top of page

MR. HALLOWEEN (One Shot Story)


-Sa Halloween Party- "Uyyy Mare buti naman narating kayo, tara pasok sa loob." yaya ng isang babae sa mag-ina "Mommy can i go to my friends?" sabi ni Danielle "Ow sure baby but please behave ha.." "Yes Mom!" Tumungo nga ang batang lalaki na si Danielle sa kanyang mga kalaro. Sila ang mga kapitbahay at classmate ni Danielle. **Si Anna, maganda at maputi, anak siya ng presidente sa Village nila at ang mga magulang niya rin ang nagpa Halloween party dito kasabay ang kanyang ika 10th birthday. Si Jeo, isang matalino ngunit masungit na bata. Teacher naman ang kanyang mga magulang. Si Rhoden, Ang bully sa kanilang eskwelahan halos lahat ay kinatatakutan siya. Anak siya ng Brgy. Captain sa kanilang lugar. Si Ruby, kikay at maarte din. Nasa abroad ang kanyang ama kaya spoiled brat siya.*** "Hi Danielle." kaway ni Anna noong mapansing papalapit sa kinatatayuan nila si Danielle "Hello sa inyo. Happy Birthday pala Anna." bati naman ni Daniele "Salamat... Ayan kompleto na tayo pwede na tayong maglaro!" sigaw ni Anna "Oo nga mag langit lupa nalang tayo." suhesyon ni Rhoden "Oo nga." pag sangayon ni Jeo "Doon tayo sa garden namin para maluwag." sabi ni Anna "Mas mabuti pa nga tara!" sabi naman ni Ruby Pumunta nga ang mga bata sa garden ng bahay nila Anna at doon ng laro... " Langit... Lupa... Impierno... Im... Im... Impierno... Saksak puso tumulo ang dugo... Patay... Buhay... Alis ka na diyan sa pwesto mo..." "AAAAAAAAHHHHHHHH!!!!" sigaw ni Anna "Anong probema Anna?" tanong ni Danielle "May creepy man akong nakita sa labas ng bahay." sagot nito "Baka guni-guni mo lng yun or isa lang siguro yun sa mga nka-costume sa Halloween party na toh." sambit nman ni Jeo "Baka ka nga siguro.." sambit ni Anna Patuloy na naglaro ang mga bata habang patuloy rin ang kasiyahan sa party. Ngunit may isang misteryosong lalaki ang nagmamasid sa kanila. ********* "I'm hungry na lets go eat na friends" sambit ni Ruby "Me too" sabi naman ni Danielle "Ano ba yan. Ayawan na agad kaya ayoko ko kayo kalaro eh." reklamo ni Rhoden at tumalikod sa kanila "RHODEN! San ka pupunta!" sigaw ni Anna "Maghahanap ako ng ibang kalaro" at padabog itong umalis "Hayaan nalang natin yun." sabi ni Jeo "Oo nga tara kain na din tayo!" yaya ni Anna sa kanyang mga kaibigan. ********** Rhoden's POV Nakakainis! Kung kailan nageenjoy na sa laro saka naman nag ayawan! Haist! Naglakad lakad nalang ako hanggang sa makarating ako sa may gate ng bahay nila Anna. Napansin kong may isang lalaki na nagbibigay ng chocolate sa isang bata na taga rito lang sa amin. Tuwang tuwa naman yung bata sa libreng chocolate na nakuha niya. Noong nakaalis na yung nagbigay na lalaki. Saka ko nilapitan yung bata "Hoy! Anong ibinigay sayo nung lalaki kanina" tanong ko sa bata "Imported na chocolate daw galing Italy" kinkabahang sagot sa akin nung bata. Patpatin kasi ito at kayang kaya kong sapakin kung papalag. "Ahh ganun ba akin na lang." sabay agaw ng chocolate sa kanya. "B-Binigay sa akin yan eh." utal utal na sabi ng bata "Bakit may angal ka? Papalag ka?" At umakto akong susuntukin siya "H-Hindi po " takot na sabi nito "Mabuti nman. Ngayon Tsupi! " at tinulak ko siya pa alis. Nagmamadali naman itong pumasok sa loob ng party at iniwan ako sa labas ng bahay. "Ayos! Mukhang masarap tong chocolate." nakangiti kong sabi. Binuksan ko ito