I KILLED MY EX (One Shot Story)
![](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_1dc8122a5fd34a79be6281bee057110f.jpg/v1/fill/w_960,h_541,al_c,q_85,enc_auto/cb2b58_1dc8122a5fd34a79be6281bee057110f.jpg)
Maswerte ka kasi ikaw yung mahal niya. Maswerte ka kasi ikaw yung nakikita niya. Maswerte ka kasi napapansin ka niya. Maswerte ka kasi ikaw ang nagpapasaya sakanya. Maswerte ka kasi napapangiti mo siya. "Maswerte ka. Sobrang swerte mo kasi ikaw ang nagustuhan niya, ikaw ang nakikita niya sa bilyong bilyong tao sa mundo. Kahit ayaw kong mainggit sayo, kahit ayaw kong magselos sayo. Nagseselos at naiinggit parin ako. Kasi ikaw yung mahal ng taong gusto ko eh. Ikaw yung nakikita niya imbis na ako. Ikaw yung nagpapasaya sakanya imbis na ako. Ikaw yung mahal, ako yung kaibigan.” </3 Pero magiingat ka.... Baka kasi balang araw sa burol mo na tayo magkita... _______________________________ Prologue Friendship -Its isn't about whom you have known the longest... It's about who came, and never left your side... The words that escape a friend's mouth are "I'll be there when you say you need me" but the words that are unheard from a true friend's heart are "I'll be there... whether you say you need me or not." Are you willing to sacrifice your friendship? When one day, you've already falling in love with your best friend? How long are you willing to wait? To find the right time... That you and the one you've waiting will be together. --------------------------- Halos kakatapos ko palang noon sa trabaho ko. Medyo napaaga kaya naman naisipan kong maglakadlakad muna... Biglang may tumawag sa akin at sabi ay may bisita ako,. Bahagya akong napangiti... Paglabas ko ay nakikipaglaro siya sa isang bata. Wala pa ring nagbabago sa kanya Katulad ng pa rin dati... Masayahin at makulit pa din siya... Unti-unti ko siyang nilapitan... Napansin niya ako saka siya ngumiti sa akin. "Naiistorbo ba kita?" tanong ko. "Hindi naman " mawili niyang sagot May biglang lumapit sa akin na cute na bata... "Daddy too daddy too.." "Buboy... kamusta? Wanna play?" "Yahh.. Play! Play!" Naglaro nga kami ni buboy hanggang sa napagod yung bata. Nakatulog ito sa balikat ko habang karga karga ko. Agad ko naman siyang inilipat kay Jean. "Mukhang pagod na pagod si buboy ha..kanina pa kasi yan laro ng laro" sabi ni Jean habang karga karaga si buboy. "Ahh ganun ba? Oo nga eh, nakatulog na nga sa sobrang pagod.." Nginitian niya ako. . Napako ang mga mata ko sa kanya.. para akong istatwa na hindi makagalaw. " Ahhmm.. ehh.. sige Eric una na kami ha marami pa kasi ako gagawin sa bahay." "Sige... salamat ulit sa pag dalaw ha.." nakangiti kong sagot ". walang anuman." at saka umalis si Jean Tumalikod na din ako at iniwan ko na... ...silang mag-ina. Sa pagtalikod ko ay may biglang pumatak ang luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Napalitan ng lungkot, sakit at panghihinayang ang kaninang masaya kong mukha. Sayang.. Sayang talaga.. Hindi ko alam kung ako nga ba talaga ang may kasalanan kung bakit siya nawala sa akin pero kahit na anong sisi ko sa sarili ko ay wala na akong magagagawa.. Wala na.. Ako ang nagdesisyon nito at hinding hindi ko ito pinagsisihan. "Balang araw ang magkakasama-sama rin tayong buong pamilya. Hintayin mo ako anak..." ------------------------------------------------------------------ March 28, ---- 6:43am Thursday. Eric's POV Isang malakas na lagapak ng pinto ang agad na nagpagising sa akin. Hindi ko ito pinansin kasi sobrang antok ko pa. "Hoy..! Eric ! Wake Up! Gising na!" sabi ng taong pumasok sa kwarto ko. Boses babae ito at pamilyar sakin ang boses niya. Nagmatigas nalang ako at hindi siya pinansin. "Hoy..! Ericson! Gising na" "Umhhh.. mamaya na." sagot ko, Ilang saglit lang ay biglang nawala ung taong gumugising sa akin. Akala ko eh nagsawa siya sa paggising sa akin pero mali pala ako, "TING! TING! TING! TING!........." Nagpabalikwas agad ako sa higaan ko at nawala ang antok. "Bakit ba kasi.! pssshhh...." inis kong sabi "Ahoy!.... nagtataray nanaman si Ericson... FYI lang po MR. SLEEPY HEAD! may exam tayo at meron ka nalang 13mins para mag asikaso." Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat. Anak ng tokwa nga naman Finals nga pala ngayon! "Ha!! Ngayon?" "Opo!" "Patay! Hindi ako naka review! Arggh! bat ngayon mo lang sinabi. PATAY! PATAY!" natataranta kong sabi. "Alam mo Sonny... kung yang inirereklamo at iminumukmok mo eh inililigo mo na edi sana malapit kana matapos so GO na! "Tama.." maghuhubad na sana ako ng damit ng biglang..... "AAAAHHHHHHHHH!" "Ohh! anu nanamang problema mo Jean? walang ipis dito sa room ko ah!" paliwanag ko "ERICCC!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Jean Bigla ko nalang naalala na halos underwear nalang ang suot ko at nakalimutan kong nasa kwarto ko pala si Jhane... Parang umakyan ang lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa hiya. Agad akong nagtakip ng kumot ko. "B-bat ka pa kasi nandito..." "E-Eto na Eto na lalabas na... bigla bigla ka kasing huhubad. Like duh! may Girl?" "Oo na sorry na.. sige na magaasikaso na ako... wait mo nlang ako sa sala." "Sige bilisan mo! ha!" Ako nga pala si Ericson Yhanz Yuson. 4th year college na ako at graduating. Yung kaninang nandito ay si Catherine Jean Diocareza. Magkapit-bahay, Magbestfriend at Magkababata kaming dalawa. Siya lang kasi ang kaedad ko na bata sa lugar namin kaya agad kaming nagkasundo. Eric. yan ang napili nyang itawag sa akin ayaw ko kasing tinatawag na ericson masyadong pormal at nag namumukha akong brand ng cellphone. tinanong ko din siya kung anong gusto ko itawag sa kanya. sabi ko ... "Cath?" "ayaw hindi ako pusa" "CJ?" "Panglalake!" "hmmm mahaba kasi ang Catherine so... Jean? ok na ba? "ok sige yan na lang". Halos 14 years na kaming magkasama ni Jhane at sa 14years na yun at may mga alam na ako sa kanya. at may alam na din siya tungkol sa akin. Mahilig si Jhane na mambulabog at magkalat. Ako naman eh conservative sa gamit at ako ang taga ligpit ng kalat niya. Pero kung anong sipag ko magligpit ay siyang tamad ko sa paggising. siya naman ang aga aga kung magising kaya laging si Jean pumupunta sa bahay para lang gisingin ako o kaya naman ay yayayain ako gumala. Sa tagal naming magkasama, halos napagkakamalan na kaming mag boyfriend/Girlfriend pero tinatawanan ko lang sila. __________________ Uwian na namin noong makasalubong ko si Tin. Siya yung babaeng matagal ko nang nililigawan. Alam naman yun ni Jean at minsan nga nagpapatulong pa ako sa kanya kaso naiinis siya sa akin kasi bali-laita na play girl at masama daw ang ugali ni Tin. Hindi naman ako naniniwala kasi parang sinisiraan lang nila yung tao porket maganda at