top of page
Search

EL REGROSO DE MARIA (One Shot Story)

  • Written by Angelica Tuiza
  • Dec 3, 2015
  • 7 min read

(3rd Placer on UHS "Haunted Object" Writing Contest)

MASAYANG lumipat si Rachel sa kaniyang bagong bahay na binenta ng mga Morales sa kaniya, dahil bukod sa mura ito ay napagtanto nitong madami pa din pala ang kagamitan ang naiwan doon. Isa na doon ang tukador na siyang napagtuunan niya ng pansin. Sobrang napahanga siya dito dahil bukod sa pambihirang laki nito ay lubhang napakaganda nito. Masasabing may pagkaantigo ito pero hindi ito naging hadlang upang makita pa rin ang kagandahan nito. "El Regroso de Maria," sambit ni Rachel habang tinitignan ang mga nakaukit na letra sa antigong tukador. Sandaling iniwan niya ito at nag-umpisang maglinis ng bahay. Ala-siyete ng gabi ng mapansin ni Rachel na nakatulog pala siya. Kasalukuyan itong nakasalampak sa sofa na nasa sala. Habang mahimbing ito na natutulog ay isang malakas na kalabog ang nagpagising sa diwa niya. Nanggagaling ito sa isa sa mga silid hindi kalayuan sa kinalalagyan niya. Paulit ulit na kumakalabog, tila ba may ibang tao sa kaniyang tahanan ang naghahalungkat ng gamit na mananakaw. Kumuha siya ng baton at saka luminga linga sa paligid, takot at nanginginig na tinungo kung saan nanggaling ang ingay. Galing ito sa kwarto. "S-sino ka? L-lumayas ka dito! Kung hindi. P-pukpukin kita!" matapang na wika ni Rochel. Patuloy pa rin ang nilalang sa panggugulo sa loob ng kwarto, at rinig na rinig ito ni Rachel kahit siya'y nasa malayo pa lang. Humugot siya ng lakas sa pamamagitan ng pag-usal ng mumunting dasal at saka dahan dahang binuksan ang pinto. Laking gulat niya ng masaksihan ang magulong ayos ng kwarto ngunit walang tao. Lahat ng mga gamit doon ay nagkagulo-gulo. Halos masira pa nga ang ibang gamit na nasa loob ng kwarto niya. Nagpalinga linga siya upang hanapin niya ang nilalang na may gawa ng kaguluhang ito sa kaniyang tahanan ngunit bigo siyang makita ito. Nang makasiguradong wala talagang tao ay nagpasiya na siyang lisanin ang silid. Natigilan na lamang siya noong biglang lumakas ang ihip ng hangin kahit sarado naman ang lahat ng bintana. Nakarinig siya ng isang ungol. Ungol na nangagaling sa kaibuturan ng lupa na sa kalaunan ay palakas ng palakas hanggang ito'y umuungol na sa misong tenga niya. Dahil doon ay napabalikwas siya. Ang kaniyang paningin ay tumama sa mga hibla ng buhok na nasa bandang kanan niya kung kaya'y itinaas niya ang kaniyang paningin upang tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng buhok na iyon. Laking gulat na lamang niya ng makita niya ang isang babae na nakayakap sa kisame at nakatingin sa kaniya mula sa itaas. Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig, pakiramdam niya ay lumaki ang ulo niya ng isaan daang porsyento. Itim na itim ang balat nito animoy sinunog ng napakatagal na oras. Ang buong mata naman nito ay walang talukap. Ang leeg nito ay laslas na halos humiwalay na ang ulo mula sa leeg at sanhi ito upang bumagsak ang dugo nito sa mukha ng babae. Dahilan ito upang magdilim ang paningin niya at mawalan ng ulirat. KINAUMAGAHAN. Paggising ni Rachel ay sobrang sakit ng kaniyang ulo. Pakiramdam niya ay anumang oras ay mabibiyak iyon. Natagpuan niya ang kaniyang sarili na nakahiga sa naturang kama sa kaniyang silid. Biglang lumakas muli ang pintig ng kaniyang puso ng maalala ang nangyari kagabi, ngunit pagtingin niya sa kaniyang paligid ay sobrang maayos naman ito. Walang mababakas sa loob ang nangyrari kagabi. Maliban na lamang sa baril na nasa kaniyang tabi. "Totoo ba ang nangyari kagabi? Marahil, nanaginip lang ako," pagkibit balikat na wika ni Rachel sa sarili. Lumipas ang ilang araw ganoon at ganoon pa rin ang kaniyang napapanaginipan gabi gabi. Minsan pa ay habang nananalamin