top of page

DREAM CATCHER (One Shot Story)


"Ok mom, love you. " Naka-hinga ako ng maluwang matapos ang mahaba naming pag-uusap ni Mama sa telepono. nasa harap ako ngayon ng binili kong two story house gamit ang inipon kong pera simula noong magkaroon ako ng trabaho. ito ring bahay na ito ang dahilan nang madalas naming pagtatalo mag-ina dahil sa ayaw ni Mama na bumukod ako ng bahay ngunit sadyang buo na ang desisyon ko dahil nais ko na talagang mamuhay ng naaayon sa nais ko. Pinag-masdan kong maigi ang bahay na binili ko at hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil sa loob ng limang taon ay may sarili na akong bahay. simple lang itong bahay hindi malaki at hindi rin maliit, sakto lamang para 'sakin. nabili ko ito sa isang buy and sell website sa murang halaga. full furnished na kaya di 'nako nag-dalawang isip pa. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agad ko itong nilibot hanggang sa mapad-pad ako sa isang basement kung saan matatagpuan ang iilan sa mga lumang gamit na itinambak dito ng dating may-ari ngunit ang mas umagaw sa atensyon ko ay ang isang kahon na may kulay pulang marka na bilog na may apat na krus sa loob na pinagdugtong-dugtong at sa loob ng apat na krus na pinag-dugtong ay may tatlo pang krus. " What's that ? " bulong ko sa sarili nang lapitan ko ang kahon. pinagpagan ko ang mga gabok sa ibabaw nito at may nakasulat ngunit 'di ko maintindihan dahil sa labis na kalumaan at mukhang ibang lengwahe din ito kaya di ko na tuluyang binasa pa. kinuha ko ang kahon at maingat na dinala sa kwarto ko. Pagka-dating ko sa kwarto ay nilapag ko ang kahon sa ibabaw ng kama at pinag-masdang maigi. hindi ko maipaliwanag ang bigat na nararamdaman ko sa kahon na ito ngunit namalayan ko na lamang ang sarili ko na binubuksan ito. walang 'sing bilis ang kabog ng dibdib ko at nanunuyot narin ang lalamunan ko. nang mabuksan ko ang kahon ay napupuno ito ng mga kulay pulang papel kaya naman muli akong huminga ng malalim at lakas loob na inalis ang mga kulay pulang papel. " Silly Cassie. " Panunuya ko sa aking sarili nang matanggal ko na ang mga pulang papel. natawa ako sa sarili ko nang maiangat ko ang Dream Catcher sa loob ng kahon. maganda ang Dream Catcher at hindi mukhang luma kaya naghanap ako sa loob ng kwarto ko ng mapag-sasabitan at dinala ako niyon sa may ulunan ng kama ko kung saan nakauki ang isang pako na parang matagal nang nandoon at inaantay lamang akong isabit ang Dream Catcher doon. ****** Alas-siete na ng gabi nang matapos ako sa paglilinis ng buong bahay at kumakain na lamang ako ng hapunan ngayon. humingi ako ng one week leave sa trabaho kaya matagal-tagal pa bago ako muling pumasok sa trabaho. pagkatapos mag-hapunan ay dumaretso na ako sa kwarto upang matulog. Sa kalagitnaan ng aking pag-tulog ay nakaramdam ako ng matinding init na para bang sinusunog ako at nang imulat ko ang mga mata ko ay may babaeng nakatayo sa paanan ng kama ko at tinititigan ako. sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawam ko. unti-unting ngumisi yung babae na animo'y natutuwang makita akong nahihirapang gumalaw. naglakad yung babae at umakyat sa ibabaw ng kama ko. "H-huwag! " Nauutal kong sambit nang biglang tumunog ang alarm clock at sa pagmulat ko nang mata ay umaga na. Napaupo ako at pilit hinabol ang bawat hiningang kumakawala sa baga ko. parang.. parang totoo na hindi ang napanaginipan ko dahil parang hindi pa ganoon katagal nang ako'y matulog. bangungot, oo tama bangungot nga iyon marahil dahil sa labis na pagod sa buong araw kong paglilinis kahapon. kinuha ko ang cellphone