FOR YOUR EYES ONLY (One Shot Story)
![](https://static.wixstatic.com/media/cb2b58_a73524f8e3fa4aab8aea947073df4e8b.jpg/v1/fill/w_701,h_960,al_c,q_85,enc_auto/cb2b58_a73524f8e3fa4aab8aea947073df4e8b.jpg)
"If the living are haunted by the dead, then the dead are haunted by their own mistakes." * * * "Aaaaaaaahhhhhhhh!!!" Isang malakas na sigaw na nagmumula sa kwarto nang pinsan kong si Jazz, ang pumukaw sa mahimbing na pagkakatulog namin ni Lola Guada. "Ano 'yon Leng?" Tila na alimpungatan pang tanung ni Lola sa'kin. "Hindi ko po alam La." Agad akong napabalikwas sa higaan at dali-daling tumayo para puntahan ang kabilang kwarto kung saan nagmumula ang sigaw. "Lola, maiwan po muna kita ha, sisiyasatin ko lang sandali kung ano ang nangyari kay Jazzmine." Hindi pa man ako nakakarating sa bungad ng pintuan, muli na namang nagpakawala ng isang malakas na sigaw ang aking pinsan. "Aaaaaaaahhhh!!" Walang kapigil-pigil na binuksan ko ang nakasaradong pinto at dali-daling pinuntahan si Jazzmine na halos isiksik na ang sarili sa sulok ng kwarto ng maabutan ko. "Couz! Bakit ka sumisigaw ha?" Nag-aalala kong tanung sa kanya. Nag palinga-linga ako sa paligid dahil baka may nakapasok na magnanakaw o ano man. Napansin ko na tila wala ito sa sariling huwesyo at nangangatog pa sa takot habang tinititigan ang kanyang higaan. Dahil do'n, tinawag ko si Margaret na pinsan naming isa, para mautusan siyang kumuha ng isang basong tubig sa kusina. Dali-dali namang pumanik si Margaret at kumuha ng tubig na maiinom. "Celine oh." Sabay abot ng tubig sa'kin. "Couz, inumin mo na muna ito at nang mahimasmasan ka." Nanginginig pang kinuha ni Jazz ang baso at ininom ng paunti-unti ang laman nito. "Ano ba ang nangyari sa'yo? Bakit ka napapasigaw?" "M-may nakita akong babae na katabi kong nakahiga sa kama. P-putol ang dalawang kamay at paa niya. S-unog din ang kalahati ng kanyang mukha." Nauutal na tugon niya sa aking tanung. "Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Baka exists vision lang 'yon. Diba nga, last week ka lang naoperahan sa mata for Eye Transplant?" "Sigurado ako sa nakita ko Couz. Hindi ako maaaring magkamali." "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo eh. Simula no'ng bumalik ang paningin mo, nakahiligan mo na namang magbasa ng magbasa ng mga nakakatakot na katha ng hindi man lang nagdadasal bago matulog. Hayan tuloy kung ano-ano na naman ang nakikita mo." Hinapuhap ko pa ang kanyang likod para maibsan ang nararamdaman niyang takot. "Nakakatakot siya. Sobrang nakakapanlumong tingnan ang itsura ng babaeng iyon." Pansin kong nangilid ang luha sa mga mata nang pinsan ko. Ipinatong pa niya ang baba sa mga tuhod at pinagsalikop ang mga braso dito. "Tama na 'yan Couz. Ang mabuti pa'y doon ka na lang muna matulog sa kwarto namin ni Lola." Pagkatapos kong masabi ang mga salitang iyon, inalalayan namin siya ni Margaret para makatayo. Inakay ko siya patungo sa kwarto namin at doon pinaupo sa kama ko. "Iha, ayos ka lang ba?" Tanung ni Lola Guada kay Jazz. Walang sagot na binitawan ang pinsan ko, bagkus nilapitan niya si Lola at niyakap. At doon, sa mga bisig ni Lola Guada pinakawalan niya ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata. "Ano ba ang nakita mo kanina?" Muling tanung ni Lola sa kanya. "Lola, pwede bang huwag na muna nating pag usapan ang bagay na 'yon? Hanggang ngayon kasi, labis-labis