siya sa tukador ng kaniyang kwarto ay nahahagip niya ang isang babaeng nakatingin ng matalim sa kaniyang mata. Minsan naman ay nagiging bungo ang buong mukha niya. Bukod sa mga pangyayaring ito ay minsan ay nasasaktan na siya ng babae sa kaniyang panaginip na sanhi ng kaniyang mga pasa at sugat. Napagpasiyahan niyang itawag ito sa may-ari ng bahay na si Mr. Morales. Ilang tawag ang kaniyang ginawa ngunit walang Mr. Morales ang sumasagot sa kaniya. Noong una ay nag-riring pa ito ngunit ng kalaunan ay out of coverage na. "Shit!" inihagis ni Russel ang kaniyang telepono sa kama. Hindi na niya mawari ang kaniyang nararamdan sa mga oras na iyon. Halo-halong emosyon, ngunit nangingibabaw pa rin sa mga ito ang takot para sa kaniyang kaligtasan. Iniisip niya kung ano nanamang klaseng pagpapakita ang gagawin ng nilalang na iyon sa pagkagat ng dilim. Naisip niyang tawagan na lamang ang kaniyang medium na kaibigan na si Aimie at doon itanong ang lahat ng kababalaghan nangyayari dito. GABI. Habang inaantay ang kaniyang kaibigan sa sala ay nakarinig siya ng isang pamilyar na tunog. May kung anong nilalang nanaman na gumugulo ng kaniyang kwarto. Kinurot pa niya ang sarili niya upang malaman kung siya ay gising ba, o nananaginip lang. Sa pagkakataong iyon ay nakumbinsi niya ang kaniyang sarili na gising nga siya. Habang papalapit si Rachel ay papalakas ng papalakas ang kalabog ng mga kagamitan sa loob ng silid. Kasabay nito ang pagdagundong ng kaniyang buong pagkatao. Nanlalamig, ngunit walang ibang nagawa ang babae kung hindi ang sumunod sa awtomatikong paggalaw ng katawan niya. Tila ba may kung anong pwersa ang humihila sa kaniya upang lumapit sa kwarto. Nalimutan na rin niya ang tungkol sa kaniyang inaantay. Binuksan niya ang pinto, at hindi pa pala natatapos doon ang awtomatikong paggalaw niya. May kung anong pwersa ang humahalina sa kaniya patinungo sa naturang tukador na yumuyugyog. Mula sa pinto ay dahan dahang lumapit ang babae. Nang maihakbang niya ang kaniyang mga paa sa harap ng salamin ay tila nag-iba ang lugar na kaniyang kinatatayuan. Siya ngayon ay bumalik sa nakaraan sa katauhan ng babaeng si Maria. Gimbal itong tinitigan ang kaniyang buong katauhan sa tukador! Nakasuot ng isang napakahabang saya, at ang kaniyang paligid ay tila nag iba rin ng hitsura. Si Maria ang unang babaeng nagmamay-ari sa tukador na kaniya nang pagmamay-ari sa kasalukuyan. Mas lalo siyang nasindak ng mapansin niyang may pumasok na mga kalalakihan sa loob ng silid na iyon. Ang isang lalaki ay hinawakan ang buhok ni Rachel at itinilapon siya sa isang tabi. Habang hinalughog naman ni Artemio buong kabahayan. Tila naghahanap ng mananakaw. Kinulimbat nito ang mga alahas at muling binalikan ang lalaki na kaniyang kasama. "P-parang awa niyo na, h-hindi ako d-dapat andito." Bawat haplos na ginagawa sa kaniya ng lalaking iyon ay parang kutsilyo na humihiwa sa kaniyang balat. Walang nagawa siya kung hindi lumaban kahit may nakatutok na galok sa kaniyang leeg, at dahil doon ay aksidenteng nalaslas ng lalaki ang leeg ni Rachel. "P-pareng Bong! Anong ginawa mo?" gimbal na sigaw ni Artemio, "bakit mo siya pinatay!" "H-hindi ko sinasadya, n-nanlaban kasi pre," nanginginig na saad ni Bong. Bali at nalaslas nito ang leeg ng babae. Sa pagkagimbal ng dalawang lalaki ay pinira-piraso nito ang katawan ng babae at ipinagkasya sa loob ng tukador. Saka sinunog ang buong bahay. Naiwang hindi sunog ang tukador at walang kahit anong bakas ang krimen ang nangyari. Kahit ang katawan ng babae ay nawawala magpasahanggang ngayon. SAMANTALA kitang kita ni Aimie ang nangyayaring kababalaghan sa kaibigan. Bawat tilamsik ng dugo at paghiyaw ng kaniyang kaibigan ay talagang dumudurog sa kaniyang puso. Wala siyang nagawa para rito dahil lubhang napakalakas ang