi! Pakawalan niyo na kami!" sigaw ni Daryl Pinagpapawisan na ng husto ang magkakaibigan. Bumibilis na rin ang pintig ng kanilang mga pulso at namumutla na ang mga labi sa takot. "Mga ka tribo, doon muna tayo sa gubat at nang makahanap pa ng ibang sangkap!" atas ng matandang lalaki. Sabay sabay na pumasok sa masukal na gubat ang mga tao sa tribo. Naiwan naman sina Zane, Daryl at Hendrick na nakatali parin sa may gilid. Patuloy sila sa pag-iisip kung paano sila makakatakas sa kanilang kinalalagyan. "P-paano tayo makakatakas dito! Ayokong makain ng mga halimaw na yun!" bulong ni Zane sa mga kasama. "H-hindi ko rin alam! Bakit pa ba kasi tayo pumunta dito! Dapat hindi na lang natin tinanggap ang bakasyon na ibinigay ng CNL." wika ni Daryl. "CNL? Dala niyo ba mga cellphone niyo?" tanong ni Hendrick. "Oo, nasa bulsa ko, bakit?" sagot ni Daryl. "Dalian mo. Susubukan kong abutin iyang cellphone mo para matawagan si Sir Karl!"pagmamadaling sambit ni Hendrick. Sinubukan na nga nilang kunin ang cellphone sa bulsa ni Daryl ngunit natagalan sila. Ilang minuto na ang lumipas at sa wakas ay nakuha na rin ni Hendrick ang cellphone. "T-tawagan k-ko na si Sir Karl!" bakas ang panginginig sa boses ni Hendrick. Sinubukan niya na ngang tawagan si Sir Karl ngunit walang sumagot sa telepono nito. Nagulat na lamang sila noong dumating na ang tribo na may may mga dalang punongkahoy at ilang mga prutas. "Ilagay niyo na yang mga kahoy na yan sa may kaldero! Palakasin natin ang apoy para mas maging masarap ang pagkaluto!" sigaw ng matanda. Inilagay na ng mga lalaki sa tribo ang mga kahoy sa ilalaim ng kaldero. Lalong nagbaga ang mga apoy at nawalan na ng pag-asa ang tatlong magkakaibigan. Pagkatapos palakasin lalo ang apoy ay hinatak na sila papunta sa kaldero at inilagay sa kumukulong tubig. "A-ayoko na! Ang init!" sigaw ni Zane. Natutuklap na ang balat sa mga paa nila. Labis ang sakit na nararamdaman nila at mas gugustuhin pa nilang mamatay na ngayon. Unti-unting namang nilagay ng matanda ang mga sangkap galing sa kagubatan. Ilang mga prutas at mga pampalasa. "AYOKO NA! ALISIN NIYO NA KAMI DITO!" malakas na pagsigaw ni Daryl. "ANG INIT! NAGMAMAKAAWA AKO! TIGILAN NIYO NA TO!" bakas na ang galit at takot sa boses ni Zane. Ngunit, hindi nakinig ang matanda. Lumipas na ang ilang minuto at tuluyan nang naagnas ang katawan ng tatlo. Inialis na ng mga ilang katribo ang katawan ng tatlo mula sa malaking kaldero. Inilagay sila sa isang malaking dahon ng saging at kinuha naman ng matanda ang matalim na itak. Hiniwa ng matanda ang tiyan ng tatlo. Inalis ang mga lamang loob, tinaga ang mga paa at dinukot ang mga mata. Hindi na sila nagmukha pang mga tao. Para na silang mga hayop sa kanilang kalagayan ngayon. Duguan na ang mga kamay ng matandang lalaki ngunit nakangisi parin ito. Ang mga ibang katribo naman ay takam na takam na sa kanilang pagsasalo na gaganapin mamaya. Nagpatuloy lamang ang matanda sa paghiwa sa tatlong binata. Pinutol nito ang ulo at tinanggalan ng utak, tinaga rin ang mga kamay at pinaghihiwa ang mga lamang loob. Lumipas ang isang oras at natapos na rin ang paghahanda sa tatlong binata. Sinimulan na nila ang hapunan nang gabing iyon. Labis ang katuwaan ng mga katribo at ngayon lang muli sila makakain ng karne nang tao. Nakaupo na ang lahat sa kanilang mga lamesas para simulan ang piyesta ng may dumating na isang lalaki na may kasamang babae. "Nandiyan na ang pinuno!" sigaw ng matanda. Sabay sabay na lumuhod ang mga nasa tribo para gunitain ang pagdating ng kanilang pinuno. Dahan-dahan itong lumapit papunta sa pinagdarausan ng piyesta at nailawan na ang mukha nito ng matingkad na sinag ng buwan. "Tapos niyo na bang katayin ang mga iyan?" wika ni SIR KARL sa mga katribo habang nakangisi naman si Doreen katabi nito. CNL Corporations- C an N ibba L Corporations. (Lahat ng empleyado dito ay cannibal at naging mabait lamang sila sa tatlo dahil sila ang magiging hapunan sa piyesta sa mga susunod na araw.) WAKAS


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page