CALLER 999 (One Shot Story)
![](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_60b4840472204024a000eba4c3602522.jpg/v1/fill/w_206,h_312,al_c,q_80,enc_auto/cb2b58_60b4840472204024a000eba4c3602522.jpg)
"Anak! Aalis na ako ikaw na muna bahala sa bahay!" sigaw ni mama "Opo!" sigaw ko rin dahil halos hindi ko mabitawan ang mouse at keyboard sa kakalaro ng League of Legends. Ako si Johary, isang 2nd year college student sa malapit na unibersidad sa amin. Aaminin ko, adik ako sa pagcocomputer games. Libangan ko na kasi ito atyaka pampawala ng stress lalo na pag nagaaway kami ni papa. Nakakainis kasi sila. Basta malayo ang loob ko sa pamilya ko. "Yes! Panalo kami" sigaw ko sa tuwa. Agad akong nag alt-tab at binuksan ang google chrome para makapag FB. May group chat kaming magkakaklase at makakateam sa laro kaya doon kami nagusap. [Group Chat Conversation] ~BSIT LOL Gamers~ Troy: Dude ang galing mo mag Ekko Hahaha Me: Sus sympre naman hindi ako pwdeng matalo series pa naman ako. Mika: Sorry guys nagpabuhat pa ako sa laro niyo Anika: Hindi ka nag iisa sis hahaha binuhat lng tayo ng mga boys Troy: Anu kba kayo Mika at Anika ayus lang yun. Astig nga eh nakipagsabayan kayo sa amin khit babae kayo. Mika: hihihi oo nga eh Cool daw naming tignan Me: Tama si Troy tyaka malay mo next time gagaling kayo sa paglalaro. Nasa kalagitnaan kami ng pagchachat ng maisipang kong mag new tab para mag youtube pero laking gulat ko ng biglang may nag pop up na isang notification sa monitor. "Congratulation You're Our 999th visitor in this website This is not a joke! We will call you after you fill up this form to claim your price Name: Age: Address: Telephone/CP no: Email Address : And send it to 999 Thank you for your cooperation" Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. Kiniclick ko yung [x] para maalis pero ayaw. "Nakakabadtrip na tong spam massage na to!" sabi ko, Naisip ko nalang na baka kapag finill up-an ko yung nasa notification ay mawawala na yung spam massage kaya ayun binigay ko ang inpormasyon kailangan nila tungkol sa akin. "Ayan! Kapag di pa to tumigil papaayos ko na toh! Baka na virusan eh.” Muling sabi ko, Nagloading lang ng konti yung notication at biglang. "THANK YOU! Please wait our call later to claim your price!" At agad na ngang nawala ang nakagambalang notification sa monitor ko. “Haist… salamat naman.” Ilang sagit pa ay nagulat ako dahil may tumatawag sa telepono ng bahay namin. Dali dali akong bumaba para sagutin ang tumatawag. “Hello?” “Hello Sir? Kinukumpirma ko lang po kung tama ang Telephone No. na ibinigay nyo. Maya maya lamang po ay paparating na ang premyong nakuha niyo sa 999th visitor website namin. Muli maraming salamat po.” Saad ng nasa kabilang linya. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa pagkagulat sa sorpresang sinabi ng lalaki sa telepono. Makalipas lamang ng kalahating oras ay agad na may dumating na delivery man sa bahay namin. “Ito po ba ang bahay ni Mr. Johary Garcia?” tanong ng delivery man. “Opo ako nga” sagot ko, “Delivery po,” sabay abot ng isang maliit na box sa akin. “Paki pirmahan nalang po itong form salamat.” Pahabol nito. Agad ko ngang pinirmahan ang sinabing form nung delivery man matapos nun ay umalis agad ito. Binuksan ko ang box at laking gulat ko dahil isang mamahaling Cellphone ang laman nito. “T-Teka? Apple iPhone 6 ba toh? WOW! Grabe