ANG NAKATANIKALANG KATAPUSAN (One Shot Story)
![](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_52660e8103c548c6b1a8e75779768b7b.jpg/v1/fill/w_701,h_960,al_c,q_85,enc_auto/cb2b58_52660e8103c548c6b1a8e75779768b7b.jpg)
Lunes na naman. At tulad ng iba pang mga Lunes na nagdaan sa mga nakalipas na mga linggo, wala itong ipinagkaiba. Muli na namang maghahanda para sa isang buong linggong pakikipagsapalaran sa inip, ang dalagang si Ava. Sembreak na kasi, kaya wala siyang maisip na magandang gawin ngayong araw at sa mga susunod pa. Alas singko ng hapun, nakaupo ang dalaga sa sofa at nagmumuni-muni, nang tumawag ang kaibigang si Jane. Niyaya siya nitong manood ng Sine. Maganda raw ang palabas ngayon at paborito itong panoorin ng kaibigan. Malapit lang naman ang Sinehan sa bahay nina Ava, siguro mga ilang kanto lang kaya napagpasyahan niyang samahan na lamang si Jane, total pabor din naman para sa kanya ito dahil masyado na siyang naiinip sa kanilang bahay. Ang mga pelikulang may paksang karahasan at pinaghalong Gore & Brutal scenes ang pinakapaborito nilang panoorin ni Jane. Kaya pinili nito ang, Wrong Turn. Aliw na aliw ang lahat habang nanunuod ng palabas. Panaka-nakang sinulyapan ni Ava ang mga tao sa loob ng sinehang iyon. Kahit pa sabihing kadiliman ang naghahari sa lugar, alam niyang halos puno ang bawat upuang naka pwesto rito. Panay ang kain ni Jane ng Popcorn. Nakangiti pa ito, habang nakatutok ang mga mata sa malaking screen na nasa unahan nila. Maya-maya, sa kalagitnaan ng kanilang panonood naulinigan ni Ava na tila may sumabog na kung ano, ngunit dahil sa madilim ang buong paligid hindi nito alam kung saan yun nanggaling. Siya lang ba ang nakarinig ng pagsabog na iyon? Dahil parang walang reaksyon ang mga tao. Kasunod ng naulinigang pagsabog, umusbong sa bawat dako ng sinehan ang makapal at maputing usok. Nilikop nito ang buong bulwagan. Dahil sa nangyari, nataranta ang lahat ng mga tao sa loob, kalakip na dito sina Ava at Jane. Nagsilabasan silang lahat. Dahil sa pangyayari, agad namang nagresponde ang mga staff ng naturang sinehan. Wala namang pinsala sa katawan ang dalawang dalaga, kaya napagpasyahan nilang umuwi na lang. Sa kanilang paglalakad, pansin ni Ava na tila nahihilo siya. Napahawak ito sa kanyang ulo, at isinandal muna ang sarili sa barindelya malapit sa pintuan palabas. Ibinaling niya ang paningin sa mga taong nakasamang manood. Tulad niya, napapahawak din ito sa kanilang mga ulo at panakanakang ngumingiwi. Agad pumasok sa isipan ni Ava ang kongklusyon na baka ito'y dahil sa usok na umusbong kanina. Nang medyo bumalik na sa hwesyo ang dalaga, ipinagpatuloy na nila ang paglalakad. Madilim na rin pala ang buong paligid. Sinulyapan ni Ava ang wristwatch, alas otso na pala ng gabi. Dahil medyo may hilo pa, minabuti ni Jane na doon na lang muna matulog sa bahay nina Ava. Pumayag naman ang kaibigan. Nang makarating sa bahay, agad nahiga sa kama si Jane. Masama ang pakiramdam nito. Napagpasyahan naman ni Ava na manuod muna ng T.V. Pagbukas niya, eksakto namang ibinalita rito ang nangyari kanina sa loob ng sinehan. Ayon sa ginawang imbestigasyon, napag alaman na ang usok na umusbong sa mga dako ng sinehan, ay tinatawag na Gas Based Stimulant. Isang delikadong Toxic Chemical, na nagdadala ng matinding