top of page

ANG LIHIM NG BAHAY KUBO (One Shot Story)


ika- 22 ng Mayo Sabado Alas-10 ng umaga (May 22 Saturday 10:00am) Hindi sa akin ang kwarto na to. Ngunit pinipilit nilang manatili ako dito. Nasaa lugar ako kung saan halos puti lang ang makikita mo. Meron ding mga nagbabantay at nakaputi din sila. Lahat sila ay nakatitig sa akin at tila ba may mga katanungang hindi ko alam kung paano sasagutin. Nakayakap lang ako sa tuhod ko habang nakatulala. Ilang saglit lang ay may nagbukas nang pintuan at iniluwa nito ang isang naka-unipormeng lalaki. Bahagya niyang kinausap ang isang taong nakaputi at saka binaling ang tingin sa akin.... Lumapit ito sa akin at saka nagsalita "Sino ba talaga ang pumatay sa mga kaibigan mo?" mahinahon niyang tanong. Sa sandaling marinig ko ang tanong na iyon, Nanlaki ang aking mata at agad na gumapang ang takot sa aking katawan kasabay nito ang pagbalik ng lahat ng aking masasakit na ala-ala. "S-Si M-Mae" utal utal ko sagot. "Mae? Sino si Mae?" muling tanong ng lalaki. "S-Si M-Mae... Si Mae... Si Mae... Yung babae sa Bahay-Kubo.." nanginginig kong sagot "Huh?" nagtatakang reaksyon ng lalaki "Si Mae.. Yung B-Babae sa bahay kubo. Hindi siya ordinaryong tao!Multo siya! White Lady siya! Halimaw siya! Halimaw siya! HALIMAW!" sigaw ko habang nagwawala Agad na napaatras ang lalaking nagtatanong sa akin. Bakas sa kanyang mata ang pagkabigla sa aking inasal. Nagwawala pa rin ako ng biglang may itinurok ang isang babaeng nakaputi sa aking braso na naging sanhi ng aking paghinahon. "Si Mae... Si Mae.. Siya... Siya iyon.." mahina kong paulit ulit na sabi.. Muli, mga nagtataka at hindi makapaniwalang mukha ang nakita ko sa kanila. Alam ko... Alam kong hindi pa rin sila naniniwal sa akin. Pero... Nakatatak sa isipan ko na si Mae ang pumatay sa kanila. Tama.. Siya nga.. Hindi naman talaga kasi mangyayari ito eh. Kung hindi lang sana kami napunta sa... Bahay Kubo na yun. ___________________________________ Ika 16 ng Mayo Linggo 5:00 ng hapon (May 16 Sunday 5:00pm) Mark's POV "Ipasok mo na lahat ng gamit sa kotse! Ang bagal mo naman kasi kumilos Mark malalate na tayo!" pasigaw na sabi ni Rain "Oo...S-Sorry na." pagpapaumanhin ko. "T*ngIn* naman kasi pare bakit mo pa sinama yan." galit na sabi ni Sonny "Sabi kasi ni Ainee isama ko eh! Badtrip nga!" rason naman ulit ni Rain "Hayaan mo na dude! Atleast may alalay tayo doon hahaha." sabi naman ni Niko Nag walang kibo nalang ako sa kanila. Kung hindi lang naman kasi ako pinilit ni Ainee na sumama eh hindi talaga ako sasama sa outing na toh Bukod sa ayoko kong napagtritripan ng mga barkada niya. Ayoko din na umabsent sa klase namin bukas.May summer class kasi ako. Buti na nga lang eh Night swimming lang pala yun at pwede pa akong pumasok kinaumagahan kaya dinala ko na ung bag ko para pagkatapos nito eh dederetso na ako sa Univ. namin, running for cum laude pa naman ako sa course Bachelor in Secondary Education Major in Mathematics kaya hindi pedeng umabsent. Matapos kong ilagay lahat ng gamit namin sa kotse ni Rain agad na ako sumakay sa ng kotse. Ang magdridrive ay si Rain, nasa tabi niya ako para daw madali akong nakababa para kapag kunin at ibaba ulit ang gamit namin. Sa likod naman namin ay si Niko at Sonny kasama ang mga girlfriend nila na si Lenalie at Josephine. Halos sa kalahating oras naming biyahe. Walang ibang ginawa yung mga magkasintahan kundi ang maghalikan at maglampungan na akala mo ay may nagpapaligsahan kung sino ang magaling sa romansahan. Kitang kita ko kasi sila sa salamin. Nahinto lang sila noong malapit na kami sa resthouse nila Ainee. Agad kong napansin ang mapayapang lugar na yun. Halos magkakalayo ung mga bahay. Naglakad kami agad papunta sa Resthouse nila Ainee. Maganda ung resthouse nila. Sa likod nun may malawak na gubat. Sa harap naman nito ay napakalawak na dagat. May mga sapa at batis din sa bandang gilid nito. Masarap sa pakiramdam ang bawat simoy ng hangin. "Hey Guys! Ang tagal nyo naman. Kanina pa ako naghihintay dito eh." paunang bati sa amin ni Ainee "Eto kasing si Mark ang bagal kumilos." inis nasabi ni Rain "P-Pasensiya na Ainee." sabi ko "Ano kaba Mark ayos lang iyon. So ano guys? Tra pasok na tayo sa loob?" "Tara!" sabay sabay nilang sabi ________________________ Ika 16 ng Mayo Linggo Alas 8:45 ng gabi (May 16 Sunday 8:45pm) Halos 3 oras din sila sa kakalangoy at kakaharutan doon sa dagat habang ako