at isang parang pretzel stick chocolate ang laman kaso mas malalaki lamang Kingatan ko agad ito.. "Huh?! Bakit ang para may buto?" tanong ko sa sarili dahil may matigas na bagay akong nakakagat. Inubos ko muna yung tsokolate at doon ko napansin na may buto nga ito. Hindi ko mawari kung sa manok ba ito. Sa di malamang dahilan ay nakaramdam ako ng hilo. Para akong lasing na inaantok na ewan. May alak ba yung tsokolate na nakain ko o may pampatulog. Kahit pagewang gewang ay pinilit kong bumalik nalang sa bahay nila Anna. Pero hindi ko kinaya... Agad akong natumba at bumulagta sa kalsada. Bago ako mawalan ng ulirat. Napansin kong may nakangiting lalaki di kalayuan sa pinagbasakan ko. Siya yung nagbigay ng tsokolate sa bata na inagaw ko. Papalapit ito sa akin... At... At... Nagdilim na ang paligid ko. ********* "Excuse me Mr. And Mrs. Santos nakita nyo po ba ang anak ko?" "Kasama ata nila Anna maglaro bakit po Cap?" tanong ni Mrs. Santos "Hindi ko makita eh. Sige sila Anna nalang ang tatanungin ko asan sila?" "Nasa Garden siguro.." "Ahh Maraming Salamat po." At nagmadaling umalis ang tatay ni Rhoden at agad na hinanap sila Anna. Masama na kasi ang kutob niya. ********* Habang naglalakad sila Danielle, Anna, Ruby at Jeo. Nabangga si Danielle ng bata kanina na inagawa ni Rhoden ng chocolate. *Booghs* "Hey! Watch It" at kinuwelyuhan ni Danielle ang bata "Sorry po Sorry po!" pagpapaumanhin nito. "Guys that's enough na hahanapin pa natin si Rhoden." pigil ni Anna "Tumigin ka kasi sa dinadaanan mo!" at tinulak palayo ni Danielle ang bata "Sorry po talaga... Kung hinahanap niyo po si Rhoden nasa labas po siya ng bahay niyo." nakayukong sabi nito. "Ow... Salamat preety boy!" sambit Ruby Iniwan nila ang bata at tumungo nga ang magkakaibigan sa labas ng bahay upang hanapin si Rhoden. Paglabas nila. Walang Rhoden silang nakita bagkus isang plastik lang ng ng tsokolate ang nakita nila at parang kakabukas pa lamang nito. "Sigurado kaya yung bata na yun na nandito si Rhoden?" tanong ni Jeo "Malay ko..." sabi naman ni Anna "Baka umuwi na." sabi naman ni Ruby "Siguro nga tara balik na tayo...!" yaya ni Danielle Pabalik na sana sila ng makarinig sila ng boses ng lalaki sa likuran nila. "Happy Halloween! Gusto niyo bang maki Trick or Treat?" "AAAAAHHHH!" si Anna "Bakit Anna?" tanong ni Jeo "S-Siya..siya yung lalaking nakita ko sa labas kanina." takot na takot nitong sabi "Ahhh pasensiya na iha kung natakot ka sa costume ko. Kasali din kasi ako sa party eh. Gusto nyo pala ng cupcakes? Chocolates? Candies? o kaya Ice Cream?" Sunod-sunod na tanong ng di kilalang lalaki. Nagtataka man sila ay hindi na nito tinanong pa ang lalaki dahil gutom na rin sila kaya pumayag agad ang lahat, "I like Candies!" bibong sabi ni Ruby "Cupcake nalang sa akin" sabi naman ni Danielle "Me too." sabi naman ni Jeo "I like chocolate" nakangiting sabi ni Anna "Ok sige wait lng mga bata ha" sabi ng lalaki Binuksan nito ang kanyang itim na bag at Binigyan nga niya ang mga bata ng mga pagkaing gusto nila. Tuwang tuwa naman silang lahat.... "Salamat po Mr.?" "Mr. Halloween nalang." nakangiting sabi ng lalaki "Ok po! Salamat Mr. Halloween" sabay sabay na sabi ng magkakaibigan at sabay sabay din nilang kinain ang mga pagkaing ibinigay sa kanila. Medyo nawiwierduhan lang sila sa lasa dahil parang ang pakla minsan at mapait, yung iba nman ay