reaksyon sa katawan ng sino mang makalanghap nito. Napag- alaman din, na nagmula pa sa Russia ang naturang chemical. Dahil sa maigihang pagsusuri rito. Hindi na pinatapos ng dalaga ang panunood ng balita, kinuha nito ang cellphone at agad nag search sa Google ukol sa Russia at sa Gas Based Stimulant na ito. Nabasa niya ang isang impormasyon na nagpayanig sa buo niyang pagkatao. Ginamit pala ng mga tagapagsaliksik sa Bansang Russia ang Gas Based Stimulant, para sa kanilang ginagawang Experimento na tinawag nilang "The Russian Sleep Experiment." Nadiskobre niya na ginamit ito sa limang katao para subukin kung magtatagumpay ba ang plano nilang mapanatiling gising sa labing-limang araw ang kanilang mga subjects. At dahil sa kwentong pasalin-salin sa iba't-ibang bersyon, walang makapagtukoy kung anong mga bansa na ang nilikop ng Toxic na ito. Hindi na binasa ni Ava ang iba pang detalye ukol sa chemical na iyon. Nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata, dahil sa posibilidad na maaari rin silang mapahamak and worst thing na mangyari is ang mamatay sila. Oo, sabihin na nating mga Killer silang pareho at sanay na sila ang pumapatay. Pero ngayon, tila nag iba na ang ikot ng mundo. Ang buhay na nila ang naipit sa sitwasyong, kahit kailan hindi nila napaghandaan. Napabaling ang kanyang tingin sa kaibigang si Jane, nang bigla itong sumigaw. Agad din naman niyang ginising ang kaibigan. Nagmulat ng mata si Jane at tila, wala ito sa sariling hwesyo. Nangingitim ang gilid ng mga mata at maraming kulay berdeng ugat ang lumalabas sa mga balat. Dahil sa takot, napaatras ang dalagang si Ava. Bumangon ng mabilis si Jane, at akma na sanang sasalakayin ang kaibigan, ngunit iilang hakbang palang ang kanyang nagagawa natumba na ito. Bumubula ang kanyang bibig at nangingisay pa na nakadapa sa sahig. Napasagiw na lamang sa sobrang takot si Ava. Tumakbo siya papalabas ng bahay. Hinihingal man, pinili niyang lisanin ang bahay na yun. Wala naman na siyang mga magulang na pwedeng hingan ng tulong sa mga oras na 'to. Habang naglalakad ng nakapaa sa madilim na kanto, natanaw niya sa di kalayuan ang mga taong tila nagkukumpulan sa dami. Sumilay ang kaginhawaan sa puso ng dalaga. May mahihingan na siya ng tulong, sa wakas. Patakbo niyang tinungo ang direksyon ng mga taong iyon, subalit napahinto siya ng mapagtantong patakbo rin itong lumalapit sa kanya. Sumisigaw ang mga ito. Sigaw na hindi mo gugustuhing marinig. Pagkatapos ng sigaw na binibitawan ng mga ito, basta-basta na lang silang matutumba at mangingisay. Tila may ibang nangyayari sa paligid. Sa twing umiihip ang malamig na hangin, naaamoy niya ang tila bulok na katawan ng isang tao. Dahil sa mga nasaksihan, napasigaw na rin ri Ava. Tumakbo siyang muli pabalik ng bahay. Dumeretso siya sa basement. Walang kaalam-alam ang dalaga na ang kaibigang si Jane ay buhay pa ng iwan niya kanina. Nagkubli si Ava sa isang madilim na sulok ng basement. Sa kanyang ginawang pagsuksok doon, ilang segundo lang naramdaman niya ang tila matutulis na bagay na tumusok sa kanyang paa. Nabalot ng sobrang pangilabot ang dalaga, ng mapag alamang kinagat siya ni Jane. Bago itong lahat para sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi na alam ni Ava kung ano na ang sumunod pa roon. Nag ha-hallucinate