MUNEQUITA (One Shot Story)
![](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_fd16db09f3c44e3bb8a3905421d7ac40.jpg/v1/fill/w_640,h_960,al_c,q_85,enc_auto/cb2b58_fd16db09f3c44e3bb8a3905421d7ac40.jpg)
"Shit!" Gulat na sabi ni Arnold nang makita ang bagong item sa counter. "Ano yan!?" "Manika po kuya." Nalilitong tugon ni Karen. Napakunot noo ang binata sa nakita, isang porcelain doll na may navy blue na bestida, smoky blue na nga ito sa kalumaan, kulot at mahaba ang brown na buhok nito at mayroon itong Parisien hat na terno sa damit. "Alam kong manika yan.." aniya sabay baling ng atensyon sa iba pang antique pieces sa counter. "..pero sino ang bibili ng lumang manika?" Nagsimulang mapaisip si Karen, nagkamali ba siya sa pagappraise ng Bisque doll na'to? Nagisip siyang mabuti bago sumagot sa takot na tuluyang mapagalitan. "Kuya, 18th century Bisque doll ito.." ani Karen ng buong tiwala sa sarili."..katangahan para sa isang may pinagaralang antique collector kung palalampasin niya ito." Napatingin si Arnold sa dalaga at ngumiti. "Kaya ikae ang kinuha konh assistant eh.." umikot.siya papasok ng counter at lumapit upang suriin ang item, "..may tiwala ako sa desisyon mo." Pinagmasdan niya ang lumang manika at pinagpag ang namumuong alikabok sa bestida nito. "Magkano?" Namangha ang may ari ng shop nang marinig ang selling price na binigay ni Karen. "30,000" "Talaga?! Aba, tiba tiba pala tayo dito ah." Pagpapatawa ni Arnold. "Kaya nga..", ngumiti si Karen na siyang lalong ikinaganda nito. "..ako na ang bahala kay Lucille." "Lucille?",nagtatakang tanong ni Arnold. "Oo, yun ang ipapangalan ko sa kanya." ani Karen sa di malamang dahilan sabay himas sa buhok ng manika. Nang makita iyon ni Arnold ay sinubukan niyang abutin ang kamay ng dalaga't sabayan ang paghimas subalit inilayo ito ni Karen. Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa shop. Walang customer ng Sabadong iyon at maaga pa'y makulimlim na ang panahon. Tila yata'y uulan. Agad na kumilos si Karen at inilipat ang manika sa wooden shelf upang burahin ang nakakailang na eksena. Tuluyang umulan ng hapong iyon, matapos silang maglinis at sumapit ang alas cinco ng hapo'y isinara na nila ang shop. Inihatid ni Arnold si Karen pauwi habang iniisip ang nangyari kanina at bagamat nagkekwento ang dalaga habang sila'y naglalakad, di ito pansin ni Arnold sapagkat abala siya sa nakakahalinang pabango ni Karen. Sinamantala niya at sinadyang bagalan ang paglalakad upang mas matagal makasama ang dalaga. Ngunit gaya ng kasabihan, ang lahat ng bagay ay may katapusan. "Dito na ako.", nakangiting paalam ng dalaga. Napuno ng di makakailang pagpipigil ang mga nagnanasang mata ni Arnold. "Shit!, bahala na." ang sabi niya sa sarili. Hanggang sa nangyari ang di inaasahan. "Kuya Arnold, teka! Ano bang ginagawa mo?" ani Karen subalit bago pa man siya pumiglas ay hinawakan siya nito sa magkabilang braso at isinandal sa pader na pumapagitan sa bintana at pintuan sa labas ng bahay. Tuluyang nilamon ng pagnanasa si Arnold. Pinaghahalikan niya si Karen sa leeg at dahan dahang bumaba sa dibdib. Naisip ng dalaga na sumigaw subalit naunahan ito ng takot na maeskandalo kaya, "Kuya Arnold, please 'wag." Huminto lamang ito nang marinig na bumukas ang screen door ng bahay. "O, naryan na pala kayo." Ani ng nanay ni Karen. "Ti.. tita inihatid ko lang si Karen." Namumutlang sabi ng binata. "O sige Karen, pumasok ka na at baka magabihan si Arnold sa daan." Nanginginig na tinitigan ni Karen ang binata. "Ngapala Arnold, aalis ako bukas papuntang probinsya.." wika ng nanay ni Karen. "..pwede mo bang samahan ang pinsan mo dito?" Medyo nawala ang kaba ng binata sa narinig, "Opo tita." agad na tugon ni Arnold sabay baling muli ng tingin sa dalagang di makapaniwala sa nangyayari. "Sige Karen, magkita na lang tayo bukas. Marahang sabi ng binata. Oo, mag second cousin sila pero hindi yon ang dahilan kaya nakapasok si Karen bilang assistant manager. Ang totoo nyan, matagal na siyanb pinagnanasaan ng nakatatandang pinsan. Umuwi si Arnold. Nagmamadaling siyang pumasok sa shop, konsensya't galit ang dumaloy sa