top of page

LARO NG KAMATAYAN (One Shot Story)


" Kaninong kahon ito? " Tanong ko sa' king kaibigang si Brent ng kunin ko ang bagay na' yon sa ilalim ng kanyang malaking lumang aparador. Nahulog kasi ang sampung piso ko at gumulong ito papunta ro' n, kung kaya ng kapain ko ay ang may kalumaang itim na kahon ang nakapa ko. " Hindi ko alam Yve. Alam mo namang dalawang taon palang kami naninirahan dito sa lugar n' yo. " Sagot ni Brent sa' kin na nakaharap lang sa computer at nagreresearch para sa' ming takdang-aralin at project na binigay ng guro namin. Pareho kaming senior high, tahimik at mabait sa klase. Isali na ang pagkakapit-bahay namin, kung kaya mabilis pa sa alas-kwatro ang pagiging magkaibigan naming dalawa. Pinagmasdan ko ang kabuuan n' yon na hawak-hawak ko ngayon, pinagpagan narin dahil sa mga alikabok na kumapit. Siguro matagal na panahon itong namalagi sa ilalim ng aparador kung kaya ganito ang hitsura nito. Matapos kung pagpapagan ang naturang kahon ay may nakaukit na letrang sa ibabaw no' n na hindi ko maintindihan. " H' Wag mong buksan! " Isang boses ang bumulong saking teynga. Bigla akong napalingun kay Brent, baka nasa likod ko siya. Pero nasa computer parin siya nakaharap. Ipinagbawalang bahala ko nalang ' yon, baka hangin lang na dumaan. " Yve, tulungan mo nga ako dito. " Tawag sakin ni Brent kaya tumayo ako at binitbit ang kahon pabalik sa kinaruonan niya. Pasalampak akong umupo sa kanyang malambot na kama at sinimulang buksan ang kahon. Isang malamig na hangin ang agad na sumalubong sa' kin ng tumambad ang nasa loob. Isang board game ang laman! Napangiti ako, mahilig ako sa mga ganitong laro lalo na sa scrabble. Agad ko itong kinuha sa loob ng kahon at nakangiting pinagmasdan ang kabuuan no' n. Halatang sa sinauna pang panahon ayon narin sa disensyo, ngunit mukha pang bago. May nakaukit pang letrang ' laruin mo ako '. Mabilis kong tinawag si Brent na maglaro kaming dalawa ng tuluyan kong ilapag ang board game sa kama. Hindi ko maintindihan kong anong klaseng laro ito pero sa nakita kong betu-beto na nakasiksik sa tabi nito ay alam kong para itong larong snake and ladder. " Ano yan? " Takang tanong ni Brent sakin ng makalapit siya at sandaling itinigil ang kanyang ginawa. " Board game, malamang! Kita mo namang may isang betu-beto akong hawak diba. " Kangiting sagot ko sa kanya. " Parang iba ang pakiramdam ko sa laruang yan, Yve. Itago mo nalang yan at ibalik sa pinagkunan mo. " Napaikot ang mata ko sa sinabi niya sa' kin. Kalalaking tao at mukhang matatakutin. Hindi ko siya pinansin. Bagamat ay pinilit ko pa siya na maglaro kami at sa mga pagpilit ko ay napapayag ko siya. Kaya humarap na kaming dalawa sa board game na may numero uno hanggang 66. Ang ibang numero ay may mga guhit na taong namatay sa iba' t ibang gamit na matutulis. At ang pinakahuling numerong 66 ay may isang babaeng mahaba ang buhok na nakaharap samin, pikit ang mata, tila buhay na buhay tingnan. Bahagya pa akong napasinghap ng mapansin kong gumalaw ang kanyang buhok, o sadyang namamalikmata lang ako. " Kung ako' y iyong lalaruin, kahit anong mangyari' y huwag kang tumigil. Abutin mo ang paborito kong numero, bago ako' y magmulat ng mata at magising. - Laro ng Kamatayan. " Kasabay ng pagbasa ko ay isang malamig na hangin ang biglang pumainlang sa paligid. ' Di ko tuloy mapigilang panayuan ng balahibo sa sandaling ito. Naisipan kong ' di nalang ituloy ang laro ng biglang nahulog ang beto-betu na hawak ko. Kapwa kami natigilang dalawa ni Brent ng lima ang itinihaya ng betu-beto ko. Kusang gumalaw ang munting batang nakadikit sa numero uno at naglakad ng limang hakbang. Para kaming natuod sa' ming nakita na naglakad iyon. At sa numerong kanyang pinagtigilan ay walang ibang nakaguhit na ano. Nang si Brent naman ang naghulog ng betu-beto niya. Numero 3 ang itinihaya no' n at kusang naglakad ang kanyang bata ng tatlong hakbang. Humantong ito sa guhit na maraming karayom ang nakapalibot sa katawan ng numero. Kapwa kami napalunok ng laway ng biglang umihip ang malakas na hangin kasabay ang pagsigaw ni Brent ng malakas. Napatda ako saking nakita ng may mga karayom ang tumusok sa kanyang mukha. Napasigaw ako sa takot at napatingin sa bata ni Brent na nasa board game, Dumudugo rin ito. Gusto ko sanang tumakbo patungong pintuan ng parang may pwersang hangin ang pumigil sakin. " Arghh! Tulung! " Malakas na hiyaw ni Brent na tinutusok ang kanyang mukha ng mga karayom na parang may sariling isip. Napaiyak ako at gusto ko ng matigil ito ng maalala ko ang nakasaad sa board