naman ay nanatili nalang sa resthouse at hindi na sumali sa kanila. OP lang naman kasi ako tyaka ayoko ding mapagod bukas kaya naman tinulungan ko nalang si Ainee na maghanda ng makakain namin. Masaya kaming nagkwentuhan doon. Hindi ko alam kung paano kami naging Close ni Ainee. Dati kasi hindi ko siya pinapansin kasi nga kabarkada niya ang mga bully sa campus namin na sila Rain. Basta isang araw nalang lagi na niya akong pinagtatanggol kala Rain kapag pinagtritripan ako. Doon na nagumpisa ang pagiging malapit namin. Maganda si Ainee. Balita ko nga eh pinopormahan siya ni Rain kaso hindi ko alam kung sila na ba. Crush ko din naman si Ainee kaso hanggang doon nalang yun. Mas tinuturing ko kasi siyang kaibigan. Tinawag na ni Ainee ang barkada niya para kumain. Umahon naman sila agad at pumunta na sa lamesang inihanda namin sa labas ng resthouse. Napansin ni Rain na magkasama kami ni Ainee kaya isang masamamg tingin ang ibinigay niya sa akin. Yumuko nalang ako at medyo lumayo kay Ainee para umiwas sa gulo. Matapos kumain ay nagkayayaan silang mag inuman. Game na game ang lahat pati si Ainee. Tumanggi naman ako dahil nga papasok pa ako bukas. Halos ilang oras din silang naginuman hanggang sa napagpasyahan nilang maglaro ng Truth or Dare. Sumali daw ako sa kanila sabi ni Ainee. Pumayag naman ako para naman pakisamahan sila kahit papano. Masama parin makatingin sa akin si Rain pero hinayaan ko nalang. Halos nakailang ikot din ung bote ng alak. Puro Dare lang ang pinipili nila. Meron silang pinaghubad ng bra. Meron nagpakiss. Meron sumayaw ng parang Macho Dance, basta kahit ano-anong dare ang ginawa nila. Pero noong natutok sa akin ang bote. "Yes! Si Mark na ang napili hahaha!" Tuwang tuwang sabi ni Ainee "Truth or Dare?" tanong ni Josephine "Truth nalang." "Ay! Bawal ang Truth! Lahat kami Dare eh kaya dapat Dare din piliin mo!" reklamo ni Lenalie "Oo nga naman Mark dapat Dare din piliin mo." nakangising sabi ni Rain. "Oo nga pre walang KJ" sang-ayon ni Sonny Tinignan ko si Ainee. "Sige na Mark. Dare lang nama eh." nakangiting sabi nito Huminga ako ng malalim at saka sumagot. "Sige na nga. Dare" "Yes!" Sabay apir nila Rain, Sonny at Niko Nag-isip muna sila at saka nagsalita "Dahil espesyal ka sa amin. Ibang Dare ang gagawin mo" nakangisi pa ring sabi ni Rain "A-Ano ba yung Dare nyo?" kinakabahang tanong ko. "Hmmm... Kanina kasi naglibot libot kami nila Sonny at Niko. May nakita kami sa gitna ng kagubatan na isang bahay kubo. Mukhang Cool doob kaya ang Dare namin... . . . . . . . . Mag-stay ka sa bahay kubo na yun within 30mins!" "A-ANO?" pasigaw kong tanong "Bakit? Ang simple na nga lang ng dare namin ah. 30mins ka lang naman doon tapos end na ng dare mo." "B-Bakit yun pa ang ipapagawa niyo sa akin?" "Bakit natatakot ka ba Mark?" nakangising sabi muli ni Rain "H-Hindi naman" "Edi walang problema! Tara puntahan na natin yung bahay-kubo na yun! Malapit lng yun dito eh" At nagsitayuan na kami at pumunta sa sinasabi ni Rain na kubo. _______________________________ Ika 16 ng Mayo Linggo 11:30 ng gabi (May 16 Sunday 11:25pm) Medyo may kalayuan din yung nilakaran namin. Halos malapit na kami sa Bahay-kubo na sinasabi nila Rain ng biglang may nakasalubong kaming isang matandang babae. "Mga iho't iha saan kayo pupunta? Gabing gabi na ah." tanong nito "Ahhh jan lang po sa lumang bahay-kubo na yan may gagawin lang po kami." sagot ni Sonny "Ha? Naku iho wag niyo ng ituloy ang binabalak niyong pagpunta jan baka mapahamak lang kayo." "M-Mapahamak?" utal utal kong sabi "Oo, alam niyo bang may nagpapakita sa bahay kubo ba yun na White Lady? Mae ang pangalan niya. Diyan siya pinatay at ginahasa sa bahay kubo na yan. Pagsapit daw ng alas 12 ng gabi. Nagpapakita siya at pinapatay lahat ng na diyan sa kubo na yan." Agad na akong kinilabutan . Maging ang mga kababaihan ay natakot na din. "Huwag niyo sabihing hindi ko kayo binalaan ah." pahabol na sabi pa nito at agad na lumakad papalayo, "Nakakatakot naman yun." sabi ni Ainee "Wag na kaya ntin ituloy." suhesyon ko "Bakit? Natatakot kana ba Mark?"tanong ni Rain "H-Hindi naman pero sabi kasi nung matanda na---" "Hindi ka naman pala takot edi ituloy na natin para matapos na." sabat ni muli ni Rain Wala na akong nagawa kundi ang gawin ang nais nila at pumasok sa bahay kubo na yun. Pagbukas ng pintuan ay itinulak nila agad ako sa loob. Halos kakapasok ko palang doon sa kubong iyon ng biglang isinara nila Rain ang pinto at agad akong ikinulong. Itinali din nila ng alambre ang pintuan upang hindi talaga ako makalabas. "Buksan niyo to! Buksan niyo to!" paulit ulit kong sigaw. "Bubuksan lang namin to kapag tapos na ang dare mo!" sigaw ni Rain sa labas habang tumatawa. Kahit anung kalampag ko sa pintuan na yun ay hindi ko ito magawang buksan. Naghanap din ako ng lugar na maaring labasan pero wala akong nakita. Unti unti namuo ang takot sa aking kalooban. Oo natatakot ako sa maaring mangyari. Paano kung totoo yung sinabi ng matanda? Paano kung totoo ang White Lady na si Mae? Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi kong ilaw. Bagamat takot na takot ako sa dilim. Pinilit kong labanan ang takot na ayun. Umupo nalang ako sa gilid ng kubo at hinintay na matapos ang Dare na to. Halos 25mins palang ang nakakalipas ng bigla akong makarinig ng mga sigawan. "AAAAAHHHH!" sigaw ni Lenalie "Anu yon?! Anong nangyayari sa labas?" "Wag! Wag! AHHHH!" sigaw naman ni Niko "NIKO! NIKO! Anong nangyayari diyan sa labas magsalita kayo!" sigaw ko parin. "Wag please! AAAAHHH!" si Josephine naman Tulala lang akong pinapakinggang ang mga sigaw nilang tila ba may kung anong umaatake sa kanila sa labas. "TULONG! TULONG! PARANG AWA MO NA WAG MO AKONG PATAYIN! AAAAAAHHHH!" pagmamakaawa ni Sonny! "SONNY!" sigaw ko "HUWAG! HUWAG! AHHHHH! AAARRGGH ANG SAKIT AHHHH!" sigaw naman ni Rain "RAIN! RAIN! BUKSAN MO YUNG PINTO! ANONG NANGYAYARI JAN? RAIN!!" halos mapaos na ako sa kakasigaw pero walang sumasagot. Halos ikadurog ng puso ko ang huling sumigaw... "AAAAHHHHH!" "AAAAIIINNEEE!!" "MARK TULUNGAN MO AKO! AHHHH!" "AINEE! AINEE!" _____________________________________________ Mark's POV Halos mamutla at maluha ako sa takot. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. Sumilip ako sa labas ng kubo ngunit hindi ko na sila makita. Gulong gulo ang isip ko. 'Ano ba ang nangyari sa kanila? Posible bang nagpakita sa kanila yung White Lady na si Mae? Totoo nga bang pumapatay si Mae? Pinatay niya si Rain, Sonny, Niko, Lenalie, Josephine at Ainee? Imposible... Hindi maaring nakapanakit ang multo.' yun ang paulit ulit kong iniisip na nangyari sa kanila. Tulala at balisa akong naupo sa gilid ng kubo. Iniisip kung paano ako makakalabas at makaka alis ng ligtas sa lugar na to. Baka ako na ang isunod ni Mae. Baka patayin niya din ako. Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng himig ng isang babae... "Hhhhhmmmmm....." "S-Sino yan?" "Hmmmmm..." "S-Sino yan!" pasigaw ko ng sabi Sumilip muli ako sa labas upang alamin kung saan nanggagaling ang boses na yun. Agad kong napansin babaeng nakaputi na palakad lakad sa labas ng kubo.. May mga bahid ng dugo sa kanyang damit.. Ilang sandali pa ay humarap ito sa aking direksyon at tumakbo sabay kalampag ang pintuan ng kubo. Halos magsisigaw ako sa loob dahil sa sobrang takot. "AAAHHH! AHHH! UMALIS KA DITO! AHHH! " agad akong nagtatakbo sa loob ng kubo at naghanap ng matataguan. Halos nanginginig na ako sa kaba at takot. Takot na takot na ako. "Hmmmmmmmm.." Halos ipagsiksikan ko ang sarili ko sa ilalim ng lumang higaan na gawa sa kawayan upang hindi makita ng multong iyon na pumatay sa kanila doon sa labas. Bigla akong may natabig ang isang napurol at kinakalawang na itak. Kinuha ko ito upang gamiting pandepensa kung sakali mang sugurin ako ni Mae. Bahala na. Ang importante maligtas ko ang sarili ko. Ilang sandali pa ay nawala na ang boses ng babae. Bagamat hindi ko na muling narinig ang ungol ng multo na yun. Hindi ko parin binibitawan ang itak. Nanginginig ang buo kong katawan dahil alam kong baka sumulpot si Mae. 15 minuto na ang lumipas at wala na talaga akong narinig. Nakaidlip na din ako panandalian. Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa bandang pinto ng kubo. Parang tinatanggal ang alambre sa pintuan. Agad akong kinilabutan at namuo muli ang takot sa aking mga mata. Sinabayan pa ito ng kaba na baka hanapin ako ni Mae at patayin din. Agad akong nagtago sa nakasandal na nga lumang kahoy sa loob ng kubo at nag abang sa kung sino man ang papasok sa loob. Mahigpit pa rin ang kapit ko sa kinakalawang na itak upang maghanda sa aking pag atake... . . . Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay agad kong sinugod kung sino man ang pumasok. Nanlaki muna ang mata nang babae at hindi na nakasigaw pa dahil buong lakas kong itinarak sa kanya ang aking hawak na itak. Hindi pa ako nakuntento at mas idiniin ko pa ito. Umagos ang dugo ng babaeng iyon sa aking kamay. May mga dugo din na lumabas sa kanyang bibig. Sinasambit niya ang pangalan ko. Pero nabulag na ako ng takot ko. Bumagsak ang katawan ng babae. Umagos ang dugo nito sa sahig. Wala nang buhay... Nawala ang ulap na humaharang sa buwan kaya naaninag ko ng husto ang bangkay ng babaeng aking napatay. Lubos kong ipinagtataka dahil may kaparehas itong kasuotan. Hinawi ko ang buhok na nakatakip sa mukha niya. At saka ko lubos na nakilala ang taong napatay ko... Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. "Hindi.. Hindi.... Hindi to maari." ang paulit ulit kong sabi.. "B-Bakit... P-Paano kong nagawa to.." nanginginig kong sabi sa sarili. Tinignan ko ang aking mga kamay. Punong puno ito nangdugo. Nagpapatunay lamang na nakagawa ako ng krimen. "P-Papanong napatay ko si Ainee...Pinatay ko si Aineee!!" Wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan ang duguan at wala nang buhay na katawan ng babaeng mahalaga sa akin. ************ 7 Hours Ago.... "Sigurado ka ba Rain sa plano mo?" tanong ni Niko "Oo naman basta kailangan ko ang tulong niyo guys!" "Your so god damn bad man!" sabi naman ni Sonny "I know." Halos kakatapos lang nilang kausapin ang matandang babae upang gawin ang nais nila. Binayaran ni Rain ang matandang babae upang takutin si Mark kapag pumunta sila sa Bahay kubo na yun at saka ikukulong nila ito hanggang sa himatayin sa takot. "Ale siguraduhin nyo po kapanipaniwala ang arte niyo." "Opo sir...kung gusto niyo po isama ko ung apo kong babae para magpanggap na multo" "Magandang idea yan" napangisi si Rain "Humanda ka ngayon Mark" at isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. *********** An Hour Ago... Agad na isinara ni Rain ang pinto ng kubo at itinali ng dala nilang alambre ito upang hindi makalabas si Mark. "Buksan niyo to! Buksan niyo to!" sigaw ni Mark "Bubuksan lang namin yan kapag tapos na ang Dare mo!" Kinalampag lang ng kinalampag ni Mark ang pinto. "Dude Ano next na plano?"tanong ni Niko "Wait wait wait... Anong plano?" Nagtatakang tanong ni Ainee "Look Ainee... Tuturuan ko lng ng leksyon yang si Mark. Grabe kasi kung makadikit sayo eh.!" galit na sabi ni Rain "What? Nagseselos ka ba? Diba ayaw mong ipaalam na tayo na?" medyo napataas na din ang toni ni Ainee "Oo, pero yan kasing Mark na yan eh! Nakakainis!" "Chill ka lang babe... Di naman kita ipagpapalit doon sa weird na yun eh. I'm just being nice to him kasi nga gusto ko lang na may taga gawa ng assignments at project ko." at agad na pumulupot si Ainee kay Rain. "Are you sure?" "Yes... So.. What's the plan?" Nagkatinginan ang magbabarkada at saka gumawa ng plano. ****** After 25mins ay nagtago sila sa may damuhan at doon nagsisigaw. Kunwari ay may umaatake sa kanila at pinapatay sila... "Ang galing mo dude!" sabi ni Sonny "Hahaha mas magaling ka sa akin pang best.actor yung arte mo." sabi naman ni Niko sabay apir nilang dalawa. "Panigurado takot na takot na yun." sabi naman ni Josephine. "Yeah right! Baka naihi na yun sa pants niya hihihi." bungisngis ni Lenalie "Ang bad mo talaga Babe! Nanginginig na siguro yun sa takot." sabi naman ni Ainee "Hmp! Hindi pa ako tapos sa kanya!" sabi naman ni Rain Agad na tinawag ni Rain ang dalagang nakaputi na apo ng matandang babae. "Ikaw ba yung ipinadala ni Aling Josie?" tanong ni Rain "Opo. Ako po si Jhenjhen" "Hmmm Ok sige.. Ito ketchup ilagay mo sa damit mo at umpisahan mo na ang pananakot." Tinakot nga ni Jhenjhen si Mark at dinig na dinig nila ang sigaw nito. Tawa lamang ng tawa ang magkakaibigan dahil sa pananakot nila kay Mark. Matapos noon ay pinaalis na ni Rain si Jhenjhen. "Hahaha! Grabe parang bakla kung sumigaw si Mark!" natatawang sabi ni Niko habang hawak hawak ang tiyan nito, "Sinabi mo pa hahaha" sang ayon ni Sonny "Ang ba-bad niyo guys!" sabi naman ni Lenalie pero nakangiti din "Kinalaban niya kasi si Rain kaya yan ang napala niya." Sabi naman ni Josephine "Tara guys! Uwi na tayo. Inaantok na ako eh." pagyayaya ni Nikko. "Mabuti pa nga." sabi ni Sonny "Teka? Papano si Mark?" tanong ni Lenalie "Akong ng bahala doon." sabi naman ni Ainee "Babe naman akala ko ba wala kang pake sa lalaking yun?" tanong ni Rain "Gusto ko lang magmukhang heroine sa kanya para di siya magalit sa akin at makuha ko pa rin ang loob niya." paliwanag