maraming nagkakagusto. "Hi Eric pwede ba tayong mag usap?" manhinghing sabi ni Tin "A-Ah ehh ok lang naman.." "ERIC!" sigaw ni Jean, bagamat malayo pa eh rinig na rinig ko na ang boses ng babaeng yun.Patakbong lumapit sa akin si Jean at hingal na hingal na nagsalita "Eric! Usap tayo!" dali daling sabi ni Jean "Ahh ehh Jean mag-uusap rin daw kami Tin eh" sabi ko "Mukhang importante ata ang sasabihin ni Jean. Sige next time nalang Eric." medyo malungkot na sabi ni Tin "No Tin, nauna kang nagsabi sa akin nag maguusap tayo kaya ikaw muna ang kakausapin ko. Jean mamaya nalang tayo magusap paguwi ko sa bahay ok?" sabi ko "P-Pero Eric kasi nakita ko si Ti--" sambit ni Jean pero pinutol ko siya "Jean mamaya na lang OK?" sabi kong muli Medyo nalungkot ang mukha ni Jean at padabog na umalis. Muli ay ibinaling ko ang atensyon ko kay Tin at tinanong. "Ano ba ang paguusapan natin Tin?" "Tungkol sana sa atin.." "Atin? You mean ?" "Yup... Sinasagot na kasi kita Eric" nakangiting sabi ni Tin "T-Talaga? S-Seryoso ka?" "Oo naman. Girlfriend mo na ako Eric" "YESSS,!!" Sigaw ko "Girlfriend ko na si Tin hahahaha Saalamat salamat!" tuwang tuwa kong sabi." Yun na ata ang pinamasayang araw sa buhay ko. Matapos naming mausap ni Tin ay nagdate kami sa pinakanalapit na Mall. Grabe hindi ako makapaniwala na nagka girlfriend na ako sa wakas. Noong malapit ng dumilim ay inihatid ko na sa bahay nila si Tin at nagpaalam. Nagulat ko noong hinalikan niya ako. Wow! first kiss ko si Tin!.Para akong nakalutang sa langit noon habang pauwi at inaalala ang mga masasayang moments namin. Akalain mo kanikanina lang eh naging kami tapos ngayon hinalikan niya ako. Inlove na talaga ako sa kanya. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Jean. Nakaupo sa harap ng bahay namin. Hinihintay siguro ako. Agad ko siyang tinawag. "Jean!" Lumingon siya at nagmadaling lapitan ako. "Eric! Kanina pa kita hinihintay may importante akong sasabihin sayo makinig ka. Iwasan mo na si Tin! Pinaglalaruan ka lang niya. Wag mo na ipagpatuloy pa ang panliligaw sa kanya ha" paliwanag ni Jean "Ha? Anu bang pinagsasabi mo Jean. Hindi ko pwdeng iwasan si Tin dahil kami na." Bakas sa mukha ni Jean ang pagkagulat. "K-Kayo na? Kailan pa?" tanong nito "Kanina lang. Kaya pala ako gusto niya ako makausap dahil sasagutin niya na ako. Grabe ang saya ko Bestfriend." tuwang tuwa kong sabi. Hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha niya. Kaya tinanong ko siya. "Jean ayos ka lang ba? Parang di ka ata masaya na may GF na ako." malungkot kong sabi "H-Hindi sa ganon Eric. M-Masaya ako para sayo. Conggrats! Binata kana bestfriend!" pilit na ngiti ni Jean "Talaga? Masaya ka para sa akin?" tanong ko ulit. "O-Oo naman. Teka Eric uuwi na pala ako kasi tutulungan ko pa si yaya sa pagluluto. See you bestfriend!" at dali dali umalis si Jean. Minsan nagtataka ako sa mga ikinikilos ni Jean pero wala eh.. Iniisip ko nalang na may pagka weirdo ang babaeng yun. Kinaumagahan ay hindi ako ginising ni Jean. Nakakapanibago yun. Pero ayus na rin yun kahit papano dahil wala nf bubulabog sa akin. Tinext ko nalang si Tin ng Good Morning at nagreply naman agad siya. Grabe kinilig ako sa kanya. Pagpasok ko sa school napansin ko agad na hindi ako pinapansin ni Jean. Tinanong ko siya kung bakit siya di pumunta sa bahay ang sabi niya lang ay masama ang pakiramdam