mahal toh ah ang swerte ko naman.” Agad akong bumalik sa kwarto at ipinamalita sa mga barkada ko ang masayang pangyayari sa akin. [Group Chat Conversation] ~BSIT LOL Gamers~ Me: Guys! Guess what! I’ve got an iPhone 6!!!! Troy: WOAH? Mika: Weh? Anika: For Real? Me: Yeah Wait picturan ko gamit ang dati kong cp tapos pakita ko sa inyo. Mika: Sige Me: [Picture of iPhone 6] Troy: WOW! Pare san mo nakuha yan? Me: Price sya sa isang notification na nag pop up kanina sa monitor ko Mika: Ang swerte mo Johary pede pa kaya sumali dun? Anika: Oo nga… Grabe pangarap ko magkaroon niyan Me: Ewan ko basta ang sabi pang 999th visitor daw nila ako tapos yun nanalo na ako matapos kong mag fill up sa form nila. Troy: Papasa naman ng link hahaha Anika: Oo nga share share din pag may time Mika: Bilis hahaha para magkaroon din kami Me: Oo na wait see ko kung nandito pa yung link Troy: Ok Anika: Cge Mika: Ukie Me: http://www.ninenineninevisitor.net/…/vi…/killedafteryouclaim Troy: Salamat dude hahaha matry nga mamaya Anika: Hahaha ako din mamayang gabi ko I try Mika: Ako bukas nalang tignan natin kung tatalab pa bukas Matapos noon ay nag logout na ako para pagtuunan ko ng atensyon ang bago kong cellphone. Tinignan ko kung anong mga application ang nandoon at kung maayos pa ba ang cellphone. Tinignan ko rin kung may depekto pa o wala. Overall ay maayos naman maliban lang sa nakasave na number doon. Caller 999 ang pangalan at 999 naman ang number. Nung una dinelete ko ito sa phonenumber pero hindi na dedelete. Ilang beses ko ng sinubukan pero ayaw talaga. Naisip ko nalang na baka number yun nung companya kung saan ko napanalunan yung cellphone kaya hinayaan ko nalang. ********************************** Halos buong araw akong nakatutok sa bago kong cellphone. Nagdownload ako ng mga games at ibang apps dito. Grabe , iba talaga kapag 16g ang memory card ng cellphone mo, ang daming pwedeng I-download. Inabot na ako ng ala-una kaka download kaso malapit na sana matapos yung isa kong dinodownload ng biglang mawalan ng net yung cp ko. “Badtrip! Naubos na ata yung load!” sabi ko, agad akong lumabas ng bahay at naghanap ng bukas pang tindahan para makapagpaload. Sa kasamaang palad ay malayo pa ang aking lalakarin para marating yung 24 hours open na tindahan sa amin. Malamig pa naman pero kahit ganun ay pursigido aking makapag pa load. Habang naglalakad ako, may naramdaman akong tila ba’y nagmamasid sa akin. Basta parang gumana yung instinct ko at naka detect ng taong sumusunod sa akin pero tuwing lilingon ako ay wala naman. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng biglang may nakasalubong akong lalaki. Ang masasabi kong weird siya dahil, Una, naka tuxedo siyang itim, parang lasing kung maglakad na tila ba’y sumasayaw habang naka tungo sa taas ang ulo at nakangiti. Weird diba? Napangiti ako kasi nakakatawa siyang maglakad. Pero napawi ang ngiti ko dahil papalapit na siya sa direksyon ko kaya naman tumawid ako sa kabilang kalsada para iwasan siya. Pasimple ko siyang nilingon pero halos malaglag ang puso ko sa gulat dahil tumigil din ang lalaki sa paglalakad at nakatingin na ang mga mata niya sakin habang nakangisi. Hinayaan ko na lamang ito at patuloy na naglakad. Ilang sandal pa, hindi ko napigilan ang sarili ko na lumingon muli sa likod upang tignan kung sumusunod pa ang lalaki pero… Laking gulat ko ng makitang nakatawid