top of page

TAKOT KA BA SA DILIM (One Shot Story)


EPISODE 1: UNWANTED CALL "Good evening. I'm looking for Novie, is she around?" "Speaking.", tugon ni Novie. "This is Raymund from E-SANZ Baguio Recruitment. Please be reminded of your endorsement to Almogenix. Be at the office today before 10 pm for your final interview." Matapos matanggap ni Novie ang tawag na iyon ay nakaramdam siya ng tuwa. Heto na ang hinihintay niyang pagkakataon. Sa hirap ng buhay ngayon ay kahit ano pang uri ng trabaho ay kanyang papatusin makaahon lamang sa kahirapan. Agad siyang nag-ayos papuntang E-SANZ. Pagkasakay niya ng dyip ay nagbayad agad siya ng kanyang pamasahe, "Manong bayad, sa E-SANZ po.", matapos iabot ni Novie ang kanyang bayad ay pinagtitinginan siya ng mga pasahero na para bang natatakot ang mga ito. Hindi niya na lamang ito pinansin at sa halip ay nagpatugtog na lamang siya sa kanyang cellphone. "Hija mag-iingat ka.", sabay hawak ng katabi niyang pasahero sa kanyang balikat. "I'm sorry? You're freaking me out!", inirapan ni Novie ang katabi at tumutugon ito na wala siyang pakialam sa sinabi ng kanyang katabi. "Manong para po!", inis na inis na bumaba si Novie ng dyip. Habang tinatahak niya ang kompanya ng E-SANZ ay ramdam niyang mayroong sumusunod sa kanya kung kaya't minadali niya ang paglalakad hanggang sa narating niya ang nasabing kompanya. "Kuya mag-aapply po!", iniabot ni Novie ang kanyang I,D. sa security guard. "Hija 'wag kang papasok!", may pumigil sa kanyang pumasok. "Ikaw na naman?? Bitiwan mo'ko.", pinaghahampas ni Novie ang babae hanggang sa itinulak niya ito dahilan upang mawalan ng balanse ang babae. "You're pathetic!", hindi pa nakontento si Novie at ang trash can na nasa table ng security guard ay itinapon nito sa babae. Nais pa sana siyang pigilan pero ang security guard na mismo ang nagpigil sa babae, nasaksihan ni Novie kung paano itinaboy palabas ng compound ng kompanya ang babae. "Good evening Ms. Novie. I'm glad that you came. This way please.", nginitian ni Novie si Raymund. Habang nilalakad nila ang room kung saan ang final interview ni Novie ay hindi niya maiwasan ang mamangha sa ganda ng kompanya. Napakaaliwalas ng kompanya at sa bawat room na kanilang madaanan ay ngiti ang ibinibigay ng bawat ahente sa kanya. Maayos na narating nila Novie ang room kung saan siya magkakaroon ng interview. "Goodluck!", binigyan ni Raymund ng isang makahulugang ngiti si Novie. Sa loob ng room ay kabadong-kabado si Novie sapagkat naroroon na ang mag-iinterview sa kanya. Seryosong-seryoso ang interviewer ni Novie samantalang siya ay relaks lang kahit ng mga sandaling iyon ay kinakain na siya ng kaba. Naging maayos naman ang kanyang interview at paglabas niya ng room ay bumungad agad sa kanya si Raymund at hinatid ito sa reception area upang hintayin ang resulta. Binigay naman sa kanya ng tadhana ang kanyang inaasam sapagkat siya ay nakapasa. Nagtungo siya sa isang room para sa contract signing. Habang abala siya sa pagpipirma ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng takot, isinawalang-bahala niya na lamang ito hanggang sa napansin niya ang biglaang pagpatay-sindi ng ilaw sa kwarto. Papatay, sisindi, papatay, sisindi - may naaninag siyang isang lalaki na nag-eencode sa harapan. "Tik-tik-tik", napakaingay ng pagpindot ng lalaki sa keyboard. Ilang sandali pa'y naging stable ang ilaw at hindi na ito kukurap-kurap at sa pagbalik niyon ay wala na roon ang lalaki. Nakaramdam siya ng malapot na tumutulo sa kanyang batok. "Wag kang lilingon.", dahan-dahang tinignan ni Novie ang nasa likod niya. Napatumba ito sa kanyang pagkakaupo nang makita ang isang babaeng tuklap ang balat sa pagmumukha. Papalapit nang papalapit ang nasabing babae sa kay Novie. "Lubayan niyo