pa rin ang takot na nararamdaman ko." Saad ni Jazz. Gusto ko pa sanang ako na lang mag kwento kay Lola, kaya lang umiling ito sa akin hudyat na huwag ko nang ituloy. "Oh siya, Jazzmine. Pumanik ka na ro'n sa higaan ng pinsan mo at nang makatulog na tayong muli." "Opo." Tipid na sagot ng pinsan ko. Hinagkan muna niya si Lola sa noo, bago ito tumungo sa kama. "Magdasal na muna tayo Couz bago matulog." Wika ko sa kanya. Pumayag naman si Jazz sa sinabi ko. Maya-maya, quarter to 3:00 naramdaman kong nagising si Jazz, ngunit pinabayaan ko na lang dahil baka bumigat lang ang pantog niya at kailangan niyang magbanyo. Hindi muna ako bumalik sa pagtulog para mabantayan ko siya. Bumangon mula sa pagkakahiga si Insan. Medyo madilim ang kabuuan ng kwarto dahil nakapatay ang lampshade. Akma na sana siyang hahakbang para tumungo sa kaharap na banyo, nang may kung ano na namang kababalaghan siyang nasaksihan dahilan para muli siyang mapasigaw. Dahil sa nangyari, sinindihan ko ka agad ang Lampshade para lumiwanag ang paligid. Nakita ko si Jazzmine na nakanganga at tila nakapako sa kanyang kinatatayuan. "Jazz! Ano na naman ba ang nakikita mo ha?" Natakot na rin ako sa mga inasal ng pinsan ko. Si Lola Guada ay nagising muli sa idunulot na sigaw ni Jazzmine. "Jazz! Ano ba." Niyugyog ko siya dahil nanatili pa rin itong nakanganga. "Sampalin mo ang pinsan mo Leng!" Tugon ni Lola sa akin. Ginawa ko nga ang sinabi niya. Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Jazzmine. Dahil sa aking ginawa, saka pa lamang bumalik sa ulirat niya ang pinsan ko. Hindi na kami bumalik sa pagtulog. Nawala na kasi ang antok ko dahil sa mga kaganapan. Ang ginawa ko na lang ay nagtimpla ako ng tatlong tasang kape at ibinigay 'yon kina Jazz at Lola Guada. "Couz, ano na naman ang nakita mo kanina at bakit 'yon na lamang kalakas ang sigaw mo? What's worst is, nakanganga kapa." Ikinwento niya sa amin ni Lola ang kanyang nakita. Halos mapako daw siya sa kinatatayuan kanina ng masilayan ang anyo ng Ama. Nakatayo raw ito sa bungad ng nakabukas na pintuan ng kwarto. Ang liwanag ay tama lang upang makita niya ang itsura ng mukha nito. Nakangisi raw at tila mapanukso ang tawa habang nakadiin sa kanang sentido ang hawak na baril. Sumulyap pa raw ito sa kanya bago nagbaril sa sarili. Nawala agad ang aparisyon nito ngunit hindi ang dugong nakita niyang pumuslit mula sa ulo ng kanyang Ama. Pagkatapus ang pangyayaring nasaksihan, isang anino ang nakita niyang tila humiwalay sa katawan nito. Hindi niya raw napigil ang sarili, at 'yon ang dahilan kung bakit muli na naman siyang napasigaw. Mag tatatlong taon ng patay si Tito Ricardo. Wala si Jazz no'ng mangyari ang ginawang pagkitil sa sarili nitong buhay. Hindi na sinabi sa kanya ni Tita Zenaida ang totoong nangyari dahil baka raw hindi matanggap ni Jazzmine ang kapalaran ng Ama. Magpahanggang ngayon wala itong nalalaman. Pero bakit ngayon, heto at nagkaroon siya ng pangitain ukol sa nangyari kay Tito Ricardo? At ang mga sinabi niya sa'min kung pa'no niya itong nakitang magbaril sa sarili, ay saktong-sakto sa totoong detalye sa mga pangyayari sa nakaraan. Mabilis lumipas ang mga oras. Napasulyap ako sa wall clock na nakasabit malapit sa bintana ng kwarto. Alas singko na pala ng umaga. Kahit pa sabihing hindi na kami nakatulog, wala na akong maramdamang antok dahil sa nangyari kagabi. Napansin kong nakahiga