matamis nga at maalat kaya hindi nila naubos..at itinapon nlng sa basurahan... "Anna... Anong problema? Narinig ka naming sumisigaw ah." nagaalalang sabi ng nanay ni Anna. "Wala po yun mama natakot lng po ako kay Mr. Halloween" sagot nito "Mr.Halloween?" nagtatakang tanong ni mama ni Anna "Opo siya po oh--" at nagulat sila nang makitang wala na sa harap nila si Mr. Halloween. "Saan napunta si Mr. Halloween?" nagtatakang sabi Anna "I don't know?" sagot ni Danielle "That Mr. Halloween is so weird." sabi ni Jeo "Yeah, but he's kind. Remember, he gave as chocolates and candies?" sabi naman ni Ruby "ang papangit naman ng lasa" kontra naman ni Jeo "Tra na guys balik na tayu sa party" yaya ni Anna "Oo nga pala Anna nasan si Rhoden?" tanong ng mama niya "Hinahanap nga rin po namin eh. Akala ko po kumain lang sa loob?"sagot ni Anna "Wala siya sa loob eh, hinahanap pa naman siya ng tatay niya." "baka umuwi na po." suhesyon ni Jeo "Siguro nga." ******* Ilang oras ng nawawala si Rhoden kaya nag alala na ng husto ang lahat lalong lalo na ang tatay nito. Tapos na rin ang Halloween party kaya nagsiuwian na ang iba. "Nasaan na kaya si Rhoden." malungkot na sabi ng tatay nito. "Ang mabuti pa po Cap puntahan niyo muna sa bahay niyo, baka umuwi na ng mag isa, kung wala pa din tatawag na tayu ng pulis." suhesyon ng nanay ni Anna "Mabuti pa nga siguro." Nagsiuwian na nga ang lahat upang pagpahinga na ngunit isa isa na pala silang pinagmamatyagan ng isang lalaki. ******** -Habang pauwi sila Jeo- Naglalakad pauwi si Jeo kasama ang mama niya ng makaramdam siya ng tawag ng kalikasan. "Mom wiwi lang ako mauna na po kayo sa paglalakad." "Sige anak bilisan mo." "Yes po!" Humanap ng mataas na puno si Jeo na pwedeng pagtaguan at doon umihi. Patapos na siya noon ng may mapansin siya anino. "Sino yan?" tanong nito ngunit walang sumagot. Sinara na ni Jeo ang zipper niya at nagpatuloy sa paglakad ng makaramdam siya ng pagkahilo. Parang umiikot ang paningin niya. "M-Mama.." paos na sabi ni Jeo dahil hindi rin siya nakapagsalita ng maayos. Ilang sandali pa ang nahimatay na ito at bumulagta sa daan. Isang lalaki ang lumapit sa katawan ni Jeo at binuhat ito papalayo. ****** "Jeo?!" sigaw ng nanay nito ng mapansing tila natatagalan sa pag ihi ang anak. "Jeo asan ka?" muling sigaw nito Napansin ng kanyang ina na parang may naapakan siya. Isang reading glasses. "Kay Jeo ito ah?" Agad na kinabahan ang ina ni Jeo "Jusko po JEO!!!" ****** -Sa bahay nila Ruby- "Baby stop eating candies na nakakasama yan sa teeth." saway ng mommy ni Ruby "But mom i love this candies. It's all red and i love red" nakangiti nitong sabi "OK but brush your teeth after you eat ha." paalala ng ina nito "Yes Mom!" "Good Girl!" *Ring Ring* "Wait lang baby may tumatawag kay Mommy ha." "Ok po." Agad na lumabas ng pintuan ang ina ni Ruby upang kausapin ang tumatawag sa kanya. Naiwan mag isa si Ruby sa sala at patuloy pa rin ang pagkain ng candy na ibinigay sa kanya. Paubos na ang candies niya nang makarinig siya ng isang sutsot *Pssstt* "Who's there?" tanong nito *Pssst!