top of page

SINO AKO? (One Shot Story)


UNIVERSITY OF HORROR STORIES. Isa sa mga sinalihan kung Group sa Facebook. Nakakabasa ako rito ng mga nakakagimbal na kwento na may kinalaman sa mga kababalaghan, katatakutan at kahit pa parti sa mga brutal na kamatayan. Kinuha ang atensyon ko nang aking mabasa ang tungkol sa gaganaping patimpalak na may kinalaman sa "Creepy pasta." Binalak kong sumali. Well, actually sumali talaga ako. Gusto ko kasing ibahagi sa mga mambabasa, ang isang kwento na akin pang naaalala na kahit matagal nang nangyari ay tila bagang sariwa pa rin. ****************************** Sa mundong puno nang kababalaghan at katanungan, nangingibabaw ang tanung na galing sa kamusmusan ng wala pang siyam na taong gulang na bata. "SINO AKO?" Gising ang diwa, ngunit parang walang buhay na nakahiga ang batang si X. Nagising siya sa ingay na dulot ng sirena ng bombero at mga patrol car ng pulis. "Ikaw na kriminal na nasa loob, SUMUKO KA NA! Kung hindi mapipilitan kaming pasukin ang bahay niyo!" Salitang isinigaw ng isa sa mga tao sa labas. Dahil sa kuryusidad, pilit bumangon ang bata upang tingnan ang mga nangyayari. Saka na lamang niya napansing wala siya sa kanyang sariling kwarto. Sa kanyang pagbangon, halos lumuwa ang mga mata ng bata, ng makitang puro mga mapupulang kulay ang nagkalat sa sahig kung saan siya naroon. D U G O ! Napakaraming dugo. Tumayo siya upang kumuha ng ipampupunas dito. Napapitlag ang bata ng mahagip ang sariling repleksiyon sa salamin. Nanunuyo na ang halos mantsang kakulay ng pulang nasa sahig, sa kanyang puting sando. Napansin din niya ang isang matalim na kutsilyong nasa kama, na nababahiran din ng napakaraming dugo. Bahagya siyang napaatras, at hindi makapaniwala sa nakikita ngayon. Nanginginig at nangangatog pa ang buo niyang katawan dahil sa takot. Tumakbo siya palabas ng kwarto. Hindi niya napigilang humagolgol sa bungad ng pintuan ng makita ang mga mahal sa buhay, na nakatihaya sa sahig at naliligo sa sarili nitong mga dugo. Nagkanda-dulas-dulas pa siya habang isa-isang nilalapitan ang kanyang pamilya. "Mama! Papa! Lolo!" A-no po ang nangyari? Sino po ang may gawa nito sa inyo?" Mula sa kinaroroonan nakarinig siya ng ingay na nagmumula sa pinakamalapit na kwarto. Bahagya itong nakabukas. Kahit pa humahagolgol na sa kakaiyak, tinungo parin niya ito. KWARTO KO 'TO AH! Dahan-dahan siyang sumilip sa loob. Halos mapako siya sa kanyang kinatatayuan, ng makita ang mga katagang nasa dingding na isinulat sa pamamagitan ng dugo. "AKO AY IKAW at IKAW AY AKO! ANG NAGAWA KUNG PAGKAKAMALI, AY PAGKAKAMALI MO NA RIN!" Hindi niya ito maintindihan. Lahat ng mga nangyayari, ay bago sa kanya. Napaatras si X, hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. Isinandal ang katawan sa pader, at doon pilit isiniksik ang sarili. Mayamaya ay pwersahang pumasok ang isang miyembro ng swat team. Nagulat ito sa mga nakita, at sa sinapit ng mag-anak. Isa-isa niyang tiningnan ang mga taong nakabulagta sa sahig, nagbabakasakaling may buhay pa ngunit wala na talaga. Nilapitan nang lalake si X. "Ayos ka lang ba iho?" Tanung ng swat sa kanya, ng mapansin siya nito sa gilid na tila takot na takot. Walang sagot na nakuha ang lalake, bagkus isang matipid na tawa ang kanyang naulinigan. "Hahaha!" Tumayo si X, at walang ka ano-anoy sa hindi maipaliwanag na pangyayari, bigla na lamang bumulagta sa sahig ang lalakeng miyembro ng S.W.A.T "Hahaha. Magaling, X! Magaling!" Hindi makapaniwala ang bata sa nangyari. "HINDI!" Sigaw ng bata. Agad nitong nabitawan ang kutsilyong hawak. Mas dumoble pa ang takot na kanyang nararamdaman. Dahil sa bilis ng mga kaganapan, napasok ng mga Pulis at ng S.W.A.T ang loob ng bahay. Dadalhin nila si X ngayon sa osipital para matingnan ng doktor, dahil sa trauma na sinapit ng bata. Habang binabaybay nang ambulansiya ang daan, napansin ng isang nurse si X na panay ang pag iling nito. "Iho, okay ka lang ba? Malapit na tayo sa ospital. Matitingnan ka na rin ng doktor." Anang nurse. Ngunit, panay parin ang pag-iling ng bata. Tila bagang may ibig sabihin ang kanyang inaasal ngunit hindi mawari kung ano. Ilang minuto lang ang itinagal Napahintong bigla ang ambulansiya at saglit lang ay lumabas si X. Mula sa kinatirikang bahagi ng daan, tumakbo papuntang masukal na damuhan ang bata. Hawak-hawak ang kutsilyong ginamit sa pagpatay sa mga kasama sa loob ng ambulansiya. Si X nga ba ang pumapatay? Kung oo, nasa'n kaya siya ngayon? ************************************ END-


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page