pa sa kama si Jazzmine. Nilapitan ko siya at tinabihan. "Couz, okay ka lang ba?" Tanung ko sa kanya. Tumango lamang siya at hindi nagsalita. "Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang ha." Bumunot siya ng isang malalim na buntong hininga bago magsalita. "Couz, pwede mo ba akong samahan mamaya sa doktor?" Tila walang kabuhay-buhay niyang tugon sa akin. "Sige. Wala naman akong gagawin eh, kaya pwede kitang samahan." Isang matipid na ngiti ang iginanti niya sa naging sagot ko sa tanung niya. Umalis kami ni Jazzmine mga bandang alas otso. Pagkarating namin sa ospital, agad naming tinungo ang klinik ng Doktor na siyang nag opera sa kanya. Labis kaming nahiwagaan dahil pagpunta namin sa klinik niya, iba na ang nakadistino rito. Ipinagtanung namin ang pangalang Dr. Simon sa nurse, ang sabi niya wala raw ganung pangalan sa ospital na 'yon. Saglit nawala sa isipan namin ang tungkol sa bagay na iyon, nang magtanung ang naka destinong doktor kung ano ang aming ipinunta rito. Agad namang isinalaysay ng pinsan ko ang pakay namin kasabay na rin ang lahat ng mga nangyari. Ayon sa doktor, normal lang daw iyon sa mga taong nakaranas ng Eye Transplant. Sadyang nag a-adjust pa raw ang vision ng mata sa mga bagay na masasakop nito. Wala raw kaming dapat na ipangamba dahil unti-unti namang babalik sa correct eyesight ang paningin ni Jazzmine. Basta raw, palagi niyang isuot ang salamin na pinagawa nila para sa kanya. Dahil sa aming narinig, pareho kaming nabunutan ng tinik sa dibdib ni Jazz. Baka nga talagang exists vision lang ang mga kaganapan kagabi. Simula do'n sa sinabi niyang babae na nakatabi niya, hanggang sa pangitain patungkol kay Tito Ricardo. "Couz, C.R muna tayo bago umuwi." Yaya ko sa kanya. "Ikaw na lang Couz. Hintayin na lang kita rito sa bench." "Oh sige. Saglit lang ako." -Third person's POV- Nakaupo ang dalaga sa bench at naghihintay sa pagbalik ni Celine, ng bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Pakiramdan niya ngayon, ang bawat taong nakikita niyang pumaparo't-parito ay naglalakad ng pa slow motion. Kasama na dito ang isang batang babae na sa tantiya niya, nasa edad sampu. Habang nagdidilim ang paningin, ay nakita pa niya ang pagtayo ng bata sa gitna ng kalsada. Itinaas nito ang dalawang kamay habang nakatingin sa isang paparating na ten-wheeler truck. Naririnig pa ni Jazzmine ang malakas na pagtawa ng bata at ang paghamon nito sa paparating na truck na sasagasa sa kanya. "Bata! Umalis ka diyan. Mahahagip ka ng truck na paparating kapag hindi ka umalis sa kinatatatayuan mo! Bata!" Sigaw ni Jazz. Pagkita ng dalaga na papalapit na ang truck, kahit pa nahihilo ay dali-dali syang tumayo para sana'y iligtas ang bata. Nabigla na lamang si Jazzmine nang maramdaman ang mga kamay na humila sa kanya papalayo sa kalsada. Kasabay no'n, isang humaharorot na sasakyan ang dumaan sa harapan ng dalaga. "Couz! Ano bang nangyayari sayo ha? Anong ginagawa mo? Mabuti na lamang at naging alerto ako kaya nahila kita agad, kung hindi baka nagkalat na ang utak mo rito sa kalsada. Ano bang pumasok dyan sa kukuti mo at tinangka mo pa talagang tumawid ng hindi man lang tinitingnan kung may paparating na sasakyan? For Gods sake Couz, Are u trying to kill yourself?" "No, Couz! It's not what you think. May nakita kasi akong bata na bigla na lamang tumayo sa gitna ng kalsada at hinihintay na sa sagasaan