kalamnan ng binata subalit ginapi rin ito ng matinding pagkagusto sa isang bagay na di nya makuha 一si Karen. "Shit!" Sigaw ng binata sabay tapon sa nadampot niyang pigurin. Di sinasadyang nasagi nito ang bisque doll sa shelf, nahulog ito kung kaya't nilapitan ito ni Arnold. Dahan dahan niya itong pinulot at nakitang nabasag ang mukha nito at ngayo'y may malaking butas kung saan dati'y nakapinta ang kaliwang mata nito. Napakunot noo ang binata sa sana'y 30,000 na item na iyon. Sayang ngunit lalo lang niya naalala ang nasayang na pagkakataon upang maangkin ang nakakalibog niyang pinsan. Tumungo siya sa trash can at inihulog ang manika. "Wala ka ng silbe.." ani Arnold. "..pero si Karen meron pa." Bukas, di na niya palalampasin ang pagkakataon, bukas kukunin niya ang matagal na niyang inaasam, bukas gagahasain niya si Karen. Natulog siya sa kwarto niya sa shop. Doon na rin siya tumira upang mabantayan ang mga mamahaling antique na siyang naging negosyo nito after college. Isang maliit na kwarto sa shop, di niya isinasara ang pinto at pinapatay ang ilaw sa pagtulog kaya kung titingnan mo ay maaaninag mo ang sari saring items mula sa labas ng bintana. Tahimik na ang gabi nang maalimpungatan ang binata sa pag patay-sindi ng ilaw sa kanyang silid. Bumangon siya para icheck ang switch na nasa tabi ng pintuan. Pinindot niya ito, OFF, ON, "Maayos naman." sabi niya sa sarili. Tiniyak niya muling maayos ang switch kaya, OFF, ON, OFF, ON "Maayos talaga." Babalik na sana siya sa kama nang, "Putang ina!" Nakita niyang nakaupo ang bisk doll doon, basag ang mukha at tumutulo ang dugo mula sa butas. Tahimik ang gabi at ang tanging narinig niya ay ang tawa ng isang bata na umalingawngaw sa buong kwarto. "Kumusta na Arnold?" Nang kinaumagahan, nagising si Karen sa ring ng cellphone at dahil mag aalas ocho na'y inakala niyang si Arnold ang tumatawag. Hindi niya ito sinagot dahil sa mga nangyari kahapon. Ang masama pa'y ihahabilin siya dito ng nanay niya ngayong araw. Natulala siya sandali bago mapansin na ang kaibigan niyang si Elaine ang tumatawag. Naging close sila nito dahil katabi lamang ng antique shop ang bahay nito. Minabuti niyang sagutin ang phone at doon na niya nalaman ang balita. Makalipas ang 15 minutos ay nakarating siya sa shop at nakitang napapalibutan na ito ng mga pulis. "Sandali miss, hindi pwedeng pumasok." Ani ng isang nakauniporme. "Dito ako nagtatrabaho at pinsan ko ang nandyan sa loob." Pagpupumilit na tulak ni Karen hanggang sa nakapasok siya dirediretso sa kwarto. Nanlumo siya nang makita si Arnold na wala ng buhay at puno ng dugo ang mukha mula sa pagkakalukit ng mata nito. Nakahandusay sa sahig si Arnold katabi ang manika na puno ng dugo ang ulo at kamay. "Kuya Arnold.." bulong ni Karen sa sarili, tila'y di siya makapaniwala sa sinapit ng pinsan ngunit may parte ng isip niya na nagsasabing "Mabuti na lang at patay na siya.", halos mabingi ang kanyang isip sa mga katagang ito na tila nangagaling ang idea mula sa manikang nasa sahig. "Sir, pwede bang kunin ko na lang ang manika?" Anito sa isang pulis. "Sige, tutal robbery with homicide ito. Condolence sayo miss." Narinig yon ng manika, narinig yon ni Lucille, na siyang ikinatuwa niya. Ikinatuwa niyang napatay niya si Arnold at ngayo'y mapupunta na siya kay Karen. Napangiti ang duguang mukha ng manika at maririnig ang pagbibitak ng babasaging pisngi nito. "Kareeeen." *makalipas ang ilang buwan, inuwi na lamang ni Karen si Lucille na siyang ibinigay ng ama ni Arnold sa kanya bilang tanda ng pagiging maalagaing niyang pinsan sa nagiisang anak nito. Nilinis niya ito at nilabhan ang mga suot na damit. Napansin niyang bagamat buo ang ulo nito'y mayroon itong mga crack marks sa kaliwang mata. Ngayon pa lamang niya nilinisan ang bisk doll at nang matangal niya ang damit ay tumambad ang pangalang Lucille na nakaimprenta sa likod nito. Ang pangalang ibinigay niya sa manika na ngayon pa lamang niya nakita. O ngayon palamang ba niya ito nakita? Napatigil siya sa pagsasabon at naihulog ang manika sa planggana ng may marinig siya na muling bumubulong sa kanyang isipan, "Kareeen." WAKAS