* "Hey! Who's There? Your freaking me out." Biglang may naghagis ng candy sa may bintana nila. Dahan dahang nilapitan iyon ni Ruby. "Wow a red candy!" manghang sabi nito sabay bukas ng candy at kinain muli Meron pang isang candy na tumapon sa bintana nila kaya pinulot muli niya ito. Sunod sunod ang pagtapon na candy sa bintana nila at aliw na aliw naman sa pagpulot si Ruby. Ang iba ang nilalagay niya sa bulsa at damit niya. Napansin ni Ruby na may isa pang candy sa bintana mismo kaya kumuha siya ng umupuan at kinuha ang candy. "Got You! another red candy" sambit nito Pagharap niya sa bintana... Isang nakakatakot na pamilyar na lalaki ang tumambad sa kanya.... "AAAAHHHH!" hinablot nito palabas si Ruby hanggang sa makalayo. ******** "Oh mareng Nicole napatawag ka?" tanong ng nanay ni Ruby [Mare...*huhuhu* mare si Jeo nawawala..] "ANO papanong nawawala eh diba sabay kayong umuwi?" [Oo nga kaso umihi lang saglit si Jeo tapos bigla nalang siyang nawala. Mare tulungan mo ako. *huhuhu] "Baka bumalik kala Anna. Baka may naiwan doon?" [*Huhuhu* mare tulungan mo ko hanapin si Jeo*] "O sige sige hintayin mo ako at pupu----" "AAAAAHHHH!!!!" "RUBY?" [Mare bat sumigaw si Ruby] "Saglit lang mare pupuntahan ko lng sa loob si Ruby ha." [Sige sige] Pumasok nga sa loob ng bahay ang nanay ni Ruby at nakitang nagkalat doon ang mga candies ng anak. Mas marami ang candies sa may bukas na bintana kaya naman kinabahan na ang nanay nito. "RUBY!" ***** -----Sa bahay nila Danielle------- "Mommy! Mommy! I need to poop help me get to the bathroom." sabi ni Danielle habang niyuyugyog ang ina sa kama. "Baby, do it on your own big boy kana diba?" inaantok na sabi naman ng kanyang ina. "But Mommy I'm scared." malungkot na sabi ni Danielle "Pagod si Mommy eh ang kulit mo kasi kanina sa Halloween party , kaya baby ikaw nalang pumunta sa CR Ok?" "But Mom." reklamo muli ni Danielle "OK sige I'll just open the light on the bathroom then I'll go back to sleep na OK?" "OK!" Pumunta nga ang mag-ina sa Cr at binuksan lang ng nanay ni Danielle ang ilaw at bumalik agad ito sa kwarto nila. Naiwan si Danielle sa CR, Sa edad nitong 10 taong gulang ay matatakutin pa din ito. Sa di malamang dahilan ay bigla nalng kasing sumakit ang tiyan nito sanhi marahil ng isang cupcake na ibinigay sa kanya ng di kilalang lalaki. Ang natatandaan niya lang ay Mr. Halloween ang ibinigay nitong pangalan. Nasa kalagitnaan siya ng pagdumi ng biglang may kumalabog "Who's there?!" sigaw ni Danielle Medyo kinabahan si Danielle dahil wala naman silang alagang aso o pusa at silang dalawa lang ng mommy niya ang nasa bahay nila. Ipinagsawalang bahala na lamang ito ng at muling ibinaling ang atensyon sa pag alala sa huli niyang kinain. Sa una palang kasi ay nawiwirduhan na si Danielle sa kulay ng cupcake na kinain niya dahil pulang pula ito. Kakulay ng dugo. Noong tinikman niya ito ay weird din ang lasa. Parang may konting karne sa laman ng cupcake. Kinagatan niya muli ito upang siguruhing meron nga itong karne at hindi nga siya nagkamali. Niluwa niya ito at itinapon na lamang sa basurahan ang cupcake. "Ang pangit ng lasa! Pwe!" sambit nito. Matapos noon ay sumakit ang tiyan niya hanggang sa makauwi sila. Patapos na si Danielle sa pagdumi ng makarinig muli siya ng kalabog. "Hey! Who's there?! Are you a thief?! I'm gonna call a police?" sigaw nito pero walang sumagot Hinayaan na lamang niya ito at agad na naglinis sa sarili. Maingat na lumabas ng Cr si Danielle habang pinagmamasdan ang paligid dahil baka may ibang tao pa sa bahay nila maliban sa kanilang mag ina. Hakbang... Hakbang... At kumaripas ng takbo agad papunta sa kwarto... Nagtalukbong ng kumot at