siya no'ng ten-wheeler truck, kaya inisip ko na tulungan siya." "Ano? Wala akong batang nakita buhat no'ng makabalik ako galing C.R! Sarili mo lang ang tinutukoy mo Couz! Ikaw yung muntik ng masagasaan!" "No! Meron talaga. Nakabestida pa nga syang puti at naka doll shoes. Ung buhok nya naka ponytail pa." "And you expect me to believed you after that incident?" "What are you trying to say, Couz? Na gawa-gawa ko lang ang mga sinasabi ko sayo ngayon?" (Back to Celine's POV) Wala akong sinagot sa tanung ni Jazzmine. Bigla kasing uminit ang ulo ko sa kanya. Paano kung nasagasaan siya ng paparating na sasakyan na iyon? Anong sasabihin ko kay Tita Zenaida? Nanatili kaming hindi nag-iimikan hanggang makauwi ng bahay. Dahil sa mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon, ibinaba ko na lamang ang pride ko para makapag usap kami ng matino. "Couz, tungkol sa nangyari kanina," hindi ko pa natatapos ang gusto kong sabihin sa kanya, ng bigla siyang sumingit. "Couz, nababaliw na ba ako?" Napakunot-noo ako dahil sa tanung niya. "Ano bang klaseng tanung 'yan?" "Pwede bang, sagutin mo na lang ang tinatanung ko?" "Gusto mo nang totoong sagot?" Tumango siya. Agad ko siyang nilapitan at siniyasat ang bawat bahagi ng kanyang katawan. "Hmm, hindi ka naman naglalaway. Yung mga mata mo, hindi naman nakatirik. Kaya sa tingin ko, hindi ka nababaliw. Yung kaninang ginawa mo sa kalsada, 'yon ang nakakabaliw." "Eh bakit ako lang ang nakakakita sa mga bagay na kahit sabihin ko sa inyo ng paulit-ulit, hirap pa rin kayong paniwalaan ako?" "Mahirap naman talagang paniwalaan 'yang mga aparisyon mo Couz eh. Ikaw lang ang nakakakita ng mga nakikita mo. Kami, hindi!" "Sa tingin mo ba talaga, exist visions lang ang mga ito?" "Narinig mo naman ang sinabi ng doktor kanina diba? Normal lang daw 'yan sa mga katulad mong nag undergo ng Eye Transplant." "Sa tingin mo? Eh panu kong iba na pala ito, at hindi basta visions lang? Paano kung may iba talagang nangyayari sa'kin?" "Anong ibig mong sabihin?" Biglang natagalan sa pag-iisip ang dalagang si Jazzmine. "May kilala kabang Paranormal Investigator?" Nagtaka ako sa sinabi ni Jazzmine sa'kin. Dahil do'n, muli kong inulit ang kanyang mga sinambit. "Whoa! Nasa ganung level ka na Couz? Hindi ka ba naniniwala sa sinabi nong doktor mo?" "Tsk! Iba kasi Couz eh. Parang may mali sa'kin. Pero, hindi ko alam kung ano 'yon." "Alam mo kung anong mali sa'yo? Yun ay ang mag-enjoy sa buhay. Alam mo kasi, simula no'ng dumating ka rito sa lugar namin, iisang beses pa lang tayong nakapunta sa Mall. Pa'no kaya kung, sumaglit tayo ngayon do'n." Nakangiti kung yaya sa kanya. "Ayoko. Ma bo-bore lang naman ako do'n. Tsaka, parang gusto kong matulog. Ang aga kasi nating nagising kanina eh." "Nagtaka ka pa. Oh siya sige, magpahinga ka na lang muna. Para nang sa ganun, hindi kung ano-ano ang nakikita mo." "Thank's Couz." Tinungo ni Jazzmine ang kanyang kwarto. Mag-aalas onse pa lang naman ng umaga, pero kahit ako inaantok na rin. Gusto ko rin sanang bumalik sa pagtulog, kaso naudlot ang pag-iisip ko nang ganun ng biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Jazz. Bakit niya natanong kung may kakilala akong Paranormal Investigator? May nararamdaman kaya siyang malala sa katawan niya? Pinagtagni-tagni ko ang lahat ng mga naging kaganapan kagabi at ang kanina. Sa tuwing may mga aparisyon na nangyayari kay Jazz, napupuna ko kaagad sa kanyang mga mata ang kislap ng pagkabalisang nararamdaman. 