top of page

ANG MISTERYO NG PANULAT (One Shot Story)


Sa hirap ng buhay kailangan makipagsapalaran ang mag-amang si Julio at ng anak nitong si delphin, Lumuwas silang maynila upang doon na tumira at doon makapagsimula na ng bagong buhay sapagkat kakamatay lang ng asawa ni Julio, at nawalan din ng trabaho bilang isang writter sa isang malaking companya, sunod-sunod ang mga kamalasan ng kanyang pamilya dating nakakaahon sa buhay ngayon ay walang pero manaitabing kaunting ipon si Julio. Sa hindi inaasahan madaling nakahanap ng matitirahan si Julio, dahil sa halagang 100,000 ay nakabili siya ng magandang bahay, ngunit hindi naman masyadong kalakihan, pero meron second floor, at higit sa lahat ay mura. "Wow daddy, ang ganda naman ng bahay," sagot ni delphin "habang bitbit ang kanyang malaking bag." "Oo nga anak, sana naman ay suwertihin tayo sa bahay na ito." nakangiting sagot ni Julio. Nagtaka si Delphin dahil lahat ng kapitbahay nila ay nakatingin ng masama sa kanila na parang mangangain? "Daddy medyo iba ang pakiramdam ko sa mga kapitbahay," nanginginig na sabi ni delphin. "Ano kaba syempre nanibago ka lang kasi sa dati natin tirahan, at ang laki-laki mo na takot ka parin! ikaw umayos ka delphin 20yrsold kana," galit na sabi ni Julio habang papalapit na sa bahay para pumasok. "Wait lang po daddy." sagot ni Delphin habang sinusundan ang kanyang ama. "oh anak tulungan mo akong maglinis," sagot ni Julio habang inabot ang walis kay Delphin. "ayoko!! kumuha na lang kasi tayo ng maids?" pilosopong sagot ni Delphin." "hindi na tayo mayaman, tandaan mo marami akong utang at wala pa akong nahahanap na trabaho." sagot ni Julio. "akin na nga maglilinis ako sa kwarto ko sa 2ndfloor," sagot ni Delphin habang ang kanyang mukha ay nakabusangotp paakyat sa hagdan. "Maalikabok pa pala dito, pabulong na sabi ni Delphin. "delphinnnn!!!!!!!!!!! bibili lang ako ng pagkain natin para sa hapunan," sagot ni Julio. "Sigee po." sagot ni Delphin. sapaglilinis ng kwarto, meron napansin na kakaiba si Delphin dahil sa isang aparador? "Ano ito? tanong ni Delphin sa sarili. at dahan-dahan niyang binuksan ang aparador................ "AhHhHhHhHhHhH, ipissss pasigaw na sabi ni delphin at agad na isinara ang pinto ng aparador. Napakamot si Delphin sa ulo, kaya naman binuksan niya ulit iyon para tangalin ang mga alikabot. hindi nag laon natapos nadin ang paglilinis nya kaya naman nailagay niya na ang kanyang mga damit. Mayroon napansin si Delphin na meron maliit na buksanan sa ibaba ng aparador at agad niya itong tinignan para malaman ang laman ng sikreta na iyon. "Ano itong box na kulay itim, maliit lang siya?" tanong ni Delphin sa sarili habang sinusuri ang box. sa box na itim mayroon nakalagay na word's ngunit hindi ito maintindihan ni Delphin, kung ano ang ibig sabihin ng nakaguhit sa ibabaw ng box. "Ano??? De continuar, te mataré? tama ba pagkakabasa ko? pabulong na sabi ni Delphin. Nang dahan dahan buksan ni delphin ang box, biglang lumamig ang paligid ng kwarto ngunit wala naman hangin at inikot ni delphin ang kanyang mga mata sa paligid Biglang........ ............................. ......................... May Humawak sa kanyang balikat, at dahan dahan din humarap si delphin..................................... ... "Oh anak kain na," sagot ni Julio. "Kala ko naman multo??" sagot ni Delphin at isinara ang box. "Sige sunod nako," sagot ni Delphin habang inilapag ang box sa ibabaw ng study table. ------ Pagtapos maghapunan agad na pumuntang kwarto si Delphin at si Julio naman ay matutulog sa sofa. Agad na humiga sa kama si delphin dala na rin ng pagod dahil buong araw sila naglinis ng bahay, nagsalpak ng earphones sa kanyang taenga para agad itong makatulog. 