na kasi siya. Umiikot na ang buong paligid. Sumasakit na rin ang kanyang tiyan. Maya-maya, napasandal siya sa isang lumang aparador. Panaka-naka siyang sumisigaw dahil parang mabibiyak na ang ulo sa sobrang sakit. Sa gitna ng kanyang pagdaramdam, isang boses ang naulinigan niyang nagsalita ngunit ito'y sa pabulong na pamamaraan. Pakiramdam niya, nagmumula ito sa aparador, subalit di pa niya iyon tiyak. "Laro tayong tagu-taguan!" Anang boses. Walang sagot si Ava. "Ano ba! Laro tayo sabi eh!" May halong galit na ang boses ng nagsasalita. Pinilit ni Ava na imulat ang mga matang tila pipikit na dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Hinanap ng mga mata niya ang pinagmulan ng boses na iyon, hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang isang guwang/puwang na nasa aparador. May gumagalaw dito. Napatunayan niyang dito nga nagmumula ang boses ng muli itong magsalita. "Tagu-taguan tayo." Hindi makapaniwala si Ava, na totoo ang nabasa niyang Urban Legend, ukol sa "The girl from the gap". Isang espiritong ligaw na nagkukubli sa mga puwang ng bahay o mga bagay, na kapag niyaya ka raw nitong makipaglaro sa kanya, kailangang pumayag ka. At kailangan ding magpanggap ka na hindi mo siya nakita, dahil sa pangalawang pagkakataong sabihin mong nakita mo siya, bigla ka na lang niyang dadalhin sa dimensyon o impyerno man. Walang nagawa si Ava, kundi ang pumayag na lang. Sa unang laro, parang wala lang. Kunwari'y hindi niya ito nakita. Ngunit dahil sa hindi na niya kaya ang nararamdaman, nagalit siya at sinabing nakita niya itong nagtatago sa puwang ng aparador. Dahil sa kanyang ginawa, nagalit na rin ang babae. Walang ka ano-ano'y, nilikop na ng kadiliman ang buong paligid. Wala na siyang ma aninag na kahit katiting na liwanag. Pilit na tumayo si Ava, kinusot ang mga mata. Nasa ibang dimensyon na kaya siya? O nasa impyerno? Sa kanyang ginawang paghagilap sa kadiliman, kahit pagewang gewang na, namumutawi pa rin ang pagnanasa niyang mabuhay. Maya-maya, matapos ang ilang minutong kadiliman lang ang nakikita, bumalik ng muli ang liwanag. Subalit sa pagbalik ng ma aliwalas na kapaligiran, naroroon pa rin pala ang mga taong katulad na ni Jane. Nangangamoy patay at nagmumukha ng patay. Marami na ring mga walang buhay na katawan ang nakakalat na sa daanan. Sa di naman kalayuan, pansin ni Ava na may mga matang nakatingin sa kanya. Marami sila. Mga nilalang na tila na aagnas na. Pakiramdam tuloy ng dalaga, siya na ang susunod na bibiktimahin ng mga ito. Kaya kahit pa ekis-ekis na, pinipilit pa rin niyang ihakbang ang mga paang sugatan. Hanggang sa, hindi na niya kinaya ang pagod at pananakit ng katawan. Tumigil na lamang siya at hinihintay ang magiging katapusan. Nag uunahan ang mga nilalang papunta sa kanyang direksyon. Laking gulat at pagtataka ni Ava, ng lagpasan siya ng mga nilalang na ito. Parang hindi siya nito nakita. Doon lang napagtanto ng dalaga ang lahat ng makita ang sariling repleksyon sa isang nagbabagang salamin sa di kalayuan. Gulagulanit ang damit nito. At ang itsura ay tila na aagnas na rin, ng katulad sa mga bangkay. Sumigaw siya ng ubos lakas, ng malaman na hindi pa pala tapos sa pakikipaglaro ng tagu-taguan ang babae sa kanya, dahil magpahanggang ngayon ay nasa impyerno pa rin siya. -THE END-