'Yong babaeng nakita niya, hanggang sa kay Tito Ricardo at kanina yung sa bata naman. Paano kung may naninirahan dito sa bahay na hindi namin kauri? Paano kung si Jazzmine ang napili nilang paglaruan? Siguro nga tama si Jazz. Baka kailangan talaga namin ng Paranormal Investigators. Infact, hindi namin alam ang history nitong bahay buhat no'ng mabili ito nina Lola Guada, sa murang halaga. Tama! Baka haunted ang bahay na 'to, kaya nagkakaganun si Jazzmine. Dahil sa aking mga naiisip, napagdesisyunan kong tawagan si Kuya Jake. Siya lang naman kasi ang kakilala kong nabibilang sa isang Paranormal Club. -Third Person's POV- Nasa kwarto si Jazzmine at mahimbing na natutulog ng may biglang lumagapak sa sahig. Walang kaalam-alam ang dalaga sa mga nangyayari. Sa kanyang paggising, halos lumuwa ang kanyang mga mata sa nakita. Nakatali ang dalawang paa nito, at may mga bakas pa ng kalmot na tila gawa ng matutulis na kuko. Agad niyang kinalas ang pagkabuhol-buhol ng tali sa kanyang paa, at dali-daling tumayo para sana'y tumakbo palabas. Basta na lamang siyang napasigaw ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. NAPAKARAMING DUGO ang tumatagas sa parehong mga mata niya. Dahil sa nakita, napatakbo siya palabas ng kwarto at agad hinanap si Celine. "Celine! Celine!" Sa paraan ng kanyang pagtawag sa pinsan, animo'y bibitayin na siya sa grabeng pag atungal. Sinabayan pa niya ito ng paghagolgol. Dali-dali namang lumabas si Celine na kasalukuyang nasa kusina at kumakain. "Bakit? Bakit?" Natatarantang tanung ng kanyang pinsan. "Couz, tumawag ka na ng Albularyo o di kaya'y 'yong binanggit kong Paranormal Investigators. Hindi ko na kaya 'tong mga nangyayari sa'kin. Pakiramdam ko, mamamatay ako sa tuwing inaatake ako ng mga pangitain ito. Tulungan mo 'ko Couz. Mababaliw na talaga ako kapag nagpatuloy pa 'to." Mangiyak-ngiyak ng dalaga. "Oh, sige-sige tumahan ka na. Gagawan natin ng paraan ang mga nangyayari sa'yo. Kinontak ko na si Kuya Jake kanina lang. Isa siyang psychic. Pero mamayang gabi pa ang dating niya rito sa bahay, dahil may klase pa 'yon. Ikinuwento ko na rin ang mga nangyari, kaya alam na raw niya ang kanyang gagawin sa mga ganitong sitwasyon." Napasubsok na lamang si Jazzmine sa dibdib ng kanyang pinsan at doon mas itinudo pa ang pag-iyak. (Back to Celine's POV) Kinagabihan, mag-aalas nuebe na nang makarating si Kuya Jake sa bahay. Dala niya ang kanyang kotse. Traffic daw, kaya siya natagalan. Ako lamang ang sumalubong sa kanya sa gate. Nasa bungad pa lamang kami ng pintuan ng bahay, nang agad siyang mapatigil sa paglalakad. Inilabas niya ang isang itim na bagay sa kanyang bulsa na hugis bilugang tatsulok, at itinapat ito sa taong bumukas ng pintuan. Nagkatinginan sina Jazz at Kuya Jake, nang biglang trumiply ang paggalaw ng bagay na tinatawag nilang pendulum. "Iba ito sa inaasahan ko, Celine." Pagkuwa'y nasabi na lang ni Kuya Jake sa'kin. "B-bakit po? Haunted ba ang bahay na 'to kuya?" Tanung ko sa kanya. "Hindi ang bahay na 'to. Kung hindi, ang mismong nakikitira sa poder ninyo." "Hindi ko po kayo maintindihan. Pumasok na kaya muna tayo sa loob, Kuya." Pumasok kami sa loob ng bahay at pinaupo ko ka agad sa sofa si Kuya Jake. Ipinakilala ko rin siya kay Jazzmine. Nagkamay ang dalawa. Sa pagdampi ng kamay ni