IMPOSTOR (One Shot Story)
![](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_b4760c9307754babb6ca03bd80a29022.jpg/v1/fill/w_236,h_354,al_c,q_80,enc_auto/cb2b58_b4760c9307754babb6ca03bd80a29022.jpg)
Maraming nag sasabi na nakakatakot daw ang bahay namin. Pero wala naman akong nararamdaman at nakikita sa bahay na to. Pag hapon at uwian na ng mga studyante napapansin ko silang hindi tumitingin sa bahay at akala mo lagi ay nakakita ng multo at kumakaripas ng lakad. Ilag na ilag silang madaan sa bahay namin. Ewan ko ba? Pero laging laman ng katatakutan tong bahay namin. Na wewerduhan ako sa kanila dahil napaka OA naman nila, ako? Sa 3 years kong pag stay dito sa bahay namin wala akong naramdaman na kahit ano o nakita. Pamana sa amin ito ng lolo at lola ko na parehas ng pumanaw. Kaya pagkalibing nila ay agad na kaming lumipat dito kasama ang mga magulang at 3 kong kapatid ako ang pinaka matanda. Isang araw, bumili ako sa tindahang may ilang grupo ng tao ang nanduon at nakatingin sa akin. "Hindi ba kayo natatakot sa bahay na yan? Wala ba kayong nararamdaman na kahit ano jan?" tanong ng isang tambay. natawa lang ako sa tanong niya. At nasabi ko nalang na kayo lang ang gumagawa ng sarili niyong multo. Simula pagkabata talagang hindi pa ako nakakakita o nakakaramdam ng multo kaya siguro hindi ako naniniwala. To see is to believe nga daw diba? Pagyayabang ko pa sa kanila. Pero hindi talaga ako naniniwala sa mga multong yan. Nagkwento pa sila saken na, may nakikita daw sila sa harapan ng pinto ng bahay namin na nakaputing babae pag gabi. At sa second floor daw ng bahay namin ay dinig na dinig nila ang iyak ng bata. Natatawa lang ako sa kwento nila. Sa tatlong taong paninirahan namin duon ay ni isa ay wala akong experience na nakakatakot sa bahay namin.. Umuwi nalang ako dahil naiinis na ako dahil parang ginagawa nilang haunted ang bahay namin. Isang umaga. Umagang nag pabago sa pananaw ko. Umagang hindi ko akalaing mangyayari saken. Umagang kinatakutan ko ng husto. Umuulan kasi nun, alas 4 palang ng umaga ngunit gising na si Nanay upang mag handa ng pagkain. Si Tatay naman ay naliligo, gising na ako pero nakatalukbong pa din ng kumot dahil malamig at nakakatamad pang bumangon. Hindi pa din alam ni nanay na gising pa ako. Katabi ko ang aking mga kapatid na noon ay tulog pa. Maya maya ay biglang may kumatok. Alam kong nadinig iyon ni Nanay, nagtataka ako dahil ayaw niyang buksan ito.. "Pareng Elmer! Si Norman eto! Pakibukas ng pinto.." Nagsalita ang kumakatok at si Ninong Norman pala iyon ka trabaho din ni Itay.. Nag tataka pa din ako dahil ayaw pa din buksan ni Inay ang pinto. Naiirita na ako sa katok ng katok pero tinatamad talaga akong bumangon dahil malamig.. Nagpatuloy pa din ang pag kutok, ngunit tuloy din si inay sa ginagawa nya. Sobra na kong nag tataka at nag iisip. Nakikiramdam kung bakit ayaw buksan ni Inay ang pinto.. "Sonya! Ang pinto! Buksan mo. Kanina pa duon si Norman!" sigaw ni tatay.. Alam kong naglakad na papunta si inay sa pinto at binuksan ito. Hindi ko nakita ang hitsura ni nanay dahil nakatalukbong nga ako. At ayaw kong mapagalitan dahil nag tutulugtulugan lang ako. Mga ilang oras ang lumipas umalis na si Itay at si Ninong ako naman ay bumango na.. Si Inay ay pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.. Umiinom lang ako ng kape dahil naulan at kumakain ng pandesal ng biglang nagsalita si Inay.. "C-Cha-rle-s?" nangangatal ang boses niya na labis kung ikinagulat. Hindi ako nakasagot ewan ko kung bakit pero hinayaan ko siyang magpatuloy sa sasabihin niya.. "Kanina kapa gising at nandiyan?" sobrang nagtataka na talaga ako sa mga tanong ni Nanay. At sa ikinikilos nito. Ramdam kong my takot syang nararamdaman dahil katal at pinagpapawisan siya. "Hindi po inay. Ngayon lang po ako bumangon.." nanglaki ang mata ni Inay at para bang biglang bigla sa narinig na sagot ko.. Mas naramdaman ko ang takot sa mga sunod niyang sinabi. "C-C-harles, alam mo ba kung bakit hindi ko binubuksan ang pinto kanina?" nanlaki ang mata ko at nanindig ang balahibo ko sa hindi ko alam na dahilan. "B-b-bakit po?" nauutal din na sagot ko.. "Dahil.... Nakita kitang naka upo sa may tabi ng pinto at ikaw ang iniintay kong magbukas ng pinto. Pero hindi mo binuksan at sa halip ay ngumiti ka lang sa akin.." mangiyak ngiyak na sagot sa akin ni Inay. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sobrang takot, pinagpawisan ako ng malamig at ang tanging naisagot ko lang ay "Hindi ako yon Inay" Simula ng araw na yun. Kahit ako ay natakot na din sa sarili naming BAHAY. Kagaya ng ibang tao sa aming baranggay. Siguro nga ay totoong hindi tayo nag iisa sa mundong ito. Pero sino kaya siya? Sino kaya ang aking Impostor? Anong kailangan niya? END ~