na rin pala yung lalaki.. Unti unting naglakad papalapit ang wierdong lalaki sa akin. Halos mapako ako sa kinalalagyan ko dahil sa hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang takot habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin. “Anong problema nito sa akin” bulong ko sa sarili. Para rin akong mauubusan ng hangin sa sunod sunod kong pag habol sa aking hininga. Papalapit siya… ng papalapit… nakangisi pa rin habang nakatingin sa itaas. Haggang sa nasa harap ko na siya mismo. “What the hell do you want!” sambit ko bagamat takot na takot. Hindi ito sumagot bagkos tumalikod ito at naglakad papalayo sa akin. Mukhang natakot sa akin. Doon ako nakahinga ng maluwag at muli ko nalang pinagpatuloy ang paglalakad upang makapagpaload na at makauwi na rin. Halos kakatalikod ko palang nag makarinig ako ng yabag ng mga paa. Parang tumatakbo. Nanlaki ang mga mata ko sa aking paglingon dahil patakbong papalapit sa akin yung lalaking kanina pa ako sinusundan. Tumakbo rin ako… Takot na takot ako at nililingon ko lagi yung humahabol sa akin dahil baka ano mang oras ay maabutan niya ako. Tumigil ako noong alam kong hindi na siya sumusunod sa akin. Malayo layo din ang narating ko noon, habol ako sa paghinga habang nakayuko at nakapatong ang aking mga kamay sa tuhod dahil sa pagod na pagod ako kakatakbo. Lumingon muli upang siguraduhing wala na yung lalaking humahabol sa akin. Wala na nga…at muli akong hingal na nagpahinga. Ngunit sa pag angat ko ng aking ulo. Huli na ng malaman kong nasa harap ko na pala ang lalaking kanina pa habol ng habol sa akin. Mala demonyo siyang ngumiti sa akin may hawak siyang cellphone at parang may tinatawagan. Nag-Ring ang bago kong Cellphone Calling..... Caller 999 Sinagot ko ito... "H-Hello?" "Kill after you claim" Bago ko pa nalaman na ang tumatawag at ang kaharap ko ay iisa ...naitinulak na niya ako sa gitna ng kalsada. Isang rumaragasang kotse ang agad na sumalubong sa akin. Agad akong bumangga doon at tumilapon ang katawan ko sa kalsada. Halos magkalasog-lasog ang buo kong katawan habang naliligo sa aking sarili dugo. Ganun paman kitang kita kong lumapit sa akin ang weirdong lalaki. Kinuha niya yung cellphone sa bulsa ko at iniwan ako nanghihina sa kalsada. Sumakay ito sa sarili niyang kotse na malapit lang sa kinaroroonan ko at pinaandar. Halos maiyak na lang ako sa takot dahil alam kong papalapit muli ang lalaki sa akin at nagbabadyang sagasaan ang ulo ko. ___________________________ *Ring Ring* *Ring Ring* "TIGILAN MO NA AKO!" sigaw ni Anika sabay hagis ng hawak niyang cellphone, llang araw ng pinagbabantaan ng misteryosong lalaki si Anika na papatayin at isusunod kay Johary. Halos kahapon lang noong malaman niyang namatay si Johary dahil sa isang hit and run, kasabay noon ay ang pagkapanalo nito sa 999th visitor website ng Iphone 6 dahil katulad ni Johary finill up-an niya ang form sa nasabing website. Hindi lubos akalain ni Anika na parehong cellphone lang pala ang nakuha niya at ni Johary. Ang nakasave na number pala doon na " Caller 999" ay isang genius cyber killer na matagal ng pinaghahanap ng pulis dahil sa pambibiktima nito sa mga kabataang mahilig na mag internet. Nakagawa ng Spam website ang genius cyber killer upang makalakop ng impormasyon sa taong papatayin niya. Wala itong pinipil dahil kahit sino ay walang awa niyang pinapaslang. *Telephone