Kuya Jake sa kamay ni Jazz, doon at pumasok na ang iba't-ibang pangitain sa kanya. Agad binitiwan ni Jazz ang pagkakahawak sa kamay ni Kuya Jake, kaya saka pa lang ito bumalik sa ulirat niya. "Okay lang po ba kayo, Sir?" Tanung ni Jazzmine. "Celine, may basement ba ang bahay na 'to?" Pagkuwa'y tanung rin ni Kuya Jake sa'kin. "M-meron po Kuya." "Pwede bang puntahan natin ngayon 'yon? May kailangan lang akong makita na magpapatunay na tama nga ang hinala ko." "Sige po." Tinungo naming tatlo ang basement. Sa tagal na naming nakatira rito, ngayon pa lang ako makakapasok sa basement. Kung ano ang mga nandoon, hindi ko alam. Pagkarating namin sa pinto, agad kung pinihit ang doorknob nito. Kung ganun, matagal na rin pala itong hindi nailock ng may-ari mula no'ng bininta niya ito kina Lola. Unang pumasok si Kuya Jake, kasunod ay si Jazz at ako ang nasa hulihan. Hindi na gumagana ang ilaw dito, kaya madilim ang paligid. Sapat na liwanag lang ang naibibigay ng Emergency Light sa aming daraanan. Agad naming pinaghahalungkat ang mga nakatambak na mga gamit na nandoon. May pinapahanap kasing manika si Kuya Jake sa'min. Para madali naming makita, naghiwa-hiwalay kaming tatlo. Sa sobrang paghahanap sa manikang 'yon, isang mamahaling ataul ang natagpuan namin sa basement na yari sa salamin at bronze. May nakaukit din na disenyo sa tagiliran niyon na gamit ang nagkikislapang hiyas. Pansin kong titig na titig sa Jazz dito. Nababanaag ko rin sa kanyang mukha ang isang ngiti, habang hinahapuhap ang bawat bahagi ng ataul na 'yon. "Ganito ang pangarap kong maging himlayan kapag namatay ako." Bigla na lang nasaad ni Jazzmine. Nagulat ako sa kanyang mga sinabi. "Hoy Couz! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Creepy na nga masiyado dahil sa kabaong na 'yan, dinadagdagan mo pa." "Kailangang maging handa tayo sa buhay. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa'tin sa susunod na mga araw." "Ayan ka na naman sa mga matalinhaga mong mga salita Couz eh! Maya-maya niyan, kung ano na naman ang makita mo. Ang mabuti pa, puntahan na lang natin si Kuya Jake. Halika ka na." Wala naman akong nakitang pagtutol sa mukha ni Jazz. Agad naman siyang pumayag sa sinabi ko. Nauna akong maglakad sa kanya, kaya ang buong akala ko nakasunod siya sa likuran ko. "Oh Kuya, nakita mo na ba ang manikang hinahanap natin?" "Wala rito. Pero hindi ako pwedeng magkamali, Celine. Neresearch ko ang history ng bahay na 'to, tiyak na sa haba ng panahong hindi ito natirhan nandito pa rin 'yon." "Ano po bang meron sa manikang iyon?" "Ikukwento ko mamaya sa'yo. Pero ngayon kailangan na muna nating lumabas dito." "Sige po." "Teka, nasaan si Jazzmine?" "Huh? Kasunod ko lang po siya kanina ah." MAYA-MAYA... -Third person's POV- Nagising ang dalagang si Jazzmine dahil sa amonia na pinapasinghot sa kanya. Pagmulat ng kanyang mga mata, nasa loob na siya ng kanyang kwarto at binabantayan na ni Celine. "Thank God nagkamalay ka na rin sa wakas. Ano bang nangyari sa'yo do'n sa basement?" Akma na sanang ibubuka ni Jazzmine ang kanyang bibig para sumagot, subalit hindi na ito natuloy dahil biglang sumingit si Celine. "Sandali lang Couz, tatawagin ko muna si Kuya Jake. Ipapaalam ko sa kaniya na nagising ka na." Patakbong tinungo ni Celine ang pintuan. Naiwan niya itong bukas. Maya-maya, habang naghihintay sa pinsan, nagulat si Jazz dahil may apat na mga