niya kaya di ko na siya kinulit. Noong uwian ulit ay sinundo ko agad si Tin at inihatid sa bahay niya. Naging ganoon palagi ang takbo ng buhay ko. Papasok sa eskwela at pag uwian ay ihahatid si Tin. Pero kasabay noon ay ang tila pag iwas sa akin ni Jean. Nakakapagtaka nga kasi dati halos lahat ng babae eh ireto ni sa akin magka GF lang ako pero ngayong may GF na ako siya naman tong iwas ng iwas. Nagtampo ako kay Jean dahil doon. Kung ayaw niya akong kausapin edi hindi ko rin siya kakausapin. Sabado. Birthday ni Tin ng yayain niya akong pumunta sa bahay niya. Noong una ay nahihiya pa akong sumama pero sabi niya eh mga barkada at pinsan lang daw niya ang kasama niyang magcecelebrate ng kaarawan niya. Pumayag naman ako. Binisita ko pa noon si Jean para sana yayain at makipagbati na rin. Namiss ko rin kasi siya kahit papano eh. Kaso wala siya sa bahay nila kaya nalungkot ako. Pagdating ko sa bahay nila Tin ay sobra akong namangha. Isang Pool Party ang theme ng celebration niya. Grabe iba talaga pag mayaman. Nakita niya agad ako at ipinakilala sa mga kaibigan niya. Karamihan sa mga pinakilala niya sa akin ay mga bading. Ok lang naman yun sa akin dahil hindi naman ako galit sa bakla. Nginitian ko sila isa isa at nakipagkamay, nagpakilala din ako bilang boyfriend ni Tin. "Yummy itong nabingwit mo Tin ha." sabi nung isang bakla. "hahaha Yummy tlaga yang babe ko virgin pa yan" sabay kindat doon sa baklang kausap niya. Medyo nahiya ako sa usapan nila kaya sinabi ko na kung pwde kumain na kami at doon tuluyang magkakilalahan. After namin kumain ay nakayayaang mag inuman. Mahina ako sa alak kaya tumangi ako kaso mapilit si Tin. Ayoko naman siyang ipahiya sa mga kabarkada niya kaya naman naki-Jam na rin ako sa kanila. Nakailang bote rin kami ng alak ng makaramdam na ako ng pagkahilo. Lasing na lasing na ako noon kaya naman nagpaalam na ako kay Tin na uuwi na . Pinigilan niya ako at sinabing sa kwarto niya nalang daw ako matulog. Tumangi ako dahil may respeto ako sa kanya bilang isang babae.Baka kasi kung ano ang magawa ko. Kahit papano ay nasa tamang pagiisip pero hilong hilo na talaga ako. Kinulit niya muli ako na doon sa bahay nila matulog, may guess room naman daw sila atyaka madaling araw na daw baka mapahamak ako. Pumayag na rin ako sa gusto niya. Pagkahatid niya sa akin sa nasabing kwarto ay agad akong nahiga at natulog. Naalimpungatan ako noong makaramdam ako na parang naiihi ako. Sinubukan kong tumayo para pumunta sa banyo ng biglang mapansin ko na nakatali ang mga kamay at paa ko. "Teka ano toh?" natataka kong tanong Nagulat noong mansin ko na binababoy ako ng bakla na kausap ni Tin kanina. "PUT*NG IN@ KA ANONG GINAGAWA MO!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakatali. "Binili ka na namin kay Tin kaya amin kana." Napansin kong hindi lang pala isang bakla ang nasa kwarto ko. Tatlo sila, Sigaw ako ng sigaw "TANG INA NAKAKADIRI KA! TUMIGIL KA!" habang nagpupumiglas parin ako. Halos maiyak na ako sa pambababoy na ginagawa sa akin. Pinagpalit palitan nila na gahasain ang hubad kong katawan. Napansin ko na nasa pintuan si Tin habang nakangisi. "B-bakit..." umiiyak ko sabi Tumalikod lamang ito at hinayaan ako sa mga demonyong tao na lumapastangan sa pagkalalake ko. Nilalatigo nila ako hanggang sa magkasugat sugat ang braso, dibdib at hita ko. Hindi lang ito