bakas ang pagkatakot... Doon lamang siya nakahinga ng maluwag... "Yung ilaw Sh*T" na alala niyang nakalimutan niyang isara ang ilaw sa CR kaya inis na inis siyang bumalik sa CR Muli ay hinay-hinay siyang bumaba at pumunta sa CR upang patayin ang ilaw... Isang anino ang dumaan sa kanyang likuran.. Ngunit hinyaan niya lamang ito... Sa pagpatay niya ng ilaw ang siya ring pagkawala ng kanyang malay.. ********** --Sa kwarto ng mga magulang ni Anna-- "Haist... Sana mahanap na ni Cap yung anak niya noh?" pagbubuntong hininga ng nanay ni Anna habang nakasilip sa bintana. "Honey mahahanap din nila si Rhoden kaya tara matulog na tayo." sabi naman ng asawa nito Pahiga na sana ng kama ang mommy ni Anna ng may mapansing siyang lalaki na may buhat buhat na babaeng bata. Kilala niya ang batang ito. "Anna?" "Anu yun honey?" tanong ng asawa nito "Hon si Anna tignan mo nga sa kwarto kung natutulog na talaga" utos ng nanay ni Anna "Tulog na si Anna hon kanina pa." "TINGNAN MO NGA!" sigaw ng mommy ni Anna "OK fine!" pumunta nga ang tatay ni Anna sa kwarto nito at napansin ngang wala si Anna at magulo na ang kwarto niya at sinira ang bintana at pinto nila. Dali daling bumalik sa kwarto nila ang tatay ni Anna agad na dial sa telepono para tumawag ng pulis. "Ano honey nakita mo ba si Anna.?" tanong ng mommy ni Anna "Hon... Nawawala nga si Anna" Halos pagsukluban ng langit at lupa ang mukha ng nanay ni Anna. "Ang ANAK KO" at humagulgol na ang mommy ni Anna ng tuluyan ********* Samantala.... "Kayong Lima bata ang iaalay ko ngayong taon HAHAHAHA." sambit ng lalaki habang pinagmamasdan ang limang bata na nakatali at nakahiga sa maliliit na lamesa. ********* "Ummm nasan ako?" tanong ni Rhoden sa sarili ng mapansin hindi siya pamilyar sa lugar kung nasaan siya. Tatayo sana siya ng mapansing nakatali pala siya. "Teka ano toh? Tulong! Tulong pakawalan niyo ako dito." sigaw ni Rhoden. "Kamusta bata.." Halos manlaki ang mata ni Rhoden ng makita ang lalaking naka costume ng frankenstein. Yun din kasi ang parehong lalaki na nakita niyang nagbibigay ng chocolate. "Anong kailangan mo? Nagkamali ka lang po siguro ng kinuhang bata. Kinuha ko lang yung chocolate sa bata.Pakawalan niyo po ako" pagpapaliwanag nito "Oo nga dun nga sa isang bata ko binigay yung tsokolate pero kinuha mo na diba. Kahit sinong bata basta mahulog sa patibong ko ay siyang biktima ko," "Parang awa niyo na po pakawalan niyo ako," pagmamakaawa ni Rhoden pero tinalikuran lang siya ng lalaki habang tumatawa. inilibot ni Rhoden ang paningin nyo. Para siyang nasa isang factory ng candies. Napansin niyang naroon din ang mga kaibigan niya. Walang malay rin na nakahiga. "Danielle!!! Anna!! Ruby!!! Jeo!! Gumising kayo!" sigaw ni Rhoden Naalimpungatan naman agad ang magkakaibigan at agad na nagtaka kung bakit nakatali sila. "Nasaa tayo?" sambit ni Jeo "Uggh! Bakit nakatali tayo.. Ano bang nangyayari!" tanong ni Danielle "Mommy! Mommy!" iyak ni Ruby "Bakit tayo nandidito" takot naman na sambit ni Anna Biglang dumating ang lalaki ang bahagyang ikinagulat ng mapansing gising na pala lahat ng biktima niya. "Gising na pala kayong lahat... Tamang tama...Uumpisahan na natin ang pag aalay,," nakangisi nitong sabi Kinabahan naman ang magkakaibigan sa tinuran ng lalaki. ************************ -Sa Police Station- "Ang anak ko huuhuhuh," halos hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak ang ina ni Anna "Jeo asan ka huhuhu,,," ganun din ang nanay ni Jeo "Please mamang pulis tulungan niyo kaming hanapin ang mga anak namin. Kung kailangan ng ransom para mabawi namin sila magbabayad kami kahit magkano." pagsusumamo naman ni tatay ni Rhoden "kumalma lang po muna tayo.. hindi natin alam kung kidnap for ransom nga ang kaso ng mga anak niyo dahil wala pa tayong tawag na natatanggap. Kasalukuyan na pong kumikilos ang mga kasamahan ko para hanapin ang kumuha sa mga anak niyo," ********************* "AAAHHHHHH!" sigaw ni Rhoden ng pinaso at inukit sa katawan niya ang simbolo ng bituin ng mga demonyo. May mga sinasambit din na orasyon ang lalaki habang ginagawa iyon, Lahat sila may ganoong simbolo na inukit ng lalaki sa mga likod nila. Halos iyak lang ng iyak ang mga bata. "Panginoong Abalamh! Tanggapin mo ang Limang batang alay ko ngayong taon!" dasal ng lalaki Kinuha ng lalaki ang bagong kulong tubig sa malaking kaldero at itinapon sa lumang bathtub. Kinuha niya si Rhoden at inilublob sa bagong kulong tubig Sigaw ng sigaw si Rhoden sa sakit at halos hindi magkamayaw sa pagkalapnos ng kanyang balat. "Ahhhh! Aarrraayyy!! Papa tulong Ahhhhh!" sigaw nito na halos malapnos lahat ng balat niya at mamula sa sobrang init ng tubig. Halos manginig at bumabalikwas pa ito pero ilang sandali pa ay nawalan na ng buhay ang bata, "Ang unang alay.." sambit ng lalaki Sinunod niya si Jeo Binalatan ng lalaki ang mukha ni Jeo at tinuklap ang balat sa mukha. Nagpupumiglas at sumisigaw lamang si Jeo ngunit wala siyang magawa Noong matapos ang lalaki ay kinuha nito ang dalawang mata ni Jeo at inilublob sa kumukulong kawa ng tsokolate. Hindi pa siya natapos at maging ang mga daliri sa kamay at paa ni Jeo ay pinutol putol niya at ibinabad din sa tsokolate, Patay na si Jeo ng tantanan ni Mr. Halloween "Ang ikalawa kong alay..." sambit nito na para bang nagdadasal Isinunod agad niya si Ruby Parang baboy na ginilitan muna sa leeg ang bata hanggang sa maubusan ng dugo. Idinilig sa sahig ang dugo ni Ruby na inukit ni Mr. Halloween ang mga simbolo ng demonyo. Matapos noon ay inilagay sa gitna ang katawan ni Ruby at pinutol ang ulo, dalawang kamay at dalawang paa upang ipag hiwahiwalay at muling nagdasal,,, "Ang ika'tlo kong alay,,," Kinakabahan na si Danielle at Anna dahil isa sa kanila ang maaring isunod ni Mr. Halloween kaya naman nagisip sila ng plano.. "Anna,, gagawa ako ng paraan para makatakas tayo.. pangako hindi tayo mapapatay ni Mr. Halloween" Hindi na nakasagot si Anna dahil takot na takot na rin ito. *************** -Sa Police Station- "Magdasal kayo na sana hindi pa pinapatay ang anak nioy" sambit ng di kilalang matandang babae Nagtaka ang lahat si tinuran ng matandang babae "Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ng nanay ni Anna "Tuwing katapusan ng oktobre hanggang unang linggo ng nobyembre may inaalay na bata sa isang malapit na factory dito. Isang baliw na lalaki na namimigay ng kahit anung matatamis na pagkain ang kumukuha sa kanila. Naniniwala ang lalaki na iyon na sa tulong nang nabasa niyang orasyon ay mapapayaman at magkakaroon siya ng mahabang buhay kapag mag aalay siya ng mga bata. At tuwing sa araw ng mga patay niya ito gagawin " "Diyos ko po ang mga anak natin.." kinakabahang sabi ng nanay ni Jeo ***************** Sinunod nga na iaalay si Danielle... Ngunit