kalalakihan na nakasuot ng itim na suit ang pumasok sa kanyang kwarto, at bigla-bigla na lang syang binuhat ng mga ito. Ang sumunod na pangyayari ang ikinagimbal ng husto ni Jazzmine. Isinilid siya ng mga kalalakihang ito sa ataul na kaparehas ng nakita nila kanina. Nagsala-salabat na ang kanyang pangitain habang nasa loob ng kabaong 'yon. Mga eksenang halos magpabaliw sa kanyang matinong isipan. Takot, kilabot, panginginig at panlalamig ng katawan ang kanyang nadama. Nilunod pa ng katahimikan ang ginawa niyang pagsigaw. Ngumiti ang isang lalaki pero sapat na ang bahagyang pagbuka ng bibig niya para magkandahulog ang mga uod na kumikiwal-kiwal pa na nagbagsakan sa mukha ng dalaga, na higit na ikinasindak nito. May bumuhat sa kabaong na kinahihigaan niya. Mga lalaki naman ngayon na pawang nakasuot ng puting pamburol. Nagitla siya ng dumilim na ang paligid at wala na siyang makitang katiting na liwanag. Sumigaw ang dalaga hanggang sa halos mamaos at mawalan na ito ng boses. Noon nakadinig na siya ng papalapit na mga yabag. Sumindi ang ilaw. Bigla ring nagliwanag ang paligid. Nakita niya ang pinsang si Celine na nagulat rin pagkakita sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo riyan? Bakit ka nakahiga sa kabaong?" tanong niya habang napapaantanda. Napahagolgol na sa iyak si Jazzmine habang tinutulangan siyang makalabas sa ataul na iyon. "Kanina ka pa namin hinahanap. Akala ko nakasunod ka sa'kin, 'yon pala hindi." "Palala na ng palala ang mga nangyayari sa'kin Couz. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang mamatay." "Huwag mo ngang sabihin 'yan. Andito pa naman kami para tulungan ka." Lumapit si Jake sa dalawa, at sinabi ang tungkol sa ni-research nito pati na rin ang dahilan sa paghahanap nila sa manika. "Celine, Jazz may dapat kayong malaman," bumunot muna ng isang buntong hininga si Jake bago sinimulan ang sasabihin. "Kanina, habang nasa labas pa lang nang bahay niyo, ramdam ko na ang isang nakakapanghilakbot na prisensiya. Hindi ito nagmumula sa bahay na 'to, kundi sa iyo mismo Jazz." "A-anong ibig mong sabihin?" Nangangatog na tanung ni Jazz kay Jake. "Isang bahagi o sabihin na nating parte ng nagmumultong bagay ang nasa sa'yo. Parteng, ikinabit sa katawan mo. Matanong kita, nagkaroon ba ng pagkakataon sa buhay mo na masalinan ka ng dugo, or either a transplant? Meron bang ganun?" Nanlaki ang mga mata ni Celine. "Oh my God! Last week, nag undergo ng Eye Transplant si Jazz. Kuya, huwag mong sabihin na..." "Kung ano ang nasa isip mo Celine, 'yon na 'yon. Hindi ko alam kung umabot na sa kaalaman niyo ang balita tungkol sa Manikang nagkakaedad. Na sa paglipas ng panahon, ang mga parte ng kanyang katawan ay tumatanda rin na katulad ng sa tao. The face was rotted and wrinkled. And the doll looked like it once had been alived. Agad itong inilapit sa paranormal investigators ng dating nagmamay-ari nito. Ayon sa ginawang pagsiyasat ng mga P.I, may espiritong namamahay sa naturang manika at wala raw itong balak na umalis. Nang malaman ito ng may-ari, agad niya itong itinago sa basement ng kanilang bahay. Lumipas ang napakaraming taon na iba-iba na ang nagmamay-ari ng bahay kung saan nakalagay ang manika. Hanggang sa ito, si Lola Guada na ang nakabili." "Kung totoo nga 'yang sinasabi mo Kuya, sino naman ang makakaisip na buhay ang mga mata ng manika at pwede itong gawing replacemement, para