kaluluwa ni Maria na pumipigil sa kaniya. Sa sobrang pagngangalit at poot na nabuo sa puso ni Maria ay maihahalintulad mo ito sa isang poltergeist. Kung saan ang mga kaluluwang ito ay maihahambing sa mapanlinlang na demonyo, nakakapanakit sa sangkatauhan. Gusto nila ang makitang naghihirap/natatakot ang mga tao. "Feortus kerubim lebues," usal ng usal si Aimie ng dasal ngunit tila wala talaga itong nagagawa sa tindi ng kaluluwang kalaban niya. Nagitla siya ng magawang hawakan ni Maria ang kaniyang leeg! Tila nagbabago din ang hitsura nito, mula sa pagiging madugo at laslas na leeg nito ay unti-unti itong nagiging demonyo. Tinubuan ito ng sungay at buntot at saka humalakhak ng tawa. "Hindi mo ako kaya!" galit na wika ng nilalang. Unti-unting nababasa ni Aimie ang kaugnayan ni Maria kay Rachel. Noon pa man ay marunong na si Maria sa black magic, kung kaya'y bago pa man malagutan ng hininga si Maria ay sinumpa niya ang buong angkan ni Bong at ni Artemio na lahat ng magiging lahi na manggagaling sa kanila sa mga susunod na henerasyon ay sasapitin ang karumal-dumal na krimeng kinahinatnan ng babae. Muli siyang magbabalik upang maningil sa pagsapit ng dise-otso anyos ng mga ito. Iyon ang ibig sabihin ng "El Regroso de Maria" ang pagbabalik ni Maria, kapag binanggit mo ang mga katagang ito ay matatagpuan mo ang iyong sarili kaharap ang babae. Ginawa ito ni Maria sa harap ng tukador. Pinaniniwalaan na noong unang panahon na kapag ikaw ay may huling habilin sa kung sinuman ay ibulong mo ito sa salamin para matupad ang lahat ng ito. Ito rin ang ginagamit ng mga mangkukulam kung sila'y may susumpain. Nalaman rin niya na si Mr. Morales at Artemio ay iisa. Nakipagkasundo siya sa kaluluwa ni Maria dahil sa sunod sunod na pagpapakita sa kaniya, kung kaya'y nakunsensya ito at natakot para sa kaniyang pamilya. Nangako siya na siya ang maghahanap ng babae sa angkan ni Bong kapalit ng kalayaan ng kaniyang pamilya sa sumpa. Kasabay ng mga impormasyon na nalaman ni Aimie ay ang unti unting pagkapos ng hininga nito. Unti-unting nagdilim ang kaniyang paningin hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng hininga. Kinaumagahan, punong puno ng mga pulis at mga usisero ang bahay ni Rachel. Kitang kita nila ang sinapit ng kaawa awang babae. Ang leeg nito ay halos humiwalay sa ulo at at ang ibang bahagi ng katawan ay nagkalat sa buong kabahayan. Sunog na sunog rin ito, samantalang ang kaniyang kaibigan ay nakita di kalayuan kung saan nakalagay ang itaas na bahagi ng katawan ni Rachel kaharap ng tukador, nakabigti ito at walang buhay. Lingid sa kaalaman ng lahat ang tunay na nangyari kung kaya ay kaagad sinarado ng pulisya ang kaso ng dalawa. Walang ibang nakikitang salarin sa nangyaring krimen kundi ang kaibigan ni Rachel na si Aimie. Ayon sa lumabas na autopsy report, matapos patayin nito ang kaniyang kaibigan ay nagbigti ito. MAKALIPAS ng ilang taon. "Happy Birthday to you. Happy Birthday to you," kanta ng isa sa mga kaibigan ni Yenyen sa kaniyang Debut party. Masayang lumapit na isang estranghero na nakikisaya sa party, nakapang-americano ito. "Saglit lang mga bebe ha, " pagpapaalam ng dalaga sa kaniyang mga kaibigan. "Maligayang kaarawan, ako si Artemio at kaibigan ako ng daddy mo. Gusto ko sanang ibigay sa iyo ang napakaespesyal na regalo na para sa isang napakagandang babaeng katulad mo." ngumiti ito at pinakita ang tukador na may nakasulat na Maria. Habang tinititigan nito ay nabasa niya ang nakasulat doon "El de Maria? Hm. Para saan kaya? Maraming salamat-" napansin niyang nawala ang lalaking kausap niya at pagharap niya sa tukador ay iba na ang kaniyang kasuotan , at ang kaninang tugtugan ay napalitan ng nakabibinging ungol. *WAKAS*


 
 
 

Commentaires


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page