ako, parang awa niyo na.", pagmamakaawa ni Novie. "Hey Ms. Novie are you okay?", nilapitan ni Raymund si Novie. "I'm afraid Raymund. I'm so thankful that you're here.", patuloy lamang sa pag-iyak si Novie. Ramdam niya ang napakalamig na temperatura na dumadaloy sa pagkakayakap sa kanya ni Raymund. Nang mahimasmasan si Novie ay inialis niya ang kanyang pagkakayakap sa kay Raymund. Nagulat na lamang si Novie nang makita ang naaagnas na mukha ni Raymund at dali-dali itong lumabas ng room. Sa paglabas niya ng room ay bumungad sa kanya ang napakadilim na opisina. Patuloy lamang sa pagtatakbo si Novie hanggang sa may makita siyang liwanag. Sinundan niya ang liwanag at tanaw na tanaw niya ang pintuan palabas ng E-SANZ. Nang marating ang pintuan ay bigo siyang mabuksan ito, mabuti na lamang ay nakaisip siya ng paraan upang mabasag ang salamin malapit sa pintuan gamit ang upuan sa reception area. Tumalon si Novie sa bintanang iyon, Naabot ni Raymund ang paa ni Novie ngunit sinipa niya ito. Nakalabas ng E-SANZ si Novie pero nagtamo ito ng sugat sa ilang bahagi ng kanyang katawan at sa paglabas niya ng E-SANZ ay unti-unting naglaho na parang bula ang nasabing kompanya. Napag-alaman ni Novie na ang kompanyang E-SANZ ay kasama sa mga gusaling gumuho noong tinamaan ng isang napakalakas na lindol ang lungsod ng Baguio at kasabay sa pagguhong iyon ay ang kasawian ng napakaraming ahente ng nasabing kompanya na hindi matahimik. -----WAKAS----- EPISODE 2: RAFFLE PROMO Ngayong unang araw ng Mayo ang pagbubukas ng Chopao Grocery at bilang unang pagbubukas nito ay mayroong 50% discount sa lahat ng kanilang bilihin. Maraming mamimili ang naengganyo dahil makakatipid sila. Isa na rito si Aling Tina. Habang abala si Aling Tina sa pamimili ay isang saleslady ang lumapit sa kanya upang alukin ng kanilang raffle promo. "Good morning po ma'am. Thank you for choosing Chopao Grocery at bilang pasasalamat ay binibigyan po namin kayo ng pagkakataon upang bumunot sa aming raffle promo.", masayang wika ng saleslady sa kanya. "Baka naman may bayad 'yan hija.", tugon ni Aling Tina. "Naku wala po ma'am, libre lang po. 'Wag niyo na po sayangin ang pagkakataon na ito.", ani saleslady. Hindi na rin nakatanggi ang ginang at bumunot na ito. "Ma'am congratulations po dahil nabunot niyo po ang star ay nagawagi po kayo sa aming raffle promo. May pagkakataon po kayong hakutin ang lahat ng paninda dito sa Chopao Grocery sa loob ng sampung minuto." "Wow, kelan ngayon na?", usisa ni Aling Tina. "Mamaya po ma'am bago magsarado itong grocery para hindi na kayo maantala." Makalipas ang ilang oras ay nagbalik si Aling Tina sa Chopao Grocery. "Tamang-tama ma'am 8:50 pm na po, malapit na rin po ang closing namin." Ilang sandali pa'y pinapasok na si Aling Tina sa loob ng Chopao Grocery hudyat na maaari na siyang maghakot ng mga paninda sa loob ng sampung minuto. Nagmadali na itong kumuha ng stroller. Sa pagkuha niya ng stroller ay nagsara rin ang labasan ng Chopao Grocery. Abalang-abala si Aling Tina sa paghahakot ng mga delata nang makarinig siya ng mga yabag ng paa malapit sa stall kung saan siya naghahakot. Pinakiramdam niya ito at ang mga yabag ng paa na iyon ay papalapit nang papalapit at bago mangyaring magkasalubong sila ay nakita ni Aling Tina ang anyo nito. Nagimbal si Aling Tina sa nakita, isang uri ng nilalang ang kanyang nakita na hindi niya aakalaing nag-eexist. Ang nilalang na iyon ay mayroong malalapad na tainga, ang ilong ay kasing tulis ng kutsilyo, ang mata nito'y iisa. Ang nilalang na kung tawagin ay taplok. Nagmadaling umalis si Aling Tina sa pwestong iyon at nagtungo sa labasan ng Chopao Grocery upang makalabas, saka niya lamang namalayan na sinarado pala ang entrance. "Tulungan niyo ako!! Tulungan niyo ako!", ang