SA KUKO NG MGA PUSA (One Shot Story)
Sabi nila, ang alagang pusa ay tapat sa amo at hindi ng iiwan.Likas sakanila ang mapag lambing at may angking tapang at kapangyarihan na hindi nalalaman ng tao. Yan ang napatunayan ni Cherry sa kanyang alaga ng sya ay nalagay sa isang panganib na syang ikinamatay nito. Masayang naka upo sa rocking chair si Cherry noon habang hinahaplos ang kanyang tiyan na may lamang sanggol. Limang buwan na kasi ang bata sa kanyang sinapupunan. At sa paanan ni Cherry,nakahigang ang alaga nitong pusa habang binabantayan nito ang mag ina ng may biglang kumatok sa kanilang pintuan.Agad na tumayo si Cherry upang pag buksan ang pinto at laking gulat nito ng makita si Erjay na nakatayo sa harapan ng kanilang pintuan.Agad nitong hinatak palabas si Cherry at kinaladkad patungo sa isang madilim na eskinita habang nag hihintay ang mga iba panitong kasamahan. Pag dating doon, walang ano ano’y sinampal nito sa mukha si Cherry. “ Anong gagawin nyo saakin? Maawa ka Erjay! Pls! anak mo ito.” “ Ang kapal din ng mukha mo Cherry para ipa ako sakin ang batang iyan! Samantalang isa kalamang bayarang babae na nakilala ko sa isang casa at naka one nightstand sa isang gabi at ngayon sasabihin mong anak ko yan! ” “ Maniwala ka Erjay, Anak mo ito kaya pls! wag mong gawin saamin ito. Hindi ko kayang ipalaglag ang bata. Maawa ka sa bata, at kung gusto mo. Lalayo na kami basta’t wag mo kaming papatayin. Pangako, hindi na ako mang gugulo pls! ” Takot na takot si Cherry habang nag mamakaawa kay Erjay ngunit hindi ito umimik at sa halip, tumango sya sa kasamahan nitong lalake, Hudyat na ito ng kanilang plano. Inutusan ni Erjay na hawakan sa mag kabilaang braso si Cherry upang hindi makapalag sa gagawin. Maya maya’y inundayan ng malakas na suntok ang tiyan ni Cherry,agad syang nasaktan.Balak lang nila na patayin ang sanggol ngunit hindi ang ina. “ Bakit Erjay? Wala kang awa!!..” Namimilipit sa sakit noon si Cherry habang umaagos ang dugo sa kanyang binti at wala syang magawa kundi ang umiyak sapagkat nalaglag na ang sanggol sa sinapupunan nito. “ Wala kang awa Erjay! Pati bata dinamay mo! Hayop ka! Demonyo ka! Mamatay kana Erjay! Wala kang kwenta!! Mag babayad kayo saakin at pinapangako kong babalikan ko kayong lahat! Aray ko!!.. Ang bata, mga hayop kayo!.” Kitang kita ni Cherry kung paano umaagos ang malakas na dugo sa kanyang binti at wala itong tigil. Hinang hina narin sya at wala na syang lakas pa upang mag pumiglas. Napa higa nalamang sya sa semento habang na mimilipit sa sakit at humahagulgul sa iyak. “ Yan ang napala mo! Binalaan na kita na ipa laglag mona ang batang yan,kundi! Ako ang gagawa.Kung dika lang tumangi sa plano ko,sana hindi na humantong sa ganito. At siguro naman,mag tatanda kana nyan?! At huwag na huwag mo ng tatangkain pang mang gulo sa pamilya ko,kundi! Ikaw ang isusunod kong papatayin.” Nag bigay ng ultimatum na babala si Erjay kay Cherry at agad na umalis ang grupo nito at iniwang mag isa si Cherry sa daan ng duguan at hindi naman nila akalain na matutuluyan si Cherry dahil sa kanilang ginawa. Samantalang,agad na lumapit ang alaga nitong pusa na sumunod pala ng palihim at nag mamasid sa amo nito. Napa ngiti naman ng bahagya si Cherry ng Makita nito ang alagang pusa na papalapit at dinidilaan ang kanyang mukha na para bang sabik na sabik na ito sa kanyang amo habang unti unting bumigay