HANDPRINTS (One Shot Story)
- Written by Shay Na
- Nov 13, 2015
- 3 min read

Isang araw, lumabas ang magkasintahang Lou at Ella upang magdate. 1st year anniversary na kasi ng relasyon nila. Gusto nilang dalawa, na gawin ito sa isang private place to make it more romantic. Kaya naisipan nilang pumunta sa isang bundok, kung saan kilala itong good spot for young couples. A few hours later, nagsimula ng dumilim ang buong paligid hudyat na papalubog na ang araw at magagabi na. Naghanda na silang dalawa, para umuwi. Habang nagmamaneho si Lou, napansin niyang tila iba na ang direksyong tinatahak nila, and found themeselves on the road they weren't familiar with. Medyo madilim na ang daan, kaya hindi na talaga nila alam kung saan na sila naroroon. Ipinagpatuloy na lamang ni Lou ang pagmamaneho, until they found out that they were infront of the tunnel. Hindi nila ito nadaanan kanina, kaya nakaramdam ka agad ng takot si Ella. Pero wala na silang magagawa, maaaring ito na lamang ang pwedeng daanan patungong highway kung saan una silang dumaan. Bumuntong hininga si Lou, before he slowly drove into the tunnel. BANG! As soon as the darkness enveloped the car, isang malakas na hampas ang tumama sa rear window ng kotse nila. Napabalikwas ang dalaga, at nilingon ang likurang bahagi ng sasakyan, to see what it was pero wala siyang nakita na kahit ano. Wala namang ibang sasakyan na dumadaan do'n, maliban sa kanila. As far as she could tell, sila lang talaga ang bukod tanging nagmamaneho sa loob ng tunnel na 'yon. Dahil sa nangyari, binilisan ni Lou ang kanyang pagmamaneho para agad silang makalabas doon. BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! Lalo silang nabahala ng marinig ang parami ng paraming hampas sa rear window ng sasakyan nila. They started to freak out, dahil sa hindi maintindihang takot at ingay na iyon. Lou, pressed his foot harder on the gas pedal. Pareho na nilang gustong makalabas sa nakakatakot na lugar na iyon. Pakiramdam ng dalawa, parang walang katapusan ang binabaybay nilang tunnel, dahil matagal bago sila makalabas hanggang sa wakas, they found their way to a small gas station on the side of the round. Itinigil nila ang kotse doon, at lumabas muna sandali para guminhawa naman ang kanilang pakiramdam. Just as they were getting ready to get back in the car, napansin ni Ella na tila may mga iba't-ibang hugis at sukat na marka ng mga kamay na nasa buong bintana ng kanilang sasakyan. Nanginginig man sa takot at pagtataka, tinawag nila at pinakiusapan ang lalakeng nagtatrabaho sa gas station na iyon, na kung pwede ay linisan muna niya ang kanilang kotse at babayaran din naman nila ang serbesyo nito. Agad ginawa ng lalake ang ipinakiusap sa kanya. He wiped and scrubbed the window, habang ang dalawa ay abot langit na ang nararamdamang pagkagimbal. Ipinagpatuloy parin ng lalake ang paglilinis ng bintana ng kotse nila. When he finished all of the windows, tiningnan niya ang magkabilang bintana nito kung naalis na ba ang marka ng mga kamay, pero laking pagtataka ng lalake na hindi man lang ito nalinis ng husto, kahit pa kanina pa niya kinukuskos ang bintana. Napailing siya at pinuntahan ang dalawa sa front seat. Kinatok niya ang nakasarang bintana nito at sinabing... "Sorry po Sir, Maam. Pero sa tingin ko nasa loob pong bahagi ng bintana ng sasakyan niyo ang mga markang kamay na 'yan." -End-
Comments