noong tinanggal ang pagkakatali sa kanya ay agad na kinagat ni Danielle ang kamay ni Mr. Halloween "Aray!! Pesteng bata ka!" Tumakbo papalayo si Danielle at nagtago "Lumabas ka na! kahit saan ka mag tago wala kang kawala!" sigaw ni Mr. Halloween Nagaabang lang si Danielle sa paglapit ni Mr. Halloween. nakakuha na ng kahoy si Danielle na ipang hahampas kay Mr. Halloween kaya noong saktong nasa harap na niya ang kalaban Buong lakas niay itong hinampas at natumba si Mr. Halloween sa Bath tub kung saan pinatay si Rhoden. "AHHHHHH!" sigaw ni Mr. Halloween dahil mainit pa ang tubig at nakakapaso parin. Tumakbo agad paputa kay Anna si Danielle upang tulungan ang kaibigan. Kinalagan niya ang pagkakatali dito gamit ang kutsilyo. "Ligtas na tayo Anna tara umalis na tayo----" Naputol sa pagsasalita si Danielle Halos nakadilat ang mata ni Danielle habang umaagos ang dugo sa bibig nito dahil tinuhog siya ng matalim na tubo ni Mr. Halloween "AHHHHH!"Sigaw ni Anna at tumakbo Idiniin pa ni Mr. Halloween ang pagkakatuhog kay Danielle hanggang sa mamatay. Bagamat lapnos ang balat at halos pulang pula na sa dugo at nanghihina na rin nakapagdasal pa rin ito sinabing... "Ang ika-apat kong alay..." Takbo ng takbo si Anna dahil takot na takot... Sa mura nitong edad ay halos ika trauma niya ito dahil saksi siya pagkamatay ng mga kaibigan niya. Nakalabas siya sa factory at takbo pa rin ng takbo... Hindi alintana ang dilim ng daan at pagod ng katawan.. Nagpahinga ng bahagya si Anna sa malaking puno dahil sa sobrang pagod... Doon din siya umiyak ng umiyak... "Sorry Rhoden, Jeo, Danielle at Ruby wala akong nagawa,," at humagulgol sa iyak si Anna Biglang natigilan si Anna dahil may anino siyang napansin na papalapit sa kanya kaya naman tumakbo siyang muli.. "Kailangan mong mamatay bata ikaw na ang huling alay ko!" siagw ni Mr. Halloween Walang lingon lingon na tumnakbo si Anna hanggang sa makaabot sila sa dulo ng kagubatan kung saan may malalim na bangin.. "Wala ka ng matatakbuhan bata,," sambit ng duguang lalaki sa harap niya... "Parang awa mo na po wag niyo kong patayin,.." pagmamakaawa ni Anna "Kailangang matapos ang ritwal kaya kailangan kitang mapatay!" agad na sinugod ni Mr. Halloween si Anna "Hindi mo ako mapapatay!" sigaw ni Anna at sabay hawak ni Anna sa braso ni Mr. Halloween at talon sa bangin.. Sabay na nawala sa lalim ng bangin ang katawan ni Anna at Mr. Halloween *********** Sa tulong ng matandang babae na dating nanay rin pala ng dating nabiktima ni Mr. Halloween Natagpuan na nga ang factory kung saan itinago ni Mr. Halloween ang mga bata. Huli na ang lahat ng makita nila ang kalunos lunos na pagkamatay ng kanilang mga anak. Ngunit ipinagtataka ng lahat kung bakit wala doon si Anna at si Mr. Halloween... Patuloy na pinaghahanap ang katawan ni Anna at Mr. Halloween ________________________________ Epilogue October 31 1 year after "Happy Halloween! Trick or Treat" sabay sabay sa sabi ng mga bata sa kanilang kinatok na bahay. Lumabas doon ang isang lalaki na naka Frankenstein na costume at nangisi itong humarap sa mga bata.. "Happy Halloween din mag bata gusto nyo bang pumasok muna sa loob para doon ko nalang ibigay ang candies nyo," sambit nito "Sige po.. Maraming salamat po Sir?" "Mr. Halloween nalang.." sambit nito habang nakangiti -End-


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page