si Cherry dahil na uubusan na sya ng dugo at Kitang kita ni Cherry ng malapitan kung gaano kalungkot ang kanyang alagang pusa ng mga sandaling iyon. “ Hi Thunder, Sumunod kapala saakin. Tignan mo ang ng yari saakin,wala na ang baby ko..” Mahina na ang boses ni Cherry habang kinakausap nito si Thunder,ang pusa. Hinaplos haplos ni Cherry ang pisngi ng pusa na sya namang gusto nito at panay ang lambing ni Thunder. Bata palamang si Cherry noon, alaga na nito si Thunder. Regalo iyon ng kanyang pinakamamahal na ina,simula noon inalagaan nya ng mabuti ang alaga nito. Likas na mahilig kasi si Cherry sa mga pusa,kinagigiliwan nito ang pambihirang ugali ng mga pusa kayat itinuring na nitong anak si Thunder.Lahat ng gusto ng pusa ay ibinibigay nito,hindi nya pinapakain ng mga tira tira kundi dilata ng mga tuna at nakahiga rin si Thunder kasama nya sa iisang kama. Ganon nya kamahal ang kanyang alaga. Kayat ng mag karoon ng sariling anak si Cherry,si Thunder naman ngayon ang nag aalaga sa mag ina, ngunit ang nasaksihan ng pusa ay brutal at malagim na pang yayari. “ Thunder! Ipag higanti mo kami ng anak ko,hayaan mo sana ako na hiramin ang katawan mo,paki usap Thunder,lahat sila mag babayad sa ginawa nila. Hindi ko sila patatahimikin at gagawin kong miserable ang buhay nila! Ipinapangako ko iyon Thunder. Matatahimik lamang ang kaluluwa ko kapag patay na silang lahat!! Lalo na ang buong pamilya ni Erjay. Kaya paki usap Thunder, bata palang ako saksi kana sa mga dinanas kong hirap. Pagod na pagod na ako, at siguro naman oras na para ako naman ang gumanti sa lahat ng ng api saakin.Buong buhay ko,kinukutya ako ng mga tao dahil anak ako sa labas at nag tratrabaho sa isang Casa bilang bayaran upang buhayin ko mag isa ang sarili ko. At ano Thunder,eto ang ganti nila saakin.Ang patayin kami ng anak ko ng walang kalaban laban.Kayat nararapat lang sila mamatay.” Umiiyak si Cherry habang binabalikan nito ang mga masasama nitong nakaraan at naranasan na pang aapi at halos hindi nya ito nakayanan at tuluyan na syang bumitaw. Ngunit muli syang babalik at mag kakalat ng lagim. “ Meowwww!..” Naiintindihan ni Thunder ang nararamdaman ng kanyang amo bago ito pumanaw kayat pumayag sya sa hiling nito. Lumapit sya ulunan ni Cherry at inilapit din nito ang mabalahibo nitong mukha malapit sa bibig ni Cherry,agad nitong hinigop ang kulay pula na usok na nang gagaling sa bibig ni Cherry. Yun ang kaluluwa ng kanyang amo. Ngayon,habang buhay na nitong dala dala ang kaluluwa ni Cherry at walang makakapag hiwalay sakanila at kitang kita ang kanilang anino na pinag sanib bilang iisa. Ngayon.Inutusan ni Thunder ang lahat ng buo nitong grupo,Ang mga kalahing nitong pusa na hanapin kung saan nakatira ang mag ina ni Erjay at mag kalat sila ng lagim sa bawat madadaanan nilang kabahayan na may buntis. Di kalauna’y natagpuan ni Thunder kung saan nakatira ang pamilya ng salarin at kaagad nitong pinuntahan at nag masid masid sa paligid. Sa bintana, nakita nitong nag lalampungan ang mag asawang Erjay at Vicky habang nag uusap. Dahil matalas ang pan dinig ng pusa,malinaw na naririnig ni Thunder ang lahat ng pinag uusapan ng mag asawa. “ Vicky! Mahal? Musta na ang baby ko sa sinapupunan mo? Diba apat na buwan palang yan? ” Tanong ni Erjay sa asawa nitong si Vicky habang hinahaplos ang maliit ngunit maumbok na tiyan nito habang nakayakap sa likod ng asawa. “ Eto,hindi pa gaano gmagalaw kasi maliit palang naman. At isa pa,yung pinagagawa ko sayo,nagawa mo naba? ” Tanong ni Vicky at sabay alis sa mahigpit na yakap ni Erjay. “ Naman mahal! Tapos na, nadispatya kona ang anak namin ni Cherry. For sure,dina uulit yon sa pang gugulo dito sa bahay at nadala ngayon sa ginawa ko at isa pa, iyong iyo na ako dahil tinapos kona rin kung anong meron saaming dalawa, at kung gusto mo bukas na bukas din ay mag papakasal na tayo.” Napa ngiti naman ng todo si Vicky ng malaman nitong wala ng hadlang ngunit nag pakipot pa ito sa asawa nito. Paharot nitong sinampal si Erjay. “ Next time mahal,wag mo ng uulitin ang pang loloko saakin kundi ako ang mag ha hunting sayo.” “ Aray ko naman mahal! Ang sakit ah, pero promise mahal,dina mauulit ok! Love you!” Sabay halik sa labi ni Vicky at tuluyan ng nag init ang dalawa at ginawa na ang dapat di masaksihan ni Cherry. Kitang kita naman sa mata ni Thander ang kaluluwa ni Cherry habang ng gagalaiiti ito sagalit. “ Mga hinayupak kayo! Papatayin ko kayong dalawa! Pipirapirasuhin ko kayong dalawa at kakainin ko ng buhay ang anak nyo! Mag babayad kayo saakin! Hinding hindi kayo magiging masaya!!!!......” Umalis si Thunder at pumasok sa loob ng bahay.Dahan dahan syang dumaan sa maliit na pintuan para sa aso.Nadatnan nitong magka yakap ang mag asawa habang naka upo sa sofa at na nood ng balita sa TV. News break. Buong pamilya,natagpuang patay sa sarili nilang tahanan. Kitang kita sa mag anak ang lagunit nilang katawan na puno ng dugo at may bakas ng mga kalmot. Pinaniniwalaan nilang ng galing ito sa mabangis na hayop. At ang pinaka matindi, winakwak ang tiyan ng isang ginang na buntis umano at kinain ang sanggol sa loob nito kasama ang mga lamang loob. “ Grabi mahal oh! Nakakatakot naman yan! Nakakadiri naman! Ano kaya ang gumawa nyan? Sobrang brutal naman.” Napapa kapit si Vicky sa asawa nito dahil sa napapanood na balita. “ Ano ka banaman mahal! Bakit yan ang pinapanood moh, bawal kang ma stress at makakasama yan baby! Lipat na natin ok?” Nilipat ni Erjay sa ibang stasyon ang TV ngunit pare parehas ang balita ngunit iba iba ang lugar ng pinang yarihan ng pag paslang. Para itong salot sa mamamayan na unti unting kumakalat. Kaya nag yaya si Erjay na matulog nalang sa kanilang kwarto sa itaas.Samantalang,hindi napansin ng mag asawa noong sila ay umakyat na may kasunod pala silang pusa. Ilang oras, Mahimbing na natutulog ang mag asawa at matiyaga namang nag hihintay sa pinto si Thunder upang maka kuha ng tyempo. “Meowwwww! Meowwwww! Meowwwww!meowwwww!!” Palakas ng palakas ang ingay ni Thunder upang magising ang mag asawa ngunit si Vicky lamang ang na alimpungatan. Pilit nitong gisingin ang asawa nitong humihilik ngunit ayaw bumangon kayat sya nalamang ang tumayo para tignan kung ano iyon. “ Letcheng mga pusa ito, kung mag lampungan eh maingay! Kala mo pinupunit ang kwan nila at humihiyaw ng malakas. Istorbo sa tulog. Makapag C.R na nga!” Binuksan ni Vicky ang pinto ngunit walang pusang nag aabang. At sa halip,bumaba ito at pumasok sa banyo upang umihi. Maya maya’y may kumatok sa pinto ng C.R “ Mahal! Ikaw bayan? Sandali lang,dipa ako tapos.!!” Kumatok olet ng malakas. “ Sandali!! Eto na!! hindi makapag hintay!!” Tumayo si Vicky at binuksan ang pinto kahit hindi pa ito tapos. Laking gulat nya ng pumasok si Thunder sa loob at biglang nag lambing