pinapasok rin nila ako ng mga hinitithit nilang sigarilyo. Awang awa ako sa sarili ko. Halos hindi na rin ako nakapanlaban dahil nakatali nga ako. Ipinikit ko nalamang ang aking mga mata at ipinagpasa diyos na lamang ang lahat. Hanggang sa nawalan na ako ng malay. _______________________________________________ Jean's POV Ako si Catherine Jean Diocareza. Simpleng babae pero lihim na nagmamahal kay Eric. Una crush ko lang siya pero habang nagtatagal eh napapalapit na ang puso ko sa kanya. Nagtatanong kayo kung bakit mas pinili kong maging bestfriend siya? Ayoko kasi siyang mawala sa akin. Pag magbestfriend kasi kayo, kahit mag away kayo o magtampuhan, ayus lang dahil madali naman kayong makakabati, No commitment, No Heartace, No Break-Up. Akala ko kaya na hanggang magkaibigan lang kami. Pero wala ehh.. Siya talga ang sinisigaw ni Heart!" Uwian noon noong napadaan ako sa likod ng building para magtapon ng basura ng marinig ko si Tin (Yung nililigawan ni Eric) na may kausap. Hindi ko masyadong narinig yung usapan pero parang ibebenta daw si Eric ni Tin. Kinabahan noong mapansin yung bakla ang kausap ni Tin. "Ibebenta ni Tin si Eric sa isang bakla?" bulong ko sa sarili Agad kong nilisan yung likod ng building at hinanap si Eric para mabigyan ng babala. Halos nalibot ko na ata ang buong campus pero di ko pa rin siya makita. Napasaad ako sa may Gate 1 kung saan lumalabas ang mga estudyante ng makita kong kausap na ni TIn si Eric. Dali dali akong tumakbo para kausapin si Eric at ilayo kay Tin. "Eric! Usap tayo!" dali dali kong sabi "Ahh ehh Jean mag-uusap rin daw kami Tin eh" sabi ni Eric "Mukhang importante ata ang sasabihin ni Jean. Sige next time nalang Eric." medyo malungkot na sabi ni Tin "No Tin, nauna kang nagsabi sa akin nag maguusap tayo kaya ikaw muna ang kakausapin ko. Jean mamaya nalang tayo magusap paguwi ko sa bahay ok?" pagtatanggol ni Eric "P-Pero Eric kasi nakita ko si Ti--" sabat ko pero pinutol ako ni Eric "Jean mamaya na lang OK?" sabi niya muli Medyo nalungkot ako kasi parang mas importante pa yung Tin na yun kesa sa akin. Tinablan ako ng selos kaya tumakbo ako papalayo sa kanila. Halos gabi gabi akong umiiyak dahil sa sobrang inis. Hindi dahil kay Eric kundi dahil sa sarili ko. Bakit ba kasi hindi ko masabi sabi kay Eric ang nararamdaman ko. Edi sana hindi siya mapapahamak. Edi sana nasa tabi ko lang siya at iniiingatan. Napansin siguro ni Eric ang pananahimik at pagiwas ko sa kanya. Sobrang gulong gulo kasi ang isip ko at tuwing naglalakas loob naman akong kausapin siya, hindi ko naman magawa dahil lagi ko silang nakikita na magkasama ni Tin at mukhang masayang masaya si Eric. Lagi akong napapaurong tuwing lalapitan ko siya. Gusto ko siyang balaan pero papakinggan niya ba ako? Bestfriend niya lang ako eh... Hindi ako yung mahal niya. ___________________________ Sabado. Hindi ako nakauwi sa bahay dahil galing ako sa supermarket nang sabihin ni yaya na pumunta daw si Eric sa bahay. Tinanong ko si Yaya kung bakit. Ang sabi niya eh yayain daw sana niya akong sumama sa B-day party ni Tin. Kinabahan ako dahil parang narinig ko rin na sinabi ni Tin noon sa sa B-day party niya ibebenta si Eric sa mga bakla. Dali dali akong naghanap ng sasakyan upang sundan si Eric. Inabot na ako ng alas 2 bago ko nahanap ang bahay ni Tin. Nagbabakasakali ako na ligtas pa si