ko sa side table at tinext ang nakababata kong kapatid na si Dustin na pumunta dito upang tulungan ako sa mga mabibigat na trabaho. Matapos mag-text ay dumaretso na ako sa banyo upang maligo. nilublob ko ang katawan ko sa maligamgam na tubig ng bath tub. huminahon na ang kabog ng dib-dib ko kaya marahan kong pinikit ang mga mata ko upang mas lalong ma-relax ang katawan ko. " Papatayin ka niya. " Napapitlag ako nang may marinig akong tinig ng isang babae. umahon ako sa bath tub at binalot ang katawan ko ng tuyong tuwalya. muling nanumbalik ang kabog ng dib-dib ko. dahan-dahan akong naglakad palabas ng banyo bitbit ang kapirasong lakas ng loob na mayroon ako. "S-sino yan? " Sinubukan kong pakalmahin ang tinig ko ngunit halata parin ang labis na takot dahil sa pagka-utal ko. walang sumagot sa tanong ko kaya inalis ko na lamang sa isipan ko ang tinig na narinig ko at ang sinabi nito na sa tingin ko ay guni-guni ko lamang o parte parin ng panaginip ko kanina. Wala pang dalawang oras nang bumaba ako dito sa sala para mag-libang at hintayin ang kapatid ko nang makaramdam na agad ako ng pagod kahit nakaupo lamang ako. biglang bumigat ang mata ko na sinundan pa ng pag-hikab kaya dumaretso na lamang ako sa kwarto ko at binagsak ang sarili sa malambot na kama. tinignan ko ang oras at sa tingin ko ay masayado pang maaga ang alas-nuebe para mag-siesta pero di ko na talaga kayang pigilin ang antok. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang biglang tumunog ang telepono kaya kahit inaantok at tamad na tamad ay pinilit kong kumilos at agad nag-tungo sa hagdan pababa sa sala upang sagutin ang telepono ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang pababa ng hagdan ay agad ko nang natanaw si.. si Dustin na nakadapa sa sahig habang patuloy na naglalawa ang dugo nito sa sahig. nag-unahan sa pag-agos ang mga luha ko dahil sa nakikita ko. nanginginig at nanunuyot ang lalamunan ko kaya hindi ko magawang sumigaw. kinuyom ko ang mga kamay ko at patakbong tinungo ang walang buhay kong kapatid. "Dustin a-anong nangyari? " alam kong hindi na'ko masasagot pa ni Dustin pero pilit ko parin siyang niyuyugyog at umaasang gagalaw ito ngunit wala, wala na ang kapatid ko. natigilan ako nang muli nanamang tumunog ang telepono kaya patakbo akong nagtungo sa kinalalagyan nito at agad na sinagot. " H-hello, t-tulungan niyo~~~ Otomatikong natigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang tinig ng nasa kabilang linya. "Ate? anong nangyari? " Ani Dustin sa kabilang linya. nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. naghalo na ang luha at pawis ko sa katawan dahil sa labis na takot. nilingon ko ang lalaking nakadapa sa may likuran ko at nakita kong unti-unti na itong gumagalaw kahit pa halos sumirit na ang dugo nito mula sa tiyan. Nang makatayo ang duguang lalaki ay humarap ito sa akin at napatakip ako sa bibig nang makita kong wala siyang mukha. nag-umpisa ng maglakad ang lalaki palapit 'sakin bitbit ang napaka-laking kutsilyo kaya kahit nangangatog ay pinilit ko ang sarili kong tumakbo palayo palabas ng bahay ngunit nang marating ko ang pinto ay hindi ko ito mabuksan kahit anong pilit ay 'di talaga mabuksan kaya pilit akong naghanap ng mapagtataguan at wala akong makitang mapuntahan kundi ang kusina at ang banyo. Mabilis na tumakbo ako patungo sa kusina at kinuha ang kutsilyo. nilingon ko ang lalaki at marahan lang itong naglalakad palapit sa'kin kaya agad akong nagtungo sa banyo at nilock iyon. patuloy ang pag-agos ng luha ko kasabay ng mga pawis ko at sa labis na panlulumo ay napaupo ako sa basang