FREE WIFI (One Shot Story)
![](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_70ae079503db4835a36b57d8d9c2870f.jpg/v1/fill/w_580,h_960,al_c,q_85,enc_auto/cb2b58_70ae079503db4835a36b57d8d9c2870f.jpg)
NOTICE: We've disconnected your connectivity due to your unpaid bills amounting Php1,000.00. Please settle your said balance to continue our service. Abalang-abala si Leah sa pagdadownload ng mga application sa google palace nang bigla na lamang nawalan ng connection ang kanyang cellphone. Bigla niyang naalala nakalimutan niya pala ang makapagbayad ng bill. Si Leah ay isang college student na kumukuha ng kursong Edukasyon. kahit maraming requirements ang kailangang ipasa sa school ay nagkakaroon pa rin naman ng oras si Leah sa kanyang sarili. Nangunguna sa kanyang listahan ang pag-gugol niya ng oras sa mga applications at games na naka-install sa kanyang phone. Naiinis siya ng mga oras na 'yun. Ang motto niya nga eh, "Di bale ng walang lovelife basta 'wag lang mawalan ng internet connection." Gumawa si Leah ng paraan upang maipagpatuloy niya ang pagdadownload sa google palace. Nag-scan siya ng mga available na WiFi. Sa kasamaang-palad, lahat ay mayroong password. Sinubukan niya muli sa pangalawang pagkakataon at sabi niya sa kanyang sarili na kapag wala pa rin ay ititigil niya muna pansamantala ang pagdadownload. Hindi naman siya nabigo dahil mayroong isang WiFi ang available, walang password medyo napangiti lang ng kaunti si Leah sa pangalan nito kahit weird "FreeWiFiKapalitBuhay". Wala ng inaksayang oras si Leah at dali-dali niyang ikinonek ang kanyang phone roon. Naging matagumpay naman. Bago pa man niya masimulan ang paggamit nito ay idinirekta muna ito sa isang site kung saan naroroon ang Terms and Conditions. Binasa ni Leah ang ilan sa mga mga nakasulat doon. Welcome to Free WiFi Kapalit Buhay Service: Salamat sa pagpili ng aming serbisyo Terms and Conditions: 1. Meron kang isang oras upang gamitin ang aming serbisyo. 2. Matapos gamitin ang aming serbisyo ay kukunin na namin ang iyong buhay. . . Ilan lamang iyon sa mga nabasa ni Leah at nilagyan niya ng check mark ang nakasaad dun na sumasang-ayon siya sa mga terms and conditions na nakasulat dun. Bilang pambungad sa panimula ng paggamit niya ng serbisyo ay mayroon pang isang agreement na kelangan niya magdownload ng isa sa mga wallpaper na nakadisplay sa kanilang terms and conditions. Pinili niya roon ang aso na tatlo ang ulo. Matapos niyang madownload ang wallpaper ay nagmadali siyang iopen ang google palace upang maipagpatuloy ang naudlot na pagdadownload niya ng mga application kanina. Tuwang-tuwa si Leah sa sobrang bilis ng pagdadownload. Naisipan niya pa ang magpost ng mga bago niyang kuha na mga litrato sa facebook. Ilang saglit lang ay natapos agad ang pag-upload niya ng mga litrato. "30 MINUTES LEFT TO ENJOY OUR SERVICE" Hindi pinansin ni Leah iyon. Nagpatuloy lamang siya sa pagdadownload ng mga application. Marami na rin siyang nadownload. "1 MINUTE LEFT TO ENJOY OUR SERVICE" "Wait malapit ng matapos 'yung dinadownload ko." nasabi na lamang ni Leah sa kanyang sarili. "10 SECONDS LEFT TO RUN FOR YOUR LIFE." Natapos na rin naman na ang kanyang dinadownload. Hinihintay niya na lamang na makonsumo niya ang nasabing serbisyo. 9...8...7...6...5...4...3...2...1 "THANK YOU FOR USING OUR SERVICE! KUKUNIN NA PO NAMIN ANG IYONG BUHAY!!!" Matpos lumitaw ang mensaheng iyon ay bigla na lamang nag-off ang cellphone ni Leah. Ilang sandali pa'y nag-on ito at bumungad sa kanya ang wallpaper na dinownload niya kanina. Ito'y naging wallpaper niya sa stand-by screen ng kanyang phone at tila unti-unti itong nabubuhay. Lumabas ang asong may tatlong ulo mula sa cellphone ni Leah. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay 'di na nagawang makatakbo ni Leah. Takam na takam na pinagsaluhan ang katawan ni Leah, ang isang ulo ng aso ay abala na kinakain ang itaas na bahagi ng katawan ni Leah, ang isa naman ay sa gitna at ang isa ay sa pinakababang bahagi ng katawan ni Leah. Matapos pagsawaang kainin ang katawan ni Leah ay unti-unting bumabalik sa dating anyo ang asong may tatlong ulo. Naging wallpaper muli ito at kasabay noon ay ang pagkawala ng katawan ni Leah. Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin si Leah. Hindi nila alam na nilisan niya na ang mundong ibabaw. Akala nila'y nawawala siya. -----WAKAS-----