Eric. Nagmasidmasid ako at mukhang tapos na ang party sa bahay nila tin. Napadako ako sa may bandang likod bahay ng mansion ni Tin ng mapansin akong nakahiga sa may basurahan. Duguan ito at hinang hina. Nilapitan ko ito. "Diyos ko! Eric!" sigaw ako. Halos di ko siya makilala dahil sa dami ng dugo, sugat at paso sa buong katawan niya. Hubad din siya at walang malay. Nilapitan ko siya. "Eric.. Gumising ka Eric!.." sambit ko. "Jean.." mahinang sabi ni Eric "Eric wag kana magsalita please." umiiyak kong sabi "S-Sorry Jean..." at pumatak na din ang mga luha sa mata ni Eric. "Sorry din Eric.. Mahal na mahal kita..." hindi na ako narinig ni Eric dahil nawalan na siya ng malay Dali dali kong dinala sa ospital si Eric. Mabuti na lang at naabutan ko siya at nailigtas. Noong gumaling siya ay inamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Nagulat siya siyempre pero nilakasan ko na ang loob ko. Noong gabi rin yun kung kailan ko inamin ang nararamdaman ko ay may nangyari sa amin. Hinding hindi ko iyon pinasisihan. Ang alam ko lang ay mahal na mahal ko siya. Hindi makapagsampa ng kaso si Eric sa mga lumapastangan sa kanya dahil malalaki at maiimpluwensyang tao pala ang mga kaibigan ni Tin. Maging si Tin ay hindi rin magawang ipakulong ni Eric. Paminsan minsan ay inaatake ng trauma si Eric. Naawa ako sa kanya kaya gumawa ako ng plano. ____________________________ Ilang araw ko na ring pinagmamatyagan ang kilos ni Tin kaya naman naging sulit iyon ng makuha ko siya at maikulong sa bodega ng bahay namin. Alam kong mali ito dahil inilalagay ko sa kamay ko ang batas pero kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya kay Eric. Nagising si Tin at napansin agad na nakatali siya sa isang upuan. Pinilit niyang magpumiglas pero mahigpit ang magkakatali ko sa kanya. Nilapitan ko siya habang bahagyang winawasiwas ang hawak kong kutsilyo. "AAAAAHHHHH!" sigaw ni Tin dahil hindi siya makawala sa pagkakatali. "Oooppss...bat ka sumisigaw ni hindi pa nga kita ginagalaw?" nakangiti kong sabi "J-Jean?" takot na takot na sabi ni Tin "Ako nga?" "Pakawalan mo ako dito Jean parang awa mo na." pagmamakaawa ni Tin "Awa? Big Word Tin. By The Way meron ka ba noon?" sarkastimo kong sabi "Ano bang kasalanan ko sayo!" sigaw nito "Sa akin wala pero sa taong mahal ko MALAKI!" sabay hiwa sa mukha ni Tin "AAHHHH!" sigaw nito "Binaboy niyo si Eric! Iisa isahin ko kayong lahat na gumahasa sa kanya at uumpisahan ko sayo TIN!" sa mui hiniwaan ko ang mukha niya Sigaw lang siya ng sigaw. Wala na ako sa aking sarili habang ginagawa ko yun. Ang tanging nasa isip ko lang ay maghiganti para kay Eric. Walang sawa sa pagmamakaawa si Tin sa akin pero bingi na ako sa mga paliwanag niya. Hinubaran ko si Tin gamit ang hawak kong kutsilyo. "Balita ko Tin pineke mo lang ito? Patingin nga kung paano mo ginawa." malademonyo kong ngiti sabay hawak sa suso ni Tin at unti unting winakwak. Tinanggalan ko ng dibdib ang walang awa na si Tin. Tuwang tuwa akong tinagawa ito. "Pakawalan mo na ako Jean..." muling sambit ni Tin. "Hindi! Magbabayad ka! Magbabayad ka!" sigaw ko sabay saksak sa kanya. Sa tiyan Sa dibdib Sa puso 1 2 3 marami napakaraming bese ko siya sinaksak. Nababaliw na ba ako? Walang awa ko siyang pinatay. Para akong kumakatay ng baboy. "para sayo to eric... Para sayo to." paulit ulit kong sinasabi "TUMIGIL KA NA JEAN!" sigaw