Ringing* Patakbo dinampot ni Anika ang telepono upang alamin kung sino ang tumatawag... nagbabakasakali siyang matutulungan siya nito. "H-Hello Troy? Troy ikaw ba to? ...Tulungan mo ako, may freak na lalaki na tumatawag sa akin at balak niya akong patayin so please please please tulungan mo ako." pagmamakaawa kong sabi habang umiiyak. "........" walang sumasagot sa kabilang linya. "Hello? Hello? Please sumagot ka please..." muli kong pagmamakaawa ".................Ssssshhhh....." sambit sa kabilang linya "Hello may tao bang nakakarinig sa akin? Parang Awa mo na tul-" bigla akong natigilan dahil "-------- AAAAHHHHH" may sumigaw sa kabilang linya. Dahil sa aking pagkakagulat, halos nabitawan ko ang telepono hawak ko. Dali dali kong dinampot agad ang nahulog na telepono at muling pinakinggan ang kabilang linya. "Hello ayos ka lang ba anong nangyari bat ka sumigaw.? " tanong ko, "..........." muli wala nanamang maririnig sa kabilang linya. "Hello Troy? Or kung sino ka man please naman tulungan mo ako..." "Wala ng tutulong sayo." Halos parang nabuhusan ng malamig na tubig ang katawan ni Anika dahil sa bigla nitong pamumutla. Halata sa mga mata niya ang labis na pagkatakot. "TAKBO! Nasa bahay mo na ako!" pasigaw na sabi ng tao sa kabilang linya Agad na binitawan ni Anika ang telepono at halos hindi magkamayaw sa pagkilos dahil hindi niya alam kung kailan aatake ang papatay sa kanya. Kinuha na lamang niya ang susi ng kanilang family car at nagmadaling lumabas upang lisanin ang tahanan. (*Engine Starting*) "Mag start ka bilis" kinakabahang sabi ni Anika. Nakailang attempt na siyang i-Start at sasakyan ngunit para lamang itong nahihingalong aso dahil hindi pa rin ito umaadar. "BUWISET! UMANDAR KA!!" inis na turan ni Anika, Hindi niya alam na may isang tao pala na kanina pa nagkukubli sa sasakyan. "BUWISET BUWISET BUWISET KANG SASAK YAN K----" Hindi na nagkapagsalita pa si Anika dahil agad na ibinalot ng misteryosong lalake ang mukha ng babae ng cellophane habang ginigilitan sa tinutusok ng ice pick sa leeg at mukha. Halos mapuno ng dugo ang buong sasakyan ni Anika. Isang malamig at dugang bangkay na lamang si Anika noong tigilan siya ng killer. "Salamat sa pagsagot sa 999... pero ikaw na ang pang 1000th victim ko." nakangiting sabi ng lalaki bago nilisan ang lugar.. ___________________ Epilogue Lubos na ikinalungkot ni Mika ang pagkamatay ng kanyang mga kaibigan na si Anika at Johary. Ilang araw din siyang nagluksa. Pero..... Hindi pa rin niya alam ang totoong dahilan kung bakit sila namatay. ****** 2:00 AM *1 text message receive* Naalimpungatan si Mika dahil sa tunog ng bago niyang cellphone Kinuha niya ito at binasa ang text message Troy: Mika gising ka pa? Mika: Yeah kakagising lang nung nagtext ka. Ikaw? Bat gising ka pa? Troy: Medyo antok na nga din eh. Wait.. pede ba pahingi ng picture noong burol ni Anika di kasi ako nakapunta eh. Mika: Yeah sure wait lang... Agad binuksan ni MIka ang gallery ng cellphone niya parahanapin ang pic noong burol ni Anika. Pero habang tinitignan niya ang mga picture. Laking gulat niya ng makitang may picture siya sa cellphone niya habang natutulog. Imposibleng mangyari iyon dahil mag isa lang siya ngayon sa bahay dahil nasa bussiness trip ang pareho niyang magulang. At ang mas nakakapagtaka ay kapareho ng suot niya ngayon ang suot siya sa picture. Hindi lang isa ang litrato niya