paghingi ng saklolo ni Aling Tina. Hindi niya alam na soundproof pala ang nasabing entrance door kung kaya't kahit anong sigaw niya ay wala ring makakarinig sa kanya. Dinig na dinig ng taplok ang pagsigaw ni Aling Tina at nagmadali itong nagtungo sa entrance. Tarantang-taranta na nagtatakbo si Aling Tina at naghagilap ng madadaanan palabas ngunit bigo siyang makahanap. "Tulungan niyo ako!", patuloy sa paghingi ng saklolo si Aling Tina. Hanggang sa narating niya ang dead-end ng Chopao Grocery, Naroroon siya sa parte kung saan mayroong mga kutsara, tinidor, kutsilyo at mga iba pang uri ng utensils. Nacorner na siya ng taplok. "Lumayo ka sa akin!", pinagbabato nito ang taplok ng mga utensils na naroroon ngunit ang lahat ng iyon ay hindi tumalab dito at sa halip ay kinakain lamang nito ang anumang ihahagis sa kanya ni Aling Tina. Walang nagawa ang ginang. Tatakbo pa sana ito nang bigla na lamang sakmalin ang kanyang mga kamay ng dalawang tainga ng taplok. Gamit ang matulis nitong ilong ay unti-unti nitong pinaghihiwa ang iba't-ibang parte ng katawan ni Aling Tina at walang awang kinain. At matapos noon ay bumalik ang taplok sa secret restricted area room kung saan ang mga empleyado lamang ng Chopao Grocery ang nakakaalam. Nang mga sumunod na taon, ang Chopao Grocery ay may iniaalay na isang tao sa taplok bilang tanda ng pasasalamat nito sa biyayang ipinagkaloob sa kanila ng taplok. Isang buhay katumbas ng isang taong biyaya mula sa taplok. -----WAKAS----- EPISODE 3: BRITNEY "I wanna scream and shout and let it all out, Scream and shout and let it out. . .", pinapatugtog ni Brey ang kanyang paboritong kanta nang bigla na lamang may kumakatok sa pintuan ng kanyang bahay, ipinagbukas niya naman ito ng pinto dahil alam niyang isa ito sa kanyang co-armies. "Uy ikaw pala, juice you want?", alok ni Brey. "Pepsi wala? Because of Britney, I've started drinking pepsi,", tawanan ang dalawa, nagtungo si Brey sa kusina upang ikuha ng pepsi ang kanyang ka-army. "O bakit sumunod ka pa?", nagulat na lamang si Brey nang saksakin siya nito sa tiyan. "I wanna scream and shout and let it all out. . . ", habang ang awiting iyon ay patuloy sa pagtugtog ay patuloy na pinagsasaksak nito sa Brey hanggang sa bawian na ito ng buhay. MISSING: Brey Nalungkot ang mga armies sa pagkawala ni Brey, walang nakuhang lead sa paghahanap sa kanya. "Womanizer, woma-womanizer, you're a womanizer oh womanizer oh womanizer. . ." Abalang nagrerehearse si Diday para sa sasalihan niyang pageant nang bigla na lamang nawalan ng ilaw ngunit ang musika ay patuloy lamang sa pagtugtog. Hinanap nito ang main switch at sa kanyang paghahanap ay bigla na lamang siyang nadulas dahilan upang mawalan siya ng malay. Makalipas ang ilang minuto ay bumungad sa kanyang harapan ang mga iba't-ibang uri ng kemikal. Nang mga oras na iyon ay nakagapos ang kanyang mga paa't kamay. Pinainom siya ng mga kemikal. Nanlaban siya ngunit wala siyang nagawa. You, you, you are. . . you, you, you are womanizer, woma-womanizer." wala ng buhay si Diday. MISSING: Brey, Diday Labis na nabahala ang mga armies sa sunud-sunod na pagkawala ng kanilang mga kasama. Hanggang sa napag-isipan nila ang magpulong ukol rito. "Pakiramdam ko isang anti-Britney ang pumapatay sa ating mga co-armies.", panimula ni Floie. "Ano naman motibo niya?", usisa ni Exal. "Guys I'm scared. Maybe we should stop admiring Britney.", maluha-luhang tugon ni Mheryl at iniwan nito ang dalawa. Hindi nila nahanapan ng solusyon ang pagkawala ng kanilang co-armies dahil na rin sa biglaang pag-iwan sa kanila ni Mheryl. Nagtungo sa simbahan si Mheryl upang ipagdasal ang nawawala nilang co-armies at pagkalabas niya ng simbahan ay may palihim na nagmamasid sa kanya. Maayos naman siyang nakarating ng