game. ' Wag tumigil kahit anong mangyari! ' Nagsimula na akong mangatog sa takot ng ihulog ko ulit ang betu-beto, numero 8 ang itinihaya. Humakbang ulit ang bata ng walong hakbang at sa pagkagulat ko isang lagari ang nakaguhit do' n. " Arggh! " Napahiyaw ako ng may lumagari sa' king paa. Ang sakit! para akong mamatay sa subrang sakit. ' Di ko mapigilang humiyaw ng malakas ng makita kong malapit ng maputol ang paa ko. " B-brent, ihulog mo na rin sayo! ang sakit! " Pakiusap ko kay Brent na may tuhog ng karayom na ang mga mukha. Umayaw siya pero biglang uminog ang kamang pinag-upuan namin at namatay-sindi ang ilaw. Tumakbo siya patungong pintuan pero may humila sa kanya na dumudugong kamay at pinabalik sa pag-upo. Wala siyang nagawa kundi ang ihulog ang kanyang betu-beto. Hindi ko na alam kung anong numero ang lumabas sa dais niya o betu-beto. Basta narinig ko na lang siya na sumigaw ng malakas. Napatingin ako sa gawi niya, gayon nalang ang pagkagimbal ko ng makitang pinuputol ng kutsilyo ang mga daliri niya sa kamay at paa. Hindi ko na mapigilang humagulhol sa pagkakataong ito at sumigaw na tama na, hindi na kami maglalaro! Pero mas lalong lumakas ang ihip ng hangin at may humampas sakin na isang malakas na bagay. Nahulog ako sa kama at bumagsak sa sahig. Naramdaman kong namasa ang noo ko, kinapa ko ito. Dugo! Umiiyak akong gumapang patungong pintuan ng may humila sakin at pabalya akong ibinalik sa kama. " Maglaro kayo! " Parang nasa hukay na narinig ko ang galit na boses na iyon. Wala akong magawa kundi ihagis ang dais, numero 6 sa pagkakataon ito. Walang guhit, kahit papaano nakaramdam ako ng kasiyahan. Sinulyapan ko si Brent, umiiyak siya ng makitang putol na ang kanyang mga daliri. Dumadaloy dito ang maraming dugo. Pero hinagis parin niya ang sa kanya. numero 6 din ang lumabas. Napatingin ako sa numerong pinagtigilan ng kanyang bata. Nanlaki ang aking mata at napasigaw ng subrang lakas ng biglang may humataw sa kaibigan ko at nabiyak ang kanyang ulo. Nagkalat ang kanyang dugo pati utak sa kamang pinag-upuan namin. At dilat ang kanyang matang nakatingin sakin. " Aahhh! Hindi! " Para akong mabaliw saking nakita. Sigaw ako ng sigaw na sana'y panaginip lang ang lahat ng mga to. Iyak ako ng iyak ng matigilan ako sandali saking nakita. Bukas na ang mata ng babae na nasa numero 66! Napaatras ako at mabilis na gumapang pababa ng kama. Luhaan at nagsisi na sana' y hindi ko pinakialaman ang bagay na iyon. Sa pagkakataranta kong gumapang ay natisod ang aking kamay kaya nahulog ako. Wala na akong sinayang na oras, putol na aking dalawang paa pero pinilit kong makarating ng pintuan. Lumingon pa ako sa board game at gayon nalang ang gulat ko ng makita kong marahang lumabas ang ulo ng isang babaeng mahaba ang buhok ro 'n. Pula ang nanlilisik niyang mata na nakatingin sakin. hindi ko makayanan ang tagpong ito kaya mabilis kong pinihit ang seradura upang makalabas. Hindi ko ininda ang sakit at dugong kumawala saking putol na mga paa. " Tulong! " Malakas na sigaw ko. Nagbabakasakaling marinig ako ng ina ni Brent ng mabuksan ko na ang pintuan. " Ang sabi ko' y maglaro! " Biglang akong hinila ng babaeng hanggang sahig ang haba ng buhok. Napaiyak ako sa sakit ng ibinalya niya ako sa gilid ng kama. Nakita ko siyang marahang lumapit sakin at hinawakan sa magkabilang balikat na parang pinipiga ang katawan ko sa higpit ng pagkakahawak niya. Hindiii!! " Tuluyang nilamon ng kawalan ang aking boses ng hinila niya ako papasok sa loob ng boardgame na aming nilalaro ni Brent. Pagtingin ko saking paligid, nakita ko ang mga kabataan na namatay sa iba' t ibang paraan. Nakita ko rin si Brent na biyak ang ulong nagkahandusay. At ang pinakahuli, ang katawan ko ay may tadtad ng mga pako. " Aaahhh! ! ! " Ang lakas ng tiling pinakawalan ko hanggang sa maramdaman kong pinukpok ng malaking maso ang aking ulo. Kasabay no' n ay bumulwak ang napakarami kong dugo at lumuwa ang aking mata na nakasabit ang katawan ngayon sa numero 6. " Ang sabi ko kasi' y huwag tumigil sa paglaro! " Iyon lang ang huling narinig ko at tuluyan na akong nawalan ng hininga. Alam kong hindi pa rito magtatapos ang lahat ng misteryo ng larung ito. Marami pa siyang bibiktimahing kabataan at isasabit niya sa bawat numero. Ikaw, pakiusap, kung makita mo ito, iwasan mo ang laro ng kamatayan. - wakas -


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic

FOLLOW US

  • Facebook Classic
  • YouTube Social  Icon
  • Google+ Social Icon
  • Blogger - White Circle

© 2015 by Daryl Morales (UHS Creator)

bottom of page