3:00AM na ng gabi ngunit hindi makatulog si Delphin kahit na nakapikit gising naman ang kanyang diwa, kaya naman bumagon ito at tinanggal ang earphones sa kanyang taenga. Umupo si Delphin sa kanyang study table para tingan muli ang box, nang buksan niya ito nakita niya ang isang panulat na itim. "Mukhang bago pa ito, gagamitin ko na lang ito para gumawa ng novel," ngiting sabi ni Delphin. dahil sa kanyang ama, nahiligan niya rin ang pagsusulat ng novel. "Ngayon ko sisimulan," sagot ni Delphin "kumuha ng isang pad na papel at inilapag ito sa study table." First page palang si Delphin, biglang naramdaman niya ang antok, at biglang bumagsak ang kanyang ulo sa studytable. 6:00AM nagising si Julio at agad na nagluto ng breakfast. Nang matapos ito agad niyang pinuntahan si Delphin sa kwarto nito para ayain magbreakfast ngunit ang naabutan ni Julio ay tulog parin si Delphin, pero napansin ni Julio ang papel nito sa ibabaw at ikinuha ito, "300pages? sa isang araw? gulat na sabi ni Julio habang tinitignan ang papel na hawak. Habang binabasa nya ang sulat, sobrang natuwa siya dahil sa sobra ganda ng nobela. "Kaylangan itong mapublish dahil sa ganda ng novel," tuwang sabi ni Julio. Biglang nagising si Delphin. "Ano yun? bakit nandirito kayo sa kwarto ko? tanong ni Delphin habang nagpupunas ng muta sa mata. "Anak ikaw ba gumawa nito? tanong ni Julio sa anak habang ipinakita ang papel. "Opo pero hindi pa tapos yan first page pa nga lang ako eh," sagot ni Delphin. "Anong first page?? eh tapos mo na nga eh," Tuwang sabi ni Julio. "AaaA? ang tanging nasagot ni Delhin biglang napatingin sa study table at nakita niya ang panulat na ginamit. Hindi na nakapagsalita si Delphin. "Sige anak pupuntahan ko ang kakilala ko sa isang malaking companya dito sa manila, baka sakaling palarin ang novel na ito at maipublish." sagot ni Julio at agad na umalis. Kinuha ni Delphin ang Ballpen na itim sa study table. "Sana Suwerte ang dala mo samin," habang palabas sa kanyang kwarto. Lumipas ang 2 linggo, natawagan si Julio at agad napublish ang novel na isinulat ni Delphin, ngunit si delphin ay walang kaalam- alam sa kanyang ginawa. Hindi nag laon naging top selling ang novel na ipinublish ni julio. dahil doon inutusan niya panggumawa ulit si Delphin ng Story. "Delphin kailangan mong gumawa ng new story," sagot ni Julio. Agad na pumuntang study table si Delphin at kinuha ang mahiwagan ballpen. Habang hawak niya ito biglang lumihis ang tinta ng ballpen, at sa hindi inaasan nabitawaan ito ni delphin, at kusa na itong gumagalaw. "WTF!!???" ang tanging nasabi ni Delphin dahil sa sobra gulat nito At napatumba sa sahig. dahandahan inangat nya ang kayang ulo sa study table at mayroon nakasulat na "De continuar, te mataré ." Medyo, nagtaka siya dahil kapareho ang nakita niya sa box. "Ito yung nakasulat sa box!!" sagot ni Delphin. Agad na kinuha ni delphin ang kanyang laptop para malaman ang ibig sabihin ng nakasulat at agad niyang tinungo ang google translate, ngunit hindi nya alam ang lenguaheng iginamit sa box, kaya nagpost ito sa facebook ng Post:"anong lenguahe ito?" De continuar, te mataré .??" biglang may nag comment na "Parang Espanol? agad ulit tinungo ni delphin ang google translate............. ........................... ............................. At ang lumabas ay "Ikaw ang isusunod ko, papatayin kita!." Nanlaki ang mga mata ni Delphin at biglang sumara ang mga bintana at ang pinto. isinara ni Delphin ang kanyang laptop. tinignan niya ulit ang ballpen sa table ngunit hindi na ito nagsusulat ng kusa, kaya naman nilapitan ito ni Delphin. dahan dahan ang yabag ng kanyang mga paa ng papalapit na siya biglang tumasik ang ballpen sa kanyang mukha at natumba si Delphin. nagulat siya dahil biglang nakalagay na ito sa kanyang kanan kamay. "Hindi ko maialis?? bakit hindi ko maalis ito?" sagot ni Delphin habang sapilitang tinatanggal ang ballpen sa kanyang kanan kamay. Nagulat siya sa mga sumunod na nangyari, biglang nailapag ni delphin ang kaliwang kamay nito sa table at ang kanan naman ay dahan dahan papalapit sa kanyang kaliwang kamay para saksakin ito gamit ang ballpen na kanyang hawak. "Ahhhhhhhhhhh ang sakit....!!!" tanging na isagot ni Delphin dahil unti unti ng napapako ng ballpen ang kanyang kaliwang kamay. "AHHhHhHhHHhHhhHH ang sakittttttttttt.."