top of page

SI KUBA AT SI MAGANDA (One Shot Story)


Palihim na sumisilip sa isang maliit na siwang ng butas ng bintana si Ben Kuba at mula roon ay tanaw nya ang isang napakagandang babae nasi Malena, anak sya ni Don Peping na kung saan ay pag mamay ari nito ang malawak na lupain at taniman ng mga mangga at si Ben Kuba naman ang taga pamahala nito sa asyenda na ipamamana kay Malena.

Matagal ng may lihim na pag tingin si Ben Kuba kay Malena ngunit hangang pangarap at pantasya nalamang ito dahil di tangap ni Malena ang malahalimaw nitong mukha, may tangiwing labi at maging ang pasanin nitong malaking bukol sa likod na natatakpan ng itim na bandana. Mabait si Ben Kuba sa lahat ng tao,sakatunayay palakaibigan ito at masiyahin,di katulad niMalena na napaka ganda nga ngunit pangit at napakaipokrito ang ugali nito at ng didiri pasa mga mangagawa o trabahador ng asyenda ni Don Peping.

Minsan, naabutan ni Ben Kuba si Malena sa silong ng mangga habang nag papahinga at nag babasa ng libro. May dala si Ben Kuba ng isang bugkos na hitik na hitik na bunga ng mangga ar iniabot nya ito kay Malena. Sahalip na mag pasalamat ito ay nakuha pa nitong magdabog at mag reklamo.

"Ano to ha!?mangga nanaman,sawang sawa na ako dyan! wala kabang alam na ibigay sa akin kundi puros mangga,sukang suka na ako pati sa itsura mo pwede umalis kana dito! chupe storbo ka!! ito ang wika ni Malena kay Ben Kuba na puno ng panlalait ngunit nakayuko lamang si Ben Kuba at walang magawa kundi manahimik nalang at walang magawa upang ipag tangol ang kanyang sarili pero kahit ganon paman tuloy parin ang pag mamahal nito kay Malena.

Habang talak ng talak si Malena, gumapang ang mga langam sa kanyang mga kamay na galing sa manggang hawak nito at syay pinag kakakagat. Sa inis ni Malena ay ibinato nito ang hawak sa harap ni Ben Kuba.Walang magawa si Ben kuba noon kundi kunin at pulutin ng isa isa ang mangga sa lupa. "Didi kunaman sisisinasadya eh!sosory!" ito ang sabi nya sa kanyang sarili habang si Malena ay tumakbo sa isang lumang ware house kung saan naka imbak ang mga gamot pang insekto ng mangga.

Agad namang hinabol ni Ben Kuba si Malena para humingi ng patawad sa ngyari ngunit naabutan nitong kasama si Lucio na kanang kamay ni Don Lucio na may gusto rin kay Malena habang ginagamot ang mga natamong kagat sa langam ni Malena at nakaramdam ng selos si Ben Kuba ngunit nag patuloy parin syang pumasok sa loob. "Sosory po!didi ko po sasadya" wika ni Beb Kuba na humihingi ng patawad kay Malena. "It's to late! tignan mo ng yari sakin! kagagawan ito ng kapalpakan mo, buti pa si Lucio may naitutulong sa akin! ikaw walang kwenta at buti pang umalis kana rito sa asyenda. Ito ang wika ni Malena galit na galit at para kay Lucio naman ay isang pa puri.

Nakayuko lamang si Ben Kuba noon at habang nakikinig sa sermon ni Malena. "Aa alis nalamang po aako!" tugon ni Ben kuba na puno ng kahihiyan sa sarili nito. Ng paalis sya,sumigaw si Malena at sabay titig nito kay Lucio na parang may plinaplanong di mabuti at sabay nilang binato ng bato ang likuran ni Ben Kuba. Ng humarap sya ay agad tinamaan ang noo nito na agad namang pumutok at nag dugo ito. Ng di sila masiyahan sa ginawa nila, ay lalo pa nilang pina ulanan ng mga bato.

Labis na nasaktan si Ben kuba sa kanilang ginawa na pananakit kaya na galit na ng todo si Ben Kuba. "Ano ba kayo!!tama na nasasaktan na ako, ano bang kasalanan ko sa inyo!?" pasigaw nyang wika na galit na galit sa dalawa ngunit humahalakhak lamang sila. Maya mayay ipinakita na ni Ben Kuba ang itsura nito. Nag hubad sya at tumambad ang nakakadiri nitong anyo na mala ipis, at sa likod nito tila may mga gumagalaw sa loob ng bukol nito at unti unting nabibiyak ito at unti unti ring lumalabas ang mga alaga nitong ipis sa likuran.

Ng makita nila Malena at Lucio,nabakas sa kanilang mga mukha ang takot at pandidiri. Maya mayay ang mga ipis ay nag simulang gumapang sa sahig at patungo sa kinaroroonan ni Lucio. "Malena!! tumakbo kana, dalian mo!" wikang pasigaw ni Lucio kay Malena na napako sa kinatatayuan nito habang pinalilibutan ng ipis.

Samantalang nag umpisa ng nagsipasukan ang mga ipis sa pantalon ni Lucio, pilit nitong pinapag pag ngunit sadyang napaka rami ang ipis. dina nito napigilan ang mga ipis na pumapasok sa bunganga nito at sa dalawa nitong mata,maging sa ilong at tenga ito. gumapang sa loob ng katawan nito ang mga ipis at bumakat sa mga balat nito ang mga ipis na gumagapang habang kinakain ng unti unti ang mga laman nito at sa buto na lamang ang matira. ng Makita ito ni Malena ay lalo pa syang natakot at umiyak ng umiyak na tila nag mamakaawa.

Lalo pa itong sumidhi ng palapit ng palapit sa kanya si Ben Kuba,ngunit di nya alam na may nakatagong pamalo si Malena at ipinukpok sa kanya. Ng nagsihawian ang mga bantay nitong ipis at nakatakbo naman si Malena sa isang kwarto na napupuno ng mga kemekal. Ng palapit na ang mga ipis ay naisipan nyang isaboy ito at agad ding naman itong unti unting nalulusaw ang mga ipis at bumubulwak pa ang nag kalat na likido sa sahig.

Maya mayay narinig nito ang yabag ng paa ni Ben kuba papalapit. Ng buksan nya ang pinto ay agad nitong sinabuyan ng kemekal ang buong katawan ni Ben kuba at agad nitong sinilaban at habang pinapanood nitong nasusunog si Ben kuba ay agad na itong lumabas at tuluyan ng tinupok ng apoy ang ware house. Nag tamo si Malena ng second digree burn sa mukha.

Makalipas ng tatlong buwan sa ospital, rinig hangang parking lot ang hiyaw ni Malena. Isang ipis ang pumasok sa bibig nito at nanginain din sa likod nito at nag karoon din sya ng malaking bukol sa likod. Tumakas si malena sa ospital at nag tatatakbo ito palabas ng makasalubong nito ang mga batang nag lalaro. "Malenang kuba! Malenang kuba! ang pangit mo, salot ka! alis.." ito ang wika ng mga bata kay Malena na takot na takot.

"TARA BATUHIN NATIN NG BATO!"

THE END...


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page