ni Ainee at saka tumakbo pabalik sa kubo "Tsss.. Ok fine.! Guys mauna na kayo hintayin ko nalang si Ainee." Nauna na ngang umuwi sa resthouse sila Niko, Sonny, Lenalie at Josephine. ****** Agad na binuksan ni Ainee ang pintuan ng kubo. Medyo natagalan lang siya dahil mahigpit ang pagkakabuhol ni Rain dito. Sa pagbukas niya ng pintuan. Agad na tumakbo papalapit sa kanya si Mark Nagulat siya ng makita ang hawak nito. Isang itak. "Mar----" Hindi na naituloy ni Ainee ang sasabihin niya dahil agad siyang sinaksak ni Mark sa tiyan. Unti unting umagos ang dugo niya sa kamay ni Mark. Idiniin pa ni Mark ang pagsaksak sa kanya na halos tumagos na hanggang sa likod niya. Nagsuka na si Ainee ng dugo.. "M-Mark... B-Bakit..." at agad na bumulagta sa sahig si Ainee. Binawian ng buhay si Ainee dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya. Huli na ng malaman ni Mark na si Ainee ang napatay niya... *********** "Ang tagal naman ni Ainee. Anu ba yan! Nagusap pa siguro sila ng mokong na yun. Masundan na nga sila." inis na sabi ni Rain ******** ika 17 ng Mayo Lunes 12:15 ng madaling araw (May 17 Monday 12:15am) Mark's POV Tulala lang ako dahil sa nagawa ko. Patuloy kong iniisip kung papano ko nagawang patayin si Ainee. Nagpasya na lamang akong lumabas na ng kubo upang tumakas ngunit nakita ko si Rain. "Oh! Mark...buti nakalabas ka pa jan sa kubo na yan ng maayos. Pasalamat ka sinundo ka ni Ainee." "B-Buhay ka rin?" "Buhay? Malamang buhay ako, paano mo ako makakausap kung patay na ako atyaka palabas lang namin ang lahat. Pinagtripan ka lang namin para takutin ka. Masyado ka kasing pabida kaya binigyan lang kita ng leksyon! Siguro naman natututo kana" "Palabas lang... Ibig sabihin, buhay kayong lahat? Walang napahamak sa inyo? Hindi kayo pinatay ni Mae?" tanong ko "Huh? Anong Mae? Ungas gawa gawa ko lang din un. Naniwala ka talaga? Paano kami mapapatay ng multo eh hindi naman kami magagalaw nun! Ul*l tara na nga! Nakakabadtrip ka. Asan pala si Ainee?" tanonh ni Rain "N-Niloko niyo ako? Buhay kayo? Hindi totoo si Mae?" "Oo nga.. Pssshh... Teka nga ano ba yang hawak mo? Bakit parang---?" Nanlaki ang mata ni Rain ng makita ang itak at kamay ni Mark na puno ng dugo. "T-Teka... A-Anong ginawa mo? Wag mo sabihing..." utal utal na sabi ni Rain "Buhay kayo? Hindi totoo si Mae...Buhay kayo?" Agad napatakbo si Rain sa loob ng bahay kubo at doon niya nakita ang malamig at duguang na bangkay ni Ainee "P*T@NG !N@ MO KA! ANONG GINAWA MO!" sigaw ni Rain Balisa lang ako at paulit ulit na sinasabing... "Buhay kayo... Buhay kayo.. Niloko niyo ako... Niloko niyo ako.. Hindi totoo si Mae." "H@YOP KANG BALIW KA! PINATAY MO SI AINEE! MAMAMATAY TAO KANG HAYOP KA!" sigaw ni Rain "TUMIGIL KA!" at agad ko siyang sinuntok sa mukha Napadapa siya sa ginawa ko. Agad ko winasiwas ang kinakalawang na itak na hawak ko sa kanyang tuhod "AAAAHHHH!" sigaw ni Rain sa sakit. Isinunod ko ding tagain ang kabila pa nitong tuhod. Halos mamilipit sa sakit si Rain.. "AAAARRRGGHH! P*T@NG !NA MO KA! AHHH!" sigaw parin ni Rain "NILOKO NIYO AKO! NAKAPATAY AKO NG DAHIL SA KALOKOHAN NIYO! AT DAHIL DIYAN, PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!" Gumapang palabas ng kubo si Rain. Pinipilit niyang umiwas sa akin. Nakakatawa ang itsura niya. Nakaka awang tignan. Para siyang aso na napilayan ng dalawang paa. "Hindi ka makatakbo Rain? Kawawa ka naman.." nakangisi kong sabi "HAYOP KA! DEMONYO KA! DEMONYO!" "Ako? Demonyo? Ganun ba... " pumulot ako ng nalaking bato at at inupuan ko si Rain sa kanyang likod. "Ganito maging demonyo!" Agad kong inihampas ang malaking bato sa ulo ni Rain. Isa Dalawa Tatlo.. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang pinukpok sa ulo. Sigaw lang siya ng sigaw sa sakit... Halos basagin ko ang bungo niya. Hindi nagtagal ay natatanaw ko ng lumalabas ang utak niya kaya mas lalo po pang nilakasab ang pagpukpok ko sa kanya sa ulo. "HAHAHAHA! MAMATAY KA! MAMATAY KA!" paulit ulit kong sigaw hanggang sa isang napakalakas na pukpok ang ginawa ko. Saka ko palang tinantanan ang durog durog na ulo ni Rain. "Hmmp.. Haha.. Hahaha..HAHAHAHAHA!" ang napapalakas kong tawa. "Ngayon... Isusunod ko ang natitira pang trumaydor sa akin!" ***** ika 17 ng Mayo Lunes 12: 53 ng madaling araw (May 17 Monday 12:53 am) Noong nakabalik ako sa Resthouse namin, agad kong hinanap ang mga susunod kong biktima. Napansin kong tahimik na doon