sahig. " Shhh.. " Tumigil ang paghinga ko nang may magpaswit sa may gilid ko. kahit kabado ay nilingon ko kung sino ang nasa tabi ko at nakita kong isa itong batang babae na kagaya ko ay umiiyak at nakaupo sa sahig. " Malapit na siya. " Ani batang babae habang seryosong nakatingin 'sakin. magtatanong pa sana ako nang biglang tumagos ang kutsilyo mula sa labas ng banyo at tamaan ang bata mismo sa ulo nito dahilan para sumirit ang malapot nitong dugo 'sakin kaya agad kumawala ang napaka-lakas kong tili. nanginginig man sa takoy ay binuksan ko ang pinto at sinaksak ko ang lalaki sa leeg pero parang hindi nito ininda ang sakit ng pagkakasaksak ko kaya muli ay tumakbo ako palayo. Patumba-tumbang tumakbo ako patungo sa sala dahil sa dugong kumapit 'saking mga paa. nang marating ko ang sala ay natigilan ako dahil sa may isang babaeng duguang naka-bulagta sa couch habang ang leeg nito ay may malaking laslas. hindi ko kilala ang babae at hindi ko alam kung bakit nandito sila sa loob ng pamamahay ko pero isa lang ang maari kong gawin para malaman ang ibig sabihin ng kababalaghang ito. Nagtungo ako sa basement habang may pagkakataon pa ako. ginalugad ko lahat ng mga naka-tambak ngunit wala akong makitang makakapag-bigay ng liwanag sa mga nangyayari. kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak mula 'saking mga mata ngunit hindi nito mapigilan ang tindi ng panlulumong aking nararamdaman. gusto ko ng kasagutan, labis na akong nalilito sa mga nararanasan ko na sana ay panaginip na lam---Tama, oo nga maaaring isa lamang itong panaginip na kailangan ko na lamang gumising ngunit kung panaginip nga ito, paano ako magigising? kinuyom ko ang mga kamay ko. labis na akong nalilito. lalabas na sana ako ng basement nang mapansin ko ang isang kahon na may nakasulat na 'File'. kinuha ko ito at agad na binuksan. Puro kumpol ng Diyaryo ang laman ng kahon nang buksan ko ito. isa-isa kong binasa ang diyaryo at napansin ko na sa bawat diyaryo ay may lathala tungkol sa isang bahay at ang bahay ay itong bahay mismo. napag-alaman ko na ang bahay na ito ay tunay na pag-aari ng pamilyang Alvarez noong 1970 ngunit dahil sa napag-bintangan na mangkukulam ang ang may bahay na si Rita ay pinatay ito mismo ng asawang si Greg. napatakip ako ng aking bibig hindi lamang dahil sa napag-alaman ko tungkol sa pamilya kundi dahil sa bawat pamilyang lumilipat dito ay namamatay kaya marami ang nagsasabing haunted house daw ito. Nanlumo ako sa nabasa. hindi ako nananaginip. totoo ang lahat ng ito dahil kaluluwa na lamang lahat ng nakikita ko. ano bang dapat kong gawin upang matapos na ang lahat ng ito dahil napapagod na ako. muling kong kinalkal ang kahon at huli kong nakita ang isang kulay itim na voice recorder. hinawakan ko ng mahigpit ang voice recorder at saka pinindot ang play button. " Akala ko.. akala ko minumulto lang ako pero mali ako. walang kinalaman si Rita dito. hindi siya mangkukulam at lalong hindi siya nagmumulto. natatakot ako, hindi ko alam ang gagawin. kukunin na rin ako ni Charlie gaya ng mga naunang tumira dito ..... kung.. kung may makakarinig nito. may pakiusap ako sayo. sirain mo ang Dream Catcher. Demonyo ang may-ari ng Dream Catcher. kukunin niya ang kaluluwa mo at ikukulong sa mundong walang oras kung saan siya ang nagha------h-huwag.. Ahhh!!! " Nagtaasan lahat ng balahibo ko at halos hindi na ako makahinga dahil sa labis na kaba. tinignan ko ang oras sa wrist watch ko at hindi nga umaandar ang kamay ng relos. nanginginig na napayakap ako sa aking sarili. natatakot ako sa maaaring mangyari. patay naba ako? anong dapat kong gawin. yung Dream Catcher kailangan kong sirain. Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng basement at iluwa niyon ang matangkad na lalaking walang mukha. may hawak itong kutsilyo at mabilis na tumakbo papunta 'sakin kaya agad akong sumuot sa ilalim ng lamesa at gumapang palayo. sinira ng lalaking walang mukha ang lamesa at akmang sasaksakin ako buti na lamang at naibato ko sa kanya ang isang Figurine. nawala sa balanse ang lalaking walang mukha kaya agad akong tumakbo at itulak siya palayo kaya nang tumaob siya ay agad akong tumakas palabas ng basement. nagkalat ang mga bangkay ng kung sino-sino sa dinadaanan ko pero wala na akong pakialam dahil nangingibabaw 'sakin ang pagnanais na makaalis sa mundong ito at magising na lamang na nasa mundo na ako ng mga buhay. Mabilis kong inakyat ang hagdan nang marating ko ito ngunit nahawakan ng lalaking walang mukha ang paa ko kaya nadapa ako at maumpog sa baitang ng hagdan dahilan para ako'y mahilo ngunit saglit ko lamang ininda iyon at malakas na tinadyakan ang lalaking walang mukha kaya agad itong bumitaw at nakatakbo ako paakyat papunta sa kwarto. pagka-pasok ko sa loob ay buong lakas kong hinila ang Dream Catcher sa pinagsasabitan nito at sinira. Otomatikong nagmulat ang aking mga mata at pinag-masdan ang buong kwarto ko. alam kong nagising na ako mula sa panaginip na iyon kaya labis ang saya ko. huminga muna ako ng malalim bago tuluyang bumangon at lumabas ng kwarto. nasalubong ko si Dustin na paakyat dito sa ikalawang palapag na labis kong ikinatuwa ngunit 'di niya ako pinansin bagkus ay nilagpasan lang ako habang nagte-text sa cellphone niya. " Ate... " Rinig kong tawag 'sakin ni Dustin kaya napangiti ako bago siya harapin pero wala na siya sa likuran ko. naglakad akong muli pabalik ng kwarto ko kung saan nandoon si Dustin at.. at buhat buhat ang walang buhay kong katawan. "Ate, gumising ka. kailangan ka namin ni Mama. " Umiiyak na turan ni Dustin. walang humpay narin ang pag-agos ng luha ko. hindi maaaring patay na ako. hindi ito pwedeng mangyari. "Nahuli ka. napatay ka niya bago ka pa man magising kaya makukulong narin ang kaluluwa mo dito sa mundong walang oras kasama namin. " nilingon ko kung sino ang nagsalita sa likuran ko at nakita ko yung batang babae kanina sa banyo. wala na itong dugo at parang normal na bata na lamang. marahil ay napansin nito ang labis na kalituhan sa aking mukha kaya itinuro nito ang hagdan at doon kitang-kita ko ang katawan ko na nakahiga habang umaagos ang masaganang dugo mula sa aking ulo. hindi ako naniniwala sa aking nakita kaya tinignan ko ang sarili ko sa salaming nakadikit sa pader at doon ko nakita ang sarili kong repleksiyon na duguan at warak ang mukha. "Namatay ka nang matumba ka sa hagdan. napatay ka ni Charlie yan ang tawag namin sa lalaking walang mukha. Ang Dream Catcher ang nag-iisang daan niya para makapang-biktima at matagal narin bago ang huli dahil naisara na ito ng propeta ni Solomon pero binuksan mo ito at gaya ng dati. mambibiktima nanaman siya. " Ani ng bata. Nanlumo ako sa nalaman ko. ako ang may kasalanan dahil pinakialaman ko ang kahon at napakawalan ko si Charlie.lumuluhang pinag-masdan ko ang kwarto ko at wala na doon ang kapatid ko pati narin ang walang buhay kong katawang lupa. ang tanging naiwan doon ay ang Dream Catcher katabi ang walang mukhang si Charlie. tinignan ko ang relos ko at gaya ng inaasahan ko ay tumigil na ang pagtakbo nito dahil nandito na ako sa mundong walang oras kasama ang mga kaluluwang nakakulong dito. THE END


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page