sa bulag na mga mata?" "Ako mga apo!" Sabay-sabay silang tatlong lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. "Lola?" Ani Celine. (Back to Celine's POV) Agad lumapit si Lola Guada kay Jazzmine. Dahan-dahan siyang napaluhod, habang umiiyak. "Patawarin mo 'ko, Apo. Hindi ko gustong maranasan mo ang mga ganitong kababalaghan. Naaawa na kasi ako sa Mama mo kaya ko ito nagawa. Dati ko ng alam na may manikang nagkakaedad, kaya ko binili itong bahay dahil ayon sa dating nag mamay-ari nito, may sariling buhay daw ang manikang nasa basement. Dahil sa kagustuhan kong matulungan si Naida, nagbakasakali ako na baka pwede akong matulungan ng espiritong nasa manika. Nawawalan na kasi ng pag asa ang Mama mo na makakita kapa, dahil walang ni kahit isang donor na lumapit sa para makatulong. Hinangad ko lang naman ang makakita ka apo, hindi ko naman inakala na paglalaruan ka ng mga pangitaing iyon dahil sa mga mata niyang ipinahiram sa'yo. Sana'y mapatawad mo 'ko Apo." Yayakapin sana ni Lola Guada si Jazz, kaya lang mabilis nitong iniwas ang sarili. "Hindi! Hindi totoo 'yan Lola! Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Napahagolgol na si Jazz dahil sa mga narinig. Walang binitiwang salita si Lola Guada. "Bakit Lola?" Tumakbo si Jazz palabas ng bahay. "Couz!" Tawag ko sa kanya. Pareho namin siyang hinabol ni Kuya Jake. "Jazzmine bumalik ka rito!" Kuya Jake. "Hindi! Pabayaan niyo na ako! Gusto ko nang mamatay!" Agad kinuha ni Jazzmine ang nakaharang na malaking gunting na ginagamit sa damuhan, at itinutok iyon sa kanyang mga mata. "Couz! kung ano man ang binabalak mong gawin, huwag mong ituloy! Matakot ka sa diyos!" "Hindi! Kung si Lola nga nagawa niya ito sa sarili niyang apo, bakit ako hindi pwede? Masiyado na akong nahihirapan! Unti-unti na akong pinapatay ng mga pangitain, dahil sa kagagawan ni Lola! Kaya mas mabuti pang wakasan ko na lang ang buhay ko nang hindi ko na maranasan pa ang mga bagay na 'to!" Mas itinutok pa ni Jazz ang gunting sa kanyang mga mata. Hindi namin inaasahan ang sumunod na pangyayari. Biglang umihip ang napakalakas na hangin na halos itulak kami papalayo kay Jazz. Napasigaw na lamang ako sa aking nasaksihan. Mula sa kinatatayuan ni Jazzmine, kitang-kita ko ang pagbalolon ng hose sa mga paa nito na sa sobrang higpit ng pagkatali ay natumba ng padapa ang pinsan ko. Matapos bumulagta ni Jazz, saka namang tumigil ang pag-ihip ng hangin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya. Halos maduwal ako sa aking nakita. Tumusok sa mga mata ni Jazzmine ang dalawang matutulis na bahagi ng gunting na hawak niya. Napaluhod na lang ako at humagolgol sa pag-iyak. "Apoooooo!!!" Narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Lola mula sa bungad ng pintuan. 'Yon na rin ang kahuli-hulihang pagkakataon, na narinig ko ang boses niya. Mula kasi sa pintuang kanyang kinatatayuan, bigla na lang din siyang bumulagta. Dinala agad namin si Lola sa ospital. Pero dead on arrival na siya ng makarating do'n. Kasabay inilibing nina Jazzmine at Lola Guada ang mga sekreto ng pamilya. Kung saan na napunta ang manikang iyon, hindi namin alam. Umalis kami matapos ang lahat ng mga nangyari. Ibinenta na rin namin ang bahay sa mas murang halaga. Sana nga lang, hindi na muling manggambala pa ang kaluluwa ng Manika sa bagong nagmamay-ari ng bahay. May anak pa naman silang BULAG! -WAKAS-