! sagot ulit ni Delphin. Nagtaka naman si Julio sa kalampag na narinig sa itaas ng bahay kaya naman agad niya itong tinungo. TokTokTok katok ni Julio na may halong kaba dahil sa sigaw na naririnig sa loob ng kwarto ni Delphin. Biglang Bumukas ang pinto... "Delphin! anong nagyayari sa iyo bakit sinasaksak mo ang sarili mo?" tanong ni Julio sa anak. Biglang nanlisik ang mga mata ni Delphin na parang nasasapian, at agad na sinugod si Julio. Sa Sobrang takot ni Julio, tumakbo siya pababa ng hagdan at dahil sa sobrang pagmamadali ay nadulas siya at nalalag, nabali ang kanyang kanan paa at lumabas ang buto nito. "Awwwhhh," sagot ni Julio habang gumagapang papuntang pinto para makalabas ng bahay. Habang bumababa si Delphin ay nakangiti ito na tila wala sa katinuan... habang si Julio naman ay hirap tumakbo kaya agad siyang naabutan at pinagsasaksak ang kanyang likod gamit ang ballpen, hindi pa natapos dun, iniharap nito ang mukha niya at tinusok ang mga mata ni Julio, nagsitalsik ang dugo sa sahig, hindi pa nakuntento ay tinusok din ni delphin ang leeg ni Julio, sumirik ang dugo ni julio sa mukha ni delphin. Tanging tawa lang ni Delphin ang maririnig sa bahay. Hindi na naglaon bumalik sa katinuan si Delphin, nagulat siya sa kanyang nakita dahil ang kanyang ama ay nakalatay sa sahig at wala ng mata. "Daddy!!! daddy !! ." umiiyak na sabi ni Delphin. Napansin nya na hawak niya parin ang ballpen na pumatay sa kanyang ama, pumunta agad si Delphin sa kusina para kumuha ng kutsilyo. "Ito na lang ang tanging solusyon," sagot ni Delphin habang hawak ang matulis na kutsilyo. pinuputol ni Delphin ng dahan dahan ang kanyang kanan kamay, tanging sigaw lang ang maririnig sa buong bahay. "AHgHgghhhhh aAaHaaaaaahhh." sigaw ni Delphin. Biglang nandilim ang paningin nito dahil putol na ang kanyang kanang kamay. dahil dito nabitawan niya ang kutsilyong hawak, at dahan dahan bumagsak sa sahig si Delphin. Lumipas ang isang oras, dumilat ang mga mata ni Delphin at agad na tumayo, naramdaman niya na parang mayhawak siya sa kanyang kaliwang kamay. "Oh SH*TTT!! " gulat na sabi ni Delphin. dahil ang ballpen ay lumipat sa kanyang kaliwang kamay. "Hindi ko na ito mapuputol dahil ang kanan kamay ko ay putol na!!." sagot ni Delphin habang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. biglang bumulusok ang ballpen sa kanyang mga mata at tumalsik ang dugo. "Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaah..."sigaw ni Delphin. "Wala akong makita? ang dilim??" wika ni Delphin habang kinakapa ang paligid nya, at ang sahig dahil dito nakapa niya ang kutsilyong nabitawan niya. "Wala na akong magagawa kaya naman ito na lang ang gagawin ko patawarin nyo po ako panginoon." Sigaw na sabi ni Delphin at hiniwa niya ang kanyang leeg. Sumirit ang dugo, at dahan dahan bumagsak sa sahig si Delphin. Walong oras ang nakalipas nagdatingan ang pulis at soco, pero sa pag iimbistiga nila hindi parin matukoy kung sino ang pumatay at ano ang ginamit sa pagpatay sa mag ama, naging isang malaking misteryo ang pagpaslang sa mag ama. Isang malaking misteryo ang Novel na ginawa ni Delphin, dahil ipinublish ito sa buong Pilipinas, marami ang mga nakabasa nito pero nabaliw, nagpakamatay, at namatay ang mga nakakabasa nito kaya't itinigil na ang pagpapublish ng companya. kaya kung ako sayo hindi ko babasahin ito at baka ikaw ang isunod ng Panulat. -----------------------------W------A------K------A------S---------------------------


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page