ng isang pamilyar na lalaki "Eric?" gulat kong sabi Tumakbo papalapit sa akin si Eric at niyakap ako. "Tama na Jean..Hindi mo dapat ginawa to...Hindi..." umiiyak na sabi ni Eric Napatulala ako na nabitawan ang hawak kong kutsilyo. "P-Pero pinaghigantihan lang kita..." utal utal kong sabi "Ipinagpasadiyos na lamang sana natin ang nararapat na kaparusahan sa mga bumaboy sa akin. Hindi mo na dapat ginawa ito." sabi ni Eric Dumaloy ang luha ko sa mga mata at tuluyan na ring umiyak. "Sorry Eric.. Sorry..." umiiyak kong sabi "No, Jean I'm Sorry. Kung nakinig lang sana ako sayo. Kung matagal ko na rin sanang nalaman na ikaw ang mahal ko. Naging bulag ako Jean at hindi kita nakita. Ikaw na laging nasa tabi ko. Sorry Jean at kinailangan mo pang gawin ito para sa akin." Ilang saglit pa ay may narinig kaming paparating na pulis. Kinabahan ako dahil alam kong ako ang pakay nila. " May mga pulis na Eric. Wag kang mag alala susuko ako. Aaminin ko ang krimen na ginawa ko. Nararapat lamag na pagbayaran ko ang kasalanan ko." At kumalas ako sa pagkakayakap kay Eric. Bago ako lumabas ng bahay ay muli akong lumingon kay Eric. "Tandaan mo Eric kahit anong mangyari Mahal na mahal kita." Nakangiti akong pinagmasdan si Eric bago tumungo sa labas. Nakaramdam ako ng paninikip ng sikmura at biglang nasuka. Dali daling lumapit sa akin si Eric. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Eric "Ayos lang ako..." May bigla kong naalala. Napatingin ako kay Eric at nakatingin din siya sa akin at para bang may nahalata din. "B-Buntis ka Jean?" "H-Hindi ko alam..." Biglang pumasok ang mga pulis... Dali daling kinuha ni Eric ang kutsilyong hawak ko kanina na ginamit sa pagpatay kay Tin at sumigaw. "I KILLED MY EX!" habang nakataas ang kamay _____________________________________ Epilogue Eric's POV Ngayon ang araw ng paglaya ko. Oo inamin ko ang kasalanang ginawa ni Jean. Siguro paraan ko na yun para pasalamatan siya sa pagligtas sa akin noon. Hindi ako makakapayag na makulong si Jean habang ipinagbubuntis ang anak ko. Ngayon sigurado na ako na si Jean ang babaeng papakasalan ko habang buhay. "Dad!," sigaw ng anak ko sabay yakap sa akin. "Welcome Home!" "Salamat Anak!" at niyakap ko rin siya ng mahigpit. Ang bilis ng panahon. 15years old na ang anak ko pero ganun paman ay hindi hindi niya ako nakalimutan bilang ama. Laking pasasalamat ko dahil lagi akong dinadalaw ni Jean sa kulungan. Bagamat nakokonsensya siya dahil ako ang nakulong imbes siya pinipilit ko siyang wag nang isipin yun dahil kagustuhan ko ang nangyari. "Welcome Home! Eric" nakangiting bati sa akin ni Jean "Salamat..." at niyakap ko rin siya ng mahigpit hindi nagtagal ay ikinasal din kami ni Jean. Naging buo ang pamilya ko. Ayos lang kahit 15 taon kong di nakapiling ang pamilya ko. babawi na lang siguro ako. Ang importante ay sama-sama na kami. ________________________ "Honney?" tanong ko kay Jean bago kami matulog sa aming honeymoon. "Yes Hon." "May tanong ako.." "Ano yun?" sagot ni Jean "Yung tungkol doon sa mga baklang gumahasa sa akin. Anong nangyari sa kanila?" "Ahhh yun ba Hon..." . . . . .....Patay na sila Hon," seryosong sambit nito Nagulat ako sa katagang sinambit sa akin ni Jean "Don't Worry! Malinis ang pakakapatay ko sa kanila" nakangiti nitong sabi Nakahinga ako ng maluwag. "Mabuti naman... Tara tulog na tayo." -End-