habang natutulog kundi tatlo. Agad na kinilabutan si Mika at dali daling nag text kay Troy Mika: I think there's someone in my house Lumabas si Mika ng kwarto upang alamin kung sino ang nasa bahay niya bukod sa kanya. *1 message receive* Troy: Sigurado ka? Tinignan lang muna ni Mika ang message ni Troy at saka pinagpatuloy ang paghahanap sa buong bahay. Wala na man kahit papano siyang nakita kaya nakahinga ito ng maluwag. Aktong mag rereply na sana siya kay Troy ng biglang mapansin niyang meron rin palang isang taong naghahanap din sa buong bahay. Dahan dahang kumaripas ng takbo si Mika at bumalik sa kwarto niya upang iwasan na mapansin ng di kilalang tao sa bahay niya. Para itong lasing kung maglakad habang nakabaling ang tingin sa taas at nakangiti. May hawak itong kinakalawang na itak. Nagtago si Mika at pinapakiramdaman ang kilos ng estranghero sa bahay niya. Pumasok sa ibang kwarto ang di kilalang lalaki dahilan upang makapag txt muli si Mika. Mika: May isang lalaki dito na may hawak na itak. Tatawag na ako ng pulis..." bago niya pa ito ma send ang text message niya ay papalapit na pala sa kinaroroonan niya ang lalaking may itak. Dali dali siyang nagtago sa kanyang kabinet. Tinakpan ni Mika ang kanyang bibig upang hindi makalikha ng anu mang ingay. Nanginginig na siya sa takot halos hindi na alam ang gagawin. Sa tulong ng konting butas ng kabinet. Kitang kita nito ang paghahalungkat ng lalaking may itak sa kwarto niya na tila ba may hinahanap. Dahan -dahang nag dial si Mika sa 911 upang humingi ng tulong, Pero iba ang natawagan niya. *Caling... 999 * Nagulat siya dahil may kinapa ang misteryosong lalaki sa bulsa niya. Isang cellphone at kapareho ito ng sa kanya. Agad na napagtanto ni Mika na ang "Caller 999" pala na nakasave sa phonebook niya ang ang mismong killer na gustong pumatay sa kanya. Dali daling pinindot ni Mika ang "Cancel" upang hindi tuluyang makahalata ang killer na nasa paligid lang siya, Pero mukhang natunugan siya ng killer at unti unting lumapit ito sa kinalalagyan niya. Pikit mata na lamang si Mika at ipinagsa diyos na lamang ang maaring mangyari sa kanya. Papalapit ito sa kanya, Papalapit sa cabinet kung saan siya nagtatago. Bagamat takot na takot at nangingnig na halos ang buong katawan niya. Hindi soya gumawa ng kahit anong ingay noong sumilip na mismo ang killer sa butas kung saan siya sumisilip. Muling pumikit na lamang si Mika at tinakpang maigi ang bibig. Mangiyak ngiyak na siya halos dahil ano mang oras ay maari siyang mahuli. Ngunit hindi siya nahuli. Bagkos nawala ang killer sa harap ng cabinet. Hindi alam ni Mika kung saan ito napunta dahil sa pikit mata lang siya kanina habang takot na takot. Pansamantalang nakahinga ng mabuti ni Mika dahil doon. * 1 mms receive * Galing kay Troy... Halos malaglag ang panga ni Mika sa kanyang nakita sa pinasang larawan ni Troy. Isang wak wak na tiyan , duguan, ginilitan sa leeg at maraming sugat at bugbog na Troy ang nakita niya sa mga larawan. Sinubukang tawagan ni Mika ang number ni Troy.... Hindi niya alam na nasa malapit lng pala ang tinatawagan niya. Huli na ng malaman ni Mika na nasa harap niya na ulit ang killer. Hawak ang cellphone ni Troy na napanalunan din sa nasabing website. "Hindi ka makakaligtas sa pagtatago mo lang diyan sa cabinet.." Wala nang nagawa pa si Mika noong unti-unting nahulog ang ulo niya sa sahig. -End-