bahay pero nadatnan niyang bukas ang pintuan ng kanyang bahay. "I can't get no satisfaction, I can't get no satisfaction. . ." Dinig ni Mheryl ang musikang iyon sa loob ng kanyang pamamahay. Aalis na sana siya subalit may humampas sa kanyang ulo. Napatumba si Mheryl ngunit kahit papaano'y mayroon pa rin siyang malay wala nga lamang siyang lakas upang makatayo. "And I try and I try and I try. . .", habang patuloy ang pagtugtog ng musika ay patuloy din ang paghila sa kanya papuntang second floor hawak ang kanyang dalawang paa. Umuulan ng dugo sa ulo ni Mheryl hanggang sa nawalan na ito ng malay. At sa bintana ng second floor ay ihinulog ang katawan ni Mheryl. Sa taas ng pagkakabagsak ni Mheryl ay nagkanda-lasug-lasog ang kanyang katawan. Si Mheryl ay wala ng buhay. MISSING: Brey, Diday, Mheryl Kinabukasan ay nabalitaan nila Floie at Exal ang pagkawala ni Mheryl. "Exal natatakot ako, maaaring isa na sa atin ang kanyang isusunod.", napayakap si Floie sa kay Exal. "Pwede bang makitulog muna sa inyo kahit tatlong araw lang?", tanong pa ni Floie rito. "Mabuti pa nga siguro na magsama tayo pansamantala, pakiramdam ko andiyan lang siya sa tabi-tabi." Nagtungo ang dalawa sa bahay ni Exal. At nang makarating sila ay niyaya ni Exal si Floie na kumain, bagay na hindi niya naman tinanggihan. "With the taste of your lips I'm on a ride. . ." "Ang sarap naman nitong luto mo Exal.", puri ni Floie. Sa kalagitnaan ng hapunan ay naramdaman ni Floie na unti-unti siyang nahihilo at bago mawalan ng malay ay nakita niya ang abot-tengang ngiti ni Exal. "Too high can't calm down, it's in the air spinnin' round and round. . .", makalipas and ilang minuto'y nagising si Floie sa ingay ng musika. Nakagapos ang kanyang mga paa't kamay sa kama ni Exal. "Ikaw Exal? Ikaw ang dahilan sa pagkawala ng ating co-armies?", ngiti lang ang tugon ni Exal bilang pagsang-ayon sa katanungan ni Floie. "Hayop k-ka!!", binuhusan ni Exal ng muriatic acid ang kaliwang paa ni Floie. "Aaaaaah!!! Aaaaaaaaaa!!", napahiyaw si Floie sa sakit. "Patayin mo na lang ako! Wala na rin namang saysay ang buhay ko.", tuwang-tuwa si Exal sa kanyang nakikita. Gamit ang sigarilyo ay pinaso nito ang kaliwang pisngi ni Floie. Ilang sandali pa'y kinuha uli ni Exal ang muriatic acid upang ibuhos naman ito sa kanang paa ni Floie ngunit may pumigil sa kanya, ang kaluluwa na lamang na si Brey. "Hindi maaari pinatay na kita!!", bubuhusan sana ni Exal ang nakikita niyang si Brey subalit may kung anong pumipigil sa kanya. Ang mga kaluluwa nila Diday at Mheryl. Kinuha ni Brey ang muriatic acid at ipinaligo ito sa buong katawan ni Exal. Sigaw nang sigaw si Exal ng mga sandaling iyon hanggang sa tuluyang nalapnos ang kanyang balat. Naguguluhan man si Floie sa mga pangyayari ay batid niyang nasisiraan na si Exal ng bait. Nakita nito ang ginawang pagbuhos ni Exal ng muriatic acid sa sarili nitong katawan pero hindi niya alam na ang mga kaluluwa nila Brey, Diday at Mheryl ang may kagagawan noon. Hirap na hirap na nakalabas si Floie sa bahay ni Exal dahil na rin sa muriatic acid na ibinuhos ni Exal sa kanyang kaliwang paa at nang makalabas na siya ng bahay ni Exal ay nasaksihan nito ang pagtalon ni Exal mula sa ikalawang palapag. Totoo nga ang kasabihang, "Ang masamang damo ay mahirap mamatay." Akalain niyo buhay pa si Exal. Kitang-kita ng mga kapitbahay ni Exal iyon. Dininig nila ang paghingi ng tulong ni Floie. Dumating ang mga pulis at inaresto si Exal. Si Floie ay dinala sa ospital. "Pinatay ko na sila! Pinatay ko na sila, hindi maaari.", 'yan lamang ang mga salitang binitawan ni Exal na siyang naging daan upang malaman na siya ang dahilan sa pagkawala nila Brey, Diday at Mheryl. -----WAKAS-----


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page