at mukhang tulog na sila. Isinagawa ko na ang plano ko. Isa isa ko silang binuhat at itinali silang apat sa tigiisang silya, gamit ang duct tape. Sinimulan ko ang pagpapahirap kay Niko Nakakuha ako ng Mouth Gag doon sa first aid tool box ng Rest house at agad kong inilagay sa bibig ni Niko. Nagising siya at agad na pilit na nagsisigaw... Nagpakulo muna ako ng tubig sa kusina habang dinudurog ang mga basag na bote at pinuputol ang blade sa cutter ko. Noong kumulo amg tubig. Agad kong inilagay ang mga bubog ng bote at putol putol-putol na blade sa bibig ni Niko. Hindi siya lubos na makasigaw dahil sa pangambang baka malunok niya ang mga inilagay ko sa kanya. Natawa ako dahil doon. Binuhusan ko ng bagong kulong tubig ang bibig niya at pilit siyang nagsisigaw sa sakit. "AAARRRRHHH! ARRRRHH!" sigaw niya habang bumubula ang mga dugo sa bibig niya. Hindi alam ni Niko kung papaano ang gagawin niya at halos mamilipit siya sa sakit na dulot ng mainit na tubig at ng mga nalulunok niyang blade at bubog. Tawa lang ako ng tawa habang pinagmamasdan ang unti unti niyang pagkamatay. Gising na pala si Lenalie at nasaksihan nito ang ginawa ko sa boyfriend niya. Iniharap ko siya sa duguang mukha ni Niko. "Pagmasdan mo kung paano mamatay si Niko.. Pagmasdam mo.. HAHAHA!" Hindi din makapasalita si Lenalie dahil may tape din ang bibig niya. Hindi niya magawang sikmurahin ang kalagayan ng kanyang nobyo. Kumuha ako sa bag ng stapler at isa pang cutter at humarap ulit kay Lenalie "Ang sabi ko pagmasdam mo si Niko!" sigaw ko Hinawakan ko ang balat ng kanyang mata at pilit na itinaas. Hiniwa ko din ang magkabilang gilid ng kanyang mata upang mas madaling maidilat. Isa isa ko ito idinikit sa kilay niya at sa baba ng mata niya gamit ang stapler. "HMMMP! HMMMP! HMMMP!" Ang pilit na ungol sa sakit ni Lenalie Hindi na humihinga si Lenalie noong matapos ako sa kanya. Pinaglaruan ko na lamang ang mata nito dahil sa bilis niyang mawalan ng buhay. Kumuha ako ng hanger. Pinutol ko ito at sinindihan. Pinatulo ko sa mata ni Lenalie ang natutunaw na plastik ng hanger. Nakakatuwang pagmasdan ang pagkabutas ng mata nito habang namamaga at namumula sa dugo, Sunod kong ibinaling ang attensyon ko kay Sonny Sa ilalim ng kusina ay nakahagilap ako ng long nose. Gising na din noon si Sonny at nagumpisang magpumiglas.. "GAGO KA MARK! HAYOP KA! BAT MO SILA PINATAY!" sigaw ni Sonny "HAHAHAHAHA! MATAGAL NA KAYONG PATAY! PATAY NA KAYO KANINA HINDI BA? INUULIT KO LANG!" Agad kong inumpisahang tanggalin ang mga kuko niya s kamay at paa. Halos hindi magkamayaw si Sonny sa sakit. Sinunod kong tanggalin ang mga ngipin niya. Inisa isa at pilit ko itong tinanggal. Nagdugo ng husto ang bibig ni Sonny. Kinuha ko ang itak ko at itinusok sa tiyan niya at mas lalo ko pang nilakihan ang butas doon. Inilabas ko ang mga lamang loob niya. Pati ang bituka niya.. Ipinakain ko sa kanya ang sarili niyang bituka. Nawalan na ng malay si Sonny at alam kong patay na siya kaya naman pinutol ko na ang ulo niya at inilagay sa wakwak niyang tiyan. Sinunod ko si Josephine. Kinuha ko ang Steel type na electric fan sa kwarto ng rest house at ipinulupot ang kanyang mahabang buhok sa elesi nito. Hindi ko siya nilagyan ng duct tape dahil nais kong marinig rin ang sigaw niya. Nagising si Josephine na patay na ang lahat ng kanyang kaibigan. "AAAAHHHH!" Sigaw nito sa pagkabigla Napansin niyang nakatali ang buhok niya sa elesi ng electric fan. Pinilit niyang alisin ito pero buhol na buhol ang buhok niya dito at nasasaktan siya sa tuwing pinipilit niyang alisin ito. Nakita niya ako na nakangiting mala demonyo habang hawak hawak ang saksakan ng electric fan. "M-Mark?" Halos manlaki ang mata ni Josephine ng dahan dahang kong isinaksak ang electricfan. Unti unting umikot at electricfan at nasabunutan si Josephine "ANONG GINAGAWA MO MARK! AAAHHHH! ARAY ANG SAKIT! I-OFF MO UNG ELECTRICFAN MARK! AHHHH!" Tumawa lamang ako at hindi pinakinggan si Josephine Sigaw ng sigaw lamang ito dahil sa.sakit ng pagkakasabunot sa kanya ng electric fan. Natigil ang electricfan noong marami ng buhok ang nakabuhol dito kaya si Mark na mismo ang nag ikot dito "AAAHHHH! TAMA NA! TAMA NA MARK! PARANG AWA MO NA!" Hindi ko siya pinakinggan bagkos mas idiniin at binilisan ko pa ang pag ikot ng electricfan. Unti unti nalagas ang buhok ni Josephine at natuklap ang balat niya sa ulo. Sumisirit na din ang mga dugo niya