ito sa paa ni Vicky, kinuskus ng pusa ang kanyang ulo sa paa ni Vicky. Pag katapos, umupo ito at tumingin kay Vicky na parang nag mamaka awa at kampay ng kampay ang buntot nito. Agad namang naawa si Vicky at binuhat si Thunder at sinarado nito ang pinto ng CR. “ Hey!! Pano ka nakapasok dito little kitty? Ang ganda mo naman! May pet name kaba?” sabay tingin ni Vicky sa name tag ni Thunder. “ Thunder ang name mo? Ang ganda naman!! Sana akin ka nalang.” “ Meowwwwwwww!!” Tuwang tuwa si Vicky na haplusin ang malambot na balahibo ni Thunder at niyakap pa nito. Ngunit di akalain ni Vicky na halimaw pala ang kanyang yakap yakap, nag ibang anyo si Thunder at naging halimaw at kinagat nito ang leeg ni Vicky. “ Aray!!! Ko!!” Pilit na hilain ni Vicky ang pusa ngunit matinti ang kapit nito sa leeg hangang sa sumama ang laman nito at agad nitong binalibag ang pusa ngunit lalo itong galit.Tumalon ang pusa sakanya at pinag kakalmot sya nito hangang sa dina nito kaya ang pusa at napa bagsak nalamang sya sa loob ng CR. Takot na takot si Vicky noon at lalo pa ng Makita nitong pababa sa tiyan nya ang pusa. Parang nahulaan na nito ang gagawin dahil sa napanood na balita. “ Wag kitty!! Mabait ka diba? Pls wag ang anak ko!! “ ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh………tulungan nyo ako!!!!!! Erjay!!!!!!!!!!!!!!!!! Hiyaw ni Vicky habang kitang kita nito ang kanyang tiyan na nilalapa ng pusa. Para itong kumakain ng hasang ng isda na madugo dugo pasa bibig habang kumakalat sa hangin ang lansa ng dugo. Sa sobrang sakit,hindi na nito kinaya at namatay sya ng walang tumulong. “ Andyan na ako Vick!!” Nataranta si Erjay ng biglang ma alimpungatan sa hiyaw ni Vicky ngunit biglang tumahimik kayat bumaba sya upang tignan. Hinanap nya kung saan saan at nagulat sya ng umagos ang dugo sa pinto ng CR. Inakala nitong nakunan ang asawa ngunit nag kamali sya. Kitang kita nito kung pano kainin ng pusa ang tiyan ng kanyang asawa. Halos masuka ito sa nakita at amoy. Tumitig naman sakanya ang pusa habang nasa bibig pa nito ang kapiraso ng kamay ng sanggol. Kitang kita sa mata ng pusa ang pag ka gigil sa pag nguya ng laman ng tao. Para itong daga na ayaw bitawan. Samantalang ipinakita ng pusa kung ano ang kanyang katauhan. Kitang kita ni Erjay sa anino ng pusa ang anino ng isang babae. “ Cherry?!! ” Tanong ni Erjay. Hindi paman nakakapag salita si Erjay, agad na tumalon sakanya ang pusa at walang habas na ibinabaon sa kanya ang matatalim nitong kuko habang dumadanak ang dugo sa iba’t ibang parte ng bahay. Hindi man tinuluyan ng pusa na patayin si Erjay, nag iwan naman ng mga bakas ng kalmot sa buo nitong katawan at nabaliw sya ng bongang bonga. Lahat ng makita nitong pusa ay halimaw at nag karoon sya ng pobya. Habang nasa mental hospital si Erjay at naka kulong sa isang maliit na kwarto, rinig nito ang ingay ng mga pusa,paulit ulit itong gumulo sa kanyang utak at bumabasak sa kanyang ear drum. Layuan nyo ako!!!!!! After a long year,andoon parin si Erjay sa mental hospital habang buhay. Habang nag lalakad sa hallway ang isang nurs, lumapit sa kanya si Thunder at agad syang ginagiliwan at binuhat patungo sa kwarto ni Erjay. “ Erjay! Meet your new friend! THUNDER!!!!! Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!! NOTE: Kaya ikaw! Wag kang basta basta ma mulot ng pusang ligaw,malay mo si Thunder ang pusang iyan. Bloody END.