sa bawat pagikot ko ng electric fan na lubos kong ikinatuwa. Mangisay ngisay naman si Josephine sa sakit. Noong lumabas na ang bungo niya sa kakaikot ko ng elesi ng electricfan Saka lamang binawian ng buhay ang kawawang si Josephine Masaya akong pinagmasdan ang mga kaawa awa nilang itsura. Halos bumaha ng dugo sa Resthouse na yun. Napansin kong may sumisilip sa bintana ng resthouse. Yung matandang babae pala yun na kaninang nanakot sa akin Agad itong tumakbo palayo ... Kumuha muna ako ng alambre at hinabol ko agad ang matandang babae ******* ika 17 ng Mayo Lunes 02:45 ng madaling araw (May 17 Monday 02:45am) Samatala... Nakasalubong ni Aling Josie ang apo niyang si Jhenjhen. "Apo! Tumakas na tayo... May mamamatay tao dito. Papatayin niya tayo!" hingal na hingal na sabi nito. "Ano pong pinagsasabi niyo lola? Teka po asan na yung ibabayad sa atin ni Sir Rain?" tanong ni JhenJhen. "Hindi ko alam. Nakita ko na lamang na patay ng ang lahat ng nandoon sa rest house. Malamang pati si Sir Rain ay patay na din. Umalis na tayo. Bago----" Hindi na naituloy pa ni Aling Josie ang sasabihin nito dahil agad na sinakal ni Mark si Aling Josie ng alambre. "AAAAAAHHHHH!" Sigaw ni Jhenjhen at napatakbo sa takot. Itinali muna ni Mark si Aling Josie ng alambre sa kamay at paa upang hindi makawala at hinabol si Jhenjhen. Sa hindi sinasadyang pagkakataon naibagsak pala ni Mark si Aling Josie sa bahay ng mga langgam na naging sanhi ng pagkabulabog nito. Agad na pinagkakagat si Aling Josie ng mga mapupulang langgam. Pumasok ang mga ito sa kanyang katawan, bibig, tainga, ilong at mata. Halos hindi mapakali si Aling Josie sa sakit na dulot ng pakagat ng mga langgam sa kanya. Halos magdeleryo ang paningin niya sa tuwing makakapasok ang mga langgam sa loob ng tainga niya. Sigaw ng sigaw si Aling Josie habang gumugulong gulong sa lupa upang alisin ang mga langgam. Hindi kalayuan ay napadpad siya sa may maputik na parte ng sapa. Naisipan niyang baka maalis ng putik ang mga langgam sa kanyang katawan kaya naman agad siyang lumusong sa putikan. Hindi nawala ang sakit na naramdaman ni Aling Josie bagkos mas lumala pa ito dahil sa mga linta na nagsipagdikit sa katawan niya. Pinilit na inialis ng matandang babae ang nakataling alambre sa kanyang kamay kahit pa magdugo na ito dahil sa higpit ng pagkakatali sa kanya, Ang nais niya lamang ay maialis ang mga nakadikit na linta sa katawan niya. Ngunit sa kasamaang palad natabig niya ang isang makamandag na ahas na nasa likod lamang nito. Huli na ng mapansin niya ang isang rattle snake. Tinuklaw agad siya ng ahas at hindi na nakaiwas pa. Agad na dumaloy ang lason sa katawan niya tuluyan ng binawian ng buhay si Aling Josie. Hinila naman ng isang buwaya ang katawan ng matanda at pinaglasog-lasog ito. ******* "TAKBO! TAKBO!" sigaw ni Mark habang hinahabol si JhenJhen "AAAHHH! TULONG! TULONG! AAAHHH!" Sigaw naman nito. Halos iyak ng iyak si Jhenjhen dahil baka maabutan siya ni Mark. Nakarating si Jhenjhen sa Rest house at halos bumaliktad ang sikmura nito ng makita ang brutal na pagkakapatay sa 2 babae at 2 lalake sa loob nito. Halos hindi niya matignan ang mga itsura nito... Ilang sandali p ay isang hampas sa kanyang ulo ang nagpawalang malay sa kanya. ****** Nagising si Jhenjhen dahil sa iniindang sakit nito sa tuhod. Nakahiga siya sa lamesa at hindi niya magawang makatayo dahil sa sobrang sakit ng paa niya. Nanlaki ang mata ni Jhenjhen at nagsisigaw ng makita ang tuhod niyang wala ng balat. Halos maaninag na niya ang buto nito. "AHHHH! AHHH!" pilit na sigaw ni Jhenjhen na halos mapaos na siya at habang nanginginig ang paa dahil sa sobrang sakit. Nakita niya si Mark na nasa lababo habang hinuhugasan ang "peel" na ginamit niya sa pag alis ng balat ni Jhenjhen. Humehele-hele pa ito habang naghuhugas. "Kuya parang awa mo na pakawalan mo ako. Wala naman akong ginawang masama sayo eh.."pagmamakaawa ni Jhenjhen Hindi siya pinakinggan ni Mark. Humarap ito kay dalaga at saka nagsalita. "Umpisahan na natin ang laro... Babalatan na kita ng buhay ahh.." Nakangiti nitong sabi Unti unti lumapit si Mark sa dalaga... Bakas naman kay Jhenjhen ang takot.. Takot na takot... Nagsisigaw na lamang si Jhenjhen sa ginawang pagtanggal ni Mark sa kanyang buong balat. Hindi rin nagtagal ay binawian na ito ng buhay... Tuwang tuwa naman si Mark sa kanyang mga ginawa. Halos masiraan na siya ng bait dahil sa hindi makataong pagpatay niya sa magbabarkada at maglola. Bumalik si Mark sa bahay kubo at pinagmasdan muli ang bangkay ni Ainee... Doon palang natauhan si Mark sa mga karumal dumal na ginawa niya... "P-Pinatay ko sila? Pinatay ko sila?" paulit ulit ma sabi ni Mark. Baliw na kung ituturing si Mark dahil sa paulit ulit niyang kinakausap ang sarili niya.. Hanggang sa makaisip siya ng maaring pwedeng masisi. "S-Si Mae... Tama si Mae! Si Mae ang pumatay sa kanila. Pinatay sila ni Mae! Pinatay sila ni Mae." yun ang mga katagang naging bukang bibig muli ni Mark hanggang sa sumikat ang araw. ******* ika 17 ng Mayo Lunes 08:15 ng madaling araw (May 17 Monday 08:15am) Agad na nagsidatingan ang mga pulis noong may nagsumbong sa kanila na may krimeng daw na naganap sa isang Resthouse. Nasaksihan ng ng mga pulis ang mga nagkalat na bangkay ng mga biktima sa loob na resthouse. May nakita din sila sa sapa. Nagpatuloy din sila sa paghahanap hanggang makarating sila sa isang lumang bahay kubo. Nakakita ulit sila nang isa pang bangkay ng lalaki na basag ang ulo. Pumasok ng mga pulis sa loob kubo at doon ay may nakita pang bangkay ng isang babae. Habang nirerecover nila ang mga bangkay, nakarinig sila ng boses di kalayuan sa bangkay ng babae. Nagtatago ito at tila ba takot na takot. "Sir.. May buhay pa dito sir.. May survivor tayo." agad na balita ng isang pulis "Ok. Dalhin natin siya sa presinto para maimbestigahan." agad na sabi ng commander nila. Dinala si Mark sa presinto at inembestigahan. Halata sa kanya na takot na takot at hindi makausap ng maayos. Wala na rin ito sa tamang katinuan "Sa tingin ko sir na trauma yung lalaki. Nakita niya siguro kung paano patayin lahat ng kasama niya. Pero may binabanggit siyang pangalan. Mae daw." sabi ni PO1 David "Kahit sino naman siguro na makakita kung gaano pinatay at pinahirapan ung mga biktima ay talagang mat-trauma eh. Akalain mo 8 biktima na halos pinahirapan muna bago pinatay. Parang hindi tao ung gumawa nito." sabi naman ni PO2 Bernacer "Oo nga sir. Sabi nung nkaligtas.. White lady daw yung Mae. Isang halimaw na white lady.." natatakang sabi muli ni PO1 David "White Lady? Imposible naman yun. Siguro hantayin nalang nating gumaling yung survivor saka natin imbestigahan muli." suhesyon ni PO2 Bernacer ******** Kasalukuyang nasa Mental si Mark at doon muna pansamantalang pinapagaling.. Ilang beses siyang kinausap ngunit iisang tao lang ang itinuturo niyang salarin. Walang iba kundi si Mae Nananatiling lihim ang lahat... Malinis ang ginawang krimen ni Mark. Nakasuot kasi siya ng gloves habang ginagawa ang kanyang pagpatay at pagpapahirap sa mga biktima kaya walang fingerprint na naiwan. Maging ang kinakalawang na itak na ginamit niya sa pagpatay kay Rain at Ainee ay naitago at inilibing niya sa ilalim ng kubo.. Wala talagang makakahalata na si Mark ang pumatay sa kanilang lahat.... *********** Epilogue ika- 22 ng Mayo Sabado Alas-10 ng umaga (May 22 Saturday 10:00am) PO2 Bernacer POV "Nyctophobia?" Tanong ni PO2 Bernacer "Opo Nyctophobia na ang naging sakit ni Mark. Takot na siya sa dilim dahil sa traumang tinamo niya sa insedenteng kinasangkutan niya. Hangga't maaari ay wag nating siyang dalhin sa madidilim na lugar o kaya patayin ang ilaw kapag gabi na. Magiging sanhi ito ng panginginig niya, pamamawis , mahihirapan din siya sa paghinga o kaya naman.. baka bigla siyang magwala at makapanakit ng tao." paliwanag ng doktor "Ganun ba.. sige po kakausapin ko muna siya..." Lumapit ako kay Mark. nakaupo lng ito sa kama niya habang nakayakap sa kanyang tuhod. tumabi ako sa kanya at mahinahon kong tinanong.. "Sino ba talaga ang pumatay sa mga kaibigan mo?" Bakas sa kanya ang pagkabigla at takot noong nagumpisa akong magtanong sa kanya.. "S-Si M-Mae" utal utal niyang sagot| "Mae? Sino si Mae?" muli kong tanong "S-Si M-Mae...Si Mae... Si Mae... Yung babae sa Bahay-Kubo.." nanginginig niyang sagot "Huh?" "Si Mae.. Yung B-Babae sa bahay kubo. Hindi siya ordinaryong tao!Multo siya! White Lady siya! Halimaw siya! Halimaw siya! HALIMAW!" sigaw ni Mark habang nagwawala Napaatras ako sa kanyang inasal. mabuti na lamang ay napakalma agad siya ng mga nurse "Si Mae... Si Mae.. Siya... Siya iyon.." mahina at paulit ulit pa muli niyang sabi.. Lumabas na ako sa kwarto nun